Nagising si Jessie na may inaalintanang sakit sa katawan.
Mukhang namiss siya nang sobra ni Stephen na pinagod siya nang husto, Ilang rounds din ang ginawa nila.
Di niya makakaila na namiss din ni Jessie ang side na ito ni Stephen. Ipinakita ng binata paano siya nito gustong gusto makatalik. Ilang buwan din niyang tiniis na wala sa kanyang tabi ang kanyang pinaka mamahal.
Naamoy ni Jessie ang sarap ng halimuyak ng pagkaing niluluto sa labas.
Bumaba siya at nang mapunta siya sa kusina ay natawa na lamang siya.
Ang kanyang pinakamamahal ay naka boxers lamang habang nagluluto.
Nang mapansin nitong pinanunuod siya ng kanyang mahal habang siya ay nagluluto, ngumiti ito at niyaya na siyang umupo dahil maluluto na din ang pancakes na kanyang ginagawa.
Ngumiti lang ito at umupo na sa upuan ng dining table na maliit.
Natutuwa siyang pinagmamasdan ang lalakeng kinatatakutan ngunit parang maamong bata pag sila lang dalawa.
Natapos siyang magluto at inihain yung pancakes na kanyang ginawa.
“Bilis, tikman mo na baby. Masarap yan kasi may chocolate pa.”
“Anong oras ka nagising?” tanong nito sa lalake.
“Ah, may tumawag kasi sakin kanina, kelangan ko bumalik sa Hotel. Tapos di na ako nakatulog kaya naghanda nalang ako ng makakain. Napagod ba kita?” Pilyong naka ngiti nang tinanong siya.
“Sa tingin mo?” naka ngiwi pa itong sumagot.
Humalakhak ito ng malakas at siya’y pinagsilbihan.
“Siya, kain ng marami. Ilang gabi pa kita papagurin eh.”
Nasamid sa kinakain si Jessie at tinapik sa balikat si Stephen.
“Salbahe ka!”
Natawa lang ito at kinuha ang kamay saka hinalikan.
“Hindi mo lang alam kung gano kita namiss, kaya hinding hindi kita pakakawalan sa paningin ko.”
Nakangiting tinitigan niya si Stephen. Parang may malaking bato na nawala sa kanyang balikat ng mga oras nayun.
Natapos ang kanilang agahan at naghanda narin si Stephen na maka alis pabalik ng Hotel.
“Alam kong ayaw mo nito ngunit ako na mismo nag bigay ng resignation letter mo sa BPO at Grocery”
Nagulat si Jessie sa sinabi nito, gusto niya itong pagalitan ngunit ang naisip nalang niya mag aaway nanamn sila at di magkakaunawaan.
“Ano naman ang gagawin ko ngaun na wala na akong trabaho?”
“Come with me. Stay by my side.”
Tinignan niya si Stephen at napasandal siya sa mesa kung nasaan ang laptop niya.
“Pag iisipan ko.”
“I heard hanggang sa katapusan ka na lang dito. I’ll be waiting till then. Ilang araw nalang din naman.”
Tumango ito at nagpa alam na sa kanya.
“I hope di mo na ako takasan. Aasahan ko mamayang pag uwi ko andito ka pa.”
Natawa ito sa kanyang paninigurado, ngunit tango lang ang kanyang nagawa. Hinagip ng mga bisig ni Stephen ang kanyang baywang para mapalapit ito at kanyang mahagkan. Nagulat si Jessie ngunit tumugon ito sa kanyang halik.
“I’ll see you later.” Pamama alam ni Stephen sa kanya.
“I love you…” nasambit ni Jessie sa kanya.
Lumuwag ang ngiti ng binata sa kanya at ito’y tumugon.
“I love you more.”
Hanggang sa umalis na ito.
Ilang araw din ang nakalipas, totoo ngang doon umuwi si Stephen. At siya’y nakapag isip isip, gusto din niyang makatulong kay Stephen sa larangan ng kanyang trabaho. Madalas na kasi niya itong nakikita na pagod at halos walang tulog kahit pa na siya ang inuuwian nito.
Dagdagan pa ang mga gabing napaka wild nito kahit pagod na. Natatawa siya pag naiisip na siya na ang gumigising sa umaga at naghahanda ng almusal. At pag aalis na ang kanyang mahal ay siya ang nag aayos sa neck tie nito.
Para na nga silang mag asawa nito. Kulang nalang ang kasal. Napag isip isip niya na may matutulong siya dito kahit konti.
“Sasama na ako sayo.” Banggit niya habang sila ay naghahapunan.
Nagulat si Stephen sa nasabi niya. Ngunit napangiti ito ng maluwag.
“Talaga? Sasama ka sakin? Magsasama na tayo?”
Tinitigan nito si Stephen na may pag alala.
“Yah, gusto ko lang matulungan ka. Ba’t parang iba ang nasa isip mo?”
Ngumisi lang ito “Anong gusto mong isipin ko?”
“Yah, ang salbahe mo ah!”
Humalakhak lang ito at tumayo sa pagkakaupo. Itinayo niya si Jessie at yinakap ng mahigpit.
“Di mo alam kung gaano ako kasaya ngayon.”
Napangiti siya sabay yakap din sa kanya.
Katapusan. Saktong dumarating ang may ari ng bahay nang makita nilang papa alis na din si Jessie sa kanila. May kotseng nag aabang at nagdadala ng kanyang gamit.
“O, Jessie.. Aalis kna?” tanong nang kanyang landlord.
“Ahh Good morning po, Opo, Tapos na po kasi kontrata ko sa pag upa. Tska inaantay na din po ako ng nobyo ko.”
“Ah, nobyo mo pala yun. Ang kisig naman nun ineng. At tsaka binigyan pa kami voucher para daw makapag staycation kami sa isang Hotel. Aba’t nagustuhan naman ng asawa at anak kong bunso.”
“Ganun po ba? Mabuti naman po. Sana po naaliw kayo at nakapag relax”
“Ay oo naman. Miminsan lang ganun kaya sinuggaban na namin. HAHA. Cge ineng, mag iingat ka!”
“Maraming salamat ho sa tulong niyo.”
“Walang anuman iha. God bless sa iyo!”
Naisakay na siya sa isang company car na siya munang sumundo at naghatid sa kanya sa Hotel sapagkat may meeting pa daw si Stephen. Ngunit pagdating niya sa Hotel ay siya mismo ang sumalubong sa kanya.
“Welcome baby!” pagbati nito at niyakap siya ng mahigpit.
“Akala ko ba may meeting ka?”
“Meron nga. Kakatapos lang din, kaya ako na sumalubong sayo.”
“Hmm. So saan ako nito?”
Napansin niyang todo ngiti ang mga empleyado.
“Hindi kna man siguro masungit na sa mga empleyado mo?”
“Ha? Di naman ako masungit ah.”
Tinitigan niya si Stephen bago matawa.
“Yah. Nanginginig kaya mga empleyado mo pag kausap ka nung nakaraang mga buwan”
“Ahh, wala ka kasi nun kaya wala ako sa mood din nun.”
“Hmm. So, kaya pala ang lalaki ng ngiti ng mga empleyado mo ngayon kasi di ka na masungit?”
“Punta na tayo sa kwarto mo.” Iniwasan niya ang ganoong tanong. Marahang tinulak nito si Jessie sa isang private elevator papunta sa penthouse niya.
Nang makita ito ni Jessie ay na alala niyang dito siya naggaling noong muntikan na siyang malunod.
“Teka, diba kwarto mo to?”
“Kwarto natin actually, pinapa ayos ko pa yung bahay para matirhan na natin. For the mean time, ito lang muna.”
“Bahay?”
“Hmm kasi nung ikakasal na sana tayo, handa na yun. Kaya lang di naman natuloy kaya napabayaan ko na din.”
Napatingin sa kwarto si Jessie. Ngunit sa loob loob niya, nag sisisi siyang iniwan niya si Stephen na handa na pala itong pakasalan din siya.
“So, okay ba to sayo?”
“Sobrang ganda kaya. Kahit dito nalang tayo, wag na sa bahay na sinasabi mo.”
Umiling iling siya.
“No. I made that for us. Kaya nararapat lang na dun tayo tumira.”
“Kahit di pa tayo kasal?”
Lumapit ito at ikinulong ang kanyang mukha sa kanyang mga kamay.
“I can marry you now, then sa church later.”
Kumurap kurap ang kanyang mga mata ngunit di nakapag salita.
“I mean, it’s just a piece of paper. I can show my love for you in much more sensible ways. Pero kung ito ang gusto mo, I will heartfully give it to you. Sa totoo lang, ikaw lang naman gusto ko.”
Tumitibok nanaman ang puso niya na parang gusto kumawala sa kanyang katawan. Napakagat siya ng labi at di niya namalayang hinalikan na siya ng binata. Nagulat siya ngunit kanya itong tinugon.
Halos mawalan na sila ng hininga ng sila’y maghiwalay. Kinulong niya sa kanyang mga kamay ang kanyang mukha. “Stop biting your lip. Pag nakikita kitang ganyan ang nasa isip ko lang ay gusto mo akong angkinin ka.”
Nagulat siya saka nanahimik. Di niya akalain na ganun ang naiisip niya.
“Don’t provoke me baby, lalo na’t tayong dalawa na lang dito.”
“Uuwi ka dito sakin?”
“Kanino pa ako uuwi? Sayo lang naman diba?” nginisihan lang siya ng binata.
“Anyways, may isa pa akong meeting. I’ll attend to it first. Kung may kailangan ka just dial 1 sa phone. Someone will assist you.”
Yumuko ito at binigyan siya ng marahang halik. “I’ll see you later. Feel at home. This is your home now anyway.”
Ngumiti si Jessie at yinakap ang binata. “Thank you.”
Napangiti ang binata sa yakap nito na kanyang tinugunan bago siya umalis.