YAZMIN POV
MALAKAS na padyak ang ginawa niya sa sobrang inis kay Lee or Fuji Taka or Asawa niya. Whatever! Argh!
"Don't do stupid things? Duh! Tatanga tanga ba ako sa paningin niya? God!" Pinag-krus niya ang mga braso kasabay bagsak ang sarili sa mahabang sofa.
Anong klaseng Asawa ang hindi man lang nagpapaalam ng maayos pag aalis? At bakit kailangan pa nito magbitbit ng baril? For what? Napabuntong hininga siya. Kung tutuusin, wala naman talaga siya alam na kahit ano tungkol sa 'Asawa' niya bukod sa pangalan nito.
Hindi niya alam kung anong trabaho nito? Kung anong ginagawa nito sa buhay? Argh!
Tumaas ang kilay niya.
"Kung wala ito interest sa'kin, pwes! ako rin!"
madiin niya sabi sa sarili saka mabilis napatayo at kinuha ang kaniyang sling bag.
Aalis siya.
Sa isang Mall siya nagpunta at pumasok sa isang jewellry shop. Hindi siya mahilig sa mga alahas pero sobra siya nagandahan sa isang set of jewellry na naka-display.
Magalang siya nilapitan ng isang staff at tinanong siya.
"Hi, Ma'am. Any caught your interest? We do have promo that you might take advantage, a buy one get one promo." Wika ng isang babaeng staff at iginiya siya patungo sa mga earing section na maraming designs.
Ngunit mas gusto niya talaga 'yon naka-display na jewellry set. Wala lang parang ang ganda lang. Blue and gold ang kulay ng jewelry set.
"I want the jewellry set 'yon naka-display," sabay turo niya sa direksiyon kung nasaan ang jewellry set.
Maluwag na ngumiti ang babaeng staff sa kaniya.
"That's our latest design, Ma'am. Rich dark blue with gold jewellery will look wonderful to you," puri ng babaeng staff at saka kinuha ang jewellry set na nais niya.
Titig na titig siya sa alahas. Hindi niya ma-imagine na masusuot niya ang ganoon kagandang alahas, bagay na bagay 'yon sa kaniya.
"Kukunin ko 'to." Diretsong wika niya at tumingin sa babaeng staff. Desidido na siya. Wala nang urungan pa.
"Regular price for this is 11,850 dollars, Ma'am." Nakangiti pa rin ang babae sa kaniya.
US dollar? Seryoso? 11,850? So, magkano 'yon sa pesos? Ah, bahala na. Go for the gold!!
Abot tengang ngumiti siya.
"I'll take that." Kinuha niya ang master card sa bag niya at walang pagdadalawang isip na binigay sa babaeng staff.
Habang nag aantay siya, patuloy pa siya nagmasid sa ibang mga alahas hanggang sa naikot na niya lahat ng naka-display ay hindi pa rin bumabalik ang babaeng staff. Akma na sana siya lalapit sa counter upang magtanong dahil nakakaramdam na siya ng something...something off, nang bumalik na ang babaeng staff na may kasama rin isa pang staff.
"Uhm, is there any problem? kanina pa kasi--"
"There is, Miss. Unfortunately, we cannot sell the jewellry to you." Sagot ng bagong staff na kasama ng babae.
Medyo mataray ang pagkakasabi nito kaya napakunot noo siya.
"May I ask why?" Tumaas na ang isang kilay niya. Hindi niya gusto ang bagong dating na staff, pasmado ang bibig.
"This card--" Ungot uli ng babae sabay taas ng card niya. "did you steal this card?"
"What?! Of course not! Sa asawa ko 'yan." Mabilis niya sagot.
Umiling-iling ang babae sa harap niya at tumaas ang sulok ng labi nito. Kitang-kita niya rin na pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
Aba't ! Mahadera 'to!
"Kilala ng boss namin ang may ari ng card na 'to at imposible raw po may asawa na ang may ari nito card." Paliwanag na singit ng babaeng staff na nag-assist sa kaniya kanina.
"Pasensya na kayo, ma'am. Kailangan po namin i-report 'to."
Doon na siya biglang natameme. Ano raw? Imposible may asawa ang may ari ng card na 'yon?
"I can explain this. Hindi ko ninakaw ang card na 'yan. I have proof na asawa ko ang may ari nyan!" Naiinis na wika niya.
"Do you have valid ID's?" tanong pa uli ng mahadera staff.
Napakagat labi siya dahil wala siya dalang valid ID sa bag niya. At saka, never naman siya nagpalit ng apelyido. Oo, kasal siya pero sa papel lang, maging kopya man lang ng marriage certificate wala siya. Ano ba 'to!
Marahan siya umiling. Narinig pa niya, mahinang pagtawa ng babae.
"I knew it. Sa police station ka na magpaliwanag."
Mamaya pa ay may dalawang security guard ang nag-escort sa kaniya palabas ng jewellry store at pagdating sa office ng Mall, saka naman dumating ang mga pulis, at wala siya nagawa ng posasan ang mga kamay niya.
Gusto niya maiyak sa nangyayari sa kaniya. Bakit parang nagmukha siya kawawa? Walang gustong maniwala sa paliwanag niya, kahit paulit ulit na niya sinasabi na asawa niya ang may ari ng card na gamit niya at hindi niya iyon ninakaw.
"Can I call my husband?" bigla niya singit sa mga pulis.
Nagkatinginan ang dalawa pulis sabay ngisi. "Sa presinto muna tawagan ang asawa mo!" wika ng Isang pulis kasabay ang malakas na tawagan.
Bagsak ang balikat na tumahimik na lamang siya. Bakit ba ayaw nila maniwala? dahil ba masyado pa siya bata para magka-asawa? Bakit ba ang malas naman niya ngayon araw?
Pagdating sa police station, nagbigay siya ng statement niya.
"Miss. Alam mo bang pwede ka makulong dahil sa ginawa mo? kaya kung ako, sa'yo...aminin mo na lang. Paano mo ninakaw ang card?" May diin na tanong ng pulis na nasa front desk.
Huminga siya nang malalim.
"Hindi ko ninakaw 'yan! Sa akin 'yan, dahil card 'yan ng asawa ko! Ba't ba ang kulit niyo?Ayaw niyo maniwala? May asawa ako at sa asawa ko ang card na 'yan!" Malakas na sagot niya dahil naiinis na talaga siya.
"Anong pangalan ng asawa mo, aber?" seryosong tanong ng pulis na humuli sa kaniya kanina.
"Fuji Taka." Mabilis na tugon niya.
"Ilan taon na ang asawa mo?"
Napatigil siya. "Hindi ko alam."
Narinig niya ang mahinang tawanan ng ilang pulis na nakikinig na naroon din sa police station.
"Kita mo na! Nagsisinungaling ka." Patuya sa kaniya ng pulis.
Napa-padyak siya sabay hawi ng ilan hibla ng buhok sa mukha niya.
"Sinabi nang 'di ako nagsisinungaling! Hindi ko lang talaga alam ang edad niya, basta mas matanda siya sa'kin!" Umismid pa siya.
"Oh sya, sya. Sige ganito na lang, tawagan mo ang asawa mo, papuntahin mo rito nang sa gayon mapatunayan natin kung nagsisinungaling ka nga ba o hindi. At sa oras na malaman namin na ikaw ay may sala, kailangan ka namin ikulong pansamantala hanggang sa makontak namin ang may ari ng card na ito. Maliwanag?" Mahabang linya ng pulis na nasa front desk.
Kaagad naman siya tumango. Kinuha niya ang cellphone at mabilis na tinawagan c Mon. Of course, si Mon ang tatawagan niya dahil wala naman siya numero ng 'Asawa' niya.
Nakailang ulit na siya ng dial subalit hindi nag-ri-ring ang cellphone ni Mon. Sinubukan niya ito itext ngunit walang reply. Bigla tuloy siya kinabahan at nagtaka. Bakit ganon? Lagi mabilis magreply si Mon sa kaniya at lagi niya ito natatawagan pero bakit ngayon? Argh! Buset!
Napalunok siya ng laway kasabay ang pag linga-linga sa paligid. Makukulong ba talaga siya? Iiyak na ba siya? Bakit kailangan umabot siya sa ganito sitwasyon?!