Dalawang Taon na ang nakaraan, buntis sa ikalawang anak nila si Jessie. Mukhang seryoso si Stephen na gusto ng maraming anak. Ang kanyang baby Matthew ay kaka 2 years old palang.
Ang bilis ng panahon. Si Matt ay kadalasang wala sa kanila sapagkat dinadala ng kung hindi ang auntie ay ang lolo nito kung saan saan, ang yaya lamang nito minsan ang kasama.
Pag umuwi si Stephen ay minsan dala na niya ang bata na tulog sa kanyang balikat. Minsan kasi nitong nakukuha ang anak sa kanyang ama.
“We’re home.” Tawag nito. Naglakad ito papasok ng bahay at nakitang mahimbing na natutulog ang kanyang buntis na asawa sa kanilang sala.
“Kanina pa siya jan?” tanong sa katulong.
“Kanina pa po, hinihintay po ang pag uwi ninyo ni Sir Matt, nakatulog nalang po si Maam.”
Tumango ito at inihiga muna ang bata sa kanyang kama. Nilingon nito ang kanyang yaya.
“Ikaw na bahala magbihis, wag lang magising, okay?”
“Opo sir.”
Hinagkan niya ang anak sa noo bago ito magpunta sa kanilang sala kung saan nakatulog ng pagbabasa ng libro ang kanyang asawa. Napangiti ito nang makitang ang kanyang 7 months na buntis ay nakatulog na din.
Hinagkan niya ito sa noo nang ito’y lapitan niya. Napa gising ang kaniyang asawa sa halik na kanyang ginawa kahit marahan lang ito.
“Cmon, tulog ka na sa room natin.” Pabulong nitong saad.
“Mahal, pero wala pa si Matt.” Hinahanap nito ang anak
“Nasa kwarto na niya natutulog, naihiga ko na. Kasama ko nang umuwi.”
“O, Akala ko nasa papa mo siya.”
“Kinuha ko na. Sinabay ko na din pauwi.”
“Kumain na kayo?”
“Tapos na kina papa. Kumain nalang din ako, pinakain na doon si Matt ng food niya.”
Tumango ito at niyakap ang mister.
“I miss you.”
“Ganito ka talaga pag nagbubuntis, clingy masyado ano?”
“Sayo lang naman ako clingy ah.” Napa nguso nitong saad.
“Alam ko, at dapat sakin lang.” nakatawang saad ng asawa.
Napahalak hak ito sa sinabi ng asawa habang siya’y kinarga sa kwarto nila.
Inihiga ni Stephen ang asawa niya bago ito pumunta sa kanilang CR.
Nagbihis na ito ng pambahay at sinalihan na sa kama si Jessie.
Normal nilang routine na nakayakap si Jessie sa kanya pagbuntis kung kaya’t hinihintay ni Jessie na nasa higaan na din ang asawa.
“Hmm ang warm ng asawa ko.” Mas siniksik pa ni Jessie ang kanyang katawan palapit sa kanyang asawa.
“Kung di ka lang buntis, baka ano na nagawa ko.”
“Salbahe!” sabay palo sa tiyan nito at ito’y humalakhak
“Babe?” saad sa babaeng asawa.
“Hmm?” tugon nito.
“Gusto mo bang magbakasyon sa ibang bansa?” tanong nito.
Tinignan niya ang asawa
“May problema ba, love?”
“Wala naman, pansin ko kasing need mo nang bagong environment. Masyado ka nang namumutla.”Umiling ito at siya’y hinagkan.
“Ayoko lang nakikitang mahina ka. Sanay akong makita kang masayahin.”
“Ngayon lang to kasi buntis ako. Ikaw kaya magbuntis, para malaman mo.” Tukso nito.
“Kung pwede lang baby, kasi ayokong nakikitang nahihirapan ka eh.”
Ngumiti ito at yumakap dito nang mahigpit na siya namang tinugunan ng kanyang kabiyak.
“Alam mong ibibigay ko ang mundo sayo, love. Kung maaari ay di ka masaktan.”
“Hmm, wag mo na kaya akong buntisin no?”
Napakamot siya ng ulo sabay rason.
“Gawa tayo paraan para mas madali pagbubuntis mo.”
Nakatawa lang ang babae sa kanyang asawa na gusto talagang marami ang kanilang supling.
Maagang nagising ang kanilang anak at nagtatakbo ito papunta sa kwarto ng kanyang mga magulang.
Pinagbuksan ng pinto ng kanyang auntie ang supling upang makarating sa higaan ng kanyang daddy at mommy.
Doon ito pumwesto sa gilid ng daddy niya at sinampal ang mukha upang magising at makarga siya pataas ng kama.
Nagulat si Stephen nang may biglang sumampal sa kanya. Antok na antok pa siya. Nakita niya ang kanyang maliit na Matt na nakadungaw sa ibaba at gustong maka akyat.
“Baby, sino nagpapasok sayo? Ang aga pa ah.”
“Dada, up up.” Sambit nito habang ang kamay ay itinaas.
“Behave okay? Mommy is still sleeping.” Babala nito at kinarga pataas ng kama.
Napansin din niyang may tsupon itong dala dala. Kanya itong pinahiga sa gitna nila ng asawa at habang nakahiga ay naka dede na sa kanyang milk bottle.
Nakatulog nanaman ulit si Stephen yakap yakap ang anak para di nito magulo ang ina na natutulog pa din.
Nang silipin ulit ni Grace na nakahiga na ang pamangkin sa piling ng ama, sinara na niya ang pintuan at umalis. Pero bago yun ay naghabilin na kukunin niya mamayang 10 ang bata at dadalhin sa kanyang shop lang muna.
Tumango ang katulong at sinabing ipapa alam nila sa kanilang mam. Tumango naman si Grace at umalis na.
Nagising si Jessie na ang nakita ay ang kanyang mag ama na parehong tulog sa tabi niya. Hinaplos niya ang pisngi ng anak sunod ay sa kanyang asawa.
It was 7am nang siya’y nagising. Ang asawa niya ay kinakailangang makaalis by 9. Lumabas muna siya para icheck kung may breakfast na. Buti nalang at nakapag handa na ang mga katulong.
Bumalik siya sa kwarto at ginising ng marahan ang asawa. Nagising naman ito ngunit mukhang maya maya pa babangon.
“Love, pano naka akyat yang batang yan jan?”
“Inakyat ko, siguro pinapasok nila. Sinampal ako kanina.” Sumbong nito
Natawa si Jessie sa sumbong niya at hinaplos ang pisngi ng asawa.
“Kaya pala mejo namumula. Masakit ba?”
“Love, di ko pa natitikman sampal mo, naunahan ka ng batang to. Nagising kaya ako.”
Hinalikan niya sa pisngi ang asawa sabay hila para ito’y bumangon na.
“Bangon na at maghahanda ka pa. Past 7 na, papasok ka pa ng 9.” Napabuntong hininga nalang si Stephen.
Bumangon ito at nilagay sa gitna ang anak na natutulog pa. Naupo naman si Jessie sa tabi nito at hinaplos ang matatabang pisngi ng kanyang anak.
Si Stephen ay nagsimula nang maghanda sa kanilang paliguan. Nag magsimula na siyang magshower ay nagising ang bata.
“Hello my prince, gising na ba ang baby ko?”
Pilit tumayo ang bata papunta sa gilid ng kanyang ina.
“Ma ma, chuuu chuu.” Binaggit nito ang train na laruan na binili ng kanyang lolo.
Ngumiti lang siya sabay hawi sa makapal na nitong buhok.
“Hmm gusto mo maglaro? Bakit pala sinampal mo si daddy, baby ko.” Hinalikan niya ito sa pisngi.
“Dada, brrroooom.” Napatawa ito.
“Ngayon naman gusto mo nagddrive ang daddy mo?”
“Hmm mamam…” Nanghingi na ng kanyang solid food si Matt.
Tinawag ni Jessie ang yaya ni Matt para siya’y mapakain na. Pagkatapos ni Stephen maligo ay nagbihis na ito.
“Love, dalhin ko kaya si Matt ngayon?” tawag niya dito.
Abala si Jessie maglipit ng kama nila nang ito ay marinig.
“Naku.. Gusto din ni Grace sunduin si Matt at isama sa shop.”
Sumimangot si Stephen, tapos na niyang ihanda ang sarili nang ito’y lumabas sa kanilang CR. Ngunit si Jessie pa din ang nag ayos ng kanyang necktie.
“Ako ang tatay so ako mauuna.” Napahalakhak nanaman siya sa kanilang magkapatid.
“Hay naku kayo, pinag aagawan niyo talaga si Matt. Pero kanina gusto ko atang makita na nagdadrive nanaman eh.”
“O, so ako nga makakasama niya ngaung araw.” Natapos nitong ma ayos ang kanyang neck tie bago sila lumabas na ng kwarto at sabayan na si Matt kumain. Nasa baby chair niya ito at magulo na kumakain nang kanyang baby food.
“Anak, ang dumi dumi mo na.” Napangiwi ang ina sa itsura ng anak.
“Yaya, paliguan niyo na po, isasama ng daddy niya yan ngaun.”
Tumango ang yaya habang kinuha ang bata at kanyang papaliguan. Bumaling siya sa isang katulong.
“Manang, pahanda naman po mga feeding bottles niya tsaka yung bag niya.”
“Opo mam”
Nagsimula nang kumain ang asawa niya matapos nitong hagkan ang maruming baby nila.
“Wala ka bang schedule today kaya isasama mo si Matt?”
“Meron naman pero di masyadong mabibigat. Sa office lang, hindi ako lalabas.”
Tumango siya, pinagsilbihan ang kanyang asawa sa kanyang pagkain.
“Here, diba paborito mo to?”
Pinagsilbihan niya ng tocino at egg ang asawa. Hinagkan naman ni Stepen si Jessie.
“You know me well ha.”
Natawa lang ito sa kanya saka ininom ang kanyang gatas.
“Ano nga pala sabi ni Doctor Gatchalian?” sinambit ang pangalan ng kanyang OB GYNE.
“Hmm sabi niya baka maulit yung pag lalabor ko like last time kaya dapat alert ako. Actually naihanda ko na mga gamit kung kaya anytime, handa na din ako.”
Tumango ang asawa at uminom ng kape.
“Kailan ka pupunta sa kanya?”
“Sa makalawa para magpa check up. Sasamahan mo ba ako?”
“Syempre. Excited ako malaman paano na ang prinsesa ko.”
Natawa siya. Hindi na nila ginawa ang dati na nag gender reveal para di na hassle sa kanila din. Naayos na ang nursery na pambabae para handa na ito sa oras na iuwi na nila ang kanilang prinsesa.
Masyadong natuwa ang dalawa nang malaman na babae ang mapapanganak. Kinabahan ng bahagya ang lalake sapagkat magkakaroon na siya ng dobleng babantayan. Buti nalang ay nanjan na si Matt.
Natapos siyang mag breakfast at si Matt ay handa na din. Nahagkan na ng ina ang kanyang anak at asawa bago sila umalis.
Nakarating sa hotel si Stephen at hawak kamay ang kanyang unico hijo. Nang makita ni Matt ang kanyang tito Arthur ay nagbungisngis ito at nagtatakbo papunta sa kanya.
“Hey there young man, sumama ka pala sa papa mo.”
“Toto, broom brroom” pag yaya nito.
“Naku baby, jan tayo sasabit, Baka di tayo payagan ng daddy mo.”
“Wag mo ngang turuan ng kung ano ano yan, mamaya madami pang kalokohan matutunan sayo, sisihin pako ng asawa ko.”
Natawa si Arthur sa pagbabago ng kanyang kaibigan.
“Wala men, family man ka na talaga ngayon.”
“Kasi may pamilya na, may second baby on the way na.”
“Woah, lakas mo pre.”
“Ikaw wag ka nang maging playboy.”
“Sige, pakilala mo na kapatid mo sakin.”
“Ano ka siniswerte. Wag na uy.”
Napahalakhak nalang ito sabay karga kargang pumanhik pataas kasama si Stephen.
“Ba’t nga pala dala mo to ngayon?” ngumuso ito sa bata.
“Para di magpasaway sa mommy niya. At tsaka, wala naman tayong importante na pag uusapan so pwede kung ikandong yung bata.”
“Masarap ba magkaroon ng anak?”
“It’s like an achievement dude. Lalo na pag galing sa taong mahal mo.”
Tumango lang si Arther at pinisil ang matatabang pisngi ng bata.
“Hoy, anong ginagawa mo? Baka masaktan yan.” pinalo palo niya si Arther nang ito’y pisilin ang anak sa pang gigigil.
Kasama nilang umakyat ang yaya nito at ang kanyang secretary na nakasaksi kung paano pinalo palo ni Stephen si Arthur nang mapisil lang niya ang anak nito.
“Oh man ang harsh mo sakin, pisil lang naman eh” pagbibiro nito sa kaibigan.
“Pag ito umiyak malalagot ka sakin.” Siya na ang nagkarga sa anak na tawa nang tawa kanina pa.
“Tingnan mo man, tawa ng tawa ang anak mo.” Ngumiti nitong banat.
“Dada, mamam.” Nanghingi na ng pagkain ang bata nang makita sa tv ang inendorsong pagkain ng isang restaurant.
“Ahh gusto mo bilhan kita niyan?” ani ni Arthur sa bata.
“Anong bilhan ka jan, di pwede yan sa kanya, gulpihin ka pa ni Jessie. May pagkain itong dala.”
“Ganun? So masyadong healthy pala tong baby boy na to.” Akmang pipisilin niya ulit ang bata ng irapan siya ng ama.
“Sabi ko nga, di na.”
Hinagkan hagkan ng ama ang kanyang anak sa pisngi habang ito’y nag aantay sa kanyang pagkain.
“Kamukha talaga ni Jessie ang anak niyo.” Komento ni Arthur.
“Malamang, siya ang ina eh.”
“I mean diba usually sa first born lagi ama ang kahawig? Sa inyo sa ina talaga.”
“Okay lang, at least nakikita ko si Jessie sa anak ko.”
“Wala na pare, inlab na inlab ka jan sa asawa mo.”
Humalakhak lang ito sabay halik sa noo ng anak. Ibinigay na niya ito sa yaya para pakainin. At natapos ang araw na kung hindi niya karga ang bata kahit during meetings ay naka kandong ito habang siya ay nakikipag usap sa kanyang mga empleyado.
Puro puri ang kanyang natanggap sa kanyang cute na anak. At ang lahat ay halos makita ang mukha ng asawa sa anak. Natuwa naman siya dito. Tanging pagkakataon na wala siya sa kanyang tabi ay kung ito ay dedede na o di kaya’y nagpapalit ng diapers.
“O, nandito pala apo ko” masayang pinahayag ng kanyang lolo nang makita si Matt sa kandungan ng ama.
Nasiyahan ang bata nang makita ang lolo sapagkat palagi lang sila naglalaro tuwing ito ang kasama. Bumaba ito sa kandungan ng ama at tumakbo sa kanyang lolo.
Kinarga naman ng kanyang lolo ang bata nang ito’y makarating sa kanya at dinismiss ni Stephen ang kayang meeting.
“Napabisita po kayo dad?”
“Ah wala naman, nasabi ni Jessie na kasama mo itong aking apo sa opisina kaya bumisita na din ako. Kumusta nap ala ang kanyang pagbubuntis? Di ko kasi natanong kanina.”
“Okay naman po, magpapacheck up kami sa makalawa. Mukhang pwedeng maulit ang nangyari noon.”
“Ganun ba? Aba’y dapat paghandaan niyo na yan. Dalawang buwan nalang at isisilang na niya ang aking ikalawang apo.”
Natawa silang pareho ngunit ang supling ay hinahawakan lang ang bigute ng lolo niya sabay ngumunguso.
Nakauwi ang mag ama na tulog nanaman ang bata. Nakita ito ni Jessie na agad tinignan ang baby matapos siyang hagkan.
“Aww ang aking baby, napagod. Yaya, dalhin mo na sa kwarto at linisan.”
Agad namang kinuha ng marahan ang batang tulog sa balikat ng kanyang ama.
“Dahan dahan baka magising.”
Nadala naman sa kwarto niya ang bata na natutulog pa nang mahimbing. Kinumusta naman ni Jessie ang araw ng asawa na kasama ang anak sa opisina.
“Okay naman, behave naman siya. Napadaan nga si dad eh, para makita yung bata.”
Giliw na natawa ang buntis sa pagmamahal na pinapakita sa kanyang anak.
Giniyak na ng asawa ang kwarto nila at sumunod ito. Isang mahabang araw ang natapos na magkasama ang mag ama.