Always You (Valencia Series #1)
by larajeszz
Chapter 11
Today is Theon's birthday. Semi-formal ang required na suot ng mga guests kaya naka-long navy blue dress ako na fitted sa top pero flowy ang skirt. My hair is fixed into a messy, but elegant looking gown. Wala lang, nag-experiment lang ako. Tiningnan ko si Papa sa suot niyang blue long-sleeved polo at nag-thumbs up sa kaniya.
"Pogi," komento ko.
Nagpapogi siya sa harapan ng salamin. "Talaga! kanino ka pa ba magmamana?"
Lumabas ako ng kuwarto ni Papa at nagpunta sa akin para ihanda ang mga gamit at ang regalo ko. Nilagay ko ito sa isang maliit na paper bag na color blue rin. Tiningnan ko rin ang sarili ko sa harapan ng large mirror at bumuntong-hininga. Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan.
Kinuha ko sa purse ang cellphone ko at nagtipa ng message para kay Tim.
Misis ni THEON: marami na bang tao?
Hindi siya kaagad nakasagot kaya mas lalo akong kinabahan. Paano kung busy siya mamaya dahil kapatid siya ng celebrant? Eh, ‘di wala akong makakausap mamaya sa venue? Mas lalo akong kinabahan.
Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nag-seen na siya at agad na nag-reply.
timbog sa kanto: slr, nag-e-entertain ako ng guests
timbog sa kanto: otw na kayo ni tito?
Misis ni THEON: paalis pa lang
Misis ni THEON: kinakabahan ako
timbog sa kanto: bakit eh tao ka rin naman?
Misis ni THEON: baka kasi ipakilala ako ni theon bilang girlfriend niya
Misis ni THEON: hnd aq hndaaa,,,
timbog sa kanto: sasabihin ko sa organizer wag kang papapasukin
Pagkalabas namin ni Papa ng bahay ay nasa harapan ng bahay namin si Kuya Manuel, ang driver nina Tim.
“Magandang hapon po, Kuya Manuel,” magalang na bati ko.
“Inihabilin po kayo sa akin ni Tim.”
Gulat na nagkatinginan kami ni Papa. Wala kaming alam! Handa na nga kaming dalawa na sumakay ng taxi, eh! At wala rin namang sinabi sa akin si Tim nang magkausap kami kanina sa chat!
“Galante talaga ang magiging manugang ko,” bulong ni Papa sa akin na may nakakalokong ngiti sa labi.
“Pa!” I growled.
Sa buong biyahe namin papunta sa venue ay si Papa at Kuya Manuel lang ang nag-uusap. Halos 30 minutes din ang layo ng venue ng birthday ni Theon kaya naman nakaidlip pa ako sa daan. Ginising lang ako ni Papa nang malapit na kami.
“Tulo laway mo.” Napaayos ako agad ng upo at pinunasan ang gilid ng labi ko. Sinamaan ko ng tingin si Papa nang wala namang naramdaman do’n! Tumawa siya. “Joke lang.”
Bumaba na kami at dumiretso sa entrance pero marami pang bisita ang nandodoon dahil may kailangan pa yatang fill up’an para masigurado ang bilang ng guests at kung saang table sila naka-assign.
"Table 14 po kayo, Mr. and Ms. Garcia,” the organizer said matapos kaming pumirma ni Papa.
In-assist kami ng isa pang staff hanggang sa marating namin ang aming table. Ang kasama namin do'n ay ang ilan sa mga kasamahan ni Papa sa trabaho, ang isa pa ro'n ay 'yong kasama niyang mag-hiking no'ng huli. Masaya silang bumati sa amin at ngumiti naman ako sa mga kakilala ko noon pa man simula pagkabata. May ilan naman sa kanila na bago sa paningin ko dahil hindi na ako masiyadong nakakapunta sa trabaho ni Papa.
Habang nakaupo sa tabi ni Papa ay iginala ko ang paningin ko para hanapin si Theon. Hindi naman ako nabigo dahil namataan ko siyang nag-e-entertain ng mga bisita sa table 16; mga kaklase niya yata ang mga 'yon.
Hinanda ko ang sarili ko dahil unti-unti ay lumalapit na siya sa table namin. Ang guwapo niya ngayon sa suot niyang light blue suit. Guwapo naman siya parati, pero mas lalo ngayon! Blooming siya!
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang nakikita ko na mas papalapit siya sa kinaroroonan namin.
"Theon!" sigaw ng isa sa mga katrabaho ni Papa kaya nakangiti siyang lumapit sa table namin at nagbigay galang sa mga naroroon.
Isang beses na napunta sa akin ang paningin niya at matamis siyang ngumiti saka tumango. Hindi ko alam kung ano'ng itsura ko sa naisukli kong ngiti sa kaniya dahil hindi mapakali ang mga paru-paro sa t'yan ko! Napakakisig niya talaga ngayong gabi!
Umiikot si Theon isa-isa sa mga nakaupo sa table at nang nasa tapat ko na siya ay tumayo ako at iniabot sa kaniya ang regalo ko.
"Happy birthday, Theon," nahihiyang bati ko.
"Thank you, Kyrese." Nakangiti niyang tinanggap 'yon at pinasadahan ng tingin ang kabuuan. "Nag-abala ka pa. Kung pumayag lang sana 'yang si Tim..." Natatawang saad niya.
"No, it's okay. Dapat lang naman talaga na may regalo ako sa 'yo bilang bisita mo." Pinalobo ko ang bibig ko habang pinagmamasdan siyang abala sa pag-aaral kung ano ba'ng laman ng ibinigay ko. "To be honest, tinulungan ako ni Kuya Bryce na maghanap niyang regalo ko sa 'yo."
Umawang ang labi niya dahil sa sinabi ko. "Really?" gulat na tanong niya sa akin at ibinalik ang tingin sa regalo ko. He shrugged, "Whatever this is, I trust his taste, so I guess I'll love it." He gave me his sweetest smile. "Thanks again."
Tinawag siya ni Tito Theo para mapuntahan niya ang iba niya pang bisita kaya hindi na rin siya nagtagal do'n.
Lumapit sa akin si Tito nang makita niya ako. "Kyrese! Kanina ka pang hinahanap ni Tim." Ngumiti siya sa mga kasama ko sa table. "Iyong bunso ko, hindi yata makakatulog nang hindi nakikita ang batang 'to, eh."
Napuno ng kantsawan ang table namin at nahihiya naman akong napayuko. Maging ang nasa ibang mga table ay napatingin sa gawi namin. Pati si Tita Fresia ay nakita kong tumingin! 'Yong asawa niyo po ang nagsimula...
"Excuse po," paalam ko sa kanila at mabilis na nagtungo sa kung nasaan si Tim.
Kumukuha siya ngayon ng mga pretzels at kakanin sa isang mas maliit na mesa katabi ng buffet table.
"Naibigay mo na regalo mo?" tanong niya nang mapansing nasa tabi niya na ako. Patuloy pa rin siya sa pagpupuno ng maliit niyang plato.
Nakapamaywang ko siyang tiningnan. "Bakit naman ipinasundo mo pa kami kay Kuya Manuel?"
Hinarap niya ako habang ngumunguya siya ng kutsinta. "Hahayaan ko ba kayong magbiyahe ni Tito na ganiyan ang suot mo?"
Napalunok ako at natigilan dahil sa naging sagot niya. Ginawa niya 'yon dahil lang dito sa suot ko?
Umiwas ako ng tingin at nagdahilan. "P'wede naman mag-taxi!"
"Nandito ka na, Ky. 'Wag mo nang pakaisipin." Inginuso niya ang nakalagay sa lamesang nasa gilid namin. "There's a chocolate fountain, don't scoop it with your bare hands, ah," pang-aasar niya.
Noong mga bata pa kami ay isinama kami ni Papa at Tito Theon sa isang party ng kumpanya nila. Halos ganito rin kagarbo ang venue no'n kung tama ang pagkakaalala ko. First time kong makakita ng chocolate fountain noon kaya sobrang na-amaze ako! At sa mura at inosenteng pag-iisip, sinalo ko ang mga kamay ko sa fountain dahil gusto kong mapasaakin ang lahat ng inilalabas niya. Siyempre ay nadumihan ako noon kaya umuwi kaagad kami ni Papa.
"Gusto mo ingudngod ko mukha mo d'yan?" nakangiwing sagot ko.
Mabuti na lang at tinawag ang family members ng celebrant sa unahan para sa picture taking, dahil kung hindi ay baka nagawa ko talaga sa kaniya ang sinabi ko.
Bumalik na ako at umupo sa tabi ni Papa. Lahat ng atensiyon ng mga bisita ay napunta sa pamilya Valencia. Kahit pa madalas ko naman silang makita ay tila ba natigilan din ako sa lakas ng dating nilang lahat kapag magkakatabi.
Ngayon ko lang nakita si Bryce na naka-navy blue na long-sleeved polo. Si Tito Theo ay naka-suit din kagaya ni Theon pero mas darker shade ang kaniya. Si Tita Fresia naman ay fitted ang suot na long royal blue dress at may slit pa sa left leg! Ang sexy ni Tita at nagmukha lang siyang ate ng magkakapatid! Habang si timbog naman ay may pagka-indigo ang suot na polo shirt at naka-suspender siya. Halatang-halata sa porma niya na siya ang bunso sa kanila. And of course, he still has his thick glasses.
Pagkatapos ng family picture ay nagbigay mensahe si Theon at ang parents niya para sa lahat ng naroroon. And after that ay nagkainan na! Nag-skip ako ng lunch kanina para lang dito!
Sa magkabilang side ng venue ay may buffet tables kaya hindi gaanong siksikan ang sa estimate ko'y 50+ na taong nandidito ngayon.
Pagkatapos ng table namin kumuha ng food ay may ilang games na ginawa. Hindi na ako nag-abala na sumali kahit pa pinipilit ako ni Papa dahil makakaistorbo lang 'yon sa pagkain ko. Kahit pa crush ko ang may birthday ay hindi ako para magpasikat dahil food is life!
After kong kumain ay nagtungo ako sa mini table na pinagkukuhanan ni Tim kanina ng pagkain. Kaunti lang ang kinain ko kaya mas gusto kong busugin ang sarili ko with sweets.
Habang kumukuha ako ng pretzels at slices ng watermelon ay may naramdaman akong tumabi sa akin.
Natigilan ako nang makita kung sino 'yon.
"G-Good evening po, Tita..."
"Nice dress," Tita Fresia complimented me.
"Thank you po..." Naibaba ko ang hawak ko at nanatiling nakatayo nang may paggalang.
Her smokey eye makeup made her even more intimidating!
"How's school?" tanong niya habang kumukuha ng isang pretzel stick at isinawsaw 'yon sa chocolate fountain.
"Maayos naman po."
She looked at me. "And Tim?"
"Active po siya sa klase. Paborito nga po siya ng teachers namin, eh."
"As he should." She ate her pretzel and I waited hanggang sa matapos siyang kainin 'yon. "Si Manuel ang naghatid sa inyo rito?"
Matindi ang naging paglunok ko. "O-Opo..."
Iniharap niya ang buong katawan niya sa akin at pinag-krus ang mga braso niya. Sinubukan kong panatilihin ang tuwid kong postura para naman hindi ako magmukhang bastos sa harapan niya.
"You know, Kyrese, I never said anything about your bond with my youngest, but things are starting to get serious now that you're close to adulting." Iyon pa lang ang nasasabi ni Tita Fresisa ay parang kakawala na ang puso ko sa kaba. "Napansin kong medyo napapagabi na ang uwi ni Tim, and I learned that sabay pa rin kayo sa pagpasok. Is that right?"
Hinawakan ko ang isa kong kamay dahil hindi na 'yon matigil sa panginginig. "Yes po, Tita..."
She sighed. "As a mother, ayokong mapariwara ang anak ko." Her words pierced right through me. Mapariwara is a word that I never expected to hear from her, kahit pa alam ko namang hindi niya ako gusto. "Don't you think the years you've spent together is enough already?" Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. Pinigilan ko ang mga luha ko. Her mere presence is too much from me. "You can't always be dependent to my son. Spread your own wings. Hindi panghabambuhay ay magkasama kayo." She shifted her weight to the other side. "You understand me, right, Kyrese?"
Huminga ako ng malalim. "Yes, Tita..."
She smiled at liked she didn't said those words to me. "Enjoy the evening."
-----
-larajeszz