9

1057 Words
TAKA POV LOS ANGELES, CALIFORNIA "BALITA ko kasal ka na?" Napalingon siya sa katabi niya na si Sacha White. "Yeah, so?" walang ganang sagot niya. Nang akma tatalikod na siya upang sumakay sa kotse niya ay muli nagsalita si Sacha. "Ang weird lang, kasal na," nasa boses nito ang pang aasar. Anyway, sanay naman siya kay Sacha. Galing siya isang maayos na business deal sa asawa ni Sacha White. At dahil, tapos na ang lahat ng transactions niya kailangan na niya umalis. Nagkibit balikat na lamang siya at saka diretso sumakay ng kotse. Kailangan na niya umuwi ng Pilipinas, maybe oras na rin para makilala at magpakilala sa 'asawa' niya. Mayamaya ay nag-ring ang phone niya. Ang kaniyang Ama ang tumatawag. "Dō yo?" (How's it goin'?) bungad ng kaniya Ama sa kabilang linya. "Everything went well." Tugon niya. Patukoy sa naging transactions niya. "Sugoi desu ne!" (That's great!") "Arigatō. Firipin ni kaeranakereba narimasen." (Thank you. I need to go back to the Philippines) Magalang na wika niya sa Ama. "Wakatta. Hayaku okusan ni atte mago o unde kudasai." (Okay. You meet your wife and give me a grandson as soon as possible) What? A grandson? "Kodomo o umu ni wa haya sugiru nodeshou ka?" (Is it too early to have a child?) Gulat na tanong niya sa Ama niya. Ni hindi pumasok sa isip niya ang magkaroon ng asawa, anak pa kaya? Kinailangan lang naman niya magpakasal dahil iyon ang inutos sa kaniya. "Okusan o ninshin sa sero!" (Get your wife pregnant!) Malakas na sabi ng kaniya Ama kasabay pagbaba ng tawag. Naiwan siyang nakatameme at hindi malaman ano ba talaga ang plano ng Ama niya sa kaniya. Umiling iling siya. Bahala na. Uunahin muna niya ang pansariling kagustuhan, kasalukuyan, tinatayo niya ang isang japanese restaurant sa Pilipinas at malapit na iyon magbukas. Nais niya personal niya maasikaso ang restaurant niya. "Let's go." Utos niya sa mga tauhan at saka umalis na sila. ****** MANILA, PHILIPPINES ISANG malalim na paghinga ang ginawa niya habang nakatunghay sa dalagang nakahilata sa kama, sa sobrang kalasingan nito, basta na lamang ito natumba sa kakasayaw sa gitna ng dance floor sa loob ng black club. Tumaas ang kilay niya, pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Nakatitig pa rin siya sa kaniyang batang 'asawa' na ngayon ay himbing na himbing na ang tulog. Ilan taon na rin ng huli niya itong makita sa Osaka. Hindi niya lubos akalain na ang mukhang nene at inosente noon ay uusbong na parang isang bulaklak. Parang rosas sa ganda subalit pag hinawakan mo ay may tinik na tila tutusok sa'yo dahil sa katigasan ng ulo nito. Napabuga siya ng hangin at iniwanan na nito sa kuwarto. Bukas na lamang niya haharapin ang dalaga pagkagising nito. Napapailing pa rin siya sa ginawa ni Yazmin. Kung hindi niya ito nakita, tiyak na sasama ito sa ibang lalaki at balak makipagtalík? What the? Hindi siya papayag. No one will touch his wife. No one. "Touch my wife, I'll touch your life." Naiinis na bulong niya habang naiisip pa rin ang nangyari. Walang sino man lalaki ang pwede lumapit sa asawa niya unless kung magpapakamàtay na ito. Willing siya magbigay ng free bullets. Kinaumagahan, kinuha niya kay Mon ang susi ng kotse ni Yazmin. Kailangan niya makausap ito at magkaroon sila ng kasunduan. Subalit, nang makita niya ang dalaga daig pa niya ang na bato balani sa simpleng ganda nito. Magpapakilala na sana siya ngunit pinutol nito ang balak niya sabihin. Naging makulit at madaldal na naman ito. Isa pa naman 'yon sa ayaw niya ugali ng isang babae. Pinagmasdan niya mabuti si Yazmin, alam niya nasa kolehiyo na ito nag aaral at may pasok ito ngayon araw. Ibang-iba na ito, may hubog na ang katawan nito at kapansin-pansin ang angkin ganda. Tila magnet sa ganda na hahatakin ang atensyon niya subalit imbes puriin niya ito na agaw ang pansin niya ng suot nito. Papasok ito ng school ng gano'n ang porma. Masyadong maikli ang palda nito. "Papasok ka ng gan'yan ang suot?" "Why? I look so gorgeous in this. I love my outfit. Ang ganda ko 'di ba?" Nakuha pa nitong magpa-cute sa harap niya na parang bata. Huminga siya nang malalim. Nang makasakay na sila sa kotse at ihahatid na muna niya ito sa pinapasukan nito school. Mamaya na niya siguro ito kakausapin pag nakauwi na. Ilan minuto pa habang nasa byahe, 'di niya maiwasan uminit ang ulo dahil sa walang tigil ang bibig ni Yazmin sa pagsasalita. Idagdag pa na panay banggit nito ng kung ano-ano dahil sa maling akala nito. Akala kasi nito ay matandang uugod-ugod na siya at akala rin nito ay kabit o kerida lamang. As if naman may ibang asawa siya bukod rito. Umikot ang mga mata niya at hindi niya napigilan mapasigaw. Nabulyawan niya ng wala sa oras ang dalaga. Kailangan niya siguro i-work out ang pasensya niya lalo pa't ganito kakulit ang asawa niya. Ayaw niya maubusan ng pasensya kaya pinilit niya ikalma ang sarili. "We're here..." Wika niya pagkahinto sa mismo gate ng school nito. "I don't like you! You are fired!" Malakas na sigaw ni Yazmin sa kaniya pagkababa nito ng kotse kasabay ang padabog na pagsara nito ng pinto. Napahawak siya sa noo niya sabay iling. Fired? Inisip talaga nito na bagong driver siya? Tsk! What a woman! Nagpunta muna siya sa bagong tayo niya restaurant, sakto naman nakita niya roon ang kakilala niya na si Twix na may kasama cute na babae at himala hindi na blue ang kulay ng buhok nito. Nang matapos siya sa pag aasikaso sa restaurant. Tumawag siya kay Mon upang alamin kung ano oras ang out ni Yazmin sa school, nalaman niya hapon ang labas nito kaya naman bago pa lang mag alas tres ng hapon ay nasa labas na siya ng school. Hanggang sa pumatak na ng alas tres at lumagpas na wala pa rin ni anino ni Yazmin, kaya naman tinawagan niya ito. "Who's this?" maarteng sagot nito. Umingos siya. "Where are you?" "Huwag mo na ako sunduin. May important matters lang ako pupuntahan, okay? Bye!" mabilis na sabi ni Yazmin sabay binaba ang tawag. Napatitig pa siya sa hawak na cellphone. Did she hang up on me? Darn! Nag dial siya agad ng number at may tinawagan hanggang sa nalaman niya kung nasaan ang dalaga. Birch Tower Condo Hotel...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD