Always You (Valencia Series #1)
by larajeszz
Chapter 8
Maaga kaming nakarating sa school. Maraming mga estudyante ang pumapasok din sa South Ville University na sa way namin manggagaling kaya kapag hindi namin aagahan ay talagang mahihirapan kaming makasakay.
Ewan ko ba rito sa kaibigan ko. May driver naman sila, pero kahit pa anong pilit na ang ginawa ko sa kaniya no’ng junior high school pa lang na huwag na niya akong samahan mag-commute sa pagpasok ay ayaw niya pa ring makinig. Pinapahirapan niya ang sarili niya! Hindi naman na ako bata! Sa mga gala ko lang naman gusto na biyahe kaming dalawa, pero pati sa pagpasok ay ginawa niya!
Gaya na lang kanina, narinig ko sa may labas ng gate namin na sinasabihan siya ni Tita Fresia na bakit nag-aabala pa siyang magbiyahe gayong may sasakyan naman sila. Hindi ko narinig ang sagot ni Tim, pero aaminin kong nakaramdam ako ng guilt dahil sinabihan ko pa siya kahapon na sabay dapat kaming papasok. Pagsasabihan ko na lang siya mamaya. Hindi niya naman ako responsibilidad.
“Saan ang room natin?” tanong ko kay Tim after i-check ng guard ang bags namin.
Nauuna siya ngayon sa paglalakad. “I don’t think naman na na-shuffle ang rooms ngayon.” Nilingon niya ako. “Hindi mo ba alam kung saan ang room ng Grade 11 – GAS last year?”
“Sa dulo sa taas ng rooms ng Grade 7, right?”
Nakangisi siyang lumapit sa akin. “Very good naman ang batang ‘yan.” Pinisil niya ang kaliwang pisngi ko. Humalakhak lang siya nang inambahan ko siya ng suntok. “I’ll meet you there na lang. Ms. Agtay wants to see me.”
Kailangan niya ngayong pumunta sa adviser namin dahil may maling info sa I.D. niya. 11 – ABM ang nakalagay sa kaniya imbis na 11 – GAS. Ayon pa sa kaniya ay hindi niya raw ‘yon napansin no’ng binigay na rin ang I.D. no’ng enrollment pa lang. Hindi kami sabay nakapag-enroll dahil nilagnat ako noon kaya hindi ko rin naman alam na may mali pala sa I.D. niya. Hindi siya marunong mag-double check!
Sa taliwas na direksiyon nagpunta si Tim at ako naman ay diretso lang sa paglalakad. Kilala ko lang sa mukha ang ilan sa mga nakakasalubong ko kaya hindi ako bumabati o ngumingiti man lang. Hindi rin naman nila ako kilala for sure.
“Hi, excuse me.”
Napahinto ako nang may lalaking nagsalita mula sa likuran ko. Bumaling ako sa kaniya. “Yes?” tanong ko. Nakatingin lang siya sa akin at hindi agad nagsalita. Napakunot ang noo ko. “How may I help you?”
Halos magka-height sila ni Theon na siya namang mas matangkad kay Tim; hanggang baba niya lang ako. Moreno ang kulay ng balat niya at malinis ang pagkakaayos ng buhok niya.
Para siyang natauhan sa tanong ko at napatango ng isang beses. “Ah, yes.” Pilit siyang napangiti at nahihiyang nagtanong. “Saan ang Grade 11 – STEM A?”
Saglit akong napaisip bago sabihing, “Sumabay ka na lang sa ‘kin. Doon din ang daan ko.”
Ngumiti siya sa akin ng malapad kaya sinuklian ko rin siya ng isang maliit na ngiti. Hindi naman sobrang sama ng ugali ko para manatiling poker face lang sa harap ng isang stranger.
“May I know your name?” tanong niya habang naglalakad kami. Nasa kanan ko siya ngayon. “If it’s okay with you, of course.”
“Kyrese Garcia,” sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya. “And you are?”
“Xavier Gonzaga,” sambit niya at inilahad ang kamay niya sa akin kaya tinanggap ko ‘yon. “STEM ka rin?”
“Nope. GAS ako.”
“That’s interesting.” He really did sound amused. Ako lang ‘to. “Not discriminating your chosen strand, but I barely know people na GAS ang strand.”
“I want to be different from what’s normalized,” I said confidently.
“And how exactly are you different from others?”
“I, uh… I’m not good at befriending people.” Not trying to be rude, but I said that, so he’d have an idea that I’m not trying to make friends.
Subalit ngumiti lang siya sa sinabi ko. “You really are different.”
Hindi na kami nag-usap pa habang nasa daan papunta sa room naming dalawa. Habang naglalakad ay pinagtitinginan kaming dalawa, or should I say, pinagtitinginan si Xavier. I can’t blame them, though. He looks like a model! Malakas ang dating niya at mukhang hindi siya pure Filipino. Pero mas malakas pa rin ang dating ni Theon!
“Dito na ang STEM A.”
“Thank you for your kindness, Kyrese. I’ll see you around?” paalam niya na tinanguan ko lang.
I wouldn’t really call it “kindness”, I just didn’t want to be rude to a newbie.
Pagkarating ko sa room ay sa bakanteng upuan sa may bandang gitna ako pumuwesto. Inilagay ko rin ang bag ko sa katabing upuan para mag-reserve para kay Tim.
“May nakaupo na rito,” sabi ko sa isang babae na muntik nang maupo sa armchair kung saan nakalagay ang bag ko.
Busy na ang mga kaklase ko sa pakikipagkamustahan at pakikipagkilala sa mga bagong estudyante ng South Ville. Makikilala ko rin naman sila sa buong school year kaya hindi na ako nag-abalang makipag-usap pa sa iba. Ibinaling ko na lamang ang atensiyon ko sa pinto at hinintay si Tim na makarating. Ilang saglit pa ay nakita ko na siyang pumasok at lumilinga sa paligid kaya itinaas ko na ang kamay ko para mapansin niya.
“Tagal mo naman,” reklamo ko kahit mga twenty minutes lang naman siyang nawala.
“I had to make sure na tama na ang lahat ng info sa ‘kin.”
Itinuro ko ang upuan niya. “Kung hindi ka pa dumating in five minutes ay ibibigay ko na sana sa iba ‘yang seat mo.”
“Sus!” He wiggled his eyebrows on me. “Akala ko ba ako ang clingy?”
Nandidiri ko siyang tiningnan. “G*go ka ba?”
“Hmp! Bakit ba kita kinakausap? Hindi mo pa nga pala ako sinusuyo.” Pagkasabi niya noon ay humarap na siya sa iba naming kaklase at nagsimulang kausapin ang mga ‘to.
“Sobrang arte mo,” umiiling at mahinang sambit ko.
Matapos akong talikuran ni Tim ay iginala ko na lang ang tingin ko sa buong classroom. Wala naman itong masiyadong ipinagkaiba sa room namin last school year, pero sobrang iba ng ambiance. Ramdam na ramdam ko na nasa senior high school na ako at ang silid na ‘to ang makakakita ng lahat ng pagdadaanan namin as a section. Kinakabahan man at nakakatakot pero sobrang excited na ako!
Ilang sandali pa ay dumating na si Ms. Agtay kaya tumahimik na ang lahat at bumalik sa kani-kanilang mga upuan bago kami sabay-sabay na bumati ng “good morning”. Binago rin naman ang seating arrangement at nakangusong kumaway sa akin si Tim nang i-announce sa klase ‘yon. Nadako ang tingin ko sa babae kanina na sana’y uupo sa upuan na ni-reserve ko kay Tim at nakatingin din siya sa akin. Nabasa ko sa tingin niya na parang sinasabi niyang “ipinagdamot mo pa ‘yang puwesto, mag-iiba rin naman pala”. Ang galing, p’wede na akong storyteller sa galing ko mag-imbento.
Alphabetically arranged ang seats at alternate ang boys at girls. Si Timothy ang nasa pinakalikod dahil siya na ang pinakahuli sa class list para sa mga lalaki.
Itinaas ko ang kamay ko at agad na tumayo nang ituro ako ni Ma’am. “P’wede po bang ilipat si Valencia? Malabo po kasi ang mata niya.”
Tumingin ako kay Tim at nag-thumbs up siya sa akin. Wala siyang lakas ng loob na magsabi noon kaya ako na ang gumawa. Kalaunan ay sa pinakaunahan napapuwesto si Tim, kahilera ng mga kaklase namin na nagsisimula sa letrang A ang apilyedo.
As expected, puro introduction at orientation sa subjects lang ang nangyari sa dalawang period na nauna. Simple lang ang mga ibinigay kong detalye sa buhay ko. No’ng tinanong ang hobbies ay sinabi kong “matulog”. At no’ng tinanong ang talent ay sinabi kong “paggigitara”. Nakita kong tututol pa sana si Tim dahil hindi pagkanta ang sinabi ko pero pinanlakihan ko siya ng mata.
“Ito oh.” Recess na at ibinigay na sa akin ni Tim ang chocolate chip cookies na binili niya kahapon sa convenience store.
“Thanks,” pagtanggap ko. “Tara pa rin sa canteen. Tingnan natin kung nabago ba mga tinda ngayon.”
“Mapapagastos pa ako, eh! Kaya nga bumili na ako ng pagkain natin kahapon!”
“Eh, ‘di iwanan mo ‘yong wallet mo, ‘di ba?”
Parang bata siya na ngumiti sa akin. “Oh, you’re right. Galing mo talaga.”
Maraming tao sa canteen nang makarating kami. Hindi ko makita agad ang mga tinda sa stalls kaya kinailangan ko pang tumiyad para mamataan kung ano ang mga tinda nila. Na-out of balance ako pero buti na lang at naalalayan ako nitong kasama ko.
“Wala man lang bago sa mga tinda!” mahinang reklamo ko kay Tim. “Tara na.”
“Kyrese!”
Aalis na dapat kami nang biglang may sumigaw ng pangalan ko. Ako ang tinawag pero marami ang lumingon. Ako lang may ganiyang pangalan sa school na ‘to! Bakit nakikitingin kayo?
Hinanap ko sa dami ng tao ang tumawag sa akin at maya-maya’y nakita ko ‘yong lalaking tinulungan ko kaninang mahanap ang room niya. Nakangiti siyang naglakad papunta sa amin ni Tim.
“Sino ‘yan?” bulong ng kaibigan ko sa likuran ko.
Ipinaling ko ang ulo ko sa kaniya para marinig niya ako. “Nakasabay ko kaninang umakyat.” Nakangiti akong humarap kay Xavier.
“Take this.” Napatingin ako sa inalok niyang croissant.
Agad akong napailing. “Hindi na kailangan.” Itinaas ko ang binigay ni Tim sa akin na tinapay. “Ito, oh, may kakainin na ako.”
“Take it. Please?” At dahil nag-please siya ay nahihiyang kong tinanggap ‘yon. “It’s my token of appreciation.”
“Hindi naman na kailangan.” Nahihiyang sambit ko. Hindi naman na kasi talaga kailangan! “Ah, siya nga pala. Xavier, si Tim. Tim, si Xavier.” Nakatingin lang silang dalawa sa isa’t isa at tila nag-uusap gamit ang mga tingin. Itinuro ko ang lalaking katabi ko. “Best friend ko.”
Tumango si Xavier at naglahad ng kamay kay Tim. “Nice meeting you, bro.”
“Timothy Leigh Valencia,” my friend introduced himself. Tinanggap niya ang kamay ni Xavier. “Nice meeting you, too.”
-----
-larajeszz