bc

BARBARA : THE PLAYER

book_age18+
10.2K
FOLLOW
24.4K
READ
dark
possessive
family
manipulative
bxg
heavy
mystery
city
secrets
punishment
like
intro-logo
Blurb

Romance-action

Myembro si Barbara ng isang grupo na walang pangalan. Isang samahan na nabuo noong sila'y nasa edad trese - kinse. Mga babaeng inihanda upang maghiganti sa mga taong hindi kayang salingin ng batas at gobyerno. Dahil sa isang misyon, kinailangan n'yang mamasukan sa isang club upang hanapin ang isang grupo ng mga negosyante na may personal na kasalanan sa kanya.

At nakilala n'ya sa lugar na iyon si Zander, ang lalaking may lihim na motibo rin sa lugar na iyon.

Mapaamo kaya ng pag-ibig ang matigas na puso ng dalaga o mas piliin nito ang paghihiganti na matagal na nitong ninanais.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Chapter One "Malandi 'yang babaeng 'yan, 'wag kayong didikit-dikit d'yan! Puta ng Star Club 'yan!" Humagikgik pa ang matandang kapitbahay niya na may-ari ng tindahan na tambayan ng mga tsismosa sa kanilang barangay. Isa sa medyo nakaaangat sa lugar nila. Si Aling Ditas. "Kaya 'yang si Tonyo ko 'di ko pinapayagang lumapit d'yan sa babaeng 'yan, bayarang babae na wala ng ginawa kundi ibalandra ang katawan at ibenta ang katawan!" ani ni Beth na napairap pa sa hanging sabay kamot ng kili-kili. Napabuntonghininga na lang si Ara na kasalukuyang nagdidilig ng mga alagang halaman sa harap ng kanyang bahay. Restday niya ngayon. Magulo pa ang buhok na basta na lang inipit, naka-pajama na sinuot pa niyang pantulog. At malaking t-shirt na kupasin. Tampulan siya ng usapan sa umpukan ng mga tsismosa sa harap ng tindahan na kaharap lang ng bahay niya. Sadya pang nilalakasan ang mga boses na waring sinasadyang iparinig sa kanya. "Balita ko nga, 'yong lalaking naghatid sa kanya na naka kotseng magara lalaki raw n'ya! Bayaran talaga ang putang 'yan!" sawsaw pa ng isa. Nag-angat si Ara ng tingin at nginitian ang mga ito. Wala siyang pakialam ano man ang sabihin ng mga ito. Kung bibigyan niya ng pansin ang bawat salita na lumalabas sa kanilang mga bibig ay wala naman siyang mapapala. "Hi ganda!" ani ng lalaking maaga pa lang ay mukhang lasing na. Agad tumayo ang isang babae sa umpukan at galit na sumugod sa kanila. "Bwisit kang puta ka ke-agaaga nilalandi mo na ang asawa ko!" malakas na hiyaw nito. Hinablot ang braso ng asawa nito saka hinila pauwi sa kanila. Mas lalo tuloy nag-ingay ang mga tsismosa. Isinara ni Ara ang gripo saka nagdesisyong pumasok na lang sa kanyang bahay. Ilang buwan pa lang siya sa bahay paupahan na iyon, wala namang problema sa landlady niya basta't regular ang upa, tubig at kuryente. Sa mga kapitbahay lang talaga ang problema, na sa bawat away ng mag-asawa siya ang sinisisi. Sa mga magkasintahan na naghihiwalay siya ang may kasalanan. "Ara!" malakas na sigaw ng tao sa gate. Sinilip ni Ara ang bisita. Si Trina pala. Lumapit siya sa pinto at binuksan iyon. Papasok na ito sa gate may bitbit pang plastic na may tupperware. "Trina, pasok!" pumasok naman ito. Sanay na si Trina sa bahay niya kaya dumeretso na sa kusina dala ang bitbit nito. Sumunod na lang siya pagkasara ng pinto. Napangiti siya pagpasok sa kusina sinisimulan na kasi nitong ihain ang pagkaing dala. Pag restday niya madalas siyang saluhan nito sa kanyang agahan. Madalas may dalang ulam na bigay ng nanay nito na si Nanay Trining. "Laman ka na naman ng tsismisan d'yan sa umpukan!" natatawang sabi ni Trina. Nagtimpla pa ito ng kape nilang dalawa. "Ano pa bang bago? 'Yon na ata ang inaalmusal ng mga 'yan!" aniya na natawa rin. Hindi talaga siya naaapektuhan sa mga sinasabi nila. Wala kasi siyang pake, sabi nga, hindi ka maaapektuhan kung 'di mo bibigyan ng pake ang mga 'yan. "Ikaw naman kasi friend, why so ganda? Kung 'di lang kita kilala iisipin kong gatas ang pampaligo mo at lumalaklak ng isang katerbang gluta! Ikaw na ang pinagpala." Napailing na lang si Ara. Maganda rin naman si Trina, hindi nga lang katangkaran at kaputian kaya marami ring manliligaw. Morena beauty, pinay na pinay ang dating. "Alam mong 'di ko pag-aaksayahan ng pera 'yang mga 'yan! May pamilya pa akong pinapadalhan sa probinsya!" "Kain na!" ani nito na naupo sa bakanteng pwesto sa harap niya. "Salamat!" "Sabi nga pala ni Nanay, pag may oras ka raw pasyalan mo s'ya!" "Sige, paki sabi kay Nanay na papasyal ako!" "---teka, usap-usapan sa kanto na may naghatid daw sa'yo na naka kotse. Ano 'yon jowa mo? Gwapo ba?" ani ni Trina na panay ang subo. Pero panay rin ang buka ng bunganga para tsumika. "Hindi!" tipid niyang sagot. "Sino pala---friend?"makulit pa ring sabi. "Nakilala ko lang sa club!" tipid niyang sagot. "Nagpahatid ka---?'' alam kasi ni Trina na hindi n'ya ugaling magpahatid sa mga costumer niya. "Oo, wala lang 'yon!" aniya na sinimulang kumain."Pakisabi kay Nanay masarap 'tong daing n'ya!" "Mamamalengke ka ba ngayon?" "Oo, samahan mo ako ha!" tumango naman ito. Hindi kasi s'ya pinagbebentahan sa tindahan sa harap. "Kumusta na pala 'yong tatay mong may sakit?" "Tatay ko?" ani ni Ara. Nang marealize ang sinasabi nito."Ahh oo, medyo umaayos naman na raw 'yong lagay nya!" "Ayaw mo ba talagang lumipat ng ibang trabaho? 'Di ba may na tapos ka naman?" "Sa laki ng kailangan ni Tatay, 'yong trabaho iniisip mo 'di no'n masusustentuhan ang mga gamot at pang-araw-araw nila!" "Alam mo friend, kung mayaman lang ako 'di talaga ako papayag na magtrabaho ka pa d'yan!" "Wala namang problema sa trabaho ko, nag-se-serve lang ako ng alak, naglilinis ng mga lamesa at minsan nakikipag-usap sa mga costumer!" "'Yon na nga eh, Alam nating pareho na walang problema sa trabaho mo, pero alam mo naman na ang mali ay ang mga iniisip ng mga kapitbahay mo! Kung makapagsalita akala mo malilinis---alam mo ba 'tong matandang gurang sa tindahan?" "Si Aling Ditas?" "Oh?" aniya na nangingiti sa itsura ng kaibigan. "Yung panganay n'yang anak, si Didi pina-asawa niya sa tiyuhin nitong matandang binata. Medyo yayamanin kaya kahit kamag-anak pinatos kasi sinusustentuhan sila!" ani pa nito na pairap-irap kahit wala namang iniirapan. "Nakalulungkot naman!" "Gaga, anong nakalulungkot doon? Ang sasama kaya ng ugali ng mga 'yon!" ani ni Trina. "Trina, don't say that! Wala tayong mapapala sa mga mali ng iba!" "My gosh, why so bait mo girl?" sarcastic nitong sabi na tinawanan lang niya. --- Pagkatapos nilang kumain naligo lang si Ara, at nagbihis ng pang-alis. Mamamalengke silang dalawa ni Trina para sa stocks n'ya ng dalawang lingo. "Ganda, sakay na!" ani ni Toto, manliligaw ito ni Trina pero walang pakialam ang dalaga rito. "Hindi na, baka matetano pa kami sa tricycle mo! Tsk, bulok!" "Edi sa akin ka na lang sumakay, dadalhin kita sa langit!" biro ni Toto na mas lalong ikinabwisit ng dalaga. "Trina rito na tayo sumakay, mas madami pang tsismosa d'yan sa kanto!" aniya. Wala nang nagawa si Trina ng hilain ni Ara para sumakay. "Ganda, kelan mo ba ako ipapakilala kila Nanay Trining?" "Bakit mo sakin tinatanong? Pumunta ka sa bahay magpakilala ka!" "Talaga----anong sasabihin ko?" "Na ikaw si Toto, medyo bobo ka rin 'no? 'Di mo alam pangalan mo? Alangan namang Trina sabihin mo?" "Grabe ka kamo, masyado kang mapanakit!" "Kayong dalawa magtigil na nga kayo, baka sa huli kayo rin ang magkatuluyan!" "No way/Sure!" sabay na sabi ng dalawa kaya napahalakhak nang tawa si Ara. ---mis_annie---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
32.6K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
16.2K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
33.8K
bc

Dangerous Spy

read
310.2K
bc

EASY MONEY

read
178.4K
bc

YOU'RE MINE

read
901.2K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
199.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook