YAZMIN POV
NANGHIHINANG umupo siya sa malamig at maduming sahig ng selda sa police station. Tinakpan niya ang mukha gamit ang dalawang kamay para itago ang mga luha niya na walang tigil sa pagtulo. Pinagtawanan lamang siya ng mga pulis dahil hindi niya ma-contact ang 'Asawa' niya.
Bakit ba kasi wala si Mon? Ano bang mali niya? Bakit kailangan umabot siya rito sa kulungan?
"Nasaan ba kasi magulang mo? Sabihin mo na kasi kaysa mag imbento ka pa ng kung ano-ano," ani ng isang matabang pulis habang nakatingin sa kaniya.
Hindi siya kumibo, wala rin naman maniniwala.
"Sayang ang gandang bata mo pa naman," dugtong pa ng pulis saka tumawa nang nakakaloko.
Hindi pa rin siya kumibo hanggang sa naramdaman niya lumapit ang matabang pulis sa selda upang makita siya nang malapitan.
"Kung gusto mo, ihatid na lang kita sainyo? para 'di ka na magpapalipas ng gabi rito sa kulungan, ano gusto mo ba?" Pabulong na pang-aaya nang matabang pulis sa kaniya, halatang may binabalak ito dahil sa hilatsa ng mukha nito. Mukhang manyak.
Umusog siya palayo sa rehas. Nakaramdam siya ng kaunti takot para sa sarili, ano bang kaya niyang gawin kung sakali may balak talaga ito masama sa kaniya? Napalunok siya ng laway sabay punas ng luha. Maya maya ay naramdaman na lamang niya bumukas ang selda, napatungo siya, nanlaki ang mga mata niya nang pumasok ang matabang pulis sa selda. Hinaklit nito ang braso niya.
"Lika, sumunod ka sa'kin," madiin nito utos at pilit siya hinihila.
Nagpupumiglas siya. "Ano ba?!" malakas na wika niya. Grabe ang t***k ng puso niya sa takot.
"Tama na 'yan, Fernan!"
Parehas sila napalingon sa isang pulis na nakatayo sa labas ng selda.
"Tsk! Pambihira ka--" naputol na ang iba pang sasabihin nito nang may mabilis na kamao dumapo sa mukha nito, natumba ito at duguan ang ilong. "P*tang--"
Nanlaki ang mga mata niya habang nakatunghay sa lalaking sumuntok sa matabang pulis. "L-Lee..." mahinang bigkas niya, ewan niya kung narinig ng binata o hindi dahil tumingin ito sa kaniya. Medyo nakaramdam siya ng takot dahil sa matalim nito pagkakatitig sa kaniya.
Umawat naman ang isang pulis nang akma na naman susuntukin ni Lee ang matabang pulis. "S-Sir! Tama na--"
"Dare to touch my wife and you'll be sorry!" Nanggigigil na dinuro nito ang matabang pulis. Napaigtad siya nang mabilis siya nito hinila palabas ng selda, at muli lumingon ito sa matabang pulis. “You're going to pay for what you did." Pahabol na wika ni Lee kasabay ang mahigpit na hawak nito sa braso niya.
Nang makalabas na sila ng police station, pinasakay siya kaagad nito sa kotse.
"If stupidity was a crime, you would have been hanged to death by now!" Nasa mukha into ang sobrang frustration, parang sasabog na ito sa galit. Hindi niya tuloy alam kung ano ang mararamdaman niya. Bumalik sa loob ng police station si Lee at mga ilan minuto pa ay lumabas na rin ito at sumakay na rin sa kotse.
"S-Sorry," mahinang sambit niya. Pakiwari'y naging malaking abala pa siya rito.
Narinig niya ang buntong hininga ni Lee, kita niya rin ang mahigpit na pagkakahawak nito sa manibela at walang sabi pinaandar ang kotse. Tahimik at walang imik lang siya habang nakatingin sa bintana ng kotse, huminga siya nang malalim. Napahinto na lamang sila sa isang five star hotel na may nakasulat na Okada, kunot noo napabaling siya kay Lee. Tila wala ito balak na magsalita kaya naglakas loob na siya magtanong.
"H-Hindi ba tayo uuwi?" Kagat labing tanong niya. Ngunit imbes sumagot, bumaba ito ng kotse at binigay sa isang valet parking attendant ang susi ng kotse at diretso pumasok sa hotel. Nagulat naman siya kaya nagmamadaling bumaba na rin siya at sumunod dito.
Para tuloy siyang tutang nakasunod sa likuran nito habang palinga linga sa lobby ng hotel. Narinig pa niya magiliw na binabati ng mga hotel staff si Lee hanggang sa dumiretso ito sa elevator, lakad takbo naman ang gawa niya para lang makasunod sa binata. Sa isang VIP room sila pumasok.
Napaawang pa ang bibig niya dahil sa ganda ng kwarto at ang bango, amoy chocolate ang kwarto. Pagharap niya kay Lee, nakataas ang kilay nito at seryosong nakatitig sa kaniya, bigla tuloy umurong ang dila niya sa kaba.
"I’ll try being nicer, if you try being smarter." Malamig na wika nito sa kaniya.
Humaba ang nguso niya. "B-Bakit parang mali ako? Kasalanan ko ba pinagkamalan nila akong magnanakaw? Kasalanan ko ba hindi sila maniwala na asawa kita? Kasalanan ko ba kung wala akong alam na kahit ano sa'yo?! Cellphone number mo nga 'di ko alam, age at birthday pa kaya! Umay ka rin e'!" Malakas na sagot niya.
He sighed and shook his head. "You stay here, don't go out until I say so," seryosong utos nito. Palabas na sana ito ng VIP room nang pigilan niya ito sa kamay. Napatitig ito sa kamay niya na nakahawak rito saka tumingin sa kaniya.
Naiilang na ngumiti siya. "Gutom na ako. Iwanan mo ako ng pera." Daig pa niya batang nanghihingi ng baon sa magulang.
Naglabas ito ng master card at inabot sa kaniya, mabilis siya umiling. "No, ayoko na ng card mo. Nakaka-trauma!" tanggi niya.
"You can use the telephone and order some food, just don't leave." Iyon lang ang sinabi nito at iniwan na siya.
Ano pa nga ba ang gagawin niya, as if may iba siya choice.
Nagtungo siya sa kama at pabagsak na humiga. Napatulala na lamang siya. Huminga siya nang malalim. Paano na lang kung hindi dumating si Lee? Ano kaya ang nangyari sa kaniya? Siguro, pinagsamantalahan na siya ng manyak na pulis na 'yon tapos itatapon sa ilog ang katawan niya. Kinilabutan siya sa tumatakbo sa utak niya. Pasalamat na lang talaga dumating si Lee, pero paano kaya nito nalaman na nandoon siya? Nagkibit balikat na lang siya, tutal lagi naman nito nalalaman lahat ng ginagawa niya, wala nang bago.
Dumapa siya sa kama at niyakap ang isang malambot na unan. Humikab siya, kung kanina nagugutom siya, ngayon naman hinihila na siya ng antok. Marahil, napagod na ang isip niya dahil sa mga nangyari sa kaniya kaya hindi na niya namalayan nakatulog na pala siya.