bc

Always You (Valencia Series #1)

book_age16+
14
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
campus
like
intro-logo
Blurb

Friendship had sprung up since the first time that Timothy and Kyrese had run across each other. Years of friendship had made them comfortable with each other's existence and they almost shared everything, even those that were against the other's liking. Their affection developed into something that they thought was dangerous and could destroy their friendship.

Since when did love became horrific that it wasn’t good enough to be told just protect years of bond? Would they be able to take risks?

chap-preview
Free preview
Prologue
Always You (Valencia Series #1) by larajeszz Prologue “Aling Rosalita, mauna na po kayo. Susunod na lang po ako mamaya.” “Sigurado ka ba, ija? Kanina raw ay hindi ka na kumain ng agahan sabi ni Janina,” bakas ang pag-aalala sa boses niya nang sabihin ‘yon. Nakita ko rin naman ‘yon sa mukha niya nang iangat ko ang tingin sa kaniya mula sa ginagawa ko. Ibinaba ko ang hawak kong walis at lumapit kay Aling Rosalita. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Sobra akong nagpapasalamat sa kaniya dahil siya na halos ang tumayo bilang ina ko rito sa isla. Ang anak naman niyang si Janina ang naging kaibigan ang parang kapatid ko na rin mula nang dumating ako rito. “Ayos lamang po ako. Susunod po ako sa inyo kaagad. Promise! Tatapusin ko lamang po itong ginagawa ko dahil may darating daw pong bisita.” Muli akong napangiti nang bumuntong-hininga siya pero tumango na rin naman. “Oo na, sige na. Basta bilisan mo r’yan, ha? Baka mamaya ay matumba ka na r’yan dahil sa gutom.” Ilang beses akong tumango sa paalala niya. Kahit na parang labag pa sa loob niya ay umalis na siya ro’n at lumabas na ng restaurant. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nawala na siya sa aking paningin, napahalo na siya sa mga dumaraang guest ng resort. Napabuntong-hininga ako at napatitig sa asul na dagat. Kalmado lamang ang pag-alon nito ngayon at hindi gaya noong nakaraang mga linggo. Kadaraan lamang ng isang malakas na bagyo kaya matagal din kaming walang natanggap na mga guests. Ngayong araw na ito ay darating daw ang may-ari ng resort kasama ang ilang mga kaibigan, kaya halos lahat kaming mga nagtatrabaho rito ay abala sa kani-kaniya naming ginagawa. Hinawakan ko nang muli ang walis at bumalik na sa naudlot na ginagawa. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin tanggap. Tatlong taon na ang nakakalipas... Tatlong taon simula nang mangyari sa akin ang pinakamalaking dagok sa buhay ko. Napadiin ang kapit ko sa aking hawak nang maramdamang mayroong nagbabadyang mga luha na gustong kumawala sa mga mata ko. Ito na ang buhay mo ngayon, Kyrese. Kailangan mo na ‘yong tanggapin… Hindi naman sa minamaliit ko ang trabaho ko, dahil unang-una ay ito ang bumubuhay sa akin sa mga nakalipas na taon. Pero hindi ito ang pangarap ko… Mataas ang pangarap ko na ngayon ay hindi ko na magagawang maabot dahil dito sa kapansanan ko. “Kyrese, bilisan mo na r’yan at mamahinga ka na mamaya.” Inangat ko ang tingin ko nang magsalita ang boss ko mula sa aking kanan. “Sige po. Patapos na rin naman po ako sa ginagawa ko,” nakangiting sagot ko. Tumango siya ng isang beses. “Mahilig ang mga bisita sa musika, kaya papayagan kitang kumanta mamaya para sa kanila.” Halos mabitawan ko ang hawak ko dahil sa narinig. “Talaga po?!” Hindi ko na naitago ang saya sa gulat kong boses. Matagal ko na rin kasing hinihiling sa kaniya na gusto kong mag-perform sa harapan ng ibang tao. “Nagka-emergency kasi sa probinsiya nina Renz kaya umuwi siya.” Patungkol niya ro’n sa vocalist ng banda rito. “Walang makakakanta mamaya kaya puwedeng ikaw muna. Malaki magbigay ang mga panauhin natin kaya sigurado akong gaganahan ka sa pagkanta,” pagbibiro ng boss ko. Parang pumalakpak ang mga tainga ko dahil sa narinig! Kung talagang malaki ngang magbigay ang mga bisita namin mamaya ay hindi ko ito tatanggihan! “Yes, boss! Kahit ilang kanta pa po ang ipakanta nila sa akin ay hindi ko ‘yon tatanggihan!” parang bata na sabi ko. Isang beses pa siyang tumango bago naglaho at pumunta sa kusina. Ganadong-ganado ako na tinapos ang trabaho ko. Pagkatapos kong maglinis sa restaurant ay naglakad na ako papauwi. Habang nasa daan ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa dami ng tao ngayong araw. Malamig pa ang simoy ng hangin na iniwan ng nagdaang bagyo pero hindi naging hadlang ‘yon sa mga pamilya na ituloy ang pagdayo nila rito sa Isla Maluhia. Pagkarating ko sa bahay ay hindi na ako umasa na sasalubungin niya ako. “Taba!” pagtawag ko. Lumabas siya mula sa kuwarto ko. Tiningnan niya lang ako saglit at naglakad na papunta sa kawayan na sofa sa salas namin. “Napakasungit mo na naman! Hindi mo ba ako na-miss?” Ibinukas ko ang mga braso ko at umasa na tatalon siya sa mga ro’n pero tinitigan niya lang ako. “Hoy, Taba! Nakakasakit ka na ng damdamin, ha!” Ang tanging nakuha ko lamang na sagot ay, “meow.” Napahinga na lang ako ng malalim. Hinding-hindi na talaga ako makakatikim ng lambing mula sa pusang ‘to. Walang-wala na akong maisip na pangalan mula no’ng una ko siyang nakita dahil nakita ko lang naman siya sa harapan ng pintuan ng bahay ko isang umaga. Unang tingin pa lang ay kitang-kita ko na ang katabaan niya! Ang cute-cute! Pero sa totoo lang ay hindi naman siya mataba, sadyang makapal lang talaga ang balahibo niya. Naglakad na ako papunta sa kuwarto ko at naghanap ng magandang susuotin. Narinig ko naman na sumunod din si Taba sa pagpasok ko. “Akalain mo ‘yon? Pinayagan ako ni Boss Vince na mag-perform mamaya para sa mga bisita!” Gusto kong tumalon sa sobrang saya pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa tuwing may makikita akong mahabang bistida ay ipapatong ko ‘yon sa aking katawan at titingnan sa harapan ng salamin kung maganda ba ‘yong isuot para sa ganap mamaya. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng masusuot nang may biglang nagbukas ng pintuan ng kuwarto ko. “Hoy, Kyrese! Anong oras na, ah? At bakit hindi ka pa rin kumakain?!” parang nanay na bulyaw agad ni Janina. “Janina, relax lang. Kailangan kong maghanap ng isusuot ko para mamaya!” Lumapit sa siya tabi ko at pinagmasdan ang mga nakakalat na damit sa higaan ko. “At talagang uunahin mo pa ‘yan kaysa sa pagkain? Makakapag-perform ka nga sa harapan ng maraming tao, pero magkakasakit ka naman!” “Alam mo namang kailangan ko ng pera, ‘di ba?” Napapikit siya at napabuntong-hininga. “Lumabas ka na ro’n sa kusina at dinalhan kita ng tinola at kanin!” Ipinagtulakan niya na ako papalabas. “Ako na ang bahalang maghanap ng isusuot mo para mamaya!” At gano’n nga ang ginawa ko. Pagkalabas ko ng kuwarto ay naamoy ko kaagad ang amoy ng bagong lutong tinola, hindi rin naman kasi gaanong kalakihan ang tirahan ko kaya pagkalabas na pagkalabas pa lamang ng kuwarto ay mararating mo na kaagad ang salas at kusina na magkatabi lang. “Taba, ang tigas-tigas talaga ng ulo niyang nanay mo! Paano na lang ‘yan kung wala ako, ha?” rinig ko pang sabi ni Jenina sa loob. May tiwala naman ako sa fashion taste ni Jenina kaya hindi ako natatakot sa kung ano man ang mapili niyang isuot ko para mamaya. Takam na takam akong naupo sa upuan at masayang sinimulan ang pagkain. Maya-maya pa’y narinig ko na ang paglabas ni Jenina mula sa kuwarto ko. “Isang puting mahabang bestida ang napili ko sa ‘yo. Iyon ang regalo ko sa ‘yo no’ng huling birthday mo,” aniya at naupo sa katapat kong upuan. Naibaba ko ang mga kubyertos ko. “Ano? Bakit ‘yon?” Mukhang nagkamali pala ako ngayon na sa kaniya ko ipinagkatiwala ang paghahanap ng susuotin ko. “Anong “bakit ‘yon?” Maganda kaya ‘yon. Ako ang bumili no’n, eh!” “Janina, hindi naman sa sinasabi kong pangit ‘yong regalo mo. Pero… hindi ba’t sleeveless ‘yon?” napangiwing tanong ko. “Oh, eh ano naman? Maganda naman ang kutis mo, ah? Wala kang dapat ikahiya!” “Pero malamig pa ang simoy ng hangin. Baka magkasipon ako…” Ngumiti ako sa kaniya at nag-beautiful eyes pa para makumbinsi siya. Umirap lang siya sa ‘kin. “May balabal ako, pahihiramin kita.” Lumaylay ang mga balikat ko sa naging tugon niya. “T’saka isa pa, hindi pa kita nakikitang suot ‘yon, ano! Bagay na bagay ‘yon sa okasyon ngayon. At…” Tumingin pa siya sa paligid saka lumapit sa akin para bumulong. “May makisig na binatang kasama sa mga panauhin!” Ako naman ang napairap sa narinig. “Pipilitin mo akong isuot ang bestidang ‘yon para sa isang lalaki?” Taas ang isang kilay na tanong ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumuwesto sa kung saan makikita niya ang kabuuan ko. “Pagmasdan mo nga ako, Jenina. Mukha bang matitipuhan ako ng panauhin na ‘yon?” Kunot-noo niyang pinagmasdan ang kabuuan ko, para bang wala siyang nakikitang mali. “Maganda ka naman, Kyrese, ah?” Napahinga ako nang malalim bago itinaas ang palda ng suot kong bestida at ipinakita sa kaniya kung ano ba talaga ang tinutukoy ko. Kita ko ang ilang ulit niyang pag-iling nang makita ang kanan kong hita na may nakakabit na prosthetic leg. “Ngayon sabihin mo sa ‘kin, Janina…” Pilit akong ngumiti. “Mukha bang matitipuhan pa rin ako ng binatang sinasabi mo sa lagay kong ‘to?” Kitang-kita ko ang disgusto sa mga mata niya dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko na ayaw na ayaw niyang minamaliit ko ang sarili ko. Tumayo siya at lumapit sa akin. “Maganda ka, Kyrese,” sambit niya habang nakatingin sa mga mata ko. “Bukod sa maganda ay mabait ka rin, masipag, at talented! Kapag narinig nila ang pagkanta mo ay t’yak akong hindi magiging problema sa isang binata na bukas ang isip ‘yang bagay na pilit mong ginagamit para ibaba ang sarili mo.” Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Sa ilang taon kong pamamalagi rito sa Isla Maluhia, sa tingin ko’y habambuhay ko nang kamumuhian ang sarili ko kung hindi lang dahil kay Jenina. Siya ang palaging nagpapalakas ng loob ko at nagpapaalala sa akin na…. “Hindi ako kulang,” sambit ko sa kaniya. Tumango siya. “Hindi ka kulang.” Nang maramdaman naming dalawa na masiyado nang nagiging ma-drama ang atmosphere namin ay nagtawanan na lang kami. Tumingin si Jenina sa orasan. “Ilang oras na lang, oh. Naihanda mo na ba ang kakantahin mo?” Natigilan ako nang maalalang… “Kailangan ko pa palang mag-rehearse!” Mabilis ko nang tinapos ang pagkain at agad ding naligo para magtungo sa waiting area ng banda. Ka-close ko naman halos lahat ng band members dahil sa sobrang gusto ko nga talagang mag-perform ay madalas akong nakikinig at nanunuod sa rehearsals nila kapag wala na akong trabaho. “Janina, ikaw na munang bahala rito, ah? Pakibigyan na rin ng pagkain si Taba. Bye!” Nagmamadali kong paalam nang matapos akong mag-ayos ng sarili. Habang naglalakad papunta sa rehearsal ay ro’n lang ako nag-umpisang makaramdam ng kaba. Oo, gustong-gusto ko mag-perform sa harapan ng maraming tao dahil iyon naman talaga ang pangarap ko. Pero ngayon na nandidito na, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sobrang tagal na mula nang nakatungtong ako ulit sa entablado. Kahit pa nagmamadali ay hindi ko naman maaaring takbuhin ngayon ang pupuntahan ko. “Sh*t, Kyrese! Ngayon ka pa ba uurong?” Ilang beses kong sinuntok-suntok ang dibdib ko dahil umiiral na naman ang anxiety attack ko. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili. Naidilat ko ang mga mata ko nang may mga batang nagtatakbuhan ang nakasagi sa akin. “Sorry po, ate!” sigaw ng isa pero patuloy pa rin sa pagtakbo. Kasalanan ko rin naman, hindi ko na naisip na tumabi dahil nasa gitna ako ng daan. “Miss.” Nagpatuloy na ako sa paglalakad dahil talagang male-late na ako! “Miss.” Huminto ako nang marinig ulit ‘yon. No’ng unang beses ay hindi ko naman alam na ako pala ang tinutukoy niya. Dahan-dahan kong hinarap ang lalaking tumawag sa akin mula sa likuran… bagay na sana ay hindi ko na lang ginawa. Muling bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi na ito dahil sa anxiety attack… Matagal kaming nagkatinginan, para bang inaaral namin ang isa’t isa. Nakita ko na nasa kamay na niya ang bracelet ko na hindi ko na namalayan na nalaglag na pala. Muli kong inangat ang tingin sa kaniya. Hindi ko mabasa kung ano man ang iniisip niya. Nang nakita kong pababa na sa akin ang tingin niya ay ako na mismo ang kumuha mula sa kaniya ng bracelet ko at mabilis nang naglakad papalayo ro’n. He saw it! Bakit siya nandito? And after how many years? “Timothy!” Mas lalo kong binilisan ang paglalakad nang marinig kong may tumawag sa pangalan niya. D*mn it! He’s really here. Timothy Leigh Valencia is right here. ----- -larajeszz

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.4K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.3K
bc

His Obsession

read
91.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook