7

1056 Words
YAZMIN POV UMINGOS siya nang mabungaran niya pagkagising niya si Mon. As usual, sinundo na naman siya nito kagabi sa club. Napahikab siya at tinatamad na tumayo. "Don't talk, Mon. Alam ko na sasabihin mo." Nanghihinang sambit niya saka nilagpasan si Mon at nagtungo sa kusina. Sa salas pala siya nakatulog sa sobrang lasing niya. Hindi na niya matandaan kung paano siya nakauwi basta ang alam niya lang ay sobrang sakit ng ulo niya. "Mr. Taka said --" "I know. I know. Sasabihin mo na naman na nalaman na ni Mr. Fuji Taka ang ginawa ko kagabi? Tsk! Of course, he will know. Marami siyang mata," iritableng saad niya sabay ikot ng mga mata. Kumuha siya fresh milk at binuksan iyon sabay tungga. Napadighay pa siya pagkatapos niya maubos ang laman no'n. "Eat your breakfeast, Miss Yazmin." Umiling siya. "Nope. I'm fine. Maliligo lang ako at papasok na ko," bigkas niya at umakyat na sa patungo sa kuwarto niya upang maligo. Bumalik siya sa Pilipinas two years ago, nag-request siya sa kaniyang 'Asawa' kuno na sa Pilipinas na lang siya mag aaral ng kolehiyo gaya ng nais nito na mag aral siya. Pumayag naman ito kaya naman mas nagkaroon siya ng laya gawin ang gusto niya. Iyon nga lang lagi nito nalalaman lahat ng ginagawa niya. Pakiramdam niya tuloy laging may nakasunod sa kaniya kaya nalalaman ni Mr. Fuji Taka mga kilos niya. Pagkatapos maligo, sinuot niya agad ang sling bag niya. Hinanap niya ang susi ng kotse niya ngunit hindi niya makita. Tinanong niya agad si Mon. "Miss Yazmin, Mr. Fuji Taka took your car." "Ha?" Bulalas niya. Napahawak siya sa buhok niya sabay kagat ng labi. Tsk! "Paano ako papasok?!" inis sabay padyak sa paa saka tinungo ang garahe upang silipin kung wala nga ba talaga roon ang kotse niya. Nang makarating sa garahe, natigilan siya. Napansin niya ang isang matangkad na lalaki, nakatali ang buhok nito at maraming tattoo? Parang pamilyar sa kaniya ang mukha nito. "Excuse me?" pukaw niya sa lalaking nakatayo sa gilid ng kotse niya. Nang humarap ito sa kaniya, nanlaki ang mga mata niya. I remember this guy! Tama, ito 'yon lalaki noon sa Osaka at...ito rin 'yon lalaki sa Black Club? "Good morning, I'm--" "You're Lee, right?! I knew it! That's why you look familiar!" Nakangiting sabat niya sa sasabihin sana nito. Kumunot ang noo nito. Lumapit siya sa lalaki. "Whaa! Ang angas ng tattoo mo sa leeg. Lakas ng séx appeal!" Diretsong bigkas niya. Namangha siya bagay na bagay dito ang tattoo nito. Para itong guwapong kontrabida sa mga movie. "Are you really like this?" Nagtatakang napatitig siya kay Lee. "What do you mean LIKE THIS?" may diin ang huling sinabi niya sabay taas ng kilay rito. "Being straight forward." Natawa siya saka tinampal ang braso nito. "Hindi naman. Nagsasabi lang ako ng totoo. Anyways, why are you here?" tanong niya. Napansin niya rin hawak hawak nito ang susi ng kotse niya. Kaya naman nagtaka siya. Pinagmasdan niya maige ang lalaki, naka-pants ito na itim, black leather shoes, nakasuot ito ng black tshirt at pinatungan ng black suit na may roses design sa kaliwang bahagi. "Are you the new driver? Bodyguard or whatsoever assistant?" Tumingin ito sa kaniya at nagpamulsa. Kakaiba ang tingin nito, hindi niya kayang salubungin ang titig nito kaya umiwas siya nang tingin. "Papasok ka na?" Tumango siya. Tikom pa rin ang bibig niya. Ito naman ang tumitig sa kaniya, pinagmasdan siya nito mula hanggang paa. "Papasok ka ng gan'yan ang suot mo?" Nakataas ang kilay nito habang nakatitig sa kaniya. Nalukot ang mukha niya at ngumuso. What's wrong with her outfit? Sinipat niya ang sarili. Nakasuot siya ng pink pleated mini skirt, itim na medyas na hanggang tuhod, crop top na puti at tinernuhan niya ng converse shoes. "Why? I look so gorgeous in this. I love my outfit." Nakangising sabi niya. "Ang ganda ko 'di ba?" Nagpa-cute pa siya kay Lee sabay kindat dito. Napailing na lamang ito sa kaniya. Mayamaya ay sumulpot na rin si Mon, magsasalita sana ito pagkakita sa kanila ni Lee, ngunit naunahan na ito ng binata. "Don't mind me. Ako na bahala sa kaniya." Maawtoridad na wika nito kay Mon. Nagtataka man ay 'di na lang niya binigyan pansin. Napatili na lang siya nang makitang malapit na siya ma-late sa school. Kaagad siya sumakay ng kotse, at dahil may new driver siya sa passenger seat siya naupo, gusto niya katabi ang guwapong driver niya. Nang sumakay na si Lee at pinaandar na nito ang kotse saka siya nagsalita uli. "Anong naisipan mo at nag apply kang new driver ko? Oh-- don't tell me, si Mr. Fuji Taka ang nag assigned sa'yo rito? Last time we talked sa Osaka, you said kilala mo si Mr. Fuji Taka." Hindi man lang kumibo si Lee. Nakapokus ito masyado sa pagmamaneho. "And you know what, never ko pa rin na me-meet si Mr. Fuji. Like ever! Siguro nga tama ang hinala ko. I'm just the 'kabit' or 'keep woman' of his." Patuloy na lintanya niya. Wala pa rin kibo si Lee. "Kaya nga super curious na ako, what if, bigla siya sumulpot sa harap ko at ayain akong makipag-make love sa kaniya. God! Ano kaya ang gagawin ko no'n? Sisigaw ba ako? but I'm his wife? at nasa legal age na ako. Pwede siya mag-demand sa'kin ng séx. Shees! I can't imagine, na makikipag-séx ako sa matandang gurang, baka wala pang isang minuto masakit na likod niya kaka--" "Enough!" Natameme siya nang malakas na sumigaw si Lee sabay matalim na tumitig sa kaniya. Naingayan ba ito sa kadaldalan niya? Nagkukuwento lang naman siya. "Stop talking, Yazmin. Please." Naiinis na wika nito. Ngumuso siya at tinaasan ito ng kilay. Sino 'to para sigawan siya ng gano'n? "Sinisigawan mo ba ako?" Masungit na tanong niya na nakataas pa rin ang mga kilay niya. "You're talking nonsense!" Nanlaki ang mga mata niya. What? Nonsense siya? How dare him?! "We're here--" Pagkahinto ng kotse sa tapat mismo ng University niya umimbis siya agad at padabog na sinara ang pinto ng kotse. Yumuko siya sa may bintana para magtama ang paningin nila ng binata. "I don't like you! You are fired!" Malakas na singhal niya. Inismiran niya ito saka nagmamadaling pumasok na sa loob ng school. Hambog na driver! Guwapo nga pangit naman ng attitude. Argh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD