Always You (Valencia Series #1)
by larajeszz
Chapter 9
Pinaghatian namin ni Tim ang croissant na ibinigay ni Xavier. Solve na solve na ako sa chocolate chip cookie pa lang kaya ibinigay ko na sa kaniya ang kalahati.
“Ano ‘yon?” tanong ni Tim habang kumakain kami sa room.
Kumunot ang noo ko dahil kulang sa detalye ang tanong niya. “Anong ano ‘yon?”
“Sinamahan mo lang close na kayo kaagad?”
“Hindi kami close!” depensa ko naman. “T’saka baka mabait lang talaga siya kaya binigyan niya ako nito.” Itinaas ko ang kaliwang kamay ko na may hawak sa kalahati no’ng croissant.
Iniiwas niya ang tingin sa akin at umiling. “That was very unnecessary.”
“Hayaan mo na. Nabusog ka rin naman, ah?”
Inirapan niya ako. “Whatever.”
Iniharap niya ang katawan niya sa whiteboard at ipinagpatuloy ang pagkain. Pumasok sa isipan ko ang kanina ko pang gustong i-open sa kaniya. Sana lang ay hindi naman ‘to pagtalunan.
“Tim.”
“What?” tanong niya nang hindi tumitingin sa akin.
Ibinaba ko ang tingin sa pagkaing hawak ko at napabuntong-hininga bago ako nagsalita. “Narinig ko kanina si Tita Fresia,” pag-amin ko.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na natigilan siya sa ginawa at unti-unting ibinalik sa akin ang tingin. “Huwag mo nang pansinin si Mommy.”
“No, Tim.” Nang tingnan ko siya ay wala na ulit sa akin ang mga mata niya at nagpatuloy na siya sa ginagawa na para bang wala lang ang kung ano mang sinabi ko. Napahinga ako ng malalim. “Can you please listen?”
“I can hear you, Ky.”
Napapikit ako. “Tim, this is serious.”
Dahil natunugan niya ang pagkaseryoso ng boses ko ay muli siyang humarap sa akin at nagkibit-balikat. “What about it?”
“Let’s change our routine.” I shook my head to rephrase my words. “No.” Itinuro ko siya. “Your routine.”
It wasn’t a request; it was more like an order.
“Ngayon pa, Ky, kung kailan senior high school na tayo?”
“Sa’yo na mismo nanggaling yan, ah. Bakit ngayon pa? I’ve been telling you on this since Grade 7, Tim!” Bahagya akong lumapit sa kaniya. “Grade 7,” I emphasized the words.
“What about it? Can’t I decide for myself?”
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko siya pinipilit ngayon para iparamdam sa kaniya na wala na siyang control sa buhay niya. Ayaw ko lang na sumusuway pa siya sa mommy niya. Aaminin kong natatakot din ako na baka isang araw ay maging dahilan pa ‘yon ng pagiging malayo namin sa isa’t isa. Hindi malayong maisip ni Tita Fresia na ako ang kumukunsinte sa anak niya na gawin ang mga ganitong bagay. Kung tutuusin ay maliit na bagay lang naman ‘to, pero gano’n ko nirerespeto ang mommy niya.
“Tim, ayaw ko lang magalit sa ‘yo ang mommy mo.” Mas kalmado na ang boses ko ngayon at hindi kagaya kanina na kaunti na lang ay parang magsisigawan na kami. “Tama naman siya, eh. Bakit mas pinipili mo ‘yong bagay na mahihirapan ka?”
Mukhang napaisip siya sa kung ano ang gusto kong iparating. Kahit papaano ay kumalma ang puso ko dahil mukhang bukas na ang isipan niya sa usaping ito. Ang tagal-tagal ko nang binabanggit sa kaniya ang tungkol dito pero parang ngayon niya lang nauunawaan.
You’re growing up, Timothy.
“Okay, fine. I won’t commute.” Maya-maya’y sambit niya. “Basta sa akin ka pa rin sasabay.”
Muli akong napapikit at napahinga ng malalim dahil hindi niya pa rin pala ako naiintindihan. “Tim, you don’t-”
He cut me off. “From now on, I’ll choose what I think is best for me. Can’t you do the same for yourself, Kyrese?” Hindi ko nagawang makasagot agad. “Ikaw na mismo ang may sabi na pinili ko ‘yong bagay na kung saan mahihirapan ako. Hindi ba’t ‘yon din naman ang ginagawa mo?”
“Your mom might disagree...” I couldn’t voice out my thoughts.
Paano ko ba masasabi sa kaniya na ayaw kong maging pabigat sa kaniya? Paano ko sasabihin sa kaniya na ayaw kong maisip ng mommy niya na kaya ko lang siya kinaibigan ay dahil sa may pera sila? At ngayon… baka isipin niya na masiyado kong pinapakinabangan si Tim.
Alam kong posible naman na nasa ulo ko lang naman ang lahat ng ito pero ‘yon ang nararamdaman ko. Ever since we were kids, his mom never welcomed me to their home. Kaya madalas noon ay sa labas lang kami ni Tim naglalaro. Nakakapasok naman ako sa bahay nila, pero kapag wala lang ang parents niya. At gano’n pa rin ako hanggang ngayon.
“I’m sure she’ll understand.” Tim reached for my hand and squeezed it. “You’re my friend, Ky. Maiintindihan ‘yon ni Mommy.”
At dahil wala na akong ibang maidahilan ay pilit na lang akong ngumiti at tumango.
Sa mga sumunod na subjects ay puro introduction at orientation lang ulit. Ang isa sa subject teachers na na-meet na namin kaninang second period ay teacher pa rin namin sa ibang subject kaya hindi na kami nagpakilala ulit, bagkus ay tinanong niya kami isa-isa kung ano ang ine-expect namin sa subject niya at sa kaniya bilang teacher.
Hanggang sa second day ay gano’n pa rin ang mga nangyari sa buong maghapon. Introduction para sa mga teachers na hindi namin na-meet kahapon at orientation sa ibang subject. They told us that discussions would officially start on Thursday dahil holiday ng Wednesday kaya naman napag-isipan kong mamili ng regalo para kay Theon.
“Pa, alis na po ako,” sigaw ko mula sa living room dahil nasa likod ng bahay si Papa. Naghahalaman ata.
“Kasama mo si Tim?” sigaw niya pabalik.
Naglakad ako palapit sa kung nasaan siya para naman hindi na kami magsigawan na dalawa. “Ah, hindi po… Ako lang po mag-isa.”
“Sige. Ingat ka.”
Nang makarating ako sa mall ay expected ko na na maraming tao. Bukod kasi sa holiday ngayon ay naka-sale din sila. Kaya rin ngayon ko naisipang pumunta kahit pa mayroon pa namang weekends.
Relo ang naisip kong iregalo kay Theon. Sa tagal na panahon ko na siyang pinagmamasdan, napansin kong iisa lang ang relo na ginagamit niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa may sentimental value lang talaga sa kaniya ‘yon o baka ‘yon lang talaga ang mayroon siya. Kaya ito ang napagdesisyunan kong bilhin.
Abala ako sa pagtitingin ng mga relo sa loob ng glass box. Kunwari lang ay marunong talaga akong mamili pero sa totoo lang ay hindi ko alam kung alin sa mga nakalagay ro’n ang kukunin ko. Ramdam ko ang pagsasalubong ng mga kilay ko dahil hindi ko alam na marami pa palang pagkakaiba ang relo ng mga lalaki!
“Kyrese! Didn’t expect to see you here.”
Napaayos ako ng tayo at tumingin sa tumawag sa akin. “Oh, Xavier …” Sinuklian ko ang ngiti niya. “Well, same here.”
Mahina siyang natawa. “Sino’ng kasama mo?”
“Wala. Ako lang.”
“Sino’ng pagbibigyan mo n’yan?” He pointed the watches using his lips. “Your boyfriend?”
Bakit ‘yon naman kaagad ang naisip niya? “No, uhm… It’s for a friend.”
Theon, you’re a friend… for now. Minura ko ang sarili sa isip ko. Kyrese, ang landi mo!
“You need help on picking out the best one?”
Parang nagningning ang mga mata ko sa offer niya kaya agad kong tinanggap iyon. He’s a guy kaya for sure ay mas makakapag-recommend siya sa akin ng relo sa swak sa taste ng lalaki.
“Kyrese.”
Gulat kong nilingon ang pamilyar na boses na ‘yon. “Kuya Bryce!”
Yep, tinatawag ko siyang “Kuya” kapag kaharap ko, pero kapag dalawa lang kami ni Tim ay Bryce lang. Hindi naman niya malalaman dahil pinagbantaan ko na ang kapatid niya ‘pag nagsumbong siya. Ang pangit naman kasi na tatawagin mo ang crush mo na “Kuya!, ‘di ba? It’s not giving!
“Kasama mo ba si Tim?”
Parehas sila ni Papa na ‘yon kaagad ang naiisip!
“Hindi, Kuya. Ako lang mag-isa.”
Nalipat ang tingin niya kay Xavier na nasa kanan ko. “Who’s he?” tanong niya sa akin na para bang hindi siya naririnig ng taong curious siya kung sino!
“Si Xavier. Schoolmate namin ni Tim,” nahihiyang pagpapakilala ko.
Napunta ang tingin ni Bryce sa mga relo at pumagitna sa amin ni Xavier. Si Bryce ang pinakamatangkad sa magkakapatid kaya hindi ko na makita si Xavier nang hinarap siya nito.
“It’s alright, bro. I’ll help her choose the best one.”
Dumaan si Xavier sa gilid ko at nagpaalam. “Ingat ka pag-uwi, Kyrese.”
Pilit ko siyang nginitian. “Mag-iingat ka rin, Xavier.”
Nang makaalis siya ay ibinalik ko ang tingin kay Bryce na abala na ngayon sa pagtitingin sa mga relo.
“Are you picking a watch for Theon?” tanong niya habang ang tingin ay nanatili lang sa mga relo.
Hindi na ako nagulat na nahulaan niya ‘yon dahil ang store na pinasok ko ay puro relo panlalaki ang tinda. “Yeah, and I don’t know what to choose kaya tinutulungan ako kanina ni Xavier.”
“Does Tim know that your friends with that guy?”
“We’re not friends!” depensa ko. Ilang beses ko bang kailangan depensahan ang sarili ko na hindi naman kami magkaibigan ni Xaiver? “Tinulungan ko lang siya one time sa school kaya mabait siya sa ‘kin.”
He nodded, but still not looking convinced. “That’s why sulky si bunso,” bulong niya na hindi ko narinig. “This one’s nice.” Kinuha niya ang isang relo na napili niya at ibinigay sa akin. Kulay gold ang katawan noon at p’wedeng i-partner sa kahit na anong porma.
I trust Bryce’s choice kaya ‘yon na ang kinuha at binayaran ko. Tinanong niya pa ako kung may iba pa raw ba akong pupuntahan at nang masabi kong wala na ay inanyayahan niya akong sumabay na sa kaniya. Ilang beses akong tumanggi pero mapilit siya. Ang kukulit nilang magkapatid!
-----
-larajeszz