8

1577 Words
YAZMIN POV "BAKIT nakabusangot ang mukha mo?" Dagli siya napalingon sa likuran niya. Nakita niya si Joshua Padilla, ang super pogi na Mr. University nila. Hindi lang ito pogi kun'di sikat din ito. Maraming followers ang binata sa mga social media account nito. Bigla siyang na-tense at inayos agad ang mga hibla ng buhok niya na tumabing sa mukha niya. "Ahm..H-Hi, J-Josh," mahinhin na bati niya sa binata sabay ipit ng buhok sa likod ng tenga niya. Grabe! Pinansin siya ni Joshua Padilla! Parang gusto niya tumili sa kilig lalo nang sumabay ito sa paglalakad niya. Patungo na siya sa first subject niya, hindi na baleng ma-late nakausap naman niya ang binata. "Hi, you are Yazmin, right?" "Uh-huh." Tumango-tango siya habang nakangiti. "Nice. You're really pretty. Ahm, by the way, may lakad ka ba later o may gagawin ka ba agad?" Napaisip siya. Oh My God! Bakit kaya tinatanong nito? Mabilis siyang umiling. "W-Wala. I'm free, why?" Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti niya sa labi. "Actually, I'm celebrating my first ever One million followers in my YT account and I'm inviting everyone to come sa Birch Tower Condo Hotel, I hope you can come and celebrate with us." Paliwanag nito sa kaniya. Kumislap ang mga mata niya sa tuwa. Party-party na naman. Wow! "Yeah, sure! I'm going." Hindi na siya nagdalawang isip pa, mabilis siyang pumayag. "Cool. That's super cool. I'll sure you, mag e-enjoy ka do'n, and there's a pool so, bring your best two piece. So, see you later?" "Uh-uhmm, see you later." "Bye, Yaz." Nag-wave na lang siya nang lumayo na si Joshua sa kaniya. Kaya naman, nagmadali na siya pumasok sa building at lakad takbo para makaabot pa sa first subject niya. After ng first subject niya, nalaman niya wala ang professor niya sa second at last subject niya. Kulang na lang mapatalon siya sa tuwa dahil maaga siya makakapag-prepare para sa celebration party ni Joshua Padilla. At dahil wala na siya klase, it means, wala pa siyang sundo. Ang alam kasi ni Mon, mamaya pa three o'clock ang out niya sa University. Ngumisi siya. Lumabas agad siya ng University at nagpunta siya sa pinaka malapit na Mall. Nagpa-manicure, pedicure at nagpa-hair and make up style pa muna siya. Then, bumili siya ng bagong damit at sexy black two piece. "I'm so excited!" Kinikilig na sabi niya. Habang nagsusukat siya ng damit ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Unknown number iyon. Kumunot ang noo niya at sinagot ang tawag. "Who's this?" "Where are you?" malakas na boses ang narinig niya sa kabilang linya. Napatitig siya sa cellphone niya. What the heck? Sino ba 'tong makapal ang mukha na sumisigaw sa kaniya?! Mayamaya ay bigla niya naisip ang new driver niya. Umingos siya. Napasulyap siya sa oras ng cellphone niya. It's past three o'clock na pala. "Huwag mo na ako sunduin. May important matters lang ako pupuntahan, okay? Bye!" Pinatay na agad niya ang tawag. Sinadya pa niya i-turn off ang phone para hindi mangulit sa kaniya. Kaagad na siya nagtungo sa Birch Tower Condo Hotel, nag-book muna siya ng isang room para makapag bihis pa siya muna. Isang black strapless mini dress hepburn style ang suot niya with matching black heels. Nagpaikot-ikot pa siya sa malaking salamin sa dingding ng room. Kitang-kita ang makinis at mapuputi niyang mga hita. Pak! Love it! Pagsapit ng alas sais ng gabi saka siya nagtungo sa penthouse ng hotel kung saan naroon ang event party ni Joshua Padilla. Marami na rin pala tao. May nag-alok agad sa kaniya ng food and drinks, pero busog pa siya. Nagpalinga-linga siya sa paligid hinahanap ng mga mata niya si Joshua Padilla. "Hey--" Dagli siya napalingon at napangiti nang makita si Joshua sa likuran niya. Inabutan siya nito ng isang bote ng light beer. "Thank you for coming, really appreciate it. You look awesome," may halong pag hanga ang pagkasabi nito. Namula ang pisngi niya. "Thank you rin sa pag invite." "No worries, come, ipapakilala kita sa ibang friends ko na vlogger." Natuwa siya narinig niya. At her age, sobra siya natutuwa gumawa ng mga videos at i-post sa social media. Kaya naman, masaya siya magkaroon ng mga online friends specialy mga vlogger katulad ni Joshua Padilla. Isa-isa siya pinakilala ni Joshua sa mga kakilala at kaibigan nito. Tuwang tuwa talaga siya, nakaka-overwhelm lalo na 'yon ibang vlogger na nandoon ay millions na ang mga followers. "You look pretty." "Wow! Your outfit is so hot." Puri ng mga ito sa kaniya. Kulang na lang lumobo ang dibdib niya sa tuwa dahil sa mga good vibes na papuri ng mga ito sa kaniya. Hanggang sa may nakita siya isang pamilyar na mukha na palapit sa kaniya. Nagpameywang ito sa harap niya. "Look who's here, cousin is that you?" maarteng tanong ni Sonia pagkalapit sa kaniya. Medyo nagulat siya dahil hindi niya inaasahan makikita roon ang pinsan niya. Hindi siya makakibo at lumingon sa iba na tila na curious din sa kanila ni Sonia. "Sonia, why are you here?" Si Joshua ang unang nagsalita at nakatingin sa pinsan niya. Matamis na ngumiti si Sonia. "Why? Hindi na ba ako allowed makipag celebrate rito? I thought we're still friend kahit break na tayo." Taas noo wika ni Sonia kay Joshua. Nagulat siya sa narinig. OMG! Ex ni Sonia si Joshua Padilla. "Dahil ba sa kaniya?" dugtong ni Sonia sabay turo sa kaniya. "Actually, she's my cousin and to tell you guys-- she's already married. Kasal na siya sa isang matandang japanese man, as in super tanda, right, Yazmin? nasa 80's na ba ang ASAWA mo or 90's na? Patay na ba ASAWA mo kaya ka allowed makipag-party party?" Pinagsiklop pa ni Sonia ang mga braso nito sa dibdib at nakataas ang kilay na nakatingin sa kaniya. Natameme siya dahil nilalakasan talaga nito ang salitang 'ASAWA' upang marinig ng mga nasa paligid nila. Hindi niya tuloy alam ang sasabihin, hindi naman kasi niya pinagkakalat na may asawa na siya at matandang hapon pa ang asawa niya. "Is it true Yazmin, may asawa ka na at matanda?" Tila sinusukat ni Joshua ang tingin nito sa kaniya habang nagtatanong. Napabuga siya ng hangin. Naiinis siya. Kung bakit naman kasi nakita niya rito si Sonia! "Y-Yes. Kasal na ako--" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil malakas na tumawa si Sonia habang ang iba naman ay napa 'Oh' nang umamin siya. Nakakuyom ang mga kamay niya. "See? I told you, guys. She's married." Wika ni Sonia sa lahat. Mariin siya napapikit at huminga nang malalim. "Uhm, no biggie. Kasal man o single are still welcome here, we're just celebrating and besides, she's invited." Wika ng isang kaibigan ni Joshua. Medyo nakahinga siya sa sinabi ng kaibigan ni Joshua, pero kapansin-pansin ang paglayo ni Joshua sa kaniya, marahil dahil sa nalaman nito kasal na siya. "Y-Yeah. So, what kung married na? Party-party lang naman 'to? Enjoy lang. No worries, Yazmin." Wika pa ng isa. Umasim naman ang mukha ni Sonia at mataray na humarap sa kaniya hanggang sa napasinghap ang ibang mga bisita at tila may sinusundan ang mga ito ng tingin. Napatingin siya sa entrance, kumunot ang noo niya nang makita ang isang pamilyar na bulto na naglalakad patungo sa pool side at palingon lingon, halatang may hinahanap hanggang lumingon ito sa gawi nila kung nasaan din siya. Napa 'Wow' si Sonia at ang ibang girls. May narinig pa siya nagsabi ng 'ang hot naman niya' at 'ang sarap naman this guy' Nalukot ang mukha niya nang tuluyan makalapit si Lee sa kaniya. Gano'n pa rin ang suot nito at nakatali pa rin ang buhok. "H-Hi, may hinahanap ka ba?" tanong ng isang bisitang babae roon kay Lee. Subalit hindi ito pinansin ng binata at dire-diretsong hinawakan siya sa braso. Nanlaki ang mga mata niya. "T-Teka--" "Let's go home!" maawtoridad na singhal nito. Aba't! napaka attitude talaga nito! Dapat dito inaalis sa trabaho e! "Uhm, excuse me, who are you?" tanong ni Joshua na lukot din ang mukha. "Yeah, who are you ba? ano ka ni Yazmin? Y'know, maraming pretty girls around here, single and so much available, si Yazmin kasi...kasal na 'yan..baka hindi mo alam," natatawang sambit ni Sonia. Obvious naman na binubuking siya nito para mapahiya. Umikot ang mga mata niya sa inis. Kung pwede lang manakal kanina pa siguro niya ginawa. "Can you stop, Sonia?!" naiinis na sabi niya sa pinsan. Nagpameywang ito. "What? Stop what? Totoo naman--" Pero hindi na siya nakahuma pa sa mga sinasabi ni Sonia nang walang pakundangan binuhat siya ni Lee. Pinasan siya nito sa balikat na tila isang sakong bigas lang. Nagpupumiglas siya sa labis na kahihiyan habang naglalakad na ito palabas ng penthhouse. Ngunit, biglang humarang sa harapan ni Lee si Joshua. "Hey! Saan mo siya dadalhin? Ano ka ba niya? She's my visitor and may responsibilidad ako sa safety ng mga bisita ko." Malakas na wika ni Joshua. "Move." Halatang may inis ang boses ni Lee. "No, buddy unless bibitawan mo si Yazmin." Matapang na sagot ni Joshua. "Ibaba mo sabi ako!" Singhal niya sabay hampas sa likuran nito. Nasisira ang outfit niya dahil sa pagpasan nito sa kaniya. Umingos si Lee at malakas na pinalo ang puwetan niya. Napasinghap siya sa gulat. What the heck-- did he spanked her? Gosh! "She's my WIFE. So, move aside before I invert your rib cage." Pananakot ni Lee kay Joshua na bakas mukha nito ang gulat at takot. Napaawang ang mga labi niya sa narinig. What Wife? Seriously?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD