Chapter 3

2236 Words
Always You (Valencia Series #1) by larajeszz Chapter 3 Pagkapasok ng kuwarto ni Tim ay agad kong kinuha ang gitara niya at ibinagsak ang sarili sa inflatable sofa bed sa may harapan ng TV. “Be careful!” paninita niya. Tumaas ang isa kong kilay habang nags-strum. “At kailan ka pa naging concerned sa akin?” Hinagisan niya ako ng isang balot ng paborito naming chocolate chip cookie at agad ko namang nasambot ‘yon. “Sa gitara ako concerned.” Inirapan ko siya at ipinakita sa kaniya ang middle finger ko. Nang marinig ko ang pagtawa niya ay natawa na lang din ako. Hindi naman talaga ako ganito ka-weirdo, sa kaniya lang. Kaya best friend ko siya, eh. Nakatitig lang ako sa kisame habang kinakapa ang tamang strumming pattern ng kantang kinompose naming dalawa. Habang inuulit-ulit ko ‘yon ay may naririnig akong parang mali. “Ano ‘yang tinutugtog mo?” tanong ni Tim habang abala siya sa malaki niyang flat screen TV sa paghahanap ng lalaruin namin. “Tingnan mo nga ‘tong ginagawa ko.” Nilingon niya naman ako agad at ipinakita ko sa kaniya ang mga chords na ginagawa ko sa gitara. “May mali, eh.” “At least you’re aware na may mali.” Naglakad siya papalapit sa akin at lumuhod sa harapan ko. “Nasa second fret ang fifth string, nasa first ‘yang daliri mo.” Siya na mismo ang nag-ayos ng daliri ko sa gitara at pinanood ko naman siyang gawin ‘yon. “Ayan. Now, show me kung paano mo ulit tugtugin.” He watched my hand as I strummed the guitar, but I wasn’t looking at what I was doing. The whole time, I was just watching his reaction. I smiled when he nodded and looked at me with amusement in his eyes. “Fast learner ka talaga!” he complimented. I just shrugged and scrunched my nose. “Maliit na bagay.” Tinarayan ko siya dahil nakaluhod pa rin siya sa harapan ko. “Pangit mo.” “You’re welcome,” he said sarcastically. Nang tumayo siya sa harapan ko ay inilapag ko na rin sa gilid ang gitara niya at sinundan siya at naupo sa dulo ng kama. Puzzle games ang hilig ni Tim habang ako naman ay action. Wala lang, gusto ko lang talaga ‘yong graphics kapag may kaunting pagka-brutal. Nagsimula na siyang maglaro habang ako naman ay tahimik lang na nanunuod sa tabi niya. Hindi ko pa rin lubusang maialis sa isipan ko ang binabalak na pagpapakasal ni Mama. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Mukhang ayos lang naman kay Papa no’ng nalaman niya ang balita, pero bakit ganito pa rin ang epekto sa akin? “Kyrese!” Natauhan ako. “Ano ‘yon?” tanong ko. Natulala na pala ako sa panunuod ng nilalaro niya. “Kanina pa kitang tinatawag.” He shook his head. “Alam ko namang palagi kang sabog, pero extra sabog ka yata ngayon?” Dahil do’n sa sinabi niya ay mahina ko siyang binatukan, tinawanan niya lang ako. “What’s wrong? Hindi pa ba sapat na nakita mo si Kuya Theon?” “Oo, dahil wala si Bryce.” I sighed, rested my head on the sofa’s backrest, and closed my eyes. “Wala lang ‘to.” “Come on, speak your mind,” aniya. “Sino ka ba? Parang hindi ikaw ‘yong Kyrese na no’ng isang araw lang ay lasing dahil nakitang may kasamang babae si Kuya Theon.” Hinampas ko siya ng throw pillow pero itinigil ko rin agad dahil naawa ako sa unan. “Hindi ko alam na mataas pala ang alcohol percentage no’ng liquor na kinuha ko sa collection ni Papa!” Umiling siya. “Blah, blah, excuses. Mababa lang talaga ang tolerance mo. Weak.” “I’m not a weak drinker! Hindi ko lang talaga nabasa ‘yong percentage!” “Inuna mo pa kasi ‘yong iyak mo kaysa magbasa.” Humalakhak siya ng malakas sa tabi ko. Bumangon ako sa pagkakasandal at sinamaan siya ng tingin. “Trip mo ako ngayon, ah? Crush mo ba ako?” Tumingin siya sa ‘kin na gulat at para bang nabulunan siya sa tinapay kahit pa wala naman siyang kinakain. “Yuck, Kyrese Lyann! Are you hearing yourself right now?” May kumatok sa pintuan, hindi pa man siya nakakasagot sa akin ay tumayo na ako para buksan ‘yon. Tila naghugis puso ang mga mata ko nang makita si Theon sa labas ng kuwarto ni Timothy. Sa angkin niyang kaguwapuhan ay napatawad ko na siya kaagad at nalimutan ko na rin ‘yong nakita ko na may ka-date siyang babae sa mall no’ng isang araw. “Theon, ikaw pala,” sambit ko gamit ang pinakamahinhin kong boses. Inilagay ko rin sa likod ng tainga ko ang mga takas kong buhok. He smiled and nodded once. “Kyrese.” Pagkabati niya sa akin ay lumagpas na ang tingin niya kay Timothy. “Leigh, you know Mom’s orders.” Bumaling siya sa akin. “No offense, Kyrese…” At muling tumingin sa kapatid niya. “Hindi na kayo p’wede rito sa kuwarto mo na kayong dalawa lang.” “Saan kami p’wedeng tumambay kung gano’n?” tanong ko. Theon motioned his head to the left side. “Downstairs.” Natuwa naman ako sa narinig. Doon kasi madalas nakatambay si Theon, ewan ko ba kung bakit ayaw niya sa kuwarto niya. Ilang saglit pa ay nagpaalam na si Theon. Binalingan kong muli si Timothy at hindi na ako nag-abala pang isara ang pintuan dahil baka magalit ang kapatid niya. Baka ma-turn off pa sa ‘kin ‘yon! “Tara na sa baba!” Hinila ko siya sa braso pero hindi siya natinag sa kinauupuan niya. “Ikaw na lang. Biglang sumama ang pakiramdam ko.” Itinigil ko ang paghila sa braso niya. “Ano?” Hinawakan ko ang noo niya. “Hindi ka naman mainit, ah?” “Hindi lagnat. Ano…” Naging malikot ang mga mata niya at hindi niya magawang tumingin sa akin. “Nagtatae yata ako!” Niyakap niya ang t’yan niya at nahiga pa sa sofa para magmukhang makatotohanan. “Aray! Ang sakit.” Pinanuod ko lang siya sa ginagawa niya. Napakaarte talaga ng isang ‘to! “Akala ko ba maglalaro tayo? Bakit mo pa ako pinapunta rito?” Umayos siya ng upo. “You can go downstairs if you want. Nando’n si Kuya Theon.” Nagningning ang mga mata ko. “Inirereto mo ba ako sa kapatid mo?” Muli siyang umasta na masakit ang t’yan kaya nag-iiba agad ang mood ko. “Paano ka kapag bumaba ako?” He laughed like I’ve said something ridiculous. “Hindi ko ikamamatay ang LBM.” Hindi pa rin ako kumbinsido. “Sigurado ka ba? Hindi mo ba kailangan madala sa ospital?” Kahit pa madalas kaming mag-away ay may kaunting pag-aalala pa rin naman ako para sa lalaking ’to, ‘no? “Sige na, Kyrese. Once in a lifetime opportunity ‘yan, sulitin mo na. Uuwi na sina Mommy bukas.” Hindi lingid sa kaniya na takot ako sa Mommy niya. “Sige, magpagaling ka, Tim. Abay ka sa kasal namin ng kuya mo kapag nagka-developan kami ngayon. Bye!” Habang nasa daan ako pababa ay inayos ko ang sarili ko. Tama nga si Tim, baka hindi na ‘to maulit ulit. Nag-breathing exercise pa ako dahil hindi ko maitago ang kaba sa dibdib ko. Nakakapag-usap naman kami ni Theon pero gaya lamang no’ng kanina. Small interactions lang. And as someone na may crush sa kaniya for almost half of my life, hindi sapat sa akin ‘yon! Nang nasa huling step na ako ng hagdan ay tumigil ako nang makitang nasa living room na ngayon si Theon at nanonood ng TV. For the last time, I inhaled a huge amount of air before taking my last step and making my way to their living room. Mabilis niyang naramdaman ang presensiya ko kaya nag-angat siya ng tingin. “Where’s my brother?” Nahihiya akong napahawak sa batok ko. “Uh… Ano raw, nagtatae- I mean, may LBM daw siya kaya nagpaiwan na lang siya sa kuwarto niya.” Bumakas ang pag-aalala sa mukha niya kaya I gestured my hands, waving them in front of me. “Don’t worry, he said he’ll be fine. ‘Di niya naman daw ikamamatay ang LBM.” Tumango siya ng isang beses. “Have a seat,” he said and tapped the sofa twice. At dahil good girl ako, naupo ako sa dulo ng sofa na inuupuan niya. Mga tatlong tao pa ang pagitan namin. Tama nga si Tim, parang hindi ako si Kyrese! Ang hinhin ko pagdating sa mga kapatid niya. Nagpipilit nang kumawala ang mga boses sa utak ko! Kadarating ko pa lamang pero bigla nang tumayo si Theon sa kinauupuan niya. Wala naman akong ibang nagawa kun’di sundan siya ng tingin. Nagtungo siya sa kitchen nila at pagbalik niya ay may dala na siyang tinidor at plato. “P-Para saan ‘to?” tanong ko at agad ko ring minura ang sarili ko sa isipan pagkasabi ko no’n. Malamang gamit ‘yan sa pagkain, Kyrese! “I cooked carbonara, and it happens to be too much, so I'd share it with you.” Nahihiya ko namang tinanggap ang plato at tinidor na iniaabot niya. “Thank you.” Ngayon ko lang matitikman ang luto ni Theon! Kinuha niya sa ibabaw ng lamesa ang plato niya na naglalaman ng carbonara at dahan-dahang nagsalin sa platong ibinigay niya sa akin. “Salamat,” sambit ko. Ngumiti lang siya sa akin at bumalik na siya sa panunuod. Nagsimula na akong kumain ng niluto niya at halos magsumigaw na ako sa kaloob-looban ko dahil sa sarap no’n! Nasa bucket list ko na matikman ang luto ng isang Theon Leonelle Valencia! Tumikhim ako nang may maalala. Birthday na niya in two weeks at wala pa rin akong naiisip na regalo! “Uh, Theon?” He was drinking water from a glass when he looked at me with raised eyebrows. Focus, Kyrese! “Wala kasi akong ideya sa mga hilig mo, eh. Ano’ng gusto mong makuha sa birthday mo? Damihan mo para may options ako, ‘tsaka para ma-surprise ka kung alin sa mga ‘yon ang ibibigay ko sa ‘yo!” Ibinaba niya ang baso niya nang natatawa. Happy pill niya ako! “Ky, you don’t have to give me anything. You just have to be there.” He called me Ky! Ky at hindi Kyrese! “Hindi naman p’wede ‘yon, ‘no! Nakakakonsensiya naman na makikikain lang ako ro’n sa birthday mo.” I completely lost my focus when he bit his lips and crossed his arms. "Hmm? What do I want for my birthday?" Iniiwas ko ang tingin ko habang nag-iisip siya dahil baka kung ano’ng magawa ko sa kaniya sa isipan ko. “Just perform with Timothy.” “Okay na sa ‘yo ang gano’ng regalo?” I asked and he immediately nodded his head. “Sure ka?” “More than sure. Ipinarinig niya sa ‘kin before ang kanta niyo, it deserves recognition. It'd be an honor for people to hear it initially on my birthday.” I could feel my cheeks burning. Theon just complimented my composition. Our composition! As one of the co-composers of that song, I feel like I have the right to decide, right? And what's the worst thing that could happen? Theon is a friend and my co-composer's elder brother. “We’ll do it,” I said confidently. I stayed there for an hour. We watched a movie and then hopped to another because he suddenly realized the previous one had a weird and boring plot. When it was time for me to go home, I didn't have the chance to say goodbye to Tim because he was already asleep when I went to his room. “Kumusta ang date mo?” bungad ni Papa nang makauwi ako sa bahay. Ang kanina ko pang pinipigil na sigaw ay inilabas ko na lahat sa harapan ni Papa. Napailing na lang siya sa inaasta ko at sa tingin ko’y naiisip niya na rin kung bakit ba siya nagkaroon ng ganitong klase ng anak. Pagkatapos kong magwala sa living room ay mabilis akong umakyat sa kuwarto ko at nag-spam message kay Timothy. Kailangan kong ipakalat ‘to! You set your nickname to Misis ni THEON. Misis ni THEON: GUMISING KA, TIMOTHYYYYY Misis ni THEON: este bayaw pala Misis ni THEON: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA Misis ni THEON: MABUTI NA LANG AT NAGTAE KA Misis ni THEON: nakikiayon sa tadhana pwet mo!!! Misis ni THEON: tNx s0 mucH,,, Libr3 kt4 is4w bowK4szxx Seen by timbog sa kanto. timbog sa kanto: bkt m inalis ung longganisa seller? :( timbog sa kanto: narinig ko rito sa kuwarto ko yung sigaw mo Misis ni THEON: SERYOSO BA???? timbog sa kanto: jk lang timbog sa kanto: edi sumigaw ka nga??? timbog sa kanto: kawawa naman si tito wil kailangan niyang pakisamahan ang tulad mo Misis ni THEON: pero thank you talaga @timbog sa kanto timbog sa kanto: isaw ko ah Misis ni THEON: baka mag-LBM ka na naman timbog sa kanto: ayos lang yan, basta galing sayo Misis ni THEON: ?????? timbog sa kanto: *basta galing sa puso mo timbog sa kanto: sumasakit ulit tyan ko bye ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD