Chapter 15

1688 Words
Always You (Valencia Series #1) by larajeszz Chapter 15 Hindi binitawan ni Tim ang braso ko hanggang sa narating namin ang clinic. Kahit pa nagpumiglas ako ay hindi ako makatakas dahil mabilis niya akong nahuhuli ulit. Ramdam ko ngayon ang hapdi sa anit at pisngi ko na natamo ko sa mga kamay ni Sab. I still can't believe that she has the audacity to do such things! Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung bakit ba ako kinailangang dalhin ni Tim dito ngayon gayong mas malala yata ang nagawa ko kay Sab. May sugat ang pisngi niya dahil sa kalmot ko. "Bakit mo ba ako dinala rito?" naiinis kong tanong. Pinaupo niya ako sa isa sa mga kama ro'n. Ang OA, hindi naman ako napilay! Parang hindi ako narinig ni Tim dahil umalis siya sa harapan ko at pagbalik ay may hawak na siyang ice pack. Maingat niya 'yong dinampi sa pisngi ko na nasampal kanina pero agad ko rin 'yong kinuha mula sa kaniya. "Kaya ko na." Napabuntong-hininga na lamang siya at pinanuod akong ilapat sa balat ko ang malamig na bagay na 'yon. "Posibleng ma-suspend ka." Napalunok ako sa sinabi niya pero nanatili ang ekspresyon ko na parang wala lang sa akin iyon. "Ilang araw lang naman 'yon." He scoffed at my reply. "Naririnig mo ba ang sarili mo?" Tumayo siya sa harapan ko na parang tatay na nanenermon ng anak. "Posibleng mahirapan ka sa clearance kapag nakita nilang may record ka." Diretso ko siyang tiningnan sa mga mata. "Alam mong hindi ako ang nag-umpisa, Tim." Lumaylay ang mga balikat niya. "Kahit ikaw ang nagsimula o hindi, may record ka pa rin." Ginulo niya ang buhok niya na natural nang mukhang magulo at naglakad-lakad. "Dapat ay hindi mo na tinanggap ang paggawa ng narrative report na 'yon." Ibinaba ko sa binti ko ang ice pack. "Kung ginawa ko 'yon ay puro kasinungalingan lang ang ilalaman ni Sab. Sa tingin mo ba ay dapat hayaan ko 'yon?" Tumigil siya sa ginagawa at muling humarap sa akin. "Kung mapapaiwas ka sa gulo ay bakit hindi?" Napasinghal ako sa sinabi niya. Napailing ako dahil sa sinasabi niya ay parang lumalabas na kasalanan ang ginawa kong pagtatanggol sa sarili ko. "Ayos lang sa 'kin na madawit ako sa gulo basta alam ko sa sarili ko na hindi ako nagsisinungaling, Tim." Matagal kaming nagkatinginan, para bang sinusukat ang isipan ng bawat isa. Naputol lamang iyon nang narinig kong may dumating at hinanap ako nito sa nurse. Ako na mismo ang naunang umiwas. "Ayos ka lang, Kyrese?" bakas ang pag-aalala na tanong ni Xavier. Hinabol niya ang paghinga niya dahil mukhang pagod siya mula sa pagtakbo. "I was so worried!" "Nandito na siya kaya wala ka nang dapat ipag-alala." Sabay kaming napalingon ni Xavier kay Tim. Nakataas ang isang kilay ko habang pinagmamasdan siya pero nanatili lamang ang tingin niya sa taong kadarating lang. "So, dapat akong magpasalamat sa 'yo?" sarkastikong tanong ni Xavier. Tim took a step forward. "If you're willing to say it, then why not?" Nang makitang humakbang din ng isa si Xavier palapit kay Tim ay tumalon ako pababa ng kama at pumagitna sa kanilang dalawa. "Tama na." Matalim ko silang tiningnan. "Maayos na ako. Babalik na ako sa room." Biglang napalitan ng pag-aaalala ang mga mukha nila at sabay na napatingin sa akin. "You can stay here for a while," Xavier suggested. Mas kalmado na ang tono ng boses niya ngayon kaysa kanina na parang nanghahamon. "Maayos na ako, Xavier." Pilit ko siyang nginitian. "Bumalik ka na rin, baka may klase na kayo." "I'll take you home later, okay?" Naa-appreciate ko ang lahat ng ginagawa ni Xavier, at masaya rin sa pakiramdam na may isang taong handang gawin sa 'yo ang mga bagay na inaakala mo noon ay imposible. Kahit kailan naman ay hindi sumagi sa isipan ko na darating ang araw na may tao palang magkakagusto sa 'kin. I'm not the ideal type, and I'm very much aware of that. Inilingan ko ang alok ni Xavier. Mas maaga ang magiging labas nila ngayon. "Maghihintay ka pa ng isang oras. Kaya ko na." "Don't worry. Isasabay ko siya," sambit ni Tim habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng kaniyang slacks. Muli ay nagbago ang ekspresyon ng mga mukha nila. Para bang kahit anong minuto ngayon ay mag-aaway na sila kung wala lamang sila ngayon sa clinic at kung wala lang din ako rito! Xavier laughed sarcastically. "Sasama ba siya sa 'yo?" Tim scoffed. "So, sinasabi mong mas dapat ka niyang samahan? Sino ka ba?!" Napapikit ako sa pagtitimpi. "Bakit hindi na lang kayong dalawa ang magsabay?!" I snapped. Bumuntong-hininga ako at idinilat ang mga mata. "Hayaan niyo na lang akong umuwi nang mapayapa mamaya, okay?" sabi ko nang hindi tumitingin sa kanila. Napapailing na lamang ako na lumabas do'n at nagpasalamat sa nurse. Sa ekspresyon ng mukha niya ay mukhang narinig niya ang naging pagtatalo no'ng dalawa sa loob. Nang makarating ako sa room ay dumiretso lamang ako sa upuan ko at inilagay ang mga braso sa ibabaw ng desk saka ipinatong ang ulo ko ro'n. Hindi ko magawang makapagpahinga dahil rinig na rinig ko sa kinauupuan ko ang malakas na singhot ni Sab dahil sa pag-iyak. Pagkapasok ko sa classroom ay umiiyak siya habang may hawak na isang maliit na salamin, iniiyakan niya ang maliit na galos na nakuha niya mula sa ‘kin. May isa pa siyang kaibigan na dinadaluhan siya habang inaaayos at sinusuklay ang buhok niya. No'ng lunch break ay pinatawag kami ni Ms. Agtay sa faculty. Sa lobby niya lamang kami kinausap, and as expected, galit siya. Kesyo bakit daw kinailangan na parehas pang babae ang magsimula ng gulo sa section namin. Hindi ako aware na lalaki pala dapat ang nagsisimula ng gulo? Bago niya kami paalisin ay sinabihan niya rin kami na on the way na raw ang parents namin. Wala akong naging reaksiyon sa sinabi ng adviser namin dahil gano’n naman kasi talaga ang sistema, habang si Sab ay naiyak na naman. Nahihiya na siguro siya na ipapatawag ang magulang niya dahil wala siyang ambag sa groupworks. Pinilit ko ang sarili ko na makinig sa discussions sa buong maghapon. Kahit pa ramdam ko na nanghihina ang buong katawan ko ay hindi ko na lamang ‘yon ininda. Pagkatapos ng huling klase namin sa hapon ay mabilis akong lumabas ng room. Laking pasasalamat ko na walang Xavier na naghihintay sa akin sa labas. Nakakahiya kasi kung hahayaan ko siyang hintayin na matapos ang klase ko gayong p’wede niya namang gamitin sa ibang bagay ang oras na ipaghihintay niya. Masiyado na akong nagiging abala sa kaniya. Habang nakatungo akong naglalakad papalabas ng campus ay may nakita akong pares ng pamilyar na sapatos. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Ayos ka lang?" tanong ni Papa. Agad na namuo ang luha sa mga mata ko nang makita ang sobrang pag-aalala sa mukha niya. “Papa…” parang bata na pagtawag ko. May kakampi na ako. Hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti sa akin. "Uwi na tayo." Bago kami umuwi sa bahay ay bumili pa si Papa ng buko pie. Sa dining kami dumiretso pagkadating. Hindi ako makatingin sa kaniya habang ipinaghahanda niya ako ng slice ng buko pie sa isang platito. Inilapag niya ‘yon sa harapan ko at naupo sa katapat kong upuan. Hindi ko ginagalaw ang pagkaing inilagay niya sa harapan ko at nanatili pa ring nakatungo. Bakit gano’n? Kahit alam ko sa sarili ko na hindi naman ako ang nagsimula ng gulo kanina ay nahihiya pa rin ako kay Papa? "Three days suspension,” sambit niya. Mas lalo kong naitungo ang ulo ko. "Sorry, Pa..." "Bakit ka nagso-sorry, eh, hindi mo naman kasalanan?" Inangat ko ang tingin sa kaniya. "Po? P-Paano..." Sigurado akong hindi naman ‘yon sasabihin ni Ms. Agtay sa kaniya dahil hindi ko naman na ipinagtanggol ang sarili ko. "Sinabi ni Tim sa akin ang nangyari." Natatawa siyang napailing. "Nag-alala ako. Akala ko pa naman ay wala na rin kayong pakialam sa isa't isa." Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘yon. Tuwa, guilt, panghihinayang. Kahit pa ipinagtulakan ko siya papalayo ay hindi ko inaasahan na magpapakita pa rin siya ng concern sa akin. I won’t be able to say it to his face, but I’m thankful na nando’n siya kanina para ipagtanggol ako. Tahimik lang kami ni Papa na kumain. Sinabi niya sa akin na siya na ang magliligpit do’n at inutusan akong umakyat na sa kuwarto ko para magpahinga. Nagbihis ako at ibinagsak ang sarili sa kama. Inayos ko ang puwesto ko at matagal na tumitig sa kisame. Ngayon ko lang unti-unting nare-realize ang mga consequences ng nangyari kanina. Tama si Tim, posibleng mahirapan ako sa clearance dahil do’n. Inilagay ko ang braso ko sa mga mata ko at pinigilan ang sarili na maiyak. “Ayos lang ‘yan, Kyrese. Ayos lang…” Natigil ako sa pagmumuni-muni nang tumunog nang dalawang beses ang telepono ko. Naupo ako sa kama at kinuha ‘yon mula sa ibabaw ng bedside table ko. Dalawang message mula sa magkaibang tao ang nakita ko sa screen. Xavier Gonzaga: Are u okay? timbog sa kanto: kamusta ka? Hindi ko alam kung sino sa kanila ang re-reply’an ko dahil kapag ginawa ko ‘yon ay hahaba ang convo namin at kakailanganin kong makipag-usap sa kanilang dalawa. Ang ending ay wala akong sinagot sa message nila at nag-note na lang ako sa profile ko ng “never better”. Wala naman akong friend na teacher kaya malakas ang loob ko na mag-post ng gano’n. Bago ako matulog ay nakita kong nag-react ng heart do’n si Xavier, habang ang kay Tim naman ay like. Akala ko ay wala nang magme-message sa akin dahil do’n sa pinost ko pero nagkamali ako. timbog sa kanto: wag mo na munang isipin yung mga lessons na mami-miss mo. magpahinga ka. ako na ang bahala. timbog sa kanto: p.s: concerned ako as a classmate, hindi as a friend. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakangiti habang binabasa ang mga chat niya na patuloy na lumalabas sa screen ko. ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD