Always You (Valencia Series #1)
by larajeszz
Chapter 18
Pinanatili akong gising buong gabi ng sinabi ni Xavier. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba 'yon o hindi. Kahit kailan ay hindi ako nagduda sa relasyon ng magulang nina Tim. Masaya sila hanggang ngayon, kaya paanong magiging posible na magiging anak ng ama ni Xavier ang isa sa kanila?
Sinadya kong agahan ang paggising kinabukasan kahit pa puyat ako para lamang makasabay si Papa sa pagkain ng breakfast.
"May himala ba?" sambit niya habang nakatingin sa taas, parang kumakausap ng mga anghel.
"Maaga lang po akong nagutom," sagot ko kaya parehas kaming natawa.
Habang nasa gitna kami ng pagkain ay pasimple akong tumitingin sa kaniya para matiyempuhan ang pagtatanong ko. Nang makitang iinom siya ng tubig ay pinatapos ko muna siyang gawin 'yon saka ko sinabi ang bagay na kagabi pang bumabagabag sa isip ko.
"May una pa po bang naging asawa ni Tita Fresia?"
Nanlaki ang mga mata ni Papa at sinaway ako. Tumingin pa siya sa labas para makita kung mayroon bang nakarinig sa sinabi ko. Ang OA niya, hindi naman rinig sa labas ang gano'ng lakas ng boses ko!
"'Wag na 'wag mo na ulit sasabihin 'yon, ah? Lalo na kapag nasa labas ka." Naiiling siyang napainom ulit. "Para sagutin ko ang tanong mo, si Theo lamang ang naging asawa niya. Simula high school pa lamang ay hindi na pinakawalan ni Theo 'yon, eh."
Ginalaw ko ang pagkain ko gamit nag tinidor pero hindi ko pa rin 'yon isinubo. "Mabuti naman po pala kung gano'n..." bulong ko sa sarili.
"Ano 'yon?"
Napabitaw ako sa kubyertos na hawak ko. "Wala po."
Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Bakit mo pala natanong?" Tumayo siya at yumuko palapit sa akin. "May nabanggit ba sa 'yo si Tim?"
"Wala po, Pa. Naisip ko lang po kasi na... sa gandang 'yon ni Tita Fresia ay imposibleng isa lang naging boyfriend niya." Pilit akong ngumiti habang si Papa ay bumalik sa pagkakaupo niya at muli akong pinanliitan ng mga mata. "Mali po pala 'yong tanong ko kanina. Boyfriend dapat 'yon, hindi asawa."
"Akala ko ay kung ano na." Umiling siya at bumalik sa pagkain.
Saglit kong pinanuod ang tatay ko saka ako bumalik sa pagkain. I don't know why this bothers me so much. Maybe because both of my friends could possibly be affected with this? Kung totoo man, sino sa magkakapatid ang kapatid ni Xavier sa ama? It's hard to distinguish dahil magkakamukha silang tatlo, lahat sila ay nakuha ang sharp features ng mama nila.
Ilang oras matapos ang agahan ay naiwan na ulit akong mag-isa sa bahay. Nagpatugtog ulit ako habang naglinis, nag-aral ng mga putaheng hindi kailangan ng dahon ng laurel, nag-sketch sa notebook, at nagsulat ng kanta. Sa labas ako tumitingin kapag nag-iisip ako ng mga salitang idudugtong ko, may isang beses pa na nakita kong may lumabas na sasakyan sa bahay ng mga Valencia at nasa loob noon ay si Tita Fresia.
Napabuntong-hininga ako at sinabunutan ang sarili. Bakit ko ba iniisip na posibleng kitain niya 'yong tatay ni Xavier?!
Bumaba ako at nagluto ng tanghalian ko. Wala ako sa mood mag-aral ng panibagong putahe kaya nagprito na lang ako ng hotdog at itlog. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko dahil dinalaw ako ng antok sa kalagitnaan. Hinugasan ko ang pinagkainan ko at umakyat sa kuwarto para kumuha ng unan at kumot. Sa sala na lang ako natulog pero bago 'yon ay nag-alarm muna ako para magising ako bago makarating si Tim sa bahay.
Nang magising ako ay tinupi ko ang ginamit kong kumot at nag-cellphone na lamang sa sofa habang naghihintay.
Mag-iisang oras na pero wala pa ring Tim na dumadating. Wala pa rin akong naririnig na sasakyang tumigil sa labas ng bahay nila. Saan naman nagpunta ang isang 'yon?
Mabilis pa sa mabilis akong napatayo sa pagkakaupo nang marinig na may sasakyang tumigil sa labas ng bahay namin. Binuksan ko ang pinto namin at nakitang si Xavier 'yon. Pagkababa niya ng sasakyan ay may dala siyang isang bouquet ng bulaklak at kumaway sa akin; kumaway ako pabalik. Nagsabi nga pala siya kahapon bago umalis na babalik siya.
Pinapasok ko siya sa loob ng bahay at pinaupo sa sofa. Hindi ko alam kung ano'ng hitsura ko nang ibigay niya sa akin ang bulaklak na dala-dala niya.
"S-Salamat..." sambit ko.
Nahihiya akong nagpaalam para iakyat ang unan at kumot ko sa kuwarto. Pati ang ibinigay niyang bouquet ng bulaklak ay iniwan ko na lang din do'n. Wala naman sa isip ko kanina na iligpit ang mga 'yon dahil ang nasa isip ko ay si Tim lamang ang magiging bisita ko ngayon. Nakalimutan ko na babalik si Xavier.
Pagkababa ko ay sa kusina ako dumiretso para magtimpla ng orange juice. Habang naglalakad ako pabalik ng sala ay tumayo si Xavier sa sofa at kinuha sa akin ang mga dala ko.
"Nakita mo ba kanina si Tim?" tanong ko. Bahagya siyang natigilan habang ibinababa ang dala niyang juice sa lamesa. Napapikit ako at minura ang sarili. He has feelings for you, Kyrese! Hindi ka dapat basta-basta nagbabanggit ng ibang lalaki! "Nevermind. Baka pala nand'yan na 'yon sa kanila."
He just smiled at me, but that didn't reached his eyes. Agad na binalot ng guilt ang dibdib ko. I have to be sensitive!
Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang remote sa lamesa para buksan ang TV.
"Kamusta sa school?" tanong ko habang pumipili ng channel.
"Kamusta... si Tim?"
Tumigil ang kamay ko sa pagpindot at lumingon ako sa kaniya. "Kamusta ka?" paglilinaw ko.
May multo ng ngiti sa mga labi niya. "M-Maayos naman. Naipasa ko naman ang mga quiz kanina."
Dahil sa narinig ay napangiti ako. Nag-alinlangan ako sa sunod kong itatanong. "Eh... sa inyo? Kamusta naman kayo mommy mo?"
Huminga siya ng malalim bago nagsimulang magkuwento. "She's trying to act tough, and I know it's because of me. Gusto kong sabihin sa kaniya na ilabas niya lang ang kung ano mang nararamdaman niya, nandito naman ako, eh. P'wede niya akong sandalan." Mahina siyang tumawa at inihilamos ang kanang palad sa mukha. "Dapat pala ay sa bahay na lamang ako dumiretso." Lumingon siya sa akin. "Sorry, Ky."
"'Wag kang mag-sorry. P'wede ka namang bumalik dito anytime. 'Wag kang ma-guilty na kailangan mo rin ng makakausap dahil mahirap kung kikimkimin mo lang 'yan nang mag-isa."
Hindi naalis ang titig niya sa akin. Sinubukan kong labanan ang tingin niya. He reached for my hand and squeezed it. "I'm glad I have you."
All I could give him was a small smile. I shouldn't give him mixed signals. Masiyado pang malungkot ang puso ko ngayon para muling magpapasok ng panibago.
After an hour of finishing a film ay nagpaalam na si Xavier. Lubos na naman ang pasasalamat niya na tinanggap ko siyang muli rito sa bahay. Inihatid ko siya hanggang sa labas at pinanuod ang paglayo ng sasakyan niya.
When Xavier's car was about to turn left, another vehicle was coming straight to my direction. It was Tim. Blangko ang hitsura na bumaba siya sa backseat at mabilis na ibinigay sa akin ang mga papel na kanina ko pang hinihintay.
"Thanks..." Hindi pa man ako natatapos magsalita ay tinalikuran niya na ako. Humakbang ako ng isa palapit sa kaniya. "Okay ka lang?" he looks so stressed.
His eyes were cold when he turned to face me. Nagdala 'yon ng kilabot sa buong sistema ko. I feel like this would be the first time that I'm seeing him with this kind of vibe.
"Don't act like you care," he said in a monotone.
"W-What?" Ramdam ko ang panlalambot ng mga daliri ko pero nilabanan ko 'yon para hindi ko tuluyang mabitawan ang mga hawak ko. "May problema ba, Tim?"
Sarkastiko siyang natawa. He even poked the inside of his cheek with his tongue.
"P'wede bang tigilan mo na 'to? 'Wag ka nang magkunwari."
Ngayon naman ay dalawang hakbang ang ginawa ko palapit sa kaniya.
"Ano ba'ng sinasabi mo?"
"'Wag ka nang magpanggap na may pakialam ka pa. Ipinagtabuyan mo na 'ko, 'di ba? Then, let's just stay that way!" walang tigil at malakas na sambit niya. Tumango siya at mapait na ngumiti habang diretso ang tingin sa mga mata ko. "Tama ka, Kyrese. Kagaya mo ay kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa."
"Tim..."
Umatras siya ng isang hakbang. "Masakit, 'di ba? Hayaan mo, magmula ngayon ay hinding-hindi na ako magpaparamdam sa 'yo."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa pagpipigil ng luha. Akala ko ay unti-unti na kaming bumabalik sa dati... Nagsisimula na akong mawalan ng pakialam sa lahat at tanggapin na lang siya ulit sa buhay ko.
"Ano ba'ng nangyari?" tanong ko at napatango. Alam kong parang makapasal ang mukha ko para sabihin 'yon at wala ako sa posisyon na itanong 'yon sa kaniya.
Huminga ng malalim si Tim at tumingala. "I just woke up and realized..." He met my eyes once more. "That all of it was just a phase."
-----
-larajeszz