Twenty-one

1299 Words
Twenty-one "Are you okay, dude?" halos dito na siya tumira sa bahay ni Barbara kung saan siya iniwan nito. Pagkatapos niyang ayusin ang company, at walang gaanong trabaho, rito siya nag-e-stay. "Yes, of course!" ani niya sa lalaki. Sumama ito dahil nag-away ito at ang kasintahan nitong si Trina. "It's been 4 years, still waiting ha!" tinaggap niya ang inabot nitong kopita ng alak. Oo, apat na taon na simula ng huli niyang makita si Barbara, pabalik-balik siya sa lugar na ito at umaasa na maaabutan niya ito gaya ng unang makarating siya rito. Pero paulit-ulit siyang na bigo. Pero never siyang sumuko. Iniisip niya na baka natagalan ito kasi sinusubukan pa nitong buuin ang sarili ng mag-isa. "Akala ko ba kung 'di siya bumalik ikaw na ang mismong magpapakita sa kanya?" "Ts). Kung 'di hinaharangan ng grupo niya ang paghahanap ko, matagal ko na sana siyang na kita. It means, she's not ready yet! Kasi kung handa na s'ya sigurado naman akong nagbibigay na 'yon ng signs!" "Bat kaya 'di mo subukang lumuhod at magmakaawa roon sa babaeng tumulong sa'yo?" "Ginawa ko na dati!" naiiling na sabi niya. Mukha siyang tanga noon, pero pakialam ba niya? She wants Barbara, gagawin niya ang lahat para rito kahit pa magmukhang tanga sa harap ng iba. "Buti naman at isa sa priority mo ang baryo na 'to?" "Well, mahal ni Ara ang lugar na ito kaya dapat lang na ingatan ko ang lugar at ang mga tao rito!" aniya. Satisfied siya na makitang maayos ang pamumuhay ng bawat isa sa baryo. Ang mga tao kasi rito ay nagtutulong-tulong sa bawat isa. Ito 'yong lugar na babalik-balikan mo dahil sa mga tao. "Ikaw ba? Anong plano mo kay Trina?" "Madami, kaso mukhang 'yong babaeng 'yon ang walang plano para sa aming dalawa!" "Just wait, hindi naman kabawasan sa p*********i natin ang hintayin sila!" "Paano kung 'yong hinihintay mo ay nakabuo na ng bagong buhay malayo sayo?" "Hindi ko alam!" bumuntonghininga pa ang s'ya. Isipin pa lang na 'di na babalik sa kanya ang babae ay sumisikip ang dibdib niya. "Love sucks!" ani ni Juan na tinunga na ang alak sa mismong bote. "Tao po!" natanaw nila ang isang babae na mukhang galing lang sa kalapit na bahay dahil pamilyar ang mukha nito sa binata. Madalas itong maghatid ng gulay at prutas dito sa bahay. Si Juan ang lumabas para kausapin ito. Nang bumalik ito may dala ng kahon. "Ano 'yan?" 'di nya mapigil ang magtanong. Saka tinaggap ang kahon. "Lady A raw!" tarantang binuksan niya ang kahon para alamin ang ibinigay ng babae. Tumambad sa kanya ang mga larawan ni Barbara na base sa mga ito ay mga stolen pictures. At sa lahat ng larawan na iyon ay makikita ang nakatawa nitong mukha o kaya'y nakangiti. Dinampot niya ang sobre saka iyon binuksan. Zander, Masaya na si Barbara sa bago niyang buhay, Alam kong may usapan kayo na babalikan ka n'ya. Pero apat na taon na ang lumipas---so I think dapat mo na s'yang sundan! Suyuin mo, ligawan nang paulit-ulit kung kailangan at ibalik na rito sa Pilipinas. Do it, or I'll kill you. Lady A "I think this is the address!" turo ni Juan sa isang larawan na may sulat kamay sa likuran. --- "I want to buy toys!" ani ni Ziggy sa kapatid na si Zandra. Ngunit ang mata ng tatlong taong gulang na bata ay nasa isang pamilya na masayang nagtatawanan. "I want to buy Daddy! Where do you think I can find Daddy?" "Z, hindi nabibili ang Daddy! Lahat ng tao may Daddy!" ani ni Islah sa dalawang bata. "But we don't have Daddy, Tita-mommy!" ani ng batang si Zandra. Mamula-mula ang matambok nitong pisngi matangos na ilong ang mata nito'y bilugan. Napakainosente. "Meron kayong daddy, Ninang Agatha said on the way na ang Daddy!" "Really, tita-mommy?" excited na sabi ni Ziggy. Napakagwapong bata, no doubt kamukha kasi nito ang ama. Ang pagkakatulad lang ng kambal ay ang curly nilang buhok na ayon sa Mommy ng mga ito ay ganoon daw ang buhok nito noong bata pa. "Yes! Kaya dapat very good kayo!" "Kuya Ziggy, I'm so excited na!" napapalakpak pa ang bata. Binuhat ni Islah si Zandra at hinawakan naman sa kamay si Ziggy. Kumpara kasi kay Ziggy, si Zandra ay may pagkalampa. Palibhasa ay tatlong taon pa lamang ang mga ito. "Uwi na tayo kids, baka nandoon na si Daddy!" ani ni Islah. Sinenyasan  ang dalawang Yaya saka sila umalis. --- Abala sa pagluluto si Barbara ng lunch ng mga bata ng madinig niya ang pagbukas ng pinto. Ngunit 'di naman niya narinig ang mga anak na pumasok. "Ziggy, is that you honey?" malakas niyang tanong. Wala man lang sumagot. Dinig niya ang mga yabang patungo sa kanyang kinaroroonan kaya mabilis niyang hinawakan ang kutsilyo. Kahit malayo na sila sa Pilipinas hindi pa rin maiwasan ni Barbara ang mangamba sa safety ng kanyang mga anak. Kaya hindi rin niya magawang balikan ang taong pinangakuan niya. Siguro kung 'di siya nabuntis mag-te-take risk siya makasama lang ang lalaking mahal pero dumating sa buhay niya ang kambal. "Relax baby, it's me!" maagap na sabi ni Zander ng makita si Barbara na may hawak na kutsilyo. "Z--ander?" pilit na ngumiti ang lalaki pero sa totoo lang gusto na niyang umiyak sa harap ng dalaga. Ang tagal niyang naghintay dito. Sobra-sobra ang pangungulilang nararamdaman niya. Binitawan ni Barbara ang kutsilyo. "Sabi ko naman sayo, kung 'di ka makabalik ako na ang pupunta sa'yo----4 years, I think it's enough baby! Mababaliw na kasi ako sa pangungulila sayo! Kung 'di ka pa rin buo sa loob ng apat na taon, baka dahil wala ako sa tabi mo! Baka ako na ang kulang na pieces sa buhay mo!" pilit nitong biro sa dalaga. Hindi inaasahan ni Barbara na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin pala ang lalaki. Naiiyak na tumango siya. Pinutol na nito ang distance nilang dalawa at mahigpit siyang niyakap. "Oh God baby, sobra-sobrang na-miss kita!" lumuluhang sabi ni Zander. Corny pero wala siyang pake. "Mommmy----tita-mommy said I have a Daddy!" malakas na hiyaw ng kambal na papasok pa lang ng sala. Nanlaki ang mata ni Zander. Lalo na ng bumungad sa kusina ang dalawang bata kasunod si Islah. "Yes baby, and this man beside me---is your Daddy!" Napalihod si Zander para salubungin ang mga anak na tuwang-tuwa na tumakbo patungo sa kanya. Napangiti si Barbara. This is the right time para mabuo siya, at tama ito, ito ang kulang na pieces sa buhay niya. Tapos na siya sa paglalaro. Tapos na rin sa paghihiganti. This is the right time para tuluyan na siyang maging masaya. Alam niyang nanahimik si Zander sa mga nalaman nito, ayon na rin kay Lady A. Kahit pa nang malaman nitong ang ama at kapatid ng dati nitong kasintahan ang gumawa noon kay Inna. Tama lang ang ginawa nito, dahil marami ang mauungkat na nakaraan oras na lumabas ang totoo sa media. Sinulyapan ni Barbara si Islah. Dalawang taon simula ng umalis siya dumating ang dalaga. Alam niyang may nangyari sa loob ng dalawang taon na malayo siya dahil sa kakaibang kilos ni Islah. Nanatili na ito sa piling nilang mag-iina. Gusto niyang ito ang magsabi kung ano ang nangyayari rito. Pero hindi pa ito handa. At nauunawaan niya iyon. "Your soooo handsome Daddy, like kuya Ziggy!" ani ni Zandra na humahaplos haplos pa ang pisngi ni Zander. "And yourrrr so beautiful baby, like your mommy!" naiiyak na sabi ni Zander at pinupog ito ng halik. 'Di pa nakontento at parehong binuhat ang dalawa. Sumulyap si Zander kay Barbara. "Let's go home, baby!" umaasang sabi ni Zander sa babae. Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha nito saka sumulyap kay Islah. "It's okay, Barbara!" ani ni Islah. "Sure, let's go home!" tugon niya sa lalaki. End

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD