Always You (Valencia Series #1)
by larajeszz
Chapter 16
"Huwag ka nang masiyadong maglalalabas." Parang bata ako na pinapaalalahanan ni Papa. Hindi naman ito ang first time ko na maiiwan akong mag-isa rito sa bahay! "Magpahinga ka na lang sa kuwarto mo."
Bumuntong-hininga ako at nginitian siya. "Pa, wala naman po akong sakit."
Pumikit siya at umiling. "Basta... mag-iingat ka."
Nang ako na lamang mag-isa ay naisipan kong maglinis ng bahay. Kinnonect ko ang cellphone ko sa Bluetooth speaker at nagpatugtog do'n ng kanta ng mga paborito kong banda. Ewan ko ba, wala akong gana gumawa ng gawaing-bahay kapag wala akong naririnig na musika. Parang bawat kilos ko ay kailangang kasabay ng beat ng pinapatugtog ko.
Tanging first floor pa lamang ng bahay ang nalilinis ko ay pagod na ako kaagad. Wala namang ibang gagawa nito dahil dalawa lamang kami ni Papa rito at ayaw niyang nagpapalinis sa hindi naman namin kakilala. Pinatay ko na ang pinapatugtog ko at nagpahinga sa sala. Ipinikit ko ang mga mata ko habang ang ulo ko ay nakasandal sa backseat ng sofa namin. Iniisip ko na may magandang dulot naman para sa akin ang suspension na ito, mas magkakaroon ako ng time para sa sarili ko.
Pagkatapos kong magpahinga ng mahigit isang oras ay naligo ako at nag-text kay Papa na balak kong mag-grocery.
From: Papa
May pera k b?
To: Papa
marami
From: Papa
Hahaha puro k tlg klokohan,,
From: Papa
Bayarn kta pg uwi q. Ingat k
Ang kulit talaga niya! Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na i-send niya na sa iisang message ang mga gusto niyang sabihin dahil sayang sa load!
Ilang oras na lamang ay labasan na namin mamaya. Maraming estudyante sa 'min ang tumatambay sa pupuntahan ko kapag labasan, wala namang kaso sa 'kin kung makita nila ako ro'n. Alam kong kalat na ngayon sa buong senior high school department ang nangyaring suspension sa amin ni Sab.
Denim shorts at plain black shirt ang isinuot ko. Humiram ulit ako ng cap sa kuwarto ni Papa, at this time, color sage green naman ang hiniram ko. Hindi na ako nag-text sa kaniya na humiram ako dahil baka mag-reply pa siya ng maraming beses.
Bago ako umalis ay chineck ko muna ang ref at ang mga stocks namin kung ano ang mga kailangan kong bilhin. Canned goods, toiletries, fruits, at cleaning agents. Nilista ko sa cellphone ko isa-isa kung ano ang mga 'yon 'saka ako umalis at nag-abang ng tricycle.
Walang masiyadong tao nang makarating ako sa grocery store. Halos thirty minutes lang akong nag-ikot sa paghahanap ng lahat ng mga kailangan ko dahil tukoy ko naman ang buong lugar. Matapos kong magbayad sa walang pila na cashier ay kumain ako ng siomai rice. Ang paborito ko rito ay 'yong tindahan na kulay green ang kanin. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit ba kulay berde 'yon.
Tiningnan ko ang oras ko at nakitang uwian na ngayon ng mga kaklase ko. Kanina pa lamang ay may namataan na akong ilan, hindi sila pamilyar sa akin kaya hindi ako sigurado kung ano'ng grade level nila.
Napabuntong-hininga na lamang ako nang ma-realize na marami-rami rin pala ang mga pinamili ko. Hindi ko alam kung paano ko mabubuhat ang mga ito hanggang sa sakayan ng tricycle. Bahala na.
Kahit hirap ay kinaya ko naman. Binigay ko ang address namin at pagod akong naupo sa loob ng tricycle. Ang hirap palang maging independent! Ayoko nang mag-adulting!
Pinapasok ko sa subdivision ang tricycle na sinasakyan ko at nang tumigil 'yon sa harapan ng bahay namin ay nakita kong lumabas mula sa bahay nina Tim si Ava Mila. Kasunod niya ay si Tim at Tita Fresia na matamis ang ngiting ibinibigay sa kaniya.
"You can come back here anytime you want, dear," malambing na sambit ni Tita Fresia sa kaniya.
"Thank you po, Tita."
They hugged each other at nang lumayo sila sa isa't isa ay saktong napunta sa akin ang tingin ni Ava.
Malawak siyang ngumiti sa akin at kumaway. "Kyrese!"
Pilit akong ngumiti sa kaniya at kumaway pabalik. Nakita ko kung paanong nawala ang ngiti sa mukha ni Tita Fresia.
Nagbayad na ako si tricycle driver at kinuha mula sa likuran nito ang mga pinamili ko. Hindi ko inaasahang lalapit sa akin si Tim para siya'ng magbitbit ng mga dala ko.
"Salamat po," nakangiting sambit niya pa sa tricycle driver na paalis na.
Nahihiya akong napatingin kayna Tita Fresia at Ava na nasa amin ngayon ang paningin. I could feel how hard his mom was staring at me kaya pilit kong inaagaw sa kaniya ang mga 'yon.
"Ako na," I said to him with gritted teeth.
"Buksan mo na lang 'yong gate niyo."
Labag sa loob na binuksan ko ang gate namin. It's useless to argue with him, hindi naman siya nakikinig sa akin! Akala ko ay ibababa niya na ang mga 'yon sa may pintuan namin, pero idineretso niya pa ang mga 'yon sa dining table!
"Salamat..." usal ko nang makabalik siya sa may labas. "Kaya ko naman, eh."
"It's not painful to ask for help sometimes."
Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya at bumalik kina Ava at Tita Fresia na nagkukuwentuhan sa labas ng bahay nila. It's none of my business kung bakit nandodoon siya ngayon, pero hindi ko maiwasang ma-curious. They're that close now, huh?
Pumasok ako sa loob ng bahay namin at inilabas sa kahon ang mga pinamili ko. Nagsimula akong mag-organize ng mga 'yon sa kitchen cabinet namin. Sa pinakalikod ko nilagay ang mga bago kong pinamili na toiletries para 'yong mga lumang stocks ang mauna naming maubos. Gano'n na rin ang ginawa ko sa mga canned goods.
Dati ay sumakit ang t'yan ni Papa dahil expired na pala 'yong nakuha niyang sardinas, hindi na niya alam kung alin sa mga 'yon ang bagong bili at hindi. Sobrang guton na yata siya no'n kaya nakalimutan na niyang tingnan ang expiration date.
Katatapos ko lang mag-ayos nang tumunog ang doorbell namin. Nagpunas ako ng pawis bago ako naglakad papunta sa may gate namin. Si Tim ulit ang nando'n.
Sinilip ko ang unahan ng bahay nila at nakitang wala na ro'n ang bisita niya.
Pinagbuksan ko siya ng gate. "Nasa'n na si Ava?" tanong ko.
"Umuwi na."
"Hindi mo hinatid?" nakataas ang isang kilay na sagot ko.
"Si Kuya Manuel ang driver, hindi ako."
I rolled my eyes. "Ibig kong sabihin ay bakit hindi ka sumama maghatid?"
"Gabi na," pagdadahilan niya.
Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa mga sagot niya. Tinalikuran ko siya ro'n at inanyayahan sa loob. "Tuloy ka."
Pumasok siya at naupo sa sofa namin. Ipinatong niya sa center table ang mga dala niyang papel.
"Ito 'yong notes sa mga discussions kanina," paliwanag niya. Pinagsunod-sunod niya ang mga 'yon 'saka ini-stapler. "May assignment din sa OralComm at GenMath." Kinuha niya naman ang dalawang nakabukod na yellow paper at iniabot sa akin ang lahat ng 'yon.
Tinanggap ko sa kaniya ang mga 'yon. "Salamat..."
Gusto kong malaman niya na naa-appreciate ko ang lahat ng mga ginagawa niyang tulong sa akin kahit pa ipinagtabuyan ko siya. I know that it seems wrong to still have our closure, pero natural na nga yata talaga sa amin ang pagiging malapit sa isa't isa.
"Baka hinahanap ka na sa inyo," usal ko habang ang tingin ay nasa mga papel na hawak ko ngayon.
"Sinabi kong kailangan kitang bigyan ng notes dahil..." Tumigil siya at tumikhim, "May sakit ka."
Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "May sakit ako?"
"Do you think I'd tell them that you got suspended?" Hindi ako nakapagsalita dahil sa dahilan niya. Umiwas siya ng tingin at pinasadahan ng palad ang buhok niya. "Nando'n ang mga kapatid ko kaya gano'n ang sinabi ko."
So, sinabi niya pala 'yon dahil ang akala niya ay ayaw kong malaman ng mga kuya niya ang totoo. Baka iniisip niya na magagalit ako kapag nalaman kong na-turn off sa akin ang mga kapatid niya dahil lang sa na-suspend ako. But the truth is, hindi ko na iniisip ang bagay na 'yon. And I don't like his brothers in that way, hinahangaan ko lang talaga sila. Sapat na sa 'kin na malapit ako kayna Bryce at Theon. Hindi na ako naghahangad ng higit pa ro'n.
"Salamat..."
Ibinalik niya sa akin ang tingin niya. "Kumain ka na?"
Malamang ay tinatanong niya 'yon dahil alam niyang hindi ako marunong magluto. "Oo... Nag-siomai rice ako kanina."
Kung hindi ako kumain kanina ay sasabihin ko pa rin naman na nakakain na ako dahil baka maya-maya'y magdala pa siya ulit ng pagkain para sa 'kin.
"Sige, una na ako."
Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at gano'n din ang ginawa ko. Hinatid ko siya hanggang sa harapan ng bahay namin.
Bago siya tumawid sa kanila ay muli niya akong nilingon. "Message mo lang ako kapag may hindi ka maintindihan sa sulat ko."
Tumango ako. "Sige."
Pagkauwi niya ay bumalik ako sa sala at muling binasa ang mga notes na ginawa niya para sa 'kin. Imposible ang sinasabi niyang hindi ko maiintindihan ang mga ito dahil maganda ang sulat niya.
Pinasadahan ko ng daliri ko ang mga isinulat niyang titik sa papel. Malungkot akong napangiti at humigpit ang pagkakahawak ko sa mga papel na 'yon.
I miss my best friend.
-----
-larajeszz