Chapter 13

1757 Words
Always You (Valencia Series #1) by larajeszz Chapter 13 Naranasan mo na ba sa buhay mo na mag-alinlangan sa isang desisyon na kahit alam mong makakabuti para sa 'yo, hindi naman 'yon ang ginugusto ng puso mo? Simula pagkabata ko ay mulat na ako sa katotohanang mahirap ang buhay at talagang darating ka sa punto na kakailanganin mong kumayod. Lumaki akong takot mangarap dahil nakakatakot ang mga responsibilidad na kahaharapin ko sa oras na dumating ang panahong wala na akong ibang aasahan kun'di ang sarili ko. Noon, kapag tinatanong ako kung ano ang gusto kong maging, wala akong maisagot. Natatakot ako. Ayaw kong alamin kung ano'ng naghihintay sa akin sa mga susunod na taon. Pero no'ng nakilala ko si Tim, sa kaniya ko natutunan kung paano mangarap. Bata pa lamang kami ay marami na siyang gustong marating sa buhay. Lahat na yata ng posibleng trabaho ay pinangarap na niya sa murang edad pa lamang. Pero ang nangunguna sa lahat ng naging pangarap niya ay ang mag-perform sa entablado sa harap ng maraming tao. Noong una ay hindi ko pa maintindihan kung ano ba'ng espesyal sa gusto niyang marating, hanggang sa siya na mismo ang nagsabi sa akin na may potensiyal ako sa pagkanta at gusto niya akong makasama sa pag-abot ng pangarap niya. He changed my perspective in life. Na-realize ko na hindi naman pala talaga ako takot, hindi ko lang alam sa sarili ko kung saan ba talaga ako magaling. Tim has been the first person to see something in me that even myself wasn't aware of. Kahit walang kasiguraduhan kung magiging kilalang banda kami sa future, gusto ko pa ring subukan. Kasi alam kong gawin ang bagay na 'yon at may isang taong naniniwala sa akin na magaling ako. Pero noon 'yon... Paano na ngayon? Ano na ang magiging pangarap ko? Nang idilat ko ang mga mata ko ay napansin ko agad na mataas na ang sinag ng araw kaya napabalikwas ako sa kama ko. Napuyat ako sa kakaisip ng future pero hindi ko naisip kung ano'ng mangyayari sa 'kin ngayong umaga! "B*bo ka, Kyrese!" Hindi na ako kumain ng agahan at dinamihan na lang ang packed lunch ko para marami akong makain mamaya. "Bakit hindi mo ako ginising, Pa?" Tinaasan ako ni Papa ng kilay. "Señorita, hindi naman po kayo nagpapagising sa 'kin kapag may pasok kayo. T'saka ang akala ko ay masama pa rin ang pakiramdam mo." Napanguso na lang ako dahil tama naman siya. Simula no'ng natutunan ko ang purpose ng alarm ay hindi na ulit ako nagpagising sa kaniya sa pagpasok. Ang problema, hindi ako nakapag-alarm kagabi! Relapse pa more! "May mga prutas sa basket, Pa. Magbaon kayo kung gusto niyo," pagtukoy ko sa ibinigay sa ibinigay ni Tim sa akin no'ng isang araw. Halos takbuhin ko na ang daan palabas ng subdivision nang makitang binubuksan na ni Kuya Manuel ang gate ng bahay nina Tim. Dahil late akong nagising ay halos makakasabay ko pa siya sa pagpasok! Nang makarating ako sa labas ng subdivision ay may nakatigil do'n na itim na kotse. Kunot-noo ko 'yong pinagmamasdan nang biglang lumabas ang may dala no'n. "Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko kay Xavier. "To offer you a ride?" Napairap ako sa rason niya. "Kaya kong magbiyahe." "I know you're capable of doing that, but why bother?" I scoffed, "Pagkatapos nito, ano? Araw-araw mo na 'kong susunduin tapos hahatian kita sa gas?" Umiwas ako ng tingin at umiling. "Mahal ang gas kaya magco-commute na lang ako." Natawa siya sa sinabi ko. "Hindi naman kita sinisingil." Narinig kong may papalabas nang sasakyan sa subdivision at sigurado akong si Tim 'yon kaya taranta akong lumapit sa sasakyan ni Xavier. "Tara na." Sumilay ang ngisi sa mga labi niya dahil sa ginawa ko. Alam kong nakita niya na iniwasan ko ang sinasakyan ni Tim pero hindi na siya nagsalita pa. Mas nauna kami sa kanila sa daan. Pagkarating namin sa school ay medyo siksikan na sa entrance dahil ilang minuto na lang ay malapit nang tumunog ang bell. "Gaano katagal ka naghintay sa labas?" tanong ko kay Xavier habang binubuksan ang bag ko para ma-check ng guard. "Thirty minutes lang." "Ano?!" Nakita kong napatingin sa akin ang guard dahil muntik ko nang maisigaw 'yon. "I'm kidding! Mga ten minutes lang naman." "Bakit ba hindi ka nagsabi?" "Hindi ka naman papayag kung nagsabi ako, eh." Nang makalagpas kami sa guard ay magkatapat kami habang naglalakad. Maraming mga bata sa hallway na naghahabulan dahil bago kami makapunta sa room namin ay madadaanan muna namin ang Elementary Department. Habang nasa daan kami ay mayroong nakasagi sa balikat ni Xavier, pero hindi iyon isa sa mga batang naglalaro. "Watch where you're going, bro!" Xavier exclaimed. Tiningnan ko kung sino iyong kinausap niya at agad na nagtama ang mga mata namin ni Tim. He was looking at me like I'm a complete stranger. Walang emosyon na inilipat niya ang tingin kay Xavier. "Oh, sorry. I didn't notice you there." Dumiretso na ng lakad si Tim habang kami ni Xavier ay nakatulala lang sa daan dahil sa sinabi niya. Paanong hindi napansin, eh, makipot lang naman ang daanan?! "Hayaan mo at pagsasabihan ko siya," sambit ko na parang humihingi pa ng depensa sa nangyari. Ngumiti lang sa akin si Xavier na para bang walang nangyari. "Bukas ulit, ah?" "Ha?" "You know, as I've said. Hindi mo kailangang makipagkaibigan sa 'kin. Hayaan mong ako ang makipagkaibigan sa 'yo." Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Medyo naguluhan ako, 'nak." "What?" nagtatakang tanong niya. He doesn't get my humor. Magpapakain na lang ako sa lupa! "Uh... Sabi ko male-late na tayo," pagbawi ko. Pagkapasok ko sa room ay marami nang tao at lahat sila ay may kani-kanilang pinagkakaabalahan. Dumapo ang tingin ko kay Ava na ngayon ay nakatabi na ulit kay Tim habang nagsusulat sa notebook niya. Maybe they were doing their group work in Philosophy. "Natapos mo ba 'yong part mo, Kyrese?" Lumapit sa akin ang kagrupo kong si Sab nang maibaba ko ang bag ko. "Ah, oo." Inilabas ko ang ginawa ko kagabi at iniabot sa kaniya. Agad niyang binuklat ang ibinigay ko sa kaniya at napangiti. Sus, mukhang hindi naman niya nabasa ang mga isinulat ko ro'n, eh. "Oh, nice!" she commented. Pilit na ngiting tumingin siya sa akin. "P'wedeng favor? P'wedeng ikaw na rin sa narrative report?" "Ha? Eh, 'di ba't 'yon na lang ang gagawin mo?" Hindi ko naitago ang kaunting inis sa boses ko. Napakamot siya ng kaniyang sentido. "Nasira kasi ang laptop ko, eh." Huminga na lang ako ng malalim at sinabing, "Sige..." "May computers sa library, may vacant din tayo. Bakit hindi mo gawin 'yan sa oras na 'yon?" Nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko. Kahit hindi ko lingunin ay alam na alam ko na kung sino 'yon. Kita ko ang hiya sa mga mata ni Sab kaya napatungo siya. "P-Pumayag na si Kyrese, eh..." "So, ayos lang sa 'yo na wala kang makukuhang grade?" sarkastikong tanong ni Tim sa kaniya. "Hindi naman sa gano'n-" "Ayos lang, Sab." Ako na mismo ang pumutol ng usapan nila bago pa 'yon mapunta sa gulo. Bumaling ako sa lalaki sa likuran ko. "Labas ka na rito. Problema na 'to ng grupo namin." Just like earlier, he was looking at me like he doesn't know me at all. Para bang sinabi niya lang ang mga bagay na 'yon para ipagtanggol ang isang estranghero. Kahit may kirot sa dibdib ko, hindi ko na siya hahayaan ulit. I have to stood up for myself. Kumapit si Ava Mila sa braso niya. "Let's go, Tim." Sa second period pa lamang ay vacant na kaya agad akong nagtungo sa library pagkalabas ng teacher namin sa Pagbasa at Pagsusuri. Walang masiyadong tao sa library. May namataan pa ako sa isang table na matutulog. Maliit akong ngumiti sa librarian pero inirapan niya lang ako. Mabuti na lamang at kahit masungit siya ay hindi siya mahigpit sa mga estudyanteng nakakatulog dito, sa ingay lang naman kasi talaga siya sensitive. Pumuwesto ako sa harapan ng isa sa mga computers at nagsimula nang magtipa ng mga letra. Iyong assigned part ko pa lamang ang nat-type ko pero ramdam ko na agad ang ngalay sa mga daliri ko sa sobrang bilis kong mag-type. Pakiramdam ko tuloy ay nag-rant na ako sa narrative report namin kung paano ko natapos ang mga ginawa ko! Siyempre, hindi naman ako gano'n kat*nga. Hindi ako kinailangang ipagtanggol ni Tim kanina kay Sab dahil alam ko namang makakabawi ako. Inilagay ko sa narrative report namin na ipinasa sa akin ni Sab ang nag-iisa niyang gawain dahil nasira ang laptop niya. I have to be honest! Kung siya ang gumawa nito ay paniguradong puro "we" ang gagamitin niyang words kahit pa wala naman talaga siyang ambag. "Stress na stress ka na, ah." May lalaking naupo sa right side ko na bakante at walang gumagamit ng computer. It was Xavier. Tiningnan ko lang siya ng isang beses at nagpatuloy na sa ginagawa. "Ano'ng ginagawa mo rito?" "Your classmates said that you're here." Hindi siguro alam ng mga kaklase ko na gusto kong magtrabaho nang mag-isa. "Wala akong time makipag-usap." "Then, don't talk. I'll just sit here and wait for you to finish." Kusang tumigil ang mga kamay ko dahil sa narinig. Kunot ang noong bumaling ako sa kaniya. "You'll wait?" Nagkibit-balikat siya. "Yeah." "Bakit?" He sighed. "I like you, Kyrese." Napatulala ako sa kaniya at tumawa nang mahina. "Ano?" "I like you. Gusto kita," pag-uulit niya na walang halong biro sa boses. Mukhang seryoso nga siya. Napatikhim ako at muling ibinaling ang atensyon sa ginagaw. "You barely even know me." "That's why I want to know you even more." I smirked. Parang laos na ang mga linyahang ganiyan, ah? "Kung trippings mo lang ako ay sinasabi ko sa 'yo, humanap ka na ng iba." "Bakit ba ayaw mo maniwala?" He paused for a couple of seconds. "Was it because of Tim?" I closed my eyes with the sudden mention of his name. "Bakit ba ang hilig niyong isali ang isa't isa sa usapan?" "Nababanggit niya ako sa 'yo?" "Oo! Baka kayo talaga ang para sa isa't isa!" sambit ko. Matagal siyang hindi sumagot kaya napatingin ako sa kaniya dahil baka hindi na naman niya gets ang humor ko. "Bakit?" Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Bakit ba hindi kayo nagpapansinan?" Tumunog na ang bell, hudyat na oras na para sa recess. At gutom na rin ako dahil hindi ako nakapag-breakfast! "I have to go," I said and rose up from my seat. ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD