Life after coming home and meeting accidentally
It’s been 6 years, at andito pa din siya sa Manila.
Ever since that day, di pa siya nakakabalik sa probinsya.
“Anak, umuwi ka na.” sabi ng kanyang ama.
Humingi siya ng tulong subalit ang tanging tugon ay ang maka uwi na siya.
Nagpakawala ng malalim na hininga bago sumagot sa text.
“Isang taon, bigyan niyo ako nang isang taon maisa ayos buhay ko dito.”
Pero nagpumilit ang ama na pauwiin siya.
Pumikit siya ng ilang segundo bago sagutin ulit ang mensahe.
Sinabi niyang titignan niya kung makakapag immediate siya.
Mukhang nakatadhana na siyang makauwi sapagkat nung nagsabi siya sa boss niya
ay agarang inaprubahan and resignation niya.
Ilang araw lang ay nakauwi siya.
Doon, nakita niya kung gaano kabago ang pamumuhay ng ama sa piling ng ibang pamilya.
Kung dati ay naghihikahos sila, ngayon nagbago na dahil sa bagong negosyo na napasukan nila.
Doon din, nakilala niya ang iba’t ibang tao sa ganung larangan.
Maayos niyang nacelebrate ang Christmas at New Year sa piling ng ama at ng bagong pamilya nito.
Ngunit, gaya ng ibang sitwasyon sa pamilya, nakita niya kung saan siya nakatayo sa buhay ng ama.
Kung papipiliin ito, siguradong sa bagong pamilya ang pipiliin nito.
Nagawa niya ito dati, mas lalo pa ngayon na wala na ang kanyang lola na tanging nagmahal ng lubos sa kanya.
Ilang buwan ang nakalipas at may mga nagbago din sa kanya.
Kung dati nakikitang sumasama siya at umaattend sa anumang event,
Ngayon ay nasa kwarto nalang at dun nagmumukmok maghapon.
Maliban nalang kung may lalakarin siya.
“Achi, kakain na.” sambit ng step sister niyang kumakatok sa pintuan.
“Tapos na akong kumain.” Kanyang sagot.
Sa kwarto nalang siya kumakain since ang gising niya eh 11 or 12 pm na at isang beses lang kumain sa isang araw.
Nasa computer siya nito at nanunod lang ng videos sa YouTube o di kaya nag dodownload ng movies.
Nakareceive siya ng email galling sa companya nila, siya ay isinali ng ama kahit nasa Manila pa siya, na kinakailangan nilang mag attend ng convention and mag undergo ng training.
Natapos na itong magawa ng kanyang ama at ng asawa niya kaya silang dalawa ng step sister nalang niya ang aattend.
“Achi, nakuha mo ba yung email?” pabungad na tanong ng kanyang step sister nang ito ay kumatok sa kwarto niya.
Tumango lang siya at umirap sa monitor ng computer.
“Aalis daw tayo sa makalawa. Maghanda ka na achi kasi pang isang buwan daw yung training.” patuloy ng kanyang step sis.
Nanlaki ang kanyang mata pero tumango lang siya.
“Kailangan ko mag grocery kung ganun, pang isang lingo nalang ang essentials ko.” Kanyang sambit ngunit narinig ng kanyang kapatid.
Tumango ang kanyang kapatid at sinabing sasama ito kasi pati din siya. Tumango lang siya at naghanda.
Ilang oras pa at sila’y nasa supermarket na, di naman masyadong marami ang kanilang nabili. Mga pangligo lang at ibang pangskin care. Pagkatapos ay kumain at umuwi.
Hindi man siya sang ayon sa nagawa ng ama, pero di naman sinasabing may hindi magandang pagkakaunawaan ang mga anak ng asawa sa kanya, in fact, mas close pa siya sa kanila kesa sa ama at ang nanay nila.
Ilang gabi niyang pinag isipan ang mga dadalhin niya para ma impake na ito.
Sila ay tutuloy sa isang kilalang resort sa Manila at doon sila mag stay ng isang buwan.
Excited si Ranya kasi makakapunta na siya ng Manila at sa isang engrandeng hotel pa.
Lumipas ang mga araw at oras na para maihatid na sila sa airport.
Pinagsabihan na silang wag maglalabas at maging cooperative sa training.
“Yes po.” Sagot ng step sis habang siya ay tumango lang.
Nakapasok na sila sa airport at nag aabang sa boarding ng biglang napa tili ang kapatid sa kanyang likod.
“Waaah Achi makikita ko na Manila! Matagal ko ng pangarap makapunta dun!” excited na sambit nito.
Napangiti lang siya at tumango. Sinenyasan ang kapatid na maupo dahil may isang oras pa silang maghihintay.
Di nagtatagal ay dumating ang ibang miyembro na aattend din na halos kaedad lang ng kapatid niya. May isa dun na halos kapatid na din ang turing niya dito.
Nang Makita niya sila na nakaupo na ay biglang tumakbo papunta sa kanila at naupo katabi niya,
“Naku ate, mag mamanila nanaman ako. Pero mas okay ngaun kasi naka 5 star hotel tayo!” excited niyang sinalubong ang dalawa.
“Uy, oo nga. Tapos balita ko ang mag ttraining daw mga elite from Manila pa, meaning sobrang successful na ng mga yun! At nandun din daw si Sir Stephen, yung bumisita satin nun.” Pagbabalita ng kanyang kapatid.
Siya ay nakikinig lang habang ang dalawa ay nag uusap. Na aalala nga niya na may bumisita na elite sa kanila ilang buwan na nakalipas. Pero hindi niya ito nakita dahil hindi naman siya dumalo sa event. Sumama lang siya sa venue pero di siya dumalo at iba ang nilakad niya.
Oras na para sila ay magboard at ang dalawa niyang kasama ay nasa harapan niyang nauuna makasakay ng eroplano.
Napangiti siya at nasambit ang “KIDS.”
Maingay yung dalawa sa kanilang upuan na swerte namang naging katabi pa niya. At ang malas lang na nasa gitna siya kaya wala siyang choice kundi pakinggan sila.
Nakarating na sila sa NAIA at nang papunta na sa venue ay bigla namang nawala ang kapatid niya sa kanyang paningin. Naiwan ata sa agos ng mga tao kanina since siya ay maliit lamang na babae. Lingon siya ng lingon hanggang sa maiwan siya ng mga kasamahan niya sa labas ng hotel.
Nilapitan siya ng isang lalaki na nakita siyang nag iisa.
“Miss, are you with that crowd?”
Hindi man lang niya tinignan ang lalaki at tumango lang. Nag aalala siya na yung kapatid niya ay hindi kasama.
“Might as well be with them or you might get lost” sambit ulit ng lalaki na lumapit sa kanya.
Sa kanyang irita, kanya itong nasagot nang pabalang.
“I am trying to find my sister who’s not here with us. I will go inside once I find her.”
Nang Makita niya yung lalaki napasinghap siya ng dahil aside sa ito ay matipuno, malinis tignan, mabango at nakangiti pa sa kanya nakita niyang may pin siya sa isang elite. Isang simbolo na magpapakilala sa kanyang istado sa kompanya.
Agad siyang nagsorry at yumuko saka tumayo at tumingin sa ibang direksyon.
“Give me her name and picture, we’ll find her for you.” Nakangiting sabi niya.
Napalingon siya sa kanya at may sasabihin sana nang tinawag ang pangalan niya ng kapatid niya.
“Achi Jessie!! Bat anjan ka pa? Kanina pako hanap ng hanap sayo. Nasakin na susi ng kwarto natin and… Oh my God! Sir Stephen!”
Napatingin siya sa kapatid na si Ranya ng makita siya at ang kausap niya, bigla kasi itong sumigaw.
Tinignan niya ulit ang lalaki at nakita niya itong nakangiting nakatitig sa kanya.
Bigla siyang nahiya sapagkat isang elite pala talaga siya at hindi niya namukhaan.
“Uhh hi Sir! Andito po pala kayo. Meron po bang problema?” nakangiting tanong ni Ranya.
“Wala naman, nakita ko kasi ate mo na parang nawawala, pero mukhang ikaw daw ang nawawala. Hahanapin nalang sana kita para sa kanya” lumingon ito sa kanya at sinabi kung ano nangyari.
“Ah, ganun po ba. Okay lang po.. haha.. mejo worrier kasi achi ko. Maraming salamat po.”
Tumawa lang siya at yumuko, pati na rin si Jessie na natahimik sa tabi.
“Walang anuman, enjoy the convention and training.” Nakangiting sambit nito.
Nang umalis na ito ay nagpakawala na ng hininga si Jessie at halos pagpawisan.
“O achi, nung nangyari sayo? Gwapo ni sir Stephen no?”
Nang dahil sa nangyari ay para siyang napag bagsakang ng mabigat sa likod niya.
Kinuha niya ang susi at nagpatuloy papunta sa kanilang kwarto.
“Ahy wait, achi sandali...” dali daling kinuha ni Ranya ang kanyang maleta at humabol sa ate niya.
Sa di kalayuan ay dun nakaupo si Stephen na may ka meeting at nahagip niya ang dalawang papunta na sa kwaryo nila.
“Jessie, Jessie pala pangalan mo..” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan niya silang makapasok sa elevator.