Chapter 12

1488 Words
Always You (Valencia Series #1) by larajeszz Chapter 12 Last night, I ate my pretzel sticks without anything on it. Hindi ko na nagawang kumuha mula sa chocolate fountain dahil tulala akong bumalik sa table namin. Mabuti na lang at sa buong program ng birthday ni Theon ay hindi na ako nilapitan pa ni Tim dahil hiwalay ang table ng pamilya ng celebrant at abala rin siya sa pakikipag-usap sa mga pinsan niya na taga malayo pa. As I was watching him being all smiles while entertaining their guests, my heart clenched. I'm about to ruin that sweet smile of his... Nang matapos ang program ay niyaya ko na agad si Papa pauwi dahil sinabi ko na masakit na ang mga paa ko. That was a lie, pero buti na lang at hindi na siya nagpumilit na magpaalam muna kina Tito Theon dahil abala pa rin sila pagkagatapos ng program. May after party pa yata. Bago kami lumabas ng venue ay tiningnan ko muna ulit si Tim at nakitang lumilinga siya sa paligid, hindi ko alam kung sino ang hinahanap niya. The lights were dim and he has a bad eyesight kaya hindi niya ako nakikita ngayon na paalis na. "Hindi ka magpapaalam kay Tim?" tanong ni Papa. "Alam naman po niya na kanina pang masakit ang paa ko. Alam niya na 'yon," I lied. Ngayong umaga ay matapos kong maligo at magbihis para sa pagpasok ay nanatili lang akong nakaupo sa kama habang nakatanaw sa labas. Tim was already there waiting for me. Bumuntong-hininga ako at ipinikit ang mga mata. Unti-unti akong nahiga, wala sa plano ko ang bumaba ngayon at kitain siya sa labas. Makalipas ang ilang minuto ay tumunog na ang telepono ko. Binuksan ko 'yon at nakita ang mga chat niya. timbog sa kanto: bihis ka na ba? timbog sa kanto: tara na Nagtipa ako ng reply habang nagpipigil ng mga luha. I can't believe I'm really doing this to him! Misis ni THEON: hindi muna ako papasok timbog sa kanto: bakit? I could feel his concern kahit na sa chat pa lamang. Misis ni THEON: naambunan ata ako kahapon timbog sa kanto: sigi, pagalingg :(( Bumangon ako at pinanuod ang pag-alis ng sinasakyan niya. Sinabi ko kay Papa na absent ako at nagkulong na sa kuwarto. Maya-maya'y kumatok siya sa pintuan ko at sinabing kailangan niyang umalis dahil sa trabaho. Nang maiwanan akong mag-isa ay umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa nakatulugan ko na 'yon. Nagising ako dahil sa gutom. Hapon na at nang tiningnan ko ang orasan ay kanina pa ang labasan namin. Gano'n pala kahaba ang naging tulog ko at pati ang pagkain ng tanghalian ay nakaligtaan ko na. Habang nasa gitna ako ng pagkain ay narinig kong tumunog ang doorbell. Nag-alinlangan pa akong buksan 'yon dahil kung si Papa 'yon ay hindi naman niya kailangang patunugin ang bagay na 'yon. Muling tumunog 'yon kaya tumayo na ako para pagbuksan ang kung sino mang nasa labas. Pero malakas ang kutob ko kung sino iyon. At hindi nga ako nagkamali. "Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Tim matapos ko siyang pagbuksan ng gate. Hindi ko sinagot ang tanong niya at tiningnan lang ang dala-dala niyang basket ng prutas. "Ano yan?" "Gulay siguro," sarkastikong tugon niya. Gumastos na naman siya para sa 'kin. Nagtiim bagang ako at naglakad na papasok ng bahay. "Hindi na kailangan n'yan." "Nabili ko na. Hindi ko na p'wedeng ibalik 'to." "Ayan ka na naman, eh." Nabuhay ang inis sa akin dahil do'n sa sinabi niya. "Ito, ipinagsulat kita ng notes kanina." Inabot niya sa 'kin ang dalawang page ng yellow paper at nakitang iba't ibang subjects na ang nakasulat do'n. "Buti na lang walang groupings kanina at wala ring assignments na ibinigay." "Tim." Tiningnan ko siya diretso sa mga mata. "Hindi mo kailangang gawin 'to." Kumunot ang noo niya. "Ang alin?" I opened my arms to emphasize. "Ito." Huminga ako ng malalim at nanatili ang tingin sa kaniya. "Hindi mo ako kailangang alagaan nang ganito dahil hindi mo naman ako responsibilidad. Hindi mo ako kailangang pagkagastusan." Ramdam ko ang panlalambot kaya lumaylay ang mga balikat ko bago sabihing, "Hindi mo ako kailangang kaawaan." "Ky..." Humakbang siya ng isang beses. "May problema ba?" "Baka masama lang talaga ang pakiramdam ko." Umiwas ako ng tingin. "Makakaalis ka na." Lalagpasan ko na sana siya pero nahuli niya ang braso ko. "Iniiwasan mo ba 'ko?" seryosong tanong niya. Alam kong nakakunot ngayon ang noo niya kahit pa natatakpan ‘yon ng buhok niya. “Bakit mo ako tinataboy?” "Sinabi ko naman, 'di ba? May sakit ako. At akit naman kita iiwasan?" patay malisyang tanong ko. "Then, why are you being like that?" "Ganito ako talaga, Tim." "No, you're not, Kyrese!" Napahilamos siya sa mukha niya dahil mukhang hindi niya na alam kung ano’ng gagawin sa ‘kin. "Can you please tell me kung ano'ng problema?" "Wala nga—" "Stop giving me that b*llsh*t!" "Pagod ako, Tim. Umuwi ka na." Ang kulit niya! "Sabihin mo muna kung ano'ng—" "Ikaw ang problema! Okay ka na?" I snapped. Parehas kaming nagulat sa sinabi ko. Napaatras ako sa kaniya at napatungo. Hindi ‘yon ang nais kong sabihin pero ‘yon na ang kusang lumabas sa bibig ko. Naguguluhang umiling siya. "What... A-Ano?" Natunugan ko ang sakit sa boses niya. Naupo ako sa sofa namin at napahilamos ng mukha. I don’t mean these words that I’m about to say… I hope he knows me well enough to know that. Pero hindi, ano pa’ng magiging saysay nitong mga sasabihin ko kung alam niyang hindi ko naman talaga ginusto ‘to? "Tama na siguro 'yong ilang taon na pinagtiisan mo 'ko." "Are you pushing me away?" I played with my hands and answered without looking at him. "Kailangan kong matutunang tumayo sa sarili kong mga paa." His voice was shaking. "And you can't do that with me by your side?" Umiling ako. I heard him exhaled a huge amount of air in disbelief. "Okay." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at muling nagtama ang paningin namin. I can no longer see any emotion from his face, especially his eyes. "I guess you never took our dreams seriously." Our dream to have our own band… He stormed out of our house, taking the years we'd spent together with him. I started crying silently in our living room. The excuse I used to skip class was beginning to feel real, I was not feeling well. Gayunpaman, pinilit ko pa ring tapusin ang naudlot kong pagkain. Kahit pa pugto ang mga mata ay maaga akong gumising kinabukasan. Hindi na ako p’wedeng magdahilan ulit dahil mahuhuli na ako sa klase at wala nang ibang gagawa ng paraan para lang makahabol ako sa lessons. “F*ck,” I cursed under my breath nang mapagtantong magkaklase nga pala kami. Halos hindi pa sumisikat ang araw nang lumabas ako ng subdivision para mag-abang ng masasakyan. Ganito ang normal na oras ng pagpasok ko no’ng hindi pa ako nagsisimulang sumabay kay Tim sa pagpasok gamit ang sasakyan nila. Diretso lang ang lakad ko nang makarating ako sa school pero may nakaabang sa akin pagkalagpas ko sa guard. "Mag-isa ka yata ngayon?" tanong ni Xavier na nilagpasan ko lang. "Kyrese?" Nakapikit akong huminga ng malalim at humarap sa kaniya. "Xavier, didn't I told you that I'm not good at making friends?" "You don't have to do anything. Kaya ko namang gawin 'yon nang ako lang.” He still has his smile on his face. Umiling lang ako at nagpatuloy na sa paglakad at nakasunod naman siya sa akin. Mabuti na lang at nanatiling nakatikom ang bibig niya dahil baka busalan ko siya ng kung anong bagay na madampot ko. Nang makarating kami sa harapan ng room nila ay tumigil siya sa tabi ko pero ako ay nagpatuloy lang. "You can talk to me if he doesn't!" he yelled. Tatlo pa lang kami sa classroom nang makarating ako. Pagkaupo ko sa armchair ko ay agad kong ipinatong ang ulo ko sa desk dahil wala naman akong ibang makakausap dito. Pinapakiramdaman ko ang paligid kahit pa gano’n at alam ko kung kaninong boses ang dumarating. When sit straight up, Tim was already there in his seat. Hindi kami nag-uusap sa buong araw at ramdam kong naninibago ang mga kaklase namin sa aming dalawa dahil may naririnig akong bulungan sa paligid. Ang alam nila ay halos magkadikit na ang bituka namin ni Tim pero ngayon ay kung umasta kami ay para kaming hindi magkakilala. Sa klase namin sa Philosophy ay nag-groupings kami at may iniwan sa aming activity na next week ipapasa. Hindi kami magkagrupo. Sila ni Ava Mila ang magkagrupo. After ng klase na ‘yon ay breaktime. Habang nasa daan ako papunta sa canteen ay nakita ko si Tim at Ava na nagtatawanan habang naglalakad sa direksiyon na pupuntahan ko rin. I smiled bitterly and turned around. Busog pa pala ako. ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD