Chapter 10

1902 Words
Always You (Valencia Series #1) by larajeszz Chapter 10 Gaya pa rin ng nakasanayan ay maaga pa rin akong natapos mag-ayos ng sarili kahit pa hindi na kami magbibiyahe simula sa araw na ‘to. Nagdidilig si Papa ng mga halaman sa labas ng bahay habang ako naman ay nanatili lang na nakaupo sa sala namin dahil hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na pumayag ako sa gustong mangyari ni Timothy. Pilit kong pinakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng breathing exercises. “Tito, si Kyrese po?” Rinig kong tanong ng kaibigan ko mula sa labas. Natigilan ako saglit sa paghinga at muli ay dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Pumikit ako at umiling. Kyrese, sasakay ka lang naman sa sasakyan nila. Hindi mo naman ca-carnap’in, eh. Huwag ka nang masiyadong kabahan! “Kanina pang bihis ‘yong batang ‘yon, eh. Baka nakatulog na naman sa kuwarto niya?” narinig kong sagot ni Papa at nagtawanan pa silang dalawa. “Sandali at tatawagin ko.” Hindi p’wedeng ganito. Kung ganito na ang mangyayari sa mga susunod na mga araw ay dapat tanggalin ko ang takot sa sistema ko. Kyrese, hindi ka naman kakagatin ni Tita Fresia kapag nakita ka niyang nakasakay sa sasakyan nila! Hindi ako sure… Nang marinig kong papasok na si Papa ng bahay ay tumayo ako sa sofa at nagkunwaring kabababa lang ng hagdan. Tumigil ako sa paglalakad nang makitang nasa loob na siya ng bahay. “Nand’yan na si Tim sa labas ng bahay,” pagbabalita ni Papa sa akin dahil hindi niya naman alam na narinig ko lahat. “Hindi na kayo commute? Nakita kong nasa labas na ang sasakyan nila.” “Opo, Pa. Mas… gusto po kasi ni Tita Fresia na may driver si Tim. Hindi naman po pumayag si Tim na hindi ako kasama.” “Gano’n ba? Mas maigi na nga ‘yon.” Lumapit siya sa akin at tinapik ako sa balikat. “Mag-iingat kayo, ah? Kakausapin ko si Theo at sasabihin kong hahati na lang ako sa bayad sa gas.” Mahal ang gas ngayon! Pero kahit papaano ay lumagay ang loob ko. Hindi naman kami sobrang kapos dahil kung tutuusin naman ay maganda ang tinapos at trabaho ni Papa. Ako lang naman ‘tong ayaw masiyado na pinagkakagastusan niya ako kaya talagang iniipon ko ang mga perang natatanggap ko mula sa kaniya. Palagi ko kasing naiisip na wala naman siyang katulong na buhayin ako kaya ayoko lang naman maging pabigat. “Sige po. Salamat, Pa! Una na po ako.” Pagkalabas ko ng gate ay nakasandal si Tim sa bakod namin na gawa sa semento at magkakrus ang mga braso. “You’re such a snail,” komento niya na naman. I just stuck out my tongue at him and walked straight to their car. Walang pag-aatubiling pumasok ako sa backseat at komportableng naupo. Nakita ko sa rear-view mirror ang driver nila na si Kuya Manuel kaya nginitian ko ito at gano’n din siya sa akin. Halos ilang segundo lang mula nang makapasok ako ay sumunod na rin sa akin ni Tim at naupo na sa tabi ko. “Kahit hindi na natin masiyadong agahan ngayon. Hindi na natin kailangang makipag-agawan sa masasakyan.” Napapatangong sambit niya na tinugunan ko lang din tango. “Nakita ka raw ni Kuya Bryce kahapon?” “Yeah. Tinulungan niya akong maghanap ng regalo para kay Theon,” tugon ko at wala sa sariling nagpipigil ng mga ngiti. Kahapon pa akong magdamag na nakangiti dahil ang bait-bait talaga ni Bryce! Kahit pa mukha siyang nakakatakot at masungit dahil malaki siyang tao ay mabait siya sa akin simula pa no’n. At first time ko rin nakasakay sa sasakyan niya! Hindi ko na nga halos naintindihan ang mga ikinukuwento niya sa akin kahapon dahil naka-focus ako sa pabango niya na amoy na amoy sa loob ng kotse! “Bakit hindi ako ang isinama mo?” Tim asked while pouting, bursting my bubbles. “Nagkita lang kami ro’n, okay? T’saka isa pa, siya naman ang nagprisinta na tulungan ako.” Siniko niya ako sa braso ko. “Nagiging close ka na sa mga crush mo, ah. Prayer reveal naman d’yan.” Mahina ko siyang hinampas. “Prayer reveal ka d’yan! ‘Wag na, baka masunog ka pa.” Malakas na sinundot niya ako sa tagiliran kaya pinandilatan ko siya ng mga mata. Ngumisi lang siya sa naging reaksiyon ko hanggang sa sunod-sunod niyang ginawa ‘yon! Kahit pa naiinis ay hindi ko napigilan ang sarili ko na mapatawa nang malakas dahil malakas ang kiliti ko! Nang maidilat ko ang mga mata ko ay saktong sa rear-view mirror ako napatingin at nakita ko si Kuya Manuel na nakatingin do’n. Agad kong itinulak palayo si Tim. Umiling-iling si Kuya Manuel sa unahan dahil maging pati siya ay mukhang nagulat din. “Okay lang po, Ma’am, Sir. Tahimik lang naman po ako...” Paulit-ulit kong inayos ang buhok ko at nilagay ang mga takas na buhok sa likod ng tenga ko dahil sa kahihiyan. “No, Kuya, uh… Gano’n lang po talaga kami mag-asaran.” Narinig ko ang katabi ko na nagpipigil ng tawa. “Nag-explain pa nga,” sambit niya habang ang siko ay nasa bintana ng sasakyan at ang kamay ay nakatakip sa bibig niya para hindi kumawala ang tawa niya. Bwisit ka, Timothy! Hindi ko pinansin siya nang makarating kami sa school. Hindi naman ako galit talaga, gusto ko lang siya maghabol para magmukha siyang t*nga. Ngayong araw nga na ito officially ang start ng mga discussions. First subject pa lang sa umaga ay Gen Math na kaagad! Introduction to Functions ang naging topic namin. Hindi naman ako masiyadong nahirapan dahil na-gets ko naman ang discussion ni Ma’am, pero nakakasama lang ng loob! Ang aga-aga tapos Math agad! Bago lumabas si Ma’am ng room ay may iniwan siyang activity. Early dismissal ang nangyari, may five minutes pa para sa sunod na subject. Pagkatapos kong kopyahin ang nakasulat sas board ay niligpit ko ang mga gamit ko sa desk at bumaling kay Tim. Yayayain ko sana siyang bumili saglit ng tubig pero nakita kong kausap niya ‘yong isa naming kaklaseng babae. Si Ava Mila. Siya ‘yong muntik nang maupo sa upuan ni Tim no’ng first day. Mukhang nagpapaturo siya kay Tim ng naging lesson dahil kanina ay puro taas ng kamay ang kaibigan ko sa recitation. “Ano’ng sinabi sa ‘yo?” tanong ko kay Tim nang makalapit ako at nang makaalis na si Ava. “Nagpaturo lang.” “Ha? ‘Di ba siya nakinig? Basic pa lang ang lesson, ah?” “Baka naguluhan lang. Ikaw napaka-basher mo!” “Guys, wala raw si Sir Castro! Mag-advance reading na lang daw. Nasa GC ‘yong study guide,” anunsiyo ng isa naming kaklase na lalaki na kapapasok lang ng room. “Tara kumain. Nagugutom na ako,” pagyaya ko. “Mag-advance reading daw, hindi advance recess,” pabalang na sagot ni Tim. Dami niya pang arte, eh, sasama rin naman pala siya. Walang masiyadong tao sa canteen nang makarating kami dahil baka section lang namin ang walang teacher. Nilibot namin ang mga stalls hanggang napagdesisyunan namin na siomai na lang ang bilhin. “Ano’ng sa ‘yo?” Abala ako sa pagtitingin ng menu. “Tatlong order ng pork siomai,” sagot ko. Ang isang order ay tatlong piraso, kaya siyam na piraso ang sa akin. Sobrang nagc-crave kasi talaga ako! Tiningnan ko ang kaibigan ko at nakitang naglalabas siya ng 500 pesos. Inabot niya sa akin ‘yon. “Dito na.” “Tim,” madiing sambit ko. Itinulak ko papalayo ang kamay niya at naglabas ng akin sa wallet ko. Itinapat ko ‘yon sa mukha niya para makita niya nang maayos. “May sarili akong pera, okay? Don’t spoil me.” Nagsalubong ang mga kilay niya at tumingin din sa menu. “Spoil you? Kailan ba kita ini-spoil?” Anong kailan?! Palagi! Habang umo-order kami ay napansin ko na panay ang paglinga niya sa paligid. “Himala. Wala yata ‘yong nagbigay sa ‘yo ng croissant.” “May klase pa sila, t’saka kailangan bang lagi siyang nand’yan?” masungit na tanong ko pero kalaunan ay napangiti nang may maisip. “Ikaw, ah. Crush mo ba si Xavier?” “Ano?!” Bakas sa mukha niya na hindi na siya natutuwa. I wiggled my eyebrows at him with a teasing smile on my face. “Alam mo, kahit ano ka pa, tanggap kita. Best friend kita, eh.” His face was grimacing. “Are you for real?” he scoffed. Tumatawa ako na iniwan siya ro’n para maghanap ng puwesto na mauupuan. Sa isang long table na walang tao ako pumunta, malapit kasi ‘yon sa mga stall na balak ko pang pagbilhan kapag hindi ako nabusog sa siyam na siomai na ‘to. I swear diet ako! Ngayon lang naman ‘to, eh! Mahaba ang nguso na naupo siya sa harapan ko. Nagsimula siyang kumain na hindi ako pinapansin. Nakatikom lang ang bibig ko dahil nagpipilit kumawala ang tawa ko. Ang sarap niyang asarin! “Uh… Timothy.” Sabay na umangat ang tingin namin ni Tim sa nagsalita. It was Ava. “Para sa ‘yo,” nahihiya at mahinhing sabi niya. Ibinigay niya kay Tim ang isang bote ng malamig na iced tea. “Para sa ‘kin?” inosenteng tanong ng kaibigan ko. Muli akong nagpigil ng tawa pero may kaunting nakatakas kaya saglit na napunta sa akin ang tingin nila. Ano ba namang klaseng sagutan ‘yan? Nasabi na nga na para sa kaniya, eh! “Salamat nga pala kanina,” pagpapatuloy ni Ava. Mukhang anumang oras ay gusto na niyang magpalamon sa lupa dahil mukhang sobra siyang nahihiya. Tumingin pa sa akin si Tim na parang nanghihingi ng tulong kung ano ang isasagot niya pero abala lang ako sa pagkain. “Oh. Uhm… Welcome?” Mukhang hindi inaasahan ni Ava na gano’n ang magiging sagot nito kaya napaayos siya ng tayo at napakamot sa sentido. “Sige, una na ako. Bye!” Nang matanaw ko na malayo na si Ava ay hindi ko na napigilan ang tawa ko. Muntik pa akong mabulunan dahil hindi ko pa pala nalulunok lahat no’ng kinakain ko. Inabot sa akin ni Tim ‘yong binigay ni Ava sa kaniya pero hindi ko tinanggap ‘yon. Binigay ‘yon sa kaniya tapos ibibigay niya sa akin! “Welcome?” sabi ko nang makabawi, halos hindi na makahinga sa sobrang pagtawa. “Bakit mo tinanong!” “Hindi naman!” depensa niya na parang bata. “Welcome?” pag-uulit ko at itinuon ang mga braso sa lamesa para lumapit sa kaniya. “Uh… Welcome?” Nagkulay kamatis na ang mukha niya dahil sa pang-aasar ko. “Stop it.” “Hindi ka pala sanay kumausap ng babae,” umiiling na sambit ko at muling sumubo ng siomai. “Hindi ka ba babae?” pang-aalaska niya. “Gusto mo ng suntok?” “See?” He chuckled softly at ipinagpatuloy na rin ang pagkain. “Ikaw lang ang gusto kong kausap na babae.” Natigilan ako sa sinabi niya at napaiwas ng tingin. Naging dahan-dahan na lang ang pagnguya ko dahil may kakaibang dulot sa akin ‘yong sinabi niya. Paano ko mauubos ‘tong anim na siomai kung hindi na ako makanguya nang maayos?! ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD