TAKA POV
"MON is dead."
Iyon ang report na nakuha niya kay Rio. He clenched his jaw and fist.
Pinasok ang bahay na tinitirhan ni Yazmin kung saan naroon si Mon, mabuti na lang at wala doon ang dalaga.
"I know they are looking for me." Seryosong sabi niya
"You think so?" tugon ni Rio sa kabilang linya.
"Yazmin doesn't know anything about it." Nagkibit balikat siya.
Wala itong alam at wala ito kailangan malaman pa. Huwag lang nila subukan idamay ang dalaga dahil hindi siya mangingimi kûmitil.
"It is not safe for your wife to stay there, you have to bring her here in Osaka." Suhestiyon ni Rio.
May punto ito, the more na lumalapit siya sa dalaga, mas malaki ang posibilidad na madamay ito. Huminga siya nang malalim saka pinatay na ang tawag.
Sakto naman na nag-ring uli ang cellphone niya, Amex bank ang tumatawag, sinasabing may fraud activity sa isa sa mga black card niya. Nagtataka siya dahil first time niya makatanggap ng gano'n tawag sa Amex bank. Sino bang gagawa no'n sa kaniya?
Sinabi sa kaniya ang location at store na pinag gamitan 'daw' ng card niya.
"There's a young lady who claiming that she is your wife and..."
"And then what?" tanong niya sabay taas ng kilay.
Mukhang alam na niya kung sino ang tinutukoy ng mga ito.
"We suspend the card for further investigation, once we--"
"Stop! No need for that crap! That young lady is my wife. So, tell me where's my wife?" Naiinis na tanong niya sa kausap.
Binigyan siya ng telephone number ng mall at ng store dahil hindi na alam ng mga ito kung nasaan ang asawa. Pabagsak na binaba na lang niya ang tawag at gumamit na lamang ng GPS upang hanapin ang dalaga.
Mabilis naman niya natunton kung nasaan si Yazmin. Nasa isang police station ito, sakto naman na kaagad siya kinausap ng isang naka-duty na pulis.
Nagpakilala siya at sinabi niyang siya ang may ari ng credit card.
Napa "Ah" ang pulis at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Prenteng nakapamulsa lamang siya habang seryoso ang mukha. Bakit ba kung tignan siya ng ibang tao, parang may mali sa itsura niya?
"Good afternoon, Sir. May nag-report kasi tungkol sa credit card ninyo, may teenager na--"
"She's my wife." Kaagad niya putol sa sasabihin pa ng pulis. Tila natigalgal naman ito at lalo pa siya tinignan ng maigi.
Tumikhim ang pulis. "Kung 'di n'yo mamasamain, ilan taon na ho kayo, Sir?"
"31"
"Pilipino po?"
Bumuntong hininga siya. Mukha ba siya pinoy? Argh!
"Japanese."
Tumango-tango ang pulis. "Kung asawa niyo po 'yun dalaga, alam nyo ho ba ang edad niya?"
"Yes, she look like a minor but she's not, she's 18 now and she is my wife. Do you need certificate?" Naiinis pero pilit pa rin niya kinakalma ang boses.
Pilit na ngumit ang pulis sabay matigas na pag iling. "Pasensya na sir, nagtatanong lang ako, sige po, ilalabas na po--"
Isang impit na sigaw ang narinig nila. Ewan ba niya parang kabayong napatakbo siya sa pinanggalingan ng sigaw, kahit 'di niya nakikita, alam niya boses iyon ng dalaga.
Shít!
Sa isang maliit na selda, naabutan niya ang isang bansot at matabang pulis na pilit na hinihila ang dalaga. Uminit agad ang ulo niya sa nakita, sinunggaban niya ng suntok ang pulis. Kuyom ang kamao nagtaas baba ang paghinga dahil sa ngitngit na nararamdaman.
Muntikan pa niya makalimutan na nasa police station sila, dahil kung nasa ibang lugar lang sila, baka kanina pa butas ang ulo nito. Mabilis na inawat siya ng isang pulis na nakasunod sa kaniya. Hinawakan niya ang dalaga at hinila palabas.
Never hurt my wife without my permission.
sigaw niya sa isip.
Nagngingitngit ang kalooban niya.
"If stupidity was a crime, you would have been hanged to death by now!" malakas na pukol niya sa dalaga kasabay buntong hininga.
"S-Sorry." Mahina at malungkot na tugon lang ni Yazmin.
Hindi na lamang siya kumibo. Ewan ba niya parang nagsisi rin siya kaagad sa sinabi niya.
Sa isang hotel niya dinala ang dalaga, pansamantala. Kailangan niya muna makasiguro na ligtas ito habang inaalam pa niya kung sino ang may pakana sa pagpatay kay Mon.
Pagkahatid niya kay Yazmin sa hotel, kaagad din siya umalis. Sakto naman na nakatanggap siya ng tawag muna sa kaniya Ama.
"S-Sensei..." bungad niya.
"How's your wife, is she pregnant?"
Walang pasakalyeng tanong ng Ama niya. Kinabahan pa naman siya dahil sobrang bihira ito tumawag sa kaniya laging si Rio ang nagbibigay ng mensahe sa kaniya galing rito.
Napaismid siya. Pregnant? Paano naman niya mabubuntis ni halik nga 'di pa siya naka-score. Tsk! At saka, malabong pagnasaan niya ang dalaga.
Yeah, sobrang malabo.
"Ahm, not yet. I have so many things--"
"Make her pregnant as soon as possible."
"I have some--" hindi na niya natapos ang balak sabihin dahil nawala na ang Ama sa kabilang linya.
As if I would...
Napailing na lamang siya saka nagmadaling umalis na. Nakipagkita siya kay Twix sa Black Club, kailangan niya ng konting tulong mula sa kaibigan.
Nakita niya si Twix na tahimik na umiinom pangalawang palapag ng club malapit sa VIP area. Nilapitan niya ito at tinapik sa balikat.
"I need help." Bungad niya sa kaibigan.
Pinukol siya nang matalim na tingin ni Twix.
"Wala ka bang ibang friends? Mukha ba akong mabait sa paningin mo at laging ako na lang ang nilalapitan mo?"
Ngumisi siya. "Sorry. Wala." Nagkibit balikat siya.
"Then, sorry too. Hindi kita matutulungan ngayon. I need to find my wife."
Tumaas ang kilay niya saka kumuha ng beer at tinungga. "Wife? Kasal ka na rin?"
Hindi niya inaasahan na magpapakasal ito. Naka-move on na kaya 'to? Ang weird.
"Yeah."
Tsk! "It's also about my wife." Amin niya.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Twix.
"My wife is missing! Malapit na 'ko masiraan ng bait, dahil kaya kong hanapin ang ibang tao pero asawa ko hindi ko man lang mahanap! Damn!" Gigil na himutok ni Twix kasabay pag lagok ng alak.
Napatitig siya sa kaibigan. Ngayon lang niya napansin na malalim ang ilalim ng mga mata nito halatang wala pa itong maayos na tulog at mukha itong dugyot. Ilan araw na kaya 'to 'di nag-shave. Tsk!
"Take a shower first," wala sa loob na wika niya. Napasulyap naman si Twix sa kaniya sabay taas ng gitnang daliri.
"Really? Kaibigan ba talaga kita?"
Gusto niya matawa sa itsura ni Twix subalit hindi niya ginawa, he just shrug his shoulder. "Good friend will always stab you in the front." Nakangising untag niya sabay kindat.
"f**k you." Pinanlisikan siya ng mata ni Twix.
Hindi na niya napigilan matawa.