Chapter 5

2245 Words
Always You (Valencia Series #1) by larajeszz Chapter 5 “Ang kulit kasi,” panenermon ko kay Tim. “Sinabi ko naman sa ‘yo na dapat hindi na tayo do’n sumakay, ‘di ba?” Sa isang pharmacy kami bumaba para bumili ng band aid dahil nagsugat ang mga kamay niya sa sobrang higpit ng kapit niya kanina sa jeep! Kanina ay tinutulungan ko siyang maglagay no’n sa tatlong daliri niya na nasugatan pero puro siya reklamo na masakit daw akong maglagay kaya hinayaan ko na lang siya. “At least hindi ako nahulog, ‘di ba?” pagrarason niya at nag-beautiful eyes pa. “T’saka nandito naman na tayo kaya ‘wag ka nang magalit! Maaga tayong makakauwi.” Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Tita Fresia ‘pag nalaman niyang gano’n ang nangyari sa bunso niya habang kasama pa ako? Napailing na lang ako at inirapan siya bago unahan sa paglalakad. Hindi na kalayuan mula ro’n ang tindahan na pagbibilhan namin ng school supplies. “Mang-iiwan,” pagdadrama niya nang maabutan niya ako. Hindi ako sumagot at nagpatuloy lamang sa pagtitingin ng paligid. Last year pa ang huling balik ko rito at marami nang pagbabago sa lugar kaya inililibot ko ang tingin para hanapin ang alam kong bilihan na mura pero maganda ang quality ng mga tinda. “Tulungan mo nga akong hanapin ‘yong Cristina’s store.” “Cristina?” pag-uulit niya. “Ay hindi! Baka Timothy! Timothy’s store!” Humawak siya sa magkabila kong balikat at minasahe ‘yon. “Kalma lang. Masyado kang HB, eh.” Nang bumitaw siya ay nagsimula na siyang maglibot ng tingin. “Ayon, kita ko na.” Marami ang tao ngayon kaya hindi ko agad mabasa ang mga pangalan ng mga tindahan. Mabuti na lang at matangkad ‘tong kasama ko. Nakipagsiksikan kami sa daloy ng mga tao hanggang sa narating na namin ang tindahan. Pinagbuksan ako ni Tim ng pintuan dahil wala ‘yong guard, baka nag-CR. Malamig nang makapasok kami dahil air-conditioned ang loob, hindi mo masasabing mumurahin lamang ang mga tinda rito dahil sa aliwalas at linis ng lugar. “Sure na sure ka bang dito ka na mamimili? 15 minutes lang naman ang layo ng mall mula rito,” paninigurado ko. “Sure na sure na sure.” Kumuha na ako ng basket na malapit sa entrance at nagsimula nang magtingin sa hilera ng mga binder notebooks. “Ilang subjects ba ang meron tayo sa first sem?” tanong ko kay Tim na nakasunod lang sa akin. May dala na rin siyang sarili niyang basket. “I think nine?” “Bakit hindi ka sure?” “Ikaw nga hindi mo alam, eh.” Sinunod ko na lang ‘yong sinabi niya at naghanap ng binder notebook na may nine na fillers. Ang iba kasing gano’n ay minsan eight lang ang nilalaman, minsan naman ay ten. Pero hindi ko na ilalabis ang sa akin dahil tamad naman ako mag-notes. “Ipili mo nga rin ako,” utos ni Tim. Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Ano ka bata? Ikaw na bahalang pumili ng sa ‘yo dahil baka sa kalagitnaan ng sem ay masira ‘yon tas isisi mo pa sa ‘kin!” Napanguso siya at saka pa lang nagsimulang magtingin ng para sa kaniya. “Ano’ng kulay ang sa ‘yo?” “Hoy, ‘wag mong gagayahin ang kulay ng akin, ah! Baka ma-issue tayo!” “Para maiwasan. Hindi pa kasi ako tapos!” Nagpatuloy lang ako sa paghahanap. Hindi lang naman basta design ang tinitingnan ko, kailangan ay maganda rin ang quality ng cover nito para magtagal. Hindi kagaya ng ordinary notebooks, mas madalas na mabubuklat ang binder notebook dahil sa maraming subjects na ang nakapaloob dito. Iyon ang palagi kong iniisip kaya ang hinahanap ko talaga ay ‘yong makakaya ang kahit ilang libong buklatan pa. I was starting to get bored while searching for the right one, but then, I had my hands on the most decent one that I've seen so far. And it's in the color purple. Iwinagayway ko sa harapan ni Tim ang nakita ko. “Ito ang kulay ng akin. Bawal ka nang mag-purple, ah! Bye.” Umalis na ako sa aisle ng notebooks at nagpunta na sa mga ballpen. Hindi kagaya no’ng junior high school, mas kakaunti na ngayon ang mga kailangang gamit. Last school year kasi ay may mga libro at notebooks pa na provided ang school, pero ngayon ay wala na. Less hassle na sa mga bitbitin, pero for sure ay mas stressful na ang subjects ngayon! Mayroong ipinakita sa akin si Tim na sinend pala ng adviser namin sa group chat. Hindi ko pa nabubuklat ‘yon dahil nasa message request ko lang, hindi naman kasi ako nakikipag-mutuals sa teachers. “Yellow paper, oslo paper, one long plastic envelope na lang pala ang kulang natin,” sabi ko habang tinitingnan ang senior high school paraphernalia na sinend ng adviser namin at ang mga laman ng basket namin. May binder notebook na ang timbog sa kanto at kulay blue naman ang sa kaniya. Kinuha ko ang kaniya mula sa basket. “Ang bilis mo namang makahanap ng magandang quality?” He just shrugged. “Kahit pa malabo ang mga mata ko, I still have keen vision for beauty.” Napailing na lang ako sa kayabangan niya. Baka nga kapag inihalo ko ang sarili ko sa daloy ng mga tao sa labas ay hindi na niya ako makita, eh. Minadali ko na siya sa paghahanap namin ng mga kulang pa para mas marami kaming oras sa pagkain. I sighed when I saw the total amount of my purchase. Pangkain na lang talaga ang pera ko. Pagkatapos naming magbayad ay nagpumilit si Tim na siya na raw ang magbibitbit ng mga pinamili namin. “May sugat ‘yang mga kamay mo!” Umiling siya. “Gasgas lang naman ang mga ‘yon. Also, malayo siya sa bituka.” Ilang sandali pa kami nagtalo pero ayaw niya talagang ipadala sa akin ang mga ‘yon. Hindi naman kasi mabigat ang mga ‘yon kaya kayang-kaya ko ‘yon pero ayaw niya pa rin! Kung wala naman siyang sugat ay hindi naman ako makikipagtalo! Maya-maya pa’y kumalma na ako dahil halos braso niya naman ang ginamit niya pangbitbit. “Last money ko na ‘yong ipangkakain natin,” nakangusong sambit ko habang nagre-reminisce sa mga panahong nasa wallet ko pa ‘yong perang nagastos ko. “Eh, ‘di ‘wag mo na muna akong ilibre ngayon. I’ll treat you.” Hinampas ko sa hangin ang kamay ko. “That’s nonsense. Alam mong ayaw kong magkaro’n ng utang.” “It’s not really a debt. Kahit nga ‘wag mo na akong ilibre ay okay lang.” Nakasimangot ko siyang tiningnan. “Sira ka ba? Nasabi ko nang ililibre kita, eh, ta’s babawiin ko pa?” Ipinulupot ko ang braso ko sa braso niyang may bitbit na paper bag. “Kaya pa ng pera ko na ilibre ka ngayon, okay? ‘Wag nang makulit!” Sa malapit na ihawan lang kami nagpunta. Lunch time na rin kaya naman nang maamoy ko ang amoy ng mga iniihaw ni manong ay naramdaman ko na ang pagkalam ng sikmura ko. Kakain ako ng maraming kanin! Buti na lang at unli rice ‘tong napuntahan namin. Naupo kami ni Tim sa pangdalawahan na table na magkaharap ang silya. “Order ka na,” pagpipilit ko sa kaniya dahil hindi niya ginagalaw ‘yong menu na inabot sa amin. “Tigilan mo nga ako, Timothy!” “P’wede naman kasing sa ibang araw na lang ‘to.” Mahina akong humampas sa lamesa. “No! Hindi ako makakatulog nang maayos mamaya kung hindi pa kita ililibre ngayon.” Bumuntong-hininga na lang siya at labag sa loob na nagbasa ng menu. Sampung pirasong isaw, apat na barbecue, at dalawang betamax ang in-order namin. Parehas din kaming nag-order ng kanin. “Wala ka pang regalo kay Kuya Theon, ‘di ba? Kailan mo balak mamili?” tanong ni Theon habang inaayos ‘yong band aid sa kamay niya. Napatigil ako sa pag-scroll sa cellphone ko nang itanong niya ‘yon. Napaayos ako ng upo at napatikhim. “Hindi ko pala nasabi sa ‘yo.” Tumaas ang isang kilay niya. “Na ano?” Huminga ako ng malalim. “Theon wants us to perform our song. Kahit ‘yon na lang daw ang iregalo ko…” Napaiwas ako agad ng tingin nang sumeryoso ang mukha niya dahil sa sinabi ko. “At… pumayag ka?” mahina pero seryosong tanong niya. Napapikit ako at dahan-dahang tumango. “That’s what he wants…” halos bulong nang sabi ko. He covered his mouth with his hand and laughed bitterly. "Why didn't you ask for my approval? I have a say on this. Kyrese, that's not just your song! That's our song." “Tim, I know. It’s just that…” Napatungo na lang ako sa kahihiyan. Bakit nga ba hindi ko muna sinabi sa kaniya? Tama naman siya, may karapatan siya. “It’s just that ano? Dahil si Kuya Theon ‘yon kaya um-oo ka agad?” I could feel the anger in his voice. May kumirot sa puso ko nang sabihin niya ‘yon. Nang hindi ako sumagot ay hindi siya makapaniwalang napasandal sa upuan niya. Hindi ko magawang tumanggi. I should've thought about it first. I know my reasons were selfish. All I could think about last night was that every time Tim and I would conduct practices at their home, I'd have an opportunity to steal a glance at Theon. It's stupid. “Sorry, Tim…” ang tanging nasabi ko. Limang minuto kaming hindi nag-iimikan sa table nang dumating na ang waiter dala ang mga in-order namin. “Sorry, Kuya. Pero pakibalot na lang po, tig kalahati po sa lahat.” Napapikit ako nang sabihin ‘yon ni Tim sa waiter. Of course, he wouldn’t want to spend his time with me now. It’s understandable. Umalis ang waiter. Hindi pa rin ako nag-aangat ng tingin. I could feel his frustration. I understand his disappointment. Pagkabalik ng waiter ay agad ko nang ipinatong sa lamesa ang bayad para sa aming dalawa bago niya pa ako maunahan. Kinuha ko na rin ang order at mga pinamili ko at tumayo na para umalis. Hindi pa man ako nakakalayo ay nagsalita si Tim. “Saan ka pupunta?” Dahan-dahan ko siyang nilingon. “S-Sasabay ka pa ba?” Diretso ang tingin niya sa ‘kin nang bumuntong-hininga siya at tumayo na rin dala ang mga pinamili niya. “You said last money mo na ‘yong ibinayad mo.” Nawala sa isip ko ‘yon. Simot na nga pala ang laman ng wallet ko. Nauna siya sa paglalakad at sumunod naman ako sa kaniya. Mula sa paghihintay ng masasakyan hanggang sa daan pauwi ay hindi kami nag-uusap. Pagkarating ng subdivision ay inunahan ko siya sa paglalakad dahil wala akong mukhang maiharap. Hindi ko na nagawang makapagpasalamat na sinamahan niya ako nang makarating na ako sa amin. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay ibinagsak ko na ang sarili ko sa kama. Paano ko sasabihin kay Theon na hindi na matutuloy ‘yong performance namin? At paano ako makakabawi kay Tim? Sumapit ang hapon at narinig ko mula sa baba na may dumating na sasakyan sa bahay nina Tim. Sumilip ako sa bintana at nakitang nakauwi na sina Tito Theo at Tita Fresia. Lumabas isa-isa sina Bryce, Theon, at Tim. Kumpara kanina ay nakangiti na ngayon si Tim habang sinasalubong ang parents niya. Muli kong ibinalik ang sarili sa pagkakahiga. Nag-send ako ng message kay Papa at nakitang hindi niya pa rin pala nababasa hanggang ngayon ‘yong sinend ko kanina na humiram ako ng white cap sa kaniya. Ilang saglit pa ay namalayan ko na lang ang sarili ko na nakatulog dahil sa pagod sa naging lakad namin kanina. Nagising ako na madilim na at pakiramdam ko ay wala pa rin akong kasama rito sa bahay. Bumangon ako at nagbukas ng mga ilaw sa baba. Wala pa rin si Papa. “Sh*t,” nasambit ko nang marinig ang pagkulo ng t’yan ko. Napaupo na lang ako sa sofa dahil wala akong pera at hindi ako marunong magluto. Hindi pa rin nababasa ni Papa ang chats ko! Tumayo ako para sana magtingin ng pagkain sa ref nang tumunog ang doorbell. Dali-dali ako sa paglalakad sa pag-asang si Papa na ‘yon pero si Tim ang naabutan ko sa labas ng bahay namin. Natigilan kami parehas nang makita ang isa’t isa. Hindi niya ako magawang tingnan at napansin ko ang hawak niyang dalawang container na may kanin at cordon bleu. “I just noticed na late ka na nakapagbukas ng ilaw kaya I know na wala ka pang kasama,” paliwanag niya habang wala sa ‘kin ang tingin. Inilahad niya sa akin ang mga dala niya. “Uh… pinapabigay ni Mom.” Nagpipigil ng mga ngiti na tinanggap ko ‘yon. “Salamat, Tim.” I looked straight at him. “At sorry rin. Don’t worry, sasabihin ko na lang kay Theon na hindi tayo matutuloy.” Isang beses siyang tumango at naglakad na paalis. Nang maisara ko ang pintuan ay saka ko pa lang nailabas ang ngiti na kanina ko pang pinipigilan. Ang bulok niya gumawa ng palusot! Never naman naging concerned sa akin ang nanay niya. ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD