Always You (Valencia Series #1)
by larajeszz
Chapter 19
I was the one who brought me here, kaya ano'ng karapatan kong umiyak? Dapat ay matuwa pa ako, 'di ba? Dahil finally, hindi ko na kailangang magkunwari pa na para bang okay lang kami.
All my life ay siya lamang ang kaibigan ko. God knows that I didn't mean the words I said to him before, pero bakit doble ang sakit no'ng sa kaniya na nanggaling?
Hindi ko alam kung ano ba'ng nangyari at bakit biglang ganito. Bakit biglang nag-iba lahat? Hindi na nga ako naghahangad ng kung ano'ng mayroon sa amin nitong nga nakaraan. Masaya na ako na nagiging matulungin siya sa akin para hindi ako mahuli sa klase.
I know something happened, and something isn't right. Bakit biglang nabago ang ihip ng hangin? He's not that shallow, hindi siya magagalit nang walang dahilan.
Inayos ko ang higa ko at pinakatitigan ang kisame. Barado na ang ilong ko sa kakaiyak.
"I asked for this," bulong ko sa sarili.
Ang lahat ng mga bagay na bumabagabag sa isipan ko ay nawala nang lahat. Ang tangi ko na lamang naiiisip ay kung gaano kasayang ang pagkakaibigan namin na ilang taon naming pinagtibay.
Ipinatong ko ang isa kong braso sa mga mata ko. "You have to move forward, Kyrese."
I diligently completed the remaining tasks throughout the entire weekend. To avoid getting too stressed, I just busied myself learning how to cook. It was somehow therapeutic. It was tiring, but it was also very fulfilling.
Araw ng Lunes ay parang hindi na sanay ang katawan ko sa paggising nang maaga para pumasok. Masiyado akong nasanay sa limang araw na pamamalagi ko sa bahay. Kahit pa nanlalambot ang buo kong katawan ay pinilit ko pa ring kumilos dahil baka maya-maya lamang ay nand'yan na sa baba si Xavier. About that too, I'm not sure if he should keep picking me up and sending me home because I feel like I would bother him. Kailangan ko siyang kausapin mamaya about dito.
Pagkabihis ko ay inayos ko ang mga gamit ko at siniguradong kumpleto ang mga assignments na ginawa ko para sa mga nagdaang araw. Bumaba ako sa kusina at nakitang nakaupo na si Papa sa dining table at hinihintay ako.
"Ready ka na?" tanong niya.
Nakangiti akong tumango. "Ready'ng-ready na!" It's true. This feels like a fresh start.
But being ready to face a new beginning doesn't really mean that I'm okay.
"'Wag kang mahihiyang magtanong sa mga teachers mo kapag may hindi ka mahabol sa lesson or activities. Mas maayos na 'yong makapal ang mukha kaysa mapag-iwanan ka. Mas matutuwa silang malaman na may pakialam ang estudyante nila sa grades."
"Hindi naman po ako nahuhuli sa lesson," sagot ko habang naglalagay ng kanin sa plato. "Binibigyan po ako ni Tim ng mga notes."
"Gano'n ba?" Kita ko ang saya sa mga mata niya. Wala naman siyang alam sa mga nangyayari...
Habang kumakain kami ni Papa at nagkukuwentuhan ay nakarinig kami ng tumigil na sasakyan sa labas ng bahay.
"Sino 'yon?" tanong ni Papa.
"Ako na po."
Tumayo ako at nagtungo sa labas. Sasakyan ni Xavier ang nakita kong nakaparada ro'n.
"Good morning," he greeted with a smile.
"Good morning." Nginitian ko rin siya. "Ang aga mo yata ngayon?"
"Maaga akong nagising kaya maaga rin akong nakaalis sa bahay," he explained. "But don't worry, hindi naman kita pinagmamadali."
Tumuro ako sa loob ng bahay namin. "Breakfast?"
Agaran siyang umiling. "I already ate."
"Pasok ka muna. Nandito si Papa sa loob."
Kitang-kita ko kung paano unti-unting nawalan ng kulay ang mukha niya. Pinigilan ko naman ang matawa. Ngayon pa lang sila magkakaharap ng tatay ko!
Binuksan ko ang pinto para makapasok kami at boses kaagad ng tatay ko ang narinig ko.
"Sino raw 'yon?"
Nakatungo si Xavier nang tuluyan na siyang makapasok at hindi mapakali ang mga kamay niya.
"Relax, hindi ka naman niya kakagatin," natatawang bulong ko saka bumaling kay Papa. "Pa, si Xavier po."
"Xavier?" Naglakad si Papa palapit sa amin. "Kaano-ano mo ang batang ito?"
"Good morning po, Tito," pagbati ni Xavier at nagmano kay Papa. "Nanliligaw po ako sa anak niyo..."
"Nanliligaw?!" gulat na sambit ni Papa.
Kahit ako na nakatayo sa tabi ni Xavier ay nagulat. Hindi ko alam na nanliligaw na siya.
"Uh... Ibig ko pong sabihin ay... p'wede po ba akong manligaw sa anak niyo?"
Tumingin sa akin si Papa na nakabukas ang bibig at nanlalaki ang mga mata. "A-Akala ko ba ay si Ti—"
"P'wede raw bang manligaw sa akin si Xavier, Pa?" pag-uulit ko sa tanong para hindi niya matapos ang sasabihin niya. Ramdam kong pati si Xavier ay napunta ang tingin sa akin.
Isinara ni Papa ang bibig niya at tumayo nang maayos. "Oo. Oo naman. Bakit naman hindi?" Ngumiti siya at inilahad ang kamay kay Xavier. "Aalagaan mo ang anak ko, ah?"
"Pa, manliligaw pa lang. Anong aalagaan?" I said with gritted teeth.
"Bakit? Kapag magkasama kayo ay dapat bantay ka niya. Hindi ba't pag-aalaga na rin 'yon?" depensa niya na inilingan ko na lamang.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Xavier. "Makakaasa po kayo. Aalagaan ko ang anak niyo."
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko para hindi mainip ang sundo ko sa paghihintay. Inalok siya ni Xavier na ihahatid din sa trabaho pero tumanggi si Papa dahil mapapalayo lang daw kami, at baka traffic na kapag pabalik kaya mahuhuli kami sa klase.
Nasa daan kami nang i-open ko ang topic tungkol sa paghahatid-sundo sa akin ni Xavier.
"What about it?" he asked without taking his eyes off the road.
"Wala lang. Uh... ano kasi. Hindi ba ako nakakaabala sa 'yo?"
Kumunot ang noo niya pero hindi naman siya p'wedeng bumaling sa gawi ko. "We've talked about this already, right? Ako ang pumilit sa 'yo na sumama sa 'kin, kaya hindi ka abala. And besides..." Tumigil ang sasakyan dahil nag-traffic, that's when he looked at me. "Nanliligaw na ako sa 'yo. Kaya bakit ako titigil?"
Nakangiti akong napaiwas ng tingin. If he's that consistent, then wala akong magagawa. I'm happy that he is.
Wala namang masiyadong nagbago sa 'kin sa loob ng classroom. Hindi ako nahirapan sa paghahabol sa subjects dahil kumpleto ang notes na napabigay sa 'kin. Ang malaki ang ipinagbago ay mas lalong naging close ngayon sina Tim at Ava. Wala naman nang groupings na sila ang magkasama pero hindi pa rin sila naghihiwalay. Well, I guess something's going on between them. And mukhang legal na rin naman sila; she already met his mom.
"Ang clingy naman ni Ava Mila," bulong ng isa kong kaklaseng babae na nasa likuran ng upuan ko.
"Oo nga. Halos bakuran na si Timothy," sagot naman ng kaibigan niya.
"Hindi kaya nasasakal sa kaniya si boy?"
"True. Mas mabuti pa no'ng si Tim at Kyrese ang palaging—"
"Guys," pagsasalita ko. Narinig kong natigilan sila kaya dahan-dahan akong lumingon. "Dahan-dahan sa Marites'an. Nandito lang 'yong tsismis, oh?"
"Sorry, Kyrese..." they said in chorus.
Napairap ako at tumayo para bumili ng makakain sa canteen. Halos dalawang dipa pa lamang ang layo ko sa kanila ay narinig ko na ulit silang magsalita.
"Ang sungit. Kaya nasu-suspend, eh."
"Siya na nga 'yong kakampihan, 'di ba? Nevermind. Mabuti na palang si Ava ang kasama ni Tim."
Magso-sorry pero magpapatuloy sa paninira? Hindi man lang nila hinintay na makalayo muna ako! Pinakalma ko ang sarili ko dahil sigurado akong uuwi silang luhaan kapag pinatulan ko sila. At marunong naman akong madala, 'no? Tama na sa akin ang isang beses na suspension.
Tatlong order ulit ng pork siomai ang in-order ko pagkarating sa canteen. At dahil hindi pa oras ng recess ay wala pang masiyadong tao ro'n kaya agad din akong nakahanap ng mapupuwestuhan.
"Hi, Ate."
Napatigil ako sa pagsubo nang may isang junior high school na lalaki na naupo sa harapan ko. Maputi siya at medyo chubby. Namumula ang mga pisngi niya. Kung lamang ako nakapagpigil ay pipisilin ko talaga ang mga 'yon!
"Ano 'yon, 'toy?" tanong ko.
Nagpigil siya ng tawa. "'Toy?" pag-uulit niya. Mas lalong namula ang mukha niya sa pagpipigil ng tawa at kalaunan din naman ay hindi na niya napigilan. "Joker ka, ate. Ba't 'di ka mag-singer?"
Taas-noo ko siyang tiningnan. "Singer naman ako talaga."
"Gano'n ba?" aniya at may itinaas na flier gamit ang kaliwang kamay. "Kung gano'n ay sumali ka na sa aming club! Ang SV's Angels! Isa ang club namin sa pinakaabala kapag may mga events dito sa school! At isa rin sa pinakasikat!"
Ako naman ngayon ang nagpipigil ng tawa. "SV's Angels? 'Yon ang tawag sa club niyo?"
"Grabe ka, ate! Ikaw na nga 'tong nire-recruit, eh!"
Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Ikaw na nga 'tong nagre-recruit tapos inaaway mo pa 'ko! Paano mo ako makukumbinsing sumali n'yan?"
Ipinatong niya ang cute niyang mukha sa mga palad niya habang ang siko ay nasa ibabaw ng lamesa. "Nagba-busking kami. At 70-30 ang hatian! 30 sa school, 70 sa singers!"
Magaling 'tong batang 'to. Alam na alam niya kung paano ako kunin.
Umiwas ako ng tingin at pasimpleng bumulong. "Paano ba makasali r'yan?"
Sumilay ang ngisi sa mukha niya. "Simple lang po. May meeting kami mamaya sa AVR. Kausapin niyo lang po ang Club President namin na si Kuya Tim Valencia. Mabait naman po 'yon kaya for sure ay tatanggapin ka niya agad!"
Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Bukod sa nalaman kong si Tim ang President ng club na 'to ay nalaman ko rin na nakapag-clubbing na pala!
"Tapos na ang clubbing?!"
Inosente niya akong tiningnan. "Opo. No'ng Wednesday pa."
Sh*t, 'yon pa naman ang first day ng suspension ko. Bakit hindi sinabi sa akin ni Tim gayong maayos pa kami no'ng mga panahong 'yon?! Baka hindi na tumanggap ng new members ang ibang club... Ang extracurricular ko!
"Pero kahit tapos na ay open pa rin naman po ang SV's Angels."
"President niyo ba ang nag-isip ng pangalan ng grupo niyo?" nakangiwing tanong ko.
Umiling siya. "Hindi po. Si Ate Ava po, Vice President namin."
Kaya naman pala.
"Tapos na pala ang clubbing, eh, bakit nagre-recruit pa rin kayo?" tanong ko.
"Hindi po kasi naasikaso masiyado ni Kuya Tim ang paghahanap ng members dahil naging busy po siya sa paggawa ng notes para sa kaibigan niya."
Natigilan ako dahil sa narinig. "S-Sinabi niya 'yon?"
"Opo."
You've got to be kidding me.
Mas inuna niyang makagawa ng notes para sa 'kin kahit pa hindi pa maayos ang club na pinamumunuan niya! Kulang ang salitang "salamat" dahil sa ginawa niyang 'yon, dapat sa kagaya niya ay inililibre! Pero... paano ako makakabawi?
Kahit kailan ka talaga, Timothy Leigh!
-----
-larajeszz