FUJI TAKA POV
KUMUNOT ang noo niya nang makita si Yazmin na dahan-dahan lumalapit sa gawi niya. Patay malisya pinagpatuloy na lamang niya ang pag tingin sa hawak niya iPad habang nakaupo sa salas.
Narinig niya tumikhim nang malakas ang dalaga pero hindi man niya ito tinapunan ng tingin. Nais niya ito ang unang magsalita tutal ito naman ang una lumapit sa kaniya.
"Ahmm, gusto ko sana mag-sorry." Wika nito dahilan upang tignan niya ang dalaga.
Bahagya nakayuko ang ulo nito, ngunit kitang kita pa rin niya ang maamong mukha nito na bumabagay sa mahaba at nakalugay nito buhok. Huminga siya nang malalim.
"Sorry for everything. Sorry sana mapatawad mo ako. Please huwag ka magalit sa'kin." Dugtong pa nito.
Tumaas ang sulok ng labi niya. "What makes you think na madadaan mo 'ko sa sorry?" Tanong niya sa dalaga na tila kinabigla nito ang pagtanong niya ng ganon.
"Ah, Eh, kasi..." Tila nag iisip ito nang sasabihin pero ang maamo nito mukha sa isang iglap ay nawala napalitan ng mataray na mukha. "Ayaw mo ng sorry? So, anong gusto mo sabihin ko? Ako na nga ito nagpakumbaba, kasalanan ko ba kung hindi ka agad nagpakilala? Kung nagpakilala ka sana sakin, e 'di sana hindi ko iisipin gurang ang ASAWA ko! At saka, may tanong ako sa'yo...nagkita na tayo sa Japan, bakit hindi mo sinabi sa'kin kung sino ka! Pinaniwala mo ako na gurang ka! You fooled me! Dapat ikaw itong mag-sorry sa'kin!" Nanggagalaiting bulyaw ni Yazmin sa kaniya.
Napatawa siya kasabay ang pagtayo niya.
Wah! Women!
"Wow! Nabaligtad mo agad. Ako na ang kailangan mag-sorry ngayon. That's really weird. You are weird!" Paasik na wika niya at tinalikuran ang dalaga upang magtungo sa kwarto niya katabi ng kwarto nito.
"H-Hoy! Nag sorry ako dapat lang naman na mag-sorry ka rin para quits!"
"Whatever!"
"Fine! kung ayaw mo e 'di 'wag! Binabawi ko na rin ang sorry ko. Mukha nito 'kala mo Mr. Universe ang itsura."
"What did you say?" Napahinto siya sa kalagitnaan ng hagdan dahil hindi niya na gets ang sinabi nito.
"Wala! Ba't ka pala....don't tell me dito ka na rin titira?"
Napatitig siya kay Yazmin. Halata sa mukha nito ang pagtataka. Sa katunayan, wala talaga sa plano niya ang mag-stay nang matagal sa bahay na nilaan niya para sa dalaga subalit dahil sa mga nangyari at sa katigasan ng ulo nito mukhang kailangan niya obserbahan ang kilos nito.
"I don't see anything wrong, if I stay here, as far as I know, it's my house too." Iyon lang ang sinabi niya saka niya tinapunan nang matalim na tingin ang dalaga at tuluyan nang pumasok sa kwarto niya.
Napapailing na lamang siya. Hindi niya kasalanan kung nag isip ito nang iba tungkol sa kaniya. Wala naman kasi talaga siya plano magpakita o magpakilala sa dalaga dahil sa marriage for convenience lang naman ang kasal nila.
Hindi lang talaga niya maipaliwanag dahil buhat nang makita niya ito sa Black Club ay parang nag iba ang plano niya. Kaya ito siya ngayon, sinusubok ang pasensya niya na matagal na niya hindi ginagamit.
Habang nag iisip, saka naman tumunog ang cellphone niya. Si Mr. Hong. Isang big time chinese businessman dito sa Pilipinas.
"Yes, Mr. Hong?" Magalang na sagot niya ng tawag.
"I heard you are here. When will I receive my items?"
"At the end of the month, Mr. Hong. Shipment price will be sent to your secretary."
"Good. Good. Do you have any other items?"
"Other items? Like what?" Takang tanong niya. Mga slot machine at imported na black sports air guns ang items na kinuha ni Mr. Hong sa kaniya.
Narinig niya ang matinis na pagtawa nito. Sumimangot siya, hindi niya nagustuhan ang pagtawa nito, masakit sa tenga.
"You know, what I mean, Mr. Taka. Women. Beautiful women." Natatawang sambit ni Mr. Hong.
Napailing siya at ngumisi. "Oh, I see. Women. Unfortunately, Mr. Hong, I don't sell women."
"Tsk! Too bad, Mr. Taka. Women will be good items in your business. Don't you like women? Yakuza men loves séx, Am I right?"
Tumikwas ang sulok ng labi niya sa narinig.
Hindi na bago sa pandinig niya ang gano'n klase ng biro. Kabila-kabilaan naman talaga ang mga babae ng mga miyembro ng Yakuza subalit iba ang angkan nila sa ibang Yakuza Clan.
Pagak na tumawa siya. "I won't disagree with what you said but I don't include women in my business. My staff will email you about the shipment time also. Have a good day, Mr. Hong." Hindi na niya inantay pa na sumagot si Mr. Hong dahil tinapos na niya ang tawag.
Masyadong demanding si Mr. Hong subalit isa ito sa mga malalakas na client nila. Malaking kawalan ito sa negosyo nila kaya kahit may attitude ang hilaw na intsik na iyon ay pinag titiisan na lamang niya.
Mayamaya nakatanggap siya ng isang text galing kay Zeki. Isang kaibigan. Mabilis na nagpalit siya ng damit at dali-daling lumabas ng kuwarto. Sakto naman na paglabas niya sa pinto ng kwarto ay siya rin pagbungad ni Yazmin sa harapan niya.
Nagtama ang kanilang mga noo kasabay ang pagtumba nila pareho. Napaigik ito sa sakit habang siya ay malakas na napamura. Fúck! Daig pa niya nauntog sa pader sa tigas ng noo nito.
"What the hell--!"
Nawala ang balak niya sabihin nang nakita niya nakatingin si Yazmin sa baril na nasa sahig. Nahulog pala niya iyon, isusok pa lang sana niya iyon sa likuran ng pantalon niya nang makaumpugan sila ng dalaga.
"Ba't may dala kang baril?" Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya at sabay sulyap sa baril.
Napabuga siya ng hangin. Hinimas muna niya ang noo saka walang pag alinlangan dinampot ang nahulog na baril saka nilagay sa likuran niya.
"Para saan ang baril? Ba't may baril ka? Saan ka pupunta?" Sunod sunod na tanong ni Yazmin.
Hindi niya pinansin ang dalaga bagkus nilagpasan niya lang ito at madaling bumaba sa hagdan.
"Sabi ko, saan ka pupunta? Ano ba 'to, kailangan pa ba mag sign languange para makausap ka?" Naiinis na sabi ni Yazmin.
Lumingon siya rito, sinundan pala siya ng dalaga hanggang sa salas.
"Don't do anything stupid, Yaz. I'll go ahead." Iyon lang ang nasabi niya sa dalaga saka sumakay sa kotse niya at umalis.
Habang nagda-drive, tinawagan niya si Mon.
"Lahat ng kilos niya sabihin mo sa'kin agad, limitahan mo ang pag labas niya."
"Yes, Master Taka."
Uunahin muna niya ang mga dapat niya unahin saka na niya iisipin kung ano ang susunod na gagawin niya kay Yazmin.