Walong taon na ang nakakaraan. Nadagdagan ang kanilang supling ng dalawa. Apat na ang mga batang naglalabasan sa mansyon ng Montecillo. Kapwa lalake, babae, lalake at bunsong babae ang naisilang ni Jessie.
Si Matt ay 10 years old na. Si Therese ay 8, Si Cristoff ay 5 at ang pinakabunso na si Tiffany na 2 taong gulang. Nabiyayaan sila ng 4 na anak ay si Stephen ay sumumpa na ito na ang panghuling panganganak ni Jessie.
Ang panganay ang siyang nagiging pangalawang Stephen pag ang ama ay lumalabas ng malayo. Si Matt ay isang matalinong bata na sa murang edad ay napaka mature na mag isip.
Minsanay sa kanya pinagbilin ng ama ang bahay kasama ang ina at mga kapatid nang kinailangan nitong lumabas muna.
“Matt, ikaw ang kuya at sayo ko ipagkakatiwala ang iyong mommy at mga kapatid. Tawagan mo ako pag nagkaproblema. At sasabihin sayo ng mga katulong kung meron mag problema.”
“Opo daddy! Aalagaan ko po sina mommy.”
At sa mga oras na yun ay siya ang tumulong mag alaga sa kaniyang mga kapatid dahil ang kanilang yaya ay umuwi muna.
Natutuwang makita nni Jessie na ang anak ay kanya nang na aasahan.
“Thank you anak, salamat at inalagaan mo kami ng iyong mga kapatid.”
Sa madaling salita, pagtungtong ni Matt ng 17 ay ito na ang naging kanang kamay ng ama sa pagpapalakad sa kani kanilang negosyo. Ito din ay striktong kuya sa kaniyang mga babaeng kapatid.
“Mommy, dapat ay sina Therese at Tiffany ay nasa bahay lang at tinutulungan ka, di yong nasa labas lang sila.”
Sa pagkakasabi niyang yun ay lumabas ang kanilang lalake na naka headphones pa. Tinapunan nito ng unan ni Stephen dahil akma itong lalabas nanaman.
“Teka nga Cristoff san ka pupunta? Diba pinapa punta ka ni daddy sa mall? Ikaw na magttraining dun kasi ako sa hotel.” Habol nitong saway sa kapatid.
Tinakbuhan lang ni Cristoff ang kanyang kuya palabas ng mansyon.
“Hay mga anak!” natatawang sabi ni Jessie.
Kung mayroon siyang mga anak na sobrang matrabaho at matalino gaya ni Matt at Therese, kabaliktaran naman sina Cristoff at Tiffany, sila’y matalino din ngunit laki sa rangya ang mga ito kagaya ng kanilang auntie Grace.
Dumating na din si Stephen sa mansyon at nakita niya ang dalawang anak na naghahabulan parang bata sa tapat ng bahay.
“Anong nagyayari sa dalawa? Bakit naghahabulan ang mga ito?”
Umiinom ng kape si Jessie nang ito’y magtanong. Binaba niya ang kape at sinalubong ang asawa ng mahigpit na yakap at halik.
“Sinasaway ng kuya ang kaniyang kapatid.”
“Nasaan ang mga babae?”
“Ayon, kasama nang kanilang Auntie Grace at Ranya, magshoshopping daw. Nagalit nga si Matt kasi dapat daw ay nasa bahay lang sila.”
Umupo sila sa sala at nagtatawanan.
“Biruin mo, naka apat din tayo.”
Hinaplos sa kanyang baba ang kanyang asawa ni Jessie.
“At balak mo pang mag isang team ng basketball ha?”
Humalakhak lang si Stephen at hinigit ang baywang ng asawa papalapit sa kanya.
“Hmm. Kaya pa naman nating dagdagan.”
Natawa si Jessie at halos masamid sa iniinom sabay palo ng unan sa asawa.
“Nangako ka nang si Tiffany ang huli!”
Natawa ito at hinagkan lang ang misis.
“Huli na nga. Ayoko nang makita ka nagdurusa.” Kinuha nito ang kanyang kamay at hinagkan sa likod.
“Buti nalang at di ako sumuko sayo noon. Kahit pa halos itaboy mo na ako.” Mariin nitong tinitigan ang asawa.
“At maraming salamat, nang dahil sayo… nabago ang aking paniniwala. May totoong pagmamahal pala.”
“I love you Mrs. Montecillo.”
“I love you Mr. Montecillo, now and forever!”