Always You (Valencia Series #1)
by larajeszz
Chapter 17
Bago ako matulog kagabi ay inaral ko muna lahat ng lessons at tinapos sko rin ang mga assignments na ibinigay sa akin ni Tim. Nanuod na lang ako online ng about sa lesson na nahirapan ako at hindi na ako nang-abala pa ng iba para magtanong.
Pagkagising ko kinabukasan ay wala na si Papa sa bahay. May nakahandang nang breakfast sa baba; hotdog, longganisa, at itlog. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil naaawa na ako sa kaniya na araw-araw niyang kailangang gawin 'to. Kailangan ko na talagang matuto!
Kumain ako ng agahan at pagkatapos ko ay niligpit ko ang mga 'yon at nag-search online kung paano magluto ng adobo. Hindi naman siguro ako mahihirapan dahil meron namang procedure. Pero 'yon ang akala ko...
"G*go, ano 'yong dahon ng laurel?" bulong ko sa sarili. "Ano'ng lasa no'n?"
Hinanap ko sa buong kusina namin ang dahon na 'yon pero dahon ng malunggay lamang ang meron kami! Nang wala akong makita ay sumuko na ako sa paghahanap, at sinukuan ko na rin ang adobo.
"Pancake na nga lang lulutuin ko."
Doon ako hindi nahirapan dahil itlog at kaunting tubig na lang ang idadagdag sa ingredients. Hindi na kailangan no'n ng mga dahon-dahon na 'yan!
Nang matapos akong magluto ay pumiraso ako ng kaunti at tinikman 'yon. Approved! P'wede na akong magbenta nito! Sa sobrang tuwa ay nag-plating ako at kinuhanan 'yon ng litrato.
Habang abala ako sa pagtitingin ng pictures na ipagmamayabang ko sa tatay ko ay tumunog ang doorbell. Ibinaba ko ang telepono ko sa lamesa at naglakad palabas ng bahay. Pagkabukas ko pa lamang ng pinto ay nakita ko na agad kung sino 'yon. Bumuntong-hininga ako at saglit pang nag-isip bago ako naglakad patungo sa gate upang pagbuksan sila.
"Ano'ng ginagawa niyo rito?" yanong ko kay Mama. Binigyan ko ng seryosong tingin ang fiancé niya na pilit na ngumiti sa akin.
Hinawakan ako ni Mama sa braso. "Sumama ka na sa 'kin, anak."
"Ano?" Sarkastiko akong natawa. "Hindi pa ba malinaw sa inyo ang naging pag-uusap natin no'ng huli?"
Luminga siya sa paligid at parang hindi narinig ang sinabi ko. "Mag-impake ka na habang wala pa ang Papa mo."
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Ma?"
"Kyrese!"
Binawi ko mula sa pagkakahawak niya ang braso ko. "Hindi nga ako sasama sa 'yo!"
"Bakit ba ayaw mong makinig sa akin?!" malakas na tanong niya.
Napapagod na ako. Paulit-ulit na lang.
"Bakit... Bakit ba hindi niyo na lang ako pabayaan? Kung aalis kayo ay umalis na kayo ngayon pa lang." Napahilamos ako sa mukha ko. Nilagay ko ang mga kamay ko sa aking baywang at paulit-ulit na umiling habang wala sa kaniya ang tingin ko. "Wala kayong mahihita sa akin..."
"Anak naman..." Pilit niya akong inaabot pero umatras lang ako sa kaniya. Hinawakan siya ng fiancé niya sa braso.
"Makakaalis na kayo." Kahit gaano ko pa subukan na magtunog magalang ang bawat sinasabi ko ay alam kong hindi mababago ng tono ko ang bigat ng mga 'yon. "Sir Ivan." Tumingin sa akin ang lalaki. "Alagaan mo siya. At 'wag na kayong babalik dito. Ayokong madatnan kayo rito ng Papa ko."
Hindi siya tuluyang nakapasok sa gate kaya hindi ako nahirapan para muling isara 'yon. Paulit-ulit akong tinawag ni Mama pero mabilis akong nagmartsa papasok ng bahay. Pagkasarado ko ng pinto ay sumandal ako ro'n at ipinikit ko ang mga mata ko.
Posibleng ito na ang huling beses na makikita ko siya...
Ilang saglit pa ay narinig ko na ang sasakyan nila na umandar papalayo. Umayos ako ng tayo at hindi pa man ako nakakalayo sa pintuan ay muling tumunog ang doorbell namin.
Sumilip ako sa bintana kung sino 'yon.
"Theon..."
Dahan-dahan akong lumabas para pagbuksan siya ng gate. Ngumiti siya sa akin nang makita ako.
"Okay ka lang?" 'Yon kaagad ang tanong niya. Tingin ko'y narinig niya ang mga nangyari.
"Ayos lang ako..."
Tumango siya ng isang beses kahit hindi siya mukhang kumbinsido. "Sabi ni Tim ay may sakit ka raw."
Naalala ko ang sinabi ni Tim na dahilan sa kanila kaya ilang araw na akong absent. "Ah, oo..."
"Do you need anything?"
Sa likod ni Theon ay nakita kong nakatayo na si Tita Fresia sa gate sa harapan ng bahay nila at magkakrus ang mga braso na pinapanuod kami.
Ibinalik ko ang tingin sa kausap. "Wala. Ayos lang ako, Theon." Nahihiya akong nagpaalam. "Magpapahinga na ako."
"You can just hit me up if you need anything, okay?"
Tumango ako. "I will." I would never, and I shouldn't.
Nagkulong ako sa kuwarto buong araw at lumabas lamang no'ng kumain ako ng lunch. Mas maaga ang labas namin ngayon kaysa kina Xavier. Nang nakita ko sa relo ko na oras na ng labasan namin ay bumaba ako sa living room para ro'n sa sofa namin tumambay. Alam kong anytime ngayon ay p'wedeng dumating si Tim.
Maya-maya pa'y narinig ko na ang sasakyan nila na tumigil sa labas ng bahay nila. Umupo ako sa sofa namin at naghintay ng doorbell. I waited for five minutes bago tumunog 'yon. Pagkabukas ko ng pintuan ay nakabihis na si Tim ng pangbahay.
When I let him in ay sa kusina ako dumiretso at sumunod naman siya sa akin. Tinanggal ko ang nakatakip sa pancake na niluto ko kanina at kumuha ng dalawang tinidor saka inabot sa kaniya ang isa.
"You cooked?" gulat na tanong niya.
"Pancake lang naman 'yan."
Napunta ang tingin niya sa pagkain sa harap. "But stil... You cooked."
Nagsimula siyang ipaliwanag sa akin ang mga lesson na nangyari kanina. Mabuti na lamang at walang assignment dahil Friday ngayon, pero may isang lesson akong hindi maintindihan kaya pinaturo ko sa kaniya 'yon. He explained it to carefully hanggang sa naliwanagan na ako sa part na medyo naguluhan ako.
Umilaw ang telepono ko at nang kinuha ko 'yon ay may nabasa akong message galing kay Xavier.
Xavier Gonzaga: I'm outside your house.
"Saglit lang, ah?" Tumayo ako sa kinauupuan ko.
"Bakit?"
"Xavier is outside."
Napaiwas siya ng tingin at tumango ng isang beses.
Pinuntahan ko si Xavier sa labas at agad na pinapasok sa loob. Napatigil siya sa puwesto niya nang makita si Tim na nakaupo sa dining table namin.
"Just here to check on you." He held my arm para iharap ako sa kaniya. "Babalik na lang siguro ako bukas."
"Hindi, uhm... Patapos na kami ni Tim." Nilingon ko 'yong isa at pinanlakihan ng mga mata. "'Di ba?"
Noong una ay kunot-noo pa siya pero kalaunan ay naintindihan din ang gusto kong iparating. "Tama. Pauwi na rin ako." Tumayo na rin siya ro'n at naglakad papalapit sa amin. "Hindi mo na kailangang umalis, Xavier."
"Thank you, Tim."
Pagkalampas niya kay Xavier ay nilingon niya ako ulit at binigyan ng should-I-leave-you-with-him?-look. Tumango lang ako at sinenyasan gamit ang kamay ko.
Nang kami na lamang ni Xavier ang naiwan ay pinaupo ko siya sa sofa.
"Can I hug you?" Hindi ko inaasahang tanong niya.
"What?"
"Please?"
Nag-alinlangan ako pero nang makita ko ang lungkot sa mukha niya ay awtomatikong bumukas ang mga braso ko para yakapin siya. He buried his face on my shoulder. Iba ngayon ang vibe niya. Malayo sa nakilala kong Xavier na parating nakangiti.
"May problema ba?" tanong ko at hinaplos ang buhok niya.
Hindi rin naman kami nagtagal sa gano'ng puwesto dahil siya na mismo ang kumalas sa akin.
"Thanks." Ngumiti siya sa akin. Itinuon niya ang mga siko niya sa kaniyang hita at nilagay ang mga palad sa mukha. Malakas ang pinakawalan niyang buntong-hininga. "I... I think my parents are getting a divorce."
"I'm so sorry, Xavier..."
Ngumiti siya sa akin at napakamot ng sentido. "Sorry kung dito ko naisipang pumunta. I didn't mean to interrupt sa inyo ni Tim."
I shook my head. "It's alright. We could proceed with that anytime, malapit lang naman ang bahay niya." Hinawakan ko siya sa balikat at mariing pinisil 'yon. "You can talk to me."
Naibaba niya ang tingin niya at muling huminga ng malalim. "It's just sad to think na hindi ako enough na dahilan para hindi nila iwan ang isa't isa."
"Hindi mo kasalanan 'yon," I assured him. I could somehow see myself years ago. "Kailanman ay hindi natin naging kasalanan 'yon."
"I'm... I'm sorry, I didn't know that you..."
"Okay lang. Don't apologize."
"P'wede ko bang itanong kung ano'ng nangyari?"
"I don't want to make this about me—"
He cut me off. "I'm all ears about you."
Saglit kaming natahimik. Hindi ko alam kung paano o saan ko uumpisahan ang kuwento ko.
Bago magpakawala ng mga salita sa bibig ko ay huminga ako ng malalim. "Habang lumalaki ako, my mom just... fell out of love. Kanina nga lang ay nand'yan siya. Kinukuha niya ako. Pinipilit niya akong sumama sa kaniya. She was with her fiancé." Malungkot akong ngumiti habang inaalala ang bawat detalye ng nangyari kanina. "Ipinagtabuyan ko siya." Umiwas ako ng tingin at nilaro ang mga daliri ko sa kamay. "Kahit pa sabihing dinala niya ako ng siyam na buwan sa sinapupunan niya, ang Papa ko naman ang bumuhay sa akin sa buong buhay ko."
Hinawakan ni Xavier ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. "That's a hard thing to do, wasn't it? Pushing your parent away."
Malungkot akong ngumiti at tumango. "How about you? Can you tell me your story?"
Bumitaw siya sa akin at isina dal ang sarili sa sofa. Nanatili ang tingin niya sa taas. "My mom recently learned na may anak sa iba ang daddy ko." Bumalik ang mga mata niya sa akin. "And she told me that..." Muli siyang tumuwid sa pagkakaupo. "Isa sa mga Valencia 'yon."
Naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay ko dahil sa narinig.
-----
-larajeszz