Ilang buwan din ang nakalipas na ang dalawa ay nagsasama na sa isang tahanan. Kulang nalang ay kasal para sa dalawa.
Umayaw si Stephen na sumali si Jessie sa kung anuman sa Hotel sapagkat ayaw nitong mapagod siya at mag alala lang. Mas pinili nitong makita ito na nasa bahay lang at gawin ang gusto niyang pagka abalahan.
Sa kanyang pag iisa, si Jessie ay natuto nalang magsulat at ito’y ipublish online. Natutuwa siya sa mga commendation sa kanya kahit nagsisimula palang siya, nangako siyang pagbubutihin sa mga susunod na kanyang gawa.
Alas singko na at tiyak na dadating na ang kanyang mahal sa kanyang meeting. Dali dali siyang pumanhik ng kusina at nagluto. Isa din sa kanyang nais gawin ay makapag luto.
Kung wala siyang ginagawa ay minsan pumupunta siya sa kitchen ng Hotel at tumutulong o di kaya’y nagpapaluto. Di iyon lingid sa kaalaman ni Stephen. Pinabayaan lang niya ito sa kanyang gustong gawin.
Sa pagpapaturo nito ay napag lulutuan niya ng masarap si Stephen. Magmula nang siya’y bumalik ay bumalik na din ang sigla ni Stephen. Hindi na ito masyadong kinatatakutan di gaya noon.
Nakakausap na nila si Stephen na di ito nagagalit bagkus ay minsan nakakapag biro pa ito. Malaki ang pasasalamat ng mga empleyado sa pagbalik ni Jessie sa buhay ni Stephen. Nakita nila kung gaano ang epekto ng pagkawala ng pinaka mamahal niyang babae.
Saktong dumating si Stephen nang 6 ng gabi. Naamoy niya ang masarap na niluluto ng kanyang nobya. Agad naman itong pumunta ng kusina. Doon mas malakas ang amoy ng kanyang niluluto.
“What’s that, love? Bagong recipe?” nakangiting tanong nito.
“Hmm, anjan kana pala. Umupo ka na, saglit nalang to.” Tinitikman palang niya ang naluto niya.
Inihain na niya ang niluto. Inaya si Stephen na tikman ang nagawa habang napakagat labi siya.
“How’s the food? Okay ba?” napapangiwing tanong ng babae.
“Hmm, masarap siya pero mas may masarap dito.” Tuksong pagtugon ni Stephen
Sumimangot siya, “Ano?”
“Ikaw.” Natatawang tugon nito.
Siya’y namula na parang kamatis sa kanyang komento. Kanyang pinalo ang kanyang balikat at ito’y napahalak hak lang.
Sa kanilang pagsasama, hindi mawawala ang mga panahon na sila’y nagtatalik kahit saang parte ng bahay. Hindi pinapalampas ng lalake na siya’y hindi magalaw sa mga pagkakataon na siya’y nasa tabi nito.
Hindi din mawawala sa kanilang listahan ang gabing yon. Inangkin nanaman ni Stephen ang kanyang mahal. Natatawa lang minsan si Jessie dahil minsan ay napaka wild nito sa kanya.
Alas singko ng umaga nang siya’y napa gising sapagkat siya’y naduduwal. Sakto din namang naka alis na ang binata dahil may breakfast meeting ito.
Nagulat si Jessie kung bakit para siyang nasusuka. Nang mapansin niya ang kanilang storage box, kinuha niya ito upang magsipilyo dahil di maganda ang kanyang panlasa.
Nanlaki ang mata ni Jessie nang malamang nandoon pa ang di niya nagagalaw ng napkin. Kanyang chineck at dalawang buwan na siya di nadadatnan.
Kinabahan na siya. Dali dali siyang naligo at nag ayos. Pumunta siya ng pharmacy at bumili ng PT.
Laking gulat niya nang siya’y umuwi at ginamit ang PT na dalawang linya ang lumabas.
“Buntis ako.” Napatakip siya ng labi at napangiti.
Matutuwa kaya si Stephen pag nakita to. Isip isip niya.
Kinagabihan, hindi siya nagluto ng pagkain kundi nag order nalang for room service. Nagulat ang kanyang nobyo nang makitang di ito nagluto kundi nag order lang.
“Weird.” Bulong nito sa sarili.
Pagpasok niya ng kanilang bahay ay nasa sala lang ang kanyang nobya habang nanunuod ng paborito nitong trilogy ng LOTR. Nakita niyang nakahiga lang ito na may pagkain sa mesa.
“Babe, you okay?” pagbati nito sa kanya.
Nilingon ni Jessie si Stephen nang may maluwag na ngiti at niyakap siya. Tumango lang ito at niyaya siya sa mesa kung saan naroon ang pagkain niya.
“Magbihis lang ako, balik nalang ako.”
Napakunot noo ito habang papalakad sa kanilang kwarto na hinuhubad ang coat at tie niya. Kasunod niyang hinubad and sleeves at pants niya. Naligo siya at nag damit pambahay. Dito lang niya napansin na may kung ano sa sink nila.
Nakita niyang ito’y pang pregnancy test and nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang dalawang linya ang nandoon. Kumaripas siya ng takbo sa sala at pinakita nito kay Jessie ang test.
“Sayo ba to? Totoo ba to?” di na mapigilan ang kanyang ngiti na halos abot na sa tenga.
“Hmm. Yes and yes.” Natatawang sabi nito sa kanyang nobyo.
Hindi magkamayaw ang kanyang tuwa. Kinarga niya ang kanyang nobya at inikot ikot saka hinalikan.
“Thank you. Thank you!” pinasalamatan niya ito sa pagbubuntis niya.
“Akala ko pa naman hindi ka matutuwa.”
“Bakit hindi, magkakaroon na ako ng anak sayo. Matagal ko nang pangarap ang makabuo tayo.”
Walang tigil ang kanilang kasiyahan sa napakandang balita. Hindi nagsayang ng oras si Stephen at ibinalita niya ito sa kanyang ama at kapatid. Kanyang tinawagan ang mga magulang ni Jessie para ipalam na siya’y natagpuan na nito at kasalukuyang nakatira sa kanya. Sinabi din niyang ito’y nagbubuntis na sa kanilang anak.
Lubhang napakasaya ng mga magulang ng dalawa. Hindi nila ito inaasahan ngunit di naman sila tumututol. Masayang masaya sila para sa dalawa lalo’t magkaka anak na sila.
“I’m happy for you son, great job! Makikita ko na din ang aking apo bago ako pumanaw.”
“Ano ka ba dad, nagsisimula palang kami at di kpa masyadong matanda.”
“I’m happy that you found your happiness.”
“Salamat iho at inaalagaan mo ang anak ko. Hindi ko man siya maalagaan ng lubusan, sana ikaw nalang ang magpakita noon sa kanya. Alam kong may hinanakit sakin ang aking anak.”
“Wag po kayong mabahala tito, aalagaan ko po ang anak niyo. Pangako po yan.”
Napaiyak si Jessie sa mga mensahe ng mga magulang. Nagiging emosyonal siya sa kanyang pagbubuntis. Matapos nang gabing yun, masyado na siyang masigla pagkagising sa umaga.
“Good morning my queen, and good morning my child” bulong nito sa kayang tiyan.
“Good Morning my king!’” natawang binati naman ni Jessie ang kanyang nobyo.
“What does my queen want this morning?”
“Hmm. Iced coffee and fruits lang. Teka”
Dali dali itong pumunta ng CR at naduwal. Agad naman itong sinundan ng nobyo. Alam niyang ganito pag nag bubuntis. Hinimas himas niya ang likod nito.
“We need to have you checked para alam natin ano pang aasahan ngayong nagbubuntis ka na and stop ka muna sa pagsusulat, I think you need more rest”
Napangiwi lang siya ngunit ito’y tumango.
“Maghanda ka na, alis tayo after mag breakfast. And no coffee, milk na lang.”
Tumango lang siya saka pumunta para kunin ang kanyang tuwalya. Si Stephen naman ay nag order nalang.
Pagdating ng pagkain ay saka naman si Jessie natapos maligo, sumunod maligo si Stephen. Pagkatapos niya ay nakita nitong nasa balcony si Jessie at nakahanda na ang almusal.
“Ba’t di ka pa kumakain?” tanong niya dito.
“Hinihintay kita.”
“Kain ka na. Kailangan mo yan. I’ll just have coffee.” Tipid nitong sagot.
Nang matapos silang mag breakfast ay nagtungo na sila sa elevator para maka baba. Inalalayan siya ni Stephen ng pagka ingat ingat. Napangiti siya sa ginagawa nitong pag iingat sa kanya.
Tinignan siya ni Stephen na nakakunot ang noo.
“Bakit?”
Tinignan siya ni Jessie ng may ngiti sa kanyang labi.
“Natatawa ako sayo. Ingat na ingat ka sakin ah. Para naman akong mawawala.”
“That’s because buntis ka po and matagal na kaya kitang pinaka iingatan, ngayon mo lang ba napansin?”
Umiling iling ito at sinandal ang ulo sa kanyang balikat.
“Matagal ko na pong nararamdaman at nakikita. Kaya sobra akong natutuwa dahil masyadong extra ang pag alaga mo sakin.”
Ngumiti si Stephen sa kanyang sagot. Ganito ang kanilang posisyon hanggang sa nandun na sila sa lobby at papuntang parking.
Nakita ni Jessie ang mga empleyado na natutuwa at kino congratulate nila ang kanilang sir at siya.
Nagtaka siya at palingon lingon. “Alam na ba nila?”
“Of course. Para alam nilang dapat ingatan ka. Bawal ka muna sa kusina. I’ll let someone go to our room para turuan ka.”
Nakanguso lang ito nang sinabing di na siya makatulong sa kusina. Hinalikan naman ito ni Stephen na siyang ikinagulat niya.
“Stop pouting. Ngayon lang yan na buntis ka. I’ll let you go there pag okay ka nang bumaba.”
Napangiti ito at tumango.
Nakarating na sila sa Hospital at sila’y sinalubong ng top OB GYNE sa Hospital.
“Oh, Sir Stephen, happy to help you and your wife.”
Muntik na masamid si Jessie sapagkat sinabing wife siya ni Stephen gayung di pa sila nakakasal. Napansin yun ni Stephen ngunit ngumiti lang ito.
“Yes, thank you. Unang pagbubuntis palang namin dito kaya kailangan alam namin kung ano ang dapat iexpect at ano magagawa naman.”
“Oh yes, normal lang po yan. Sige po, maupo muna po kayo.”
Lumipas ang isang oras nang kanilang pagpakonsulta. Lumabas sila nang hospital na may dala dalang pamphlet.
“So, bawal kang kumain nang too much rice, magconsume ng juice and carbonated drinks.”
“And bawal masyado sa beans and coffee. Kailangan ng nutritionist natin dito para sure sa kinakain mo. No cooking lang muna.” Patuloy nito.
Yumakap sa kanyang bisig si Jessie. Nakita niyang nangungusap ang mga mata nito.
“Okay. What do you want?”
Lumuwag ang ngiti nito sabay hinalikan ang kanyang pisngi.
“Manggang hilaw na may bagoong?”
Umiling iling lang si Stephen.
“You and your cravings. Manong supermarket po.”
“Yay! Baby kakain na tayo ng manggang hilaw.”
Napailing lang si Stephen habang pinagmamasdan niyang kinakausap ng nobya niya ang kanyang tiyan sabay himas.
Nakaraan ang isang buwan at mejo nakikita na ang pagbukol ng tiyan ni Jessie. Ganun pa rin si Stephen, todo bantay sa nobya. Kung wala siya eh dapat may katulong na naka assign sa penthouse nila para may kasama siya.
Nakipagmeeting na ang ama nito sa kanya at ng ama ni Jessie.
“Dalawang buwan na ang tiyan ni Jessie, wala ka bang balak na pakasalan siya?” tanong nito sa anak.
“Kung alam mo lang dad, alam mo naman matagal ko nang gustong makasal sa kanya. Pinahanda ko na din ang bahay na titirhan namin. Ayoko itira lang siya sa penthouse. Ibebenta ko yun pag nakalipat na kami.”
“Kailan mo plano? Wag mo namang ipahiya ang pamilya natin. Hindi mo man lang pakasalan ang anak ni Sir kung gayung nabuntis mo na.”
Tumikhim lang ang ama ni Jessie ngunit ito’y liningon si Stephen.
“Mahal mo naman ang anak ko diba?”
“Sobra pa po sa buhay ko sir, gagawin ko po ang lahat para sa kanya.”
“Sapat na saking may mag aalaga sa kanya at may nagmamahal nang ganyan.”
“Sir, pakakasalan ko po ang anak ninyo. Di ko po hahayaang hanggang dito lang kami. Mahal ko po siya at sa kanya ko lang po nakikita ang sarili ko na magpapamilya.”
“Maraming salamat iho.”
“So kelan mo nga siya balak pakasalan?” giit ng ama sa kanyang anak.
“Hmm. Gusto ko ding makasal muna sa kanya bago niya mailuwal ang anak namin.”
“Magset ka lang ng date, Ang kapatid mo ang papag asikasuhin ko. Alam mong masyado yung excited sa kasal mo.”
Tumawa lang siya at sinabi kong kelan niya napupusuang magpakasal.
“Ayoko ng engrande. Ayaw din niya ng ganun. Ang gusto niya ay simple lang. Yung tayong pamilya at malalapit na kaibigan lang.”
“Sige, tiyak na masisiyahan ang kapatid mo nito.”
Natapos ang pag uusap nila. Siya’y pimanhik na sa kanilang kwarto at nakitang nakatulog na ang mahal niya sa kakanood ng movie.
Nasa sala lamang ito buong maghapon at nanunood. Minsan naman ay naglalakad lakad sa rooftop. Palaging kasama ang katulong.
Madalas siya kasing may meeting pero pag wala naman ay nasa bahay lang kasama ng mahal niya. Minsan pa ay nakakatulog ito sa kanyang mga bisig. Mas hinahanap ni Jessie ang kanyang presensiya pag wala siyang gagawin sa Hotel.
Mas Malala na din ang cravings nito. Minsan ay kinailangan niyang lumabas para lang mabili ang specific na barbecue na gusto niya. Ayaw naman niya sa ibang lasa.
Hindi naman siya nagrereklamo dahil yun na ang babala ng doctor sa kanya. Pinaghandaan na niya ang mga panahong ito. Wala siyang reklamo dahil mas nasisiyahan siyang makita ang mga ngiti nito sa tuwing nadadala niya ang pagkain na gusto niya.
Tinayming niya na ang kasal ay sa araw ng anibersaryo nila. Hinding hindi niya makakalimutan ang unang pagkakataon na siya ay naging kanya.
Binuhat niya si Jessie papunta sa kwarto nila upang doon matulog. Inoff na niya lahat sa sala bago pumanhik sa kanilang kwarto at tabihan ang kanyang nobya.
Nang malaman ni Jessie na katabi na niya ang kanyang nobyo ay agad itong yumakap sa kanya. Sa kanyang bisig nanaman siya nakatulog.
Hindi alintana ni Stephen ang pagod sa kanyang bisig bagkus ay ngumiti pa ito at natulog kasabay niya.
Kinaumagahan, nagising siya na katabi ang mahal. Isiniksik niya ang sarili sa pagkakayakap kay Stephen. Nang dahil dito, nagising din si Stephen.
“Good morning mahal ko.” Bati nito kay Jessie.
“Good morning din po” at saka hinalikan ito sa pisngi.
“Ba, mukhang maganda gising natin ah”
“Hmm, nandito ka eh. Kasama kita ngaung araw” ngiti nitong nasabi.
“Well, actually may meeting ako pero mamaya pa namang hapon. What would you like to do?”
Sumimangot si Jessie at umalis sa higaan. Napakamot ng ulo si Stephen.
“Ayayay, ito nanaman tayo. Sensitive sa umaga ng mahal ko.” Pabulong niya na nasabi sa sarili.
Alam niyang common itong characteristic ng buntis, binalaan na din siya ng doctor nito. Sinundan niya ang nobya niya sa CR kung saan ay nagsusuklay na ito matapos mag tooth brush.
Niyakap niya ito sa likod at tinignan sa salamin.
“Alam mo bang nagpplano na si daddy na ikasal na tayo? Alam na din ng iyong ama.”
Nanlaki ang kanyang mata ngunit di siya maka imik.
“Gusto ko din sana ikasal sayo sa ating anniversary. Gusto ko nang gawing opisyal ang pagsasama natin.”
Humarap siya sakin na gulat. Kinulong niya ang kanyang maamong mukha sa kanyang mga kamay at hinalikan.
“Hindi dahil sa buntis ka. Kundi dahil gusto ko nang ianunsyo na natagpuan ko na ang babaeng handa kong ilaan ang buhay ko. Sayo ko lang nakikita ang aking kinabukasan. Ayokong mawala ka ulit sakin.”
Biglang namuo ang kanyang mga luha at siya’y naiyak na kanyang niyakap si Stephen ng mahigpit.
“Mahal kita, Jessie. Ikaw lang ang mahal ko nang ganito.”
“Mahal na mahal din kita. Kaya handa kong isantabi ang mga nais ko. Gusto ko ding mamuhay ng masaya kasama ka.”
Sila’y naistorbo ng katok sa kanilang pinto. Inayos ni Jessie ang kanyang itsura habang si Stephen ay nagpunta sa pinto upang makita kung sino itong maaga na istorbo nila.
“Hi Kuyaaaaaaa! Happing Wedding sa inyo!! Asan si Ate?”
“OH MY GOD!” bulong nito nang makita na ang kapatid pala ang istorbo.