On normal days

1997 Words
Naglalakad papuntang ref ang tanging maliit na nilalang sa mansyon ng mga Montecillo. Habang ito’y nanonood ng palabas ay nakita ang isang ad na may French fries at burger. Pumalakpak ito at nasambit ang “want” saka dali daling naglakad sa kanilang kusina.   Ang batang maliit ay natakasan ang kanyang taga bantay habang ito ay naghahanda ng kanyang gatas. Nahirapan ang bata makabukas ng ref ngunit ito’y nagawa sa pagnanasa na makakain nang nakita sa palabas.   Nakita ito ng kanyang ama sabay karga sa supling. Hinalik halikan niya ito sa pisngi bago maisara ang ref at ang maliliit na kamay nito ay parang may gustong abutin.   “Hmm? What does my baby want?”   “Fries!”   Nanlaki ang mata ng kanyang ama at tinakpan ang bibig nito.   “San mo nalaman ang fries? Naku baka marinig ka ng mommy mo.”   Nakita niyang pumasok ang katulong na nakahinga ng maluwag.   “Pasensiya na po sir, nawala po sa sala si baby. Naghahanda po ako nang maka kain niya.”   “Wag naman lingatin sa pangingin ang bata. And why is he asking for fries? San siya nito nakakita? “   “Ay sa telebisyon po ata sir. May nakita po atang ad si Sir Matt.”   Nasorpresa siya sa kanyang nalaman, ang lakas ng memorya ng bata. Isang beses lang at ito’y kanyang natandaan. Natawa siya habang dinadala ang anak sa labas ng kusina.   “Why won’t we feed you then?”   “No no, want fries!” ang tanging sambit nito.   “Di pwede anak, papagalitan tayo ng mommy.”   Pero sadyang matigas ang ulo nito gaya ng ama, kahit subuan na siya ng ama ay kanyang iniiwas ang kamay nito.   “Baby, di nga pwede…”   Ngumuso lang ang bata sabay iwas sa ama. Nang malaman ni Stephen na umalis ang kanyang asawa para mamili ng ibang gamit pa ng bata, lumabas sila ni Matt.   “Isang beses lang to baby ah, tapos di na pwede. Malalagot tayo kay mommy.”   Nailagay na nito sa kanyang car seat si Matt at siya naman sa driver’s seat. Umarangkada ito sa pinakamalapit na McDo sa kanilang village. Nag drive thru lang siya ng fries at burger. Sa parking lang mismo siya tumambay para ipakain kay Matt ang nabiling fries at siya sa burger.   Ngumiti siya nang makitang sobrang tuwa ng kanyang anak sabay palakpak nito nang makita ang fries na dala ng kanyang ama.   Agad sinunggaban ni Matt ang binibigay na fries ng ama at kinain ito sa kanyang car seat. Katabi nito ang ama sa likod ng kotse na kumakain din ng burger. Sadyang nasarapan ang bata sa fries dahil ang dali nitong naubos ang kanyang share.   “Naku baby, wag masanay ha. Pagagalitan tayo ng mommy.”   Bungisngis lang ang tangi nitong responde sa ama. Natapos silang kumain saka umuwi ng bahay. Kanyang pasalamat na wala pa si Jessie sa bahay nang sila ay bumalik.       “Mommy! I eat fries!” maligayang binati ni Matt ang kanyang ina.   Napakamot sa kanyang batok si Stephen nang ibinalita ng kanyang anak ang kanilang nagawa. Kumunot ang noo ni Jessie at tingnan si Stephen pagkatapos niyang halikan at niyakap ang anak.   “What is it again baby? What did you eat?”   “Mommy, daddy buy fries!” Masaya nitong pahayag.   Tinignan niya ng masama si Stephen saka binigay muna si Matt sa yaya upang paka inin.   “Anong pinakain mo sa anak ko?”   “Love, haha, ayaw kasi niyang kumain. Nakita niya sa ad ang commercial ng fries. Kaya binilhan ko muna. Pero okay na kasi kumain na din siya katapos nun.”   “Diba sabi ko walang processed food na ipapakain sa bata?!”   “Love, I know, please isang beses lang yun, di nayun mangyayari ulit.” Parang susuko na sa laban si Stephen, ayaw niyang nagagalit si Jessie sa kanya.   “Siguraduhin mong ito na yung panghuli.” Pagbabanta nito.   “Yes love.” Tanging nasambit nito saka nilambing ang pagod na buntis na galing lang sa pamimili.   “Ayan napagod ka tuloy. Dapat di kalang muna namili, love”   “Kelan mo ko papabilhin nito? Pag andito na si Therese sa mundo?”   Nagiging mainitin na ang ulo ng kanyang asawa at ayaw niya itong dagdagan lalo’t kanyang buwanan na. Taliwas sa pagbabala ng doctor, naka abot naman ng 9 months ang kanyang tiyan.   “Hindi naman, cge okay nayan. Pahinga na tayo.”   Pilit na kumakawala si Jessie sa paghahahawak ng asawa. Naiinis siya dito dahil sa ginawa niya sa kanilang anak.   Nakarating sila sa kanilang kwarto. Pumasok si Jessie sa kanilang paliguan upang maligo at magbihis na. Saka niya sinamahan ang asawa sa kanilang kama.   Umupo ito saka humiga nang di pinapansin ang asawa. Napangiti naman si Stephen sa inaasal ng asawa, alam nitong gusto ng asawa na mayakap siya ngunit inis ito sa kanyang nagawa kung kaya’t siya ay nahiga na rin at niyakap ang asawa.   “Sorry na love, di ko na gagawin ulit pangako.”   “Ewan ko sayo.”   Hinalikan niya ito sa pisngi at kanyang itinabi ang ilong niyang matangos.   “I love you and Matt, nahirapan lang ako kanina sa kanya kaya ko yun nagawa.”   “So kada nahihirapan ka ay gagawin mo gusto niya?”   “Hihi, hindi naman… Nagawa ko lang yun kasi pagkain naman. Sorry na baby ko… Please.”   Kung sino man ang makakakita sa asawa niya ngayon ay tiyak di makakapaniwala na ganito siya maglambing sa kanyang asawa.   “Oo na, basta wag mo na uulitin.”   Tumango naman ang lalake sabay hagkan siya sa noo ay kanyang labi.   Niyakap niya ang lalake at ito’y ngumiti.   “I love you Misis ko.”   “I love you Mister ko.”   Kapwa sila nakatulog nang gabing yun.                       Ilang araw nakalipas at siya’y lumabas sa kanilang kwarto na sumisigaw. Masakit raw ang kanyang baywang at nagdurugo ang kanyang binti.   Ang tanging nasa bahay lang nila ay siya at ang katulong sapagkat ang bata ay kasama ni Grace at ang asawa ay nasa opisina.   Dali daling tumawag ng ambulansya ang katulong pati na sa sir nito. Hinanda na niya ang bag kung saan nakalagay ang gamit pagkatapos inalalayan niya ang kanyang ma’am palabas. Saktong dumating ang ambulansya nang papalabas na sila ng bahay.   Si Stephen naman ay napalabas sa kalagitnaan ng kanilang meeting nang mabalitaang manganganak na si Jessie. Tinakbo nito ang parking lot kung nasaan ang kanyang kotse at ito’y pumunta ng ospital.   Pagdating ni Jessie sa ospital ay agad itong isinugod sa Delivery room. Sinasambit niya ang pangalan ng asawa habang siya’y nasa loob.   Dumating si Stephen sa ospital at agarang pumunta ng delivery room. Pinahintulutan siyang maka pasok para kanyang masuportahan ang asawa. Agad siyang nakabihis at pumunta sa loob.   Nang makita siya ni Jessie ay laking tuwa nito kahit na siya ay nasasaktan na. Hinawakan ni Stephen ang kanyang kamay habang siya ay umiire. Nakita ni Stephen ang paghihirap ng asawa.   “Love, okay lang yan. I’m here.” Ang tangi niyang nasabi as pagsuporta sa kanya.   “Ahhh, ang sakit. Hmmm. Ahh” Pilit na kanyang pinipigilan ang siya’y makasigaw ng malakas.   Ire siya ng ire hanggang sa naluwal niya ang kanilang prinsesa. Dinala ito sa kanya upang kanyang padedehin.   Mangiyak ngiyak siya ng mahawakan ang kanilang prinsesa. Ngayon naman ay sobrang kamukha ito ng ama. Walang bahid na may pinagmanahan sa kanyang ina. Ngunit siya natutuwa at safe niyang nailuwal ang anak.   Hinagkan ni Stephen ang asawa nang makita niya ang anak sa piling ng ina. Muntik pa siyang mapa iyak ng ito’y makita. Kamukha nga niya ang bata.   “Thank you mahal ko.” Bulong niya sa kanyang asawa.   Nakalabas na sila sa delivery room at siya ay nalagay sa isang private room. Doon naka antay ang kanyang pamilya kasama ang ama at kapatid ni Stephen.   Karga karga ng kanyang mga auntie si Matt na natuwa nang makita ang kaniyang ina at ama pagkatapos ng ilang araw.   “Baby ko…” pag giliw na sinabi ni Jessie nang makita ang kanyang panganay.   Pagkalapag sa kanya sa kama ay agad niyang kinuha ang anak at ito’y pinaupo sa kanyang gilid. Hinagkan niya ng matagal ang bata sa pisngi bago nito kinausap.   “You ready for your baby sister?”   Tumingin lang sa kanya ang bata tska hinagkan siya sa kanyang pisngi.   “Yes mommy!”   Natawa si Jessie at ang buong pamilya sa kasiglaan ng bata.   “You are a big brother now, Matt” sabi ng ama.   “Where is she, daddy?”   “They will send her here. You excited?”   Tumango tango ang bata saka ito nagpumilit na bumaba. Tinakbo ang bag saka kinuha ang kanyang stuffed toy.   “We are gonna play. Mr. Barney is happy.”   Nagtatawanan lang silang lahat hanggang sa dumating ang nurse at dala dala ang bagong silang nilang anak.   “Nandito na po ang baby. Padedehin lang po tapos kunin ko po katapos.”   Binigay ito sa kanyang ina na mahimbing pa din siyang natutulog. Nakita nilang kamukha ni Stephen ang bata.   “Hala kuya! Nakikita kita sa batang to!” surpresang nabanggit ni Ranya sa kanya   “Naku, pinaghati na yung mga anak, may kamukha ng ina at kamukha ng ama.”   Kinarga ni Stephen si Matt at sila’y naupo katabi ng kanyang asawa. Pinakita ni Stephen kay Matt ang kanyang nakababatang kapatid.   “That’s your baby sister, Matt.”   Hinaplos ni Matt ang kanyang kapatid saka ito bumungisngis.   “I am kuya?”   Natawa silang lahat at tumango si Stephen.   “Yes, you are the kuya.”   Pumalakpak si Matt saka hinaplos haplos ang kanyang kapatid.         Kinabukasan ay binisita naman sila ng kanilang mga kaibigan. Huli na nag nakabisita si Arthur ngunit ito’y may dala dalang mga ballons at prutas.   “Pre! Congratulations ulit!! Kanyang bati sabay inilahad ang mga dala niya.”   “Para kay Jessie, patingin ng inaanak ko.”   Lumapit ito kay Jessie dahil karga karga niya ang bata. Nang makita naman siya ni Matt ay agad itong nagpapakarga.   “Ninong! Ninong! Carry me!” tawag nito sa kanya.   Natawa naman siya sa isang bata. Tinignan niya ang supling na isa at namangha.   “Pre, kamukha mo to o.”   “Malamang, anak ko eh.”   Napailing nalang si Jessie sa kanilang dalawa.   “Sa kanyang ama talaga nagmana ang mukha nitong aking babae.”   “Woah! Ang lalake ay kamukha ng ina samantalang ang babae ay sa ama. Fantastic!” Tinuro niya ang dalawang bata sabay napailing.   “Saan magmamana mga anak namin kundi samin din. Okay ka lang ba?” sarkastikong tanong nito kay Arthur.   “I need to get wed as fast as possible. Wow dude, you’re making me envious.”   Natapos na ang visiting hours at si baby Therese ay kinuha na ng nurse. Si Matt naman ay mahimbing na natutulog sa sofa habang silang mag asawa ay nag uusap pa.   “Hmm… Anong magiging buong pangalan ni Therese, love?” tanong ng lalake.   “I was thinking kasi gamitin natin pangalan ng mama mo.”   Nasorpresa siya sa sinabi ni Jessie.   “Victoria? Isasabay mo yun dun?”   Tumango si Jessie sa kanya saka parang nag iisip.   “Therese Victoria Montecillo. Diba maganda? Tapos palayaw is either Reese or Vicky.”   Natawa ang asawa niya sa kanya.   “You have your ways with names ah?”   Tumango ito habang pangiti ngiti.   “Matulog ka na. Ang sabi ng doctor pwede na kitang ilabas kinabukasan.”   Tumango ito at humiga na sa kanyang kama. Hinalikan siya ng asawa saka kinumutan. Ang asawa namay naupo sa tabi ng natutulog na anak at nahiga sa isang bakanteng space ng upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD