Twenty

1432 Words
Twenty "Pakawalan n'yo ako! Sinabi nang pakawalan n'yo ako!" malakas na hiyaw ni Patrick Mor'le. Ngunit nakatikim lang ito nang malakas na suntok kay Tori. Maingay kasi, 'yon pa naman ang pinaka-ayaw ng dalaga. Itinali ito sa upuang kahoy tulad ni Marlon Simoen. At kahit anong pasag nito ay hindi ito makawala. "'Pag ako nakatakas dito, papatayin ko kayo! Papatayin ko kayo!" Ang taong dapat proprotekta sa kanyang kapatid --- ito pa mismo ang nagparanas ng impyerno sa babaeng walang kalaban-laban. "Tatiana!" sinulyapan niya ang bagong dating na dalaga. "Yes, Barbara?" "Pakibalatan naman!" malakas na natawa si Islah na kapapasok lang din ng silid. Tulad nila'y nakamaskara rin. "Really? Are you sure Barbara? Gosh, this is so exciting!" ani ni Tatiana na excited na lumabas at mukhang kukunin ang mga gamit. "Ano ba kasing kasalanan ko sayo ha?" galit nitong tanong. "Sa akin? Wala, sa kapatid mo meron---malaki ang kasalanan mo!" ani niya. "Sino ba kayo?" "Us? Oh boy, we are just a nobody here! We just kill for----well for personal reason!" aniya. "Tsk. Siguradong ililigtas ako ni Uno at Marlon!" confident na sabi nito. "Marlon is dead, Alam mo ba 'yon?" lumarawan ang gulat sa mukha nito. Kaya bahagyang natawa ang dalaga. "Yes, he's dead! Sa kabilang kwarto lang kani-kanina lang!" waring excited na sabi nito. Saktong pumasok si Tatiana. Dala ang mga paboritong gamit nito. Nakabihis pa nga na akala mo'y doctor. "Gusto mo bang manood?" tanong ni Tatiana. Ngunit umiling lang siya saka lumabas. Tatiana is weird. Paborito nitong i-torture ang mga target sa pinakamasakit na paraan. Balatan ng buhay ang target, tanggalan ng ngipin, kuko, mata, at marami pa na aminado si Barbara na 'di niya kayang sikmurain. "Tori!" aniya paglabas pa lang ng silid. "Tara na Barbara, ito na ang chance mo na makaharap si Uno!" bumuntonghininga pa ito na waring nahihirapan din sa sitwasyon ng dalaga. "Let's go, let's do it!" sumunod sa kanila si Islah at Teri na back up ng dalaga. Tahimik lang ito sa durasyon ng byahe. Kinausap siya ni Lady A, kinumbinsi na iba na lang ang tatapos ng misyon. Pero nagmatigas ang dalaga. Gusto niyang siya ang tatapos. Saka siya lalayo. "'Pag natapos ito, makikita ka pa ba namin Barbara?" tanong ni Islah. "Lalayo ako, pero hindi ibig sabihin no'n na kakalimutan ko ang mga taong tumuring sa akin na pamilya ko!" "Tuparin mo 'yan, dahil magagalit talaga ako oras na kinamulatan mo kami!" ani ni Tori na nasa tabi niya. Minsan lang ito magsalita ng ganoon kaya nauunawaan ni Barbara. "Mag-iingat ka, Barbara!" bilin ni Teri. "Oo naman, ang tagal kong pinaghandaan ang araw na ito!" ani ni Barbara. --- "I'm in!" dinig niyang sabi ni Tori. Si Teri at Islah ang kasalukuyan nasa tuktok ng isang lumang gusali kasalukuyan ina-assemble ang mga sniper rifle nila. "Position---ready!" ani ni Islah. "Kung 'di mo magawa, Barbara---ako ang kakalabit ng gatilyo!" ani ni Islah. "Y-eah!" tipid niyang sagot. "Go!" command ni Tori saka nagsimulang pumasok ang dalaga. 15 years, simula ng huli niyang itapak ang paa sa lugar na ito. Huling bagay na natatandaan niyang itsura nito ay noong tinutupok ito ng apoy. Matagal siyang naghanap ng demonyo ---pero nandito lang pala sa kanyang tahanan. Malalaki ang bintanang salamin ng mansion. Moderno ang pagkakaayos nito. Dinig niya ang pagbibilang ng dalaga sa listening device na nasa tenga niya. Nakikita rin niya ang pagbagsak ng mga bantay sa paligid. Mas mapapadali ang misyon niya dahil sa kanyang mga kasama. "Uno!" usal ng dalaga ng makita ang lalaki na masayang kumakain kasama---- ang Mama niya? "Barbara----!" gulat na sabi ni Tori. "'Wag kang tumuloy, 'wag kang tumuloy!" tarantang sabi ni Tori. Parang 'di makagalaw ang dalaga sa kanyang pinagkukublihan. Paanong nangyari? "Islah, puntahan mo si Barbara!" tarantang hiyaw ni Teri. "Ako na!" gulat ang tatlo ng mapagsino ang nagsasalita. "Lady A?" "Do your job properly!" utos nito sa kanila. Kita ni Tori kung paanong walang hirap na nakapasok si Lady A sa loob ng mansion. Kahit ng hilain ni Lady A si Barbara at malakas na sinampal. "Wake up! 'Wag mong kakalimutan ang mission, ano? Ikaw ang mamamatay o ikaw ang papatay!" "I--ll do it!" nangingilid ang luhang sabi niya. "Ako na ang bahala sa mga bantay, ikaw na ang bahala sa kanila!" nangingilid ang luhang tumango ang dalaga. Humakbang siya papasok kung saan dinig niya ang masayang tawanan sa hapag kainan. "Hon itong si Berry, s'ya ang top 1 ngayon!" masayang sabi ng kanyang ina. No--- hindi iyon boses ng kanyang ina. Tandang tanda pa at malinaw sa kanya ang tinig ng kanyang ina. Mukha lang ang kapareho nito at roon natatapos iyon. "Mommy, syempre for you and Dad! Tsaka kailangan kong galingan kailangan nating makabawi sa negosyo!" ani ng batang nasa 13 to 15 ang edad. "'Wag kayong mag-alala, ako na ang bahala sa negosyo! By the way hon, may mga kaibigan akong gustong bumisita kay Berry!" "Anak ayos lang ba sa'yo 'yon?" "Of course mom, tutal na-e-enjoy ko naman po!" ani ng Bata. Napakababoy sa kanyang pandinig. Iniangat ni Barbara ang kamay na hawak na baril at walang pag-aalinlangan na kinalabit ang baril. Gulat ang mag-asawa ng bumagsak ang anak na wala ng buhay. Pinaglaruan nila ang buhay ni Barbara. Sa likod ng maskara sagana ang luha ng dalaga. Agad napatayo ang mga ito. Malakas ang hiyaw ng ginang. Ngunit kahit isang bantay, wala man lang dumating. "Sino ka?" galit na tanong ni Uno. Mabilis nitong niyakap ang kanyang asawa. Kaya ba, walang bangkay na lumabas? Dahil may ibang tao na palang nagpapanggap na kanyang ina. Ganoon ba 'yon? "Bakit mo ginawa sa anak ko 'yon? Napakasama mo!" hiyaw ng ginang. Itinulak nito ang asawa at patakbong lumapit sa anak at mahigpit itong niyakap. "Sino ka?" tanong ni Uno. "Ang tagal ninyo akong pinaglaruan!" mabilis niyang itinutok ang baril sa ginang na walang tigil sa pag-iyak. "N---o!" kinalabit niya ang gatilyo. Sapul ang balikat ng ginang na napahiyaw sa sakit. "Ano ang kailangan mo? Pera? Ibibgay ko sayo, 'wag mo lang akong papatayin!" "Paano naman ang asawa mo? Kawawa naman siya kung hindi ka mag-mamakaawa para sa buhay ninyong dalawa?" Lumapit siya napaatras naman ito. Hinaklit niya ang buhok ng ginang napatili ito pero biglang natahimik ng isubo niya ang baril sa bunganga nito. "Ano ang pakiramdam? Masaya ba? Ganoon ba ang satisfaction tuwing nagmamakaawa ang mga biktima? Look at them, isn't exciting?" kinalabit niya ang gatilyo. Isang malakas na hiyaw ang kumawala sa matandang lalaki. "Masaya bang panoorin? Kasi ako para akong nababaliw noon---habang binababoy ang Mama ko--- habang pinagpasa-pasahan? Masaya ka ba noon?" "Satisfying ba na makanood ng babaeng hinahalay sa harap mo? Or mas satisfying sa nakakasukang fetish ninyo na mismong asawa mo ang ginagamit nila----sumagot ka!" Tinanggal niya ang maskara. "Sumagot ka, Papa!" "B-arbara?" gulat na sabi nito. Agad na nag-angat ng kamay ng itutok niya rito ang baril. Walang kapatawaran ang ginawa nito. Dahil sa ibang klaseng trip nito para ma-satisfy ang sarili, dinamay pa ang kanyang mahal na Mama. Napakababoy nito. Humigpit ang hawak niya sa baril ng maya-maya lamang ay humalakhak ito. "Come on, ibaba mo na 'yan my little Barbara! Gusto mo bang masaktan si Papa?"malambing na sabi nito. "D--emonyo ka!" naluluhang sabi ni Barbara."Napakasama mo! Matagal ko ng hinihintay ang araw na ito! Ang mapagbayad ka sa pagsira ng pamilya natin!" humakbang siya patungo rito habang nakatutok pa rin ang baril dito. "B--arbara!" waring nagpapaawang sabi ng lalaki ngunit hindi natinag ang dalaga. Sa isip niya ang nagmamakaawang tinig ng kanyang ina ang naririnig. Nagmamakaawa, humihingi ng tulong sa kanyang ama. Demonyo. "Kung 'di mo kayang gawin ako ang gagawa!" dinig niyang sabi ni Islah. Ngunit naramdaman niya ang prisensya ni Lady A. Ang baba nito ay nasa kanyang mga balikat at ang kamay nito ay waring ina-adjust ang kanyang kamay na may hawak na baril na nakatutok sa kanyang ama. "You can do it Barbara, matagal mo ng plinano ito! At 'di ba ang sabi mo, dapat ang demonyo pinapadala sa impyerno!" usal ni Lady A sa kanyang tenga. "Ako na!" naiiyak na sabi ni Islah. "A--ko na!" ani ni Barbara. "Good!" tinapik ni Lady A ang kanyang balikat. "Bakit, anak? 'Di ba napanood mo? Gustong-gusto ng Mama mo? Ang ingay pa nga niya ng gabing----" hindi na niya pinatapos ang sinasabi nito. Bagsak ang matanda, may butas ang noo nito. "Very good!" ani ni Lady A."Tori, kailangan namin ng maglilinis dito!" "Sunugin n'yo ang buong mansion!" ani niya. Saka tahimik na umalis. Ewan niya, magaan ang loob niya. Tapos na ang delubyo na ginawa ng kanyang ama. Natapos na n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD