Chapter 14

1815 Words
Always You (Valencia Series #1) by larajeszz Chapter 14 Xavier Gonzaga sent you a friend request. One week na ang notification na ‘yon nang mabuksan ko. Pagkapindot ko ng “confirm” button ay agad akong nakatanggap ng message mula sa kaniya. Xavier Gonzaga: I can’t believe na ngayon mo lang in-accept ang request ko. Kyrese Garcia: i can’t believe din na in-accept kita Xavier has been true to his words. Pagkalabas ko ng subdivision kinabukasan ay naroroon na siya sa labas at naghihintay. Pakiramdam ko nga ay totoong thirty minutes siyang naghintay sa akin no’ng huli dahil na-late ako ng gising no’n. “Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?” hindi ko naiwasang hindi itanong habang nasa daan kami. Naging matunog ang pagngiti niya. Para bang natatawa sa magiging sagot niya sa katanungan ko. “Nakalagay sa info mo sa social media. I suggest na ‘wag ka nang maglagay ng mga gano’n. Do’n ko nga rin nalaman kung kailan ang birthday mo, eh.” “Tama ka. Siguro nga dapat hindi na ako maglagay no’n dahil marami ka nang nalalaman sa ‘kin,” nailing na sambit ko. Ang totoo naman ay kaya ko lang nilagay ang mga ‘yon sa profile ko ay dahil baka maisipan ni Theon or Bryce na i-check ang ilang mga bagay tungkol sa akin kung sakaling ma-curious sila. Napaayos ako ng upo sa passenger’s seat nang mapagtantong dapat na rin akong mag-move on sa kanilang dalawa. Talaga palang halos sa pamilya nila umiikot ang mundo ko dati! Nakipagtalo ako kay Xavier habang naglalakad kaming dalawa sa hallway dahil inihatid niya pa ako hanggang sa classroom namin! Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang section na nadaanan namin at ng mga kaklase ko. Alam ko ang tumatakbo sa isipan nila. No’ng nakaraan lamang ay si Timothy ang nakakasama kong pumasok at maglakad sa kabahaan ng corridor pero ngayon ay iba na. Nakangisi lamang si Xavier sa akin nang muli ko siyang ipinagtabuyan. Malapit nang magsimula ang klase pero wala pa ring Tim na dumadating. Wala naman akong mapagtanungan, at pakiramdam ko’y wala naman akong karapatan na magtanong. Pero kahit na gano’n ay hindi maaalis sa akin na hindi mag-alala. Hindi naman ‘yon pala-absent sa klase! “Bakit absent si Tim?” napansin din ‘yon ng isa naming kaklase. Nakita kong nilingon siya ni Ava Mila at nginitian. “May pinuntahan sila ng family niya dahil birthday raw ng mommy niya.” Napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa narinig. Inalala ko kung ano ang date ngayon at tama nga siya, birthday ngayon ni Tita Fresia. Pinilit ko ang sarili ko na maging abala sa pagbabasa ng notes ko sa notebook dahil posibleng magkaroon kami ng quiz ngayon. Pero kahit ano pang subok ko, hindi matakpan ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Dati ay ako ang unang taong nakakaalam kung nasaan at kung ano ang mga magaganap sa buhay ni Tim sa mga susunod na araw, pero ibang-iba na ‘yon ngayon. Dati ay ako lang ang tanging nakakaalam ng sagot sa mga ganitong katanungan, pero ngayon ay isa na ako sa mga taong napapatanong. Natapos ang maghapon at nang tumunog na ang bell ay patayo akong nag-stretch ng katawan dahil sa wakas ay makakauwi na rin ako! Hindi totally nag-sink in sa akin ang mga discussion ngayong araw dahil sa mga bagay na bumabagabag sa isipan ko. Pagkalabas ko sa pintuan ng room namin ay isang Xavier na may malawak na ngiti ang sumalubong sa ‘kin. “Ano?” salubong ang mga kilay na tanong ko. “Ihahatid kita.” Hindi ako aware na hanggang sa pag-uwi pala ay magiging service ko siya? Kahapon ay mas maaga nang two hours ang uwian nila, kaya siguro walang Xavier na sumalubong sa akin kahapon nang lumabas ako. “Akala ko ba ay sundo lang? Bakit pati hatid?” tanong ko. Tumaas ang isa niyang kilay habang nakanguso. “P’wede ba naman ‘yon?” Tumango ako. “I think p’wede naman.” Bumuntong-hininga siya sa sarkastiko kong sagot. “Ganito na lang. I’ll only drive you home sa t’wing magtatama ang schedules natin. Would that be okay?” Napaiwas ako nang tingin nang kung ano-ano na naman ang naalala ko. Hindi ko na maiwasang hindi ma-paranoid. “Hindi ba ‘yon nakakaabala sa ‘yo?” Tumungo ako at napalunok. “Hindi ba… ikakagalit ng mommy mo ‘yon?” He chuckled. I know he’s thinking that I sound ridiculous. “Why would my mom be mad? The truth is, siya pa ang nagpu-push sa akin na manligaw na dahil hindi na raw ako bumabata.” Dahil sa sinabi niya ay nanlalaki ang mga mata na inangat ko ang tingin ko sa kaniya. “Nanliligaw ka ba?!” Napabuga siya ng hangin at inayos ang strap ng bag niya sa balikat. “We can take things slowly naman, ‘di ba?” I wasn’t able to answer his question. Namalayan ko na lamang ay nasa loob na kami ng sasakyan niya at tinatahak ang daan papunta sa bahay. Pinayagan ko siyang ipasok na ang kotse niya hanggang sa harapan ng bahay namin para ro’n na siya magpunta sa t’wing susunduin ako. I know my neighbor might see him outside our house, but that shouldn’t concern him anymore. “Thank you, Xavier.” “You can message me if you need someone to talk to. Yeah?” I remained silent because I remembered someone who used to tell me those words before. “Kyrese?” Natauhan ako. “Uh, sige… Salamat ulit.” Kinagabihan at habang kumakain kami ni Papa ng dinner ay tahimik lamang siya, bagay na hindi ako sanay. Habang sumisimsim ng sabaw ay nadako ang tingin ko sa kaniya at nakitang lagpas sa akin ang paningin niya. Nilingon ko ang kanina niya pang pinagmamasdan at nakita ro’n ang basket na may lamang mga prutas. Napatungo ako dahil mukhang alam ko na kung ano ang kanina pang bumabagabag sa isipan ni Papa. “Maayos lang ba kayo ni Tim?” maya-maya’y tanong niya habang patuloy sa pagkain. Tumikhim ako matapos kong uminom ng tubig. “Maayos lang kami, Pa.” “Mali pala ang tanong ko.” Ibinaba niya ang kubyertos niya at diretsang tumingin sa akin. “Bakit hindi na kayo nag-uusap?” Hindi ko nagawang sumagot. “Hindi ka na rin pala sumasabay sa kaniya sa pagpasok. Magbabayad dapat ako kay Theo ng share mo sa gas pero ang sabi niya ay hindi ka na raw sumasabay.” Nilaro ko ang mga daliri ko sa kamay sa ilalim ng mesa. “I just want to be… independent.” “Kailangan mo ba talagang iwasan ang best friend mo para maging independent?” “Maiintindihan niya ‘yon, Pa.” He just rose up from his seat and did the dishes afterwards, putting an end to our conversation. Kapag gano’n na hindi niya ako inuutusang maghugas ng plato at nagkusa na siya ay alam ko na ang ibig sabihin. Pinapaakyat na niya ako sa kuwarto ko para makapagpahinga. Habang hinihintay ko ang sarili ko na antukin ay pinakatitigan ko ang recent messages ko. Xavier, Papa, and Tim. Inilipat ko ang tingin ko sa pangalan nilang tatlo. Xavier told me to hit him up if I needed someone to talk to, but I don’t know why I found myself wanting to press the third one. I groaned and threw my phone to the other side of my bed. Pinatay ko na rin ang lampshade at nagtaklob ng kumot hanggang ulo. No'ng sinundo ako ni Xavier kinaumagahan ay may narinig akong tinig na nagmula sa kabilang bahay kaya alam kong nakadating na ang pamilya nila. It was still the same day just like the previous ones I’ve had. But unlike yesterday, the empty front seat is now occupied by its owner. Hindi naman sa pinapansin ko pa, pero kapansin-pansin naman kasi talaga na close na ngayon sina Tim at Ava! Kahit pa may naririnig akong bulungan ng mga kaklase namin na kaming tatlo ang topic ay hindi ko na pinansin ‘yon. Hindi naman no’n mababalik ang lahat sa dati kung sakaling papatulan ko sila. Pero may isa akong papatulan… “Ikaw!” galit na bulyaw sa akin ni Sab na kadarating lang sa room, pinatawag siya kanina sa faculty. “Bakit gano’n ang laman ng ipinasa mo, ha?! Akala ko ba ay maayos ang usapan natin?” “Masama bang magsabi ng totoo?” walang emosyong tanong ko. Inihanda ko na ang sarili ko para rito. Kung talagang alam mo sa sarili mo na wala ka namang ambag ay ano’ng karapatan mong bumoses sa bumuhat sa grupo niyo? Pero hindi gano’n si Sab, hindi niya kasi ako kilala. Lahat ng mata ng mga kaklase namin ay nasa amin ngayon. Alam naman nilang walang ibang ginawa itong babae sa harap ko kun’di magreklamo at gumala kaya sigurado akong wala siyang kakampi rito ngayon. “Sana ay hinayaan mo na lang akong gawin ‘yon!” Sarkastiko akong natawa hanggang sa naging totoo na ang tawa ko dahil nakakatawa naman kasi talaga siya. Saan siya nakakahugot ng kapal ng mukha? “Sana ay inisip mo ‘yan bago mo ipinasa sa akin ang gawain mo na alam ko namang hindi mo magagawa nang maayos!” “Kyrese!” madiing sambit ni Tim at pumagitna sa amin ni Sab. “Ah, gano’n?” mapanghamong sambit ni Sab at hinigit ang buhok ko. Akala niya ba ay aatrasan ko siya? Habang madiin ang hawak niya sa buhok ko at kahit pa mahapdi iyon sa anit ay hindi ako nagpatinag. Pilit kong inabot ang mukha niya at naramdaman kong nakalmot ko siya sa pisngi. Dahil sa nagawa ko ay binitawan niya ako at mas lalong nanlisik ang mga mata niya. Malakas niya akong sinampal at napaling sa kanan ang ulo ko. Agad akong dinamayan ni Tim pero hindi siya ngayon ang dapat kong unahin. Dalawa sa mga kaklase namin ang pumigil kay Sab sa mga braso niya dahil sobrang namumula na siya ngayon sa galit. Pisikal na akong nasaktan dahil lang sa ipinaglaban ko lang kung ano ang tama! “Masama bang nagsabi ako ng totoo? Pasalamat ka nga at hindi ko inilagay ro’n na nasa galaan ka lang naman pagkakatapos ng mga klase!” malakas na sigaw ko. “May ebidensiya ka ba?!” sigaw niya at halos kita na ang ugat niya sa leeg. “Ah, gusto mo?” Pumuwesto si Tim sa harapan ko dahilan para hindi ko makita si Sab na parang anong oras lang ay sasabog na sa galit. “That’s enough!” madiing sambit niya sa akin. Napairap ako sa inasta niya. “Bakit ba ang hilig mong mangialam?” “Bakit ba ang hilig mo akong itaboy?” tanong niya pabalik, and everyone else inside our room went silent. ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD