Pinapasok niya ang kapatid at alam niyang sasakit ang ulo nito.
“Huwag ka masyadong hyper ha. Buntis ang ate mo ngayon kaya behave.”
Ngumiti lang nang maluwag ang kanyang kapatid. “Promise! Sabi ni daddy ako mag aasikaso sa wedding niyo since buntis si Ate. Don’t worry, leave it to me. Ako bahala. Nagagawa ko nga sa ibang tao, sa kapatid ko pa kaya.”
Saktong lumabas si Jessie at ngumiti. Saka niya nakita na kapatid pala ni Stephen ang bumisita. Buti nalang nakapag ayos siya.
“Good morning, Grace. Ang aga mo yata napabisita?” binati nito ang dalaga.
“Hi Ate! Kakagising mo lang ba? Ah, andito pala ako kasi ako ang maghahandle ng Wedding preparations niyo. May mga katanungan lang naman ako para alam ko kung anong gagawin ko.” Masyadong masiglang pagpapaliwananag ang ginawa ng kapatid ni Stephen.
“Grace wag mong masyadong ipressure ang ate mo ha. Maliligo lang ako. Saka ko kayo sabayan jan.”
“Okie dokie Kuya!”
Ngumiti lang si Jessie sa mapapangasawa. Hinalikan ni Stephn sa labi si Jessie bago pumunta sa CR.
“Jusko Lovebirds utang na loob nasa isang lugar lang kayo. Like haler, andito po ako.”
Tumawa lang ng malakas si Stephen.
“Okay. So, ate, ano ang napupusuan mong theme sa kasal niyo?”
“Ako lang ba magdedecide? Antayin kaya natin Kuya mo.”
“Ate, ang sabi ni kuya whatever you choose, yun na ang sa kanya.”
“Hmm. Kung ako nga lang gusto ko parang garden wedding nalang. Yung tayo tayo lang. Yun sana.”
“Hmm okay. Sige, mas maigi siguro kung sa bahay na pinagawa ni Kuya ang ating gamitin.”
“How about sa food, may particulars ka ba?”
“Hmm. Wala naman basta di pwedeng marami daw na kanin sakin eh. At di din pwede sa mga carbonated drinks or juices.”
“Okay noted.”
“Hmm, sa wedding dress? May napupusuan ka bang design? May mga pictures ako dito.”
Pinakita niya sa kanya ang mga pictures ngunit lahat nang nakita niya ay para sa mga engrandeng kasal naman.
“Mukhang para sa malalaking kasal yung mga wedding dress na ito.”
“Ahh kasi masyadong bulky?”
Tumango lang siya at napakagat labi.
“Hmm how about pasukat kna lang muna sa dress maker natin at ibigay mo nalang yung design na gusto mo?”
“Mas okay yun. At saka ayoko din ng masyadng mataas na heels sa sapatos..”
“Ngee, Ang tangkad ni Kuya. Pag di ka mag heels ate sobrang liit mo na tignan non.”
“So?” tanong ni Stephen nang siya’y makalabas na nang kwarto.
“Kelangan ba matangkad siya para pakasalan ko?”
“Hindi naman kuya kaya lang kawawa tignan si Ate sa tabi mo kung di man lang siya magheheels.”
“Kaya ko ang 2 inches pero hanggang dun lang. Okay bay un?”
“Okay na yun ate, basta di masyadong flat.”
Napailing nalang si Stephen at inakbayan ang kanyang nobya.
“You don’t have to force yourself. Ayokong hindi ka komportable sa araw na yun.”
Ngumiti lang ito at kanyang hinagkan sa pisngi.
“Don’t worry, kaya ko naman talagang mag heels. Kaya lang hanggang 2 inches lang ang allowed ko sa araw na yun para maenjoy ko naman yung kasal natin.”
“Okay set na ha! Nga pala, Papuntahin ko nalang dito yung magsusukat para sa wedding dress, ihanda mo nalang ate yung picture na gusto mo sa dress.”
“Okay sige.” Tumango ito.
“And kuya Garden wedding ang gusto daw ni ate. Gamitin nalang sana natin ang garden sa bahay na pinagawa mo or sa garden natin? Or sa ibang venue nalang.”
Napatingin si Jessie kay Stephen, nag aantay ito ng kanyang sagot. Tinignan naman ni Stephen si Jessie then sa kanyang kapatid.
“Ibang venue nalang muna, papa ayos ko pa garden sa bahay namin.”
Ngumiti si Jessie sa sagot niya. Ang akala niya ay hihindi ito sa gusto niya.
“Okay. So since nakapili na din ng food and venue, wedding dress nalang at tuxedo mo kuya and the rings. Since may pupunta na dito for the measurementrs ng isusuot niyo, You have to choose your rings nalang.”
“Don’t worry about it.”
Napatingin si Jessie sa kanya.
“May rings ka na ba?”
Ngumiti ito at binulungan siya.
“Yung dapat ginamit natin noon, nasakin pa.”
Nagulat si Jessie sa sinabi niya then ngumiti.
“Okaay.”
Tinignan lang ng kapatid ang dalawa.
“Okay. So set na to. Ako na bahala sa iba. Alis nako, may wedding akong paplanuhin.”
“Magkano nabayad sayo ni daddy para dito?” pahabol niyang tinanong ang sana aalis na niyang kapatid.
“Uyy grabe ka kuya... Trip to Paris lang naman with friends. Cge na bye!”
Napanganga ako sa bayad sa kapatid niya ng kanyang ama para lang sa wedding na ito.
“Wow, trip to Paris. Ibang klaseng bayad yun ah.”
Natawa si Stephen sa reaksiyon ng kanyang fiancé.
“Normal na yun sa kanya. Mas mapapa nga nga ka kung pano niya waldasin ang pera pag nakakapag Paris siya. Anyway, kumikita naman ang boutique niya.” Pasimpleng sagot ni Stephen.
“Ibang klase pala kayong mayayaman.”
“Baby, kasali ka na dito. What’s mine is yours.” Tapos hinagkan niya ito sa labi.
Nagulat si Jessie at naiwang naka nganga sa sala.
“Want me to cook for you?” tanong nito nang ito’y papunta na ng kusina.
“A a ah, sure… Vegetables lang ang gusto ko sana.” Sagot nito sa kanya.
“Alright, sige upo ka lang jan, let me cook for you.”
Natapos na silang makakain ng breakfast at sila’y nakahiga sa couch nila habang nanunood ng movie. Nakatulog si Jessie sa bisig ni Stephen habang siya’y nanuod pa din.
Nagtext na sa kanya ang kanyang secretary para iremind sa kanyang meeting mamayang 1pm. It was 12 and he has to get ready.
Dahan dahan niyang nilapag sa couch si Jessie at kinumutan. Hindi na muna niya ito ginambala sa pagtulog. Saktong nandun na din ang katulong para siya’y samahan.
“Ipaghanda mo nalang siya ng makakain mamayang pag gising niya, Doon ka Humingi sa nutritionist sa baba”
“Opo Sir.” Tugon ng katulong sa kanya.
Tinignan niya ang kanyang fiancé na natutulog nang mahimbing. Marahang binigyan niya ito ng halik bago naghanda.
30 minutes and he was done. Bago siya umalis, chineck na muna niya kung okay na sa loob. Nakita niyang nandoon na ang katulong at hinahanda na ang makakain ng kanyang mam.
“Sir kayo po? Maghahanda po ba ako ng makakain niyo?”
“No, hindi na. Busog pa ako. Siguraduhin mong makakain siya pag gising niya.”
“Opo sir, ako na po bahala kay mam.”
Tumango ito at pinuntahan ang mahimbing pa rin na natutulog na babae. Hinagkan niya ito sa noo at sa kanyang labi. Ngumiti siya nang makitang kinunot lang nito ang ilong saka bumalikwas ng posisyon.
Nakalabas na siya nang kwarto. May 15 minutes nalang siya at pinuntahan ang meeting niya. Lahat ay nandun na at inaantay nalang siya upang masimulan ito.
Matagal nakatulog si Jessie. 2pm na at saka palang siya nagising. Laking gulat nito na ang tumambad sa kanya ay ang katulong na ngumiti sa kanya.
“Magandang hapon po mam. Nasa mesa na po makakain niyo.”
Kumurap kurap muna siya bago nagstretch ng katawan at binigyan ng ngiti ang katulong.
“Good afternoon po manang!”
Bumangon na siya at pumunta ng kusina. Kinain ang pagkain na sinet ng nutritionist sa kanya.
“Manang, labas po tayo sa rooftop!”
“Sige po, gusto niyo po maglakad lakad lang muna?”
“Opo sana. Nakakabagot dito sa bahay eh.” Nakasimangot nitong saad.
Natawa lang ang katulong saka siya inalalayan.
“Sige po mam, saglit at ihanda ko gamitin natin.”
Lumabas sila sa kanilang kwarto. Sila’y pumunta ng rooftop at doon siya’y palakad lakad lang.
“Mam, mag CR lang ako ha. Dito lang po kayo umupo. Maya nap o kayo maglakad lakad pag andito na po ako.”
“Sige po manang.”
Napa upo lang siya sa gitna ng rea. Mahangin dito kasi nasa taas ng building. Ilang minuto na siyang nag aantay nang may pumasok na isang babae na naka itim mula sa damit hanggang saluwal.
Tinignan niya ito at lumingon lingon sa area. Walang ibang tao kundi siya. At ang babae ay naka lingon lang sa kanya, tinititigan siya ng masama.
“Bakit po? May kailangan po ba sila”
“Dapat sayo mamatay. Bakit ka pa bumalik?”
Nagtataka si Jessie kung sino ito dahil wala siyang na alala na may naka away siya na ganito ang galit sa kanya.
“Ano pong ibig niyong sabihin?”
Lumapit ang babae habang si Jessie naman ay umaatras. Halos wala na siyang maatrasan at ang babae ay papalapit pa din.
“Hanggang jan ka lang, ano bang kailangan mo?”
“Dapat sayo namatay na lang. Dapat hindi ka na lang bumalik para di ka na masasaktan.”
Mas napalapit pa ang babae kay Jessie at itinulak siya sa mesa. Nabangga ang kanyang baywang sa dulo ng mesa. Nanakit ang kanyang tiyan at may sariwang dugo na tumutulo sa kanyang binti. Sumigaw siya nang makita ito. Sakto namang dumating yung katulong na may security na dala.
“Siya po, siya po ang nagkulong sakin sa CR. Maam!”
Napasigaw ito nang makita niyang nagdudugo ang binti ng kanyang maam. Kumakapit lang si Jessie sa dulo ng mesa habang naka upo. Dinakip naman ng mga security ang babae at ang isa sa kanila ay tumawag na nang ambulance.
Umiiyak si Jessie nang ito’y ibinaba sa building. Nakita niyang papalapit si Stephen nang mawalan siya ng malay.
Nasa gitna sila ng meeting nang makakuha siya ng balita na ang kanyang fiancé ay kinuha ng ambulansya. Agad siyang napatayo at tumakbo palabas. Nalaman ng lahat ang nangyari kung kaya’t nacancel muna ang meeting.
Nakita niya ang katulong at kanya itong tinanong.
“Anong nangyari?”
“Sir, si maam, nagdugo po siya. Inatake po kami nung babae kanina. Kinulong niya ako sa banyo.” Pagsusumbong ng katulong.
Hindi na muna niya inantay ang eksplanasyon nito kung anong nangyari. Tinakbo niya ang ambulansya at nakita niyang sinasakay na ang fiancé nito doon.
“Sir, sumunod nalang po kayo samin.” Ani ng paramedic nang malaman kung sino siya.
“Okay” tipid niyang sagot. Agad siyang nagpadrive kasunod ang ambulansya. Kanyang pinagdarasal na ligtas sila ng kanyang anak.
Nakarating siya sa ospital nang makita niyang ipinasok ang kanyang mag ina sa operation room. Nagtataka siya kung bakit kinailangan niyang isugod doon.
Ilang oras ang nakaraan at ang isang doctor ay lumabas.
“Sir Stephen. Kayo po ba ang kasama ng pasyente?”
“Opo, kumusta na po siya? Okay lang po ba?”
“Don’t worry sir, they are alright. You can visit them sa room nila in a minute. Itatransfer lang po sila. Masyadong nastress ang pasyente, I recommend ng light activities. Mahina po ang kapit ng bata. Mag rereseta po ako nang pangpalakas ng kapit.”
Tumango ito at pilit na nginitian din ang doctor.
Eksaktong nakarating ang kanyang ama at kapatid ng ito’y mabalitaan. Sinabi niya ang nangyari at kung kumusta na sila.
“Sino daw ang babaeng yon?” pagtatanong ng kapatid.
“Hindi ko alam. Pero kung may nangyari sa mag ina ko, mapapatay ko siya.” Sagot nito.
“Calm son, let the attorneys do their job.”
“Hindi ako makakapayag na may ganito pang mangyari sa kanya.” Paninigurado ni Stephen.
“Baliw ata yung babaeng yun eh.” Komento ng kapatid.
Hinagod hagod ng kapatid niya si Stephen. Pinapakalma niya ang kanyang kuya dahil sa sobrang galit nito. Sinenyasan na sila ng nurse na maaari na nilang mapuntahan si Jessie. Agad namang kumaripas ng takbo si Stephen upang makita ang kayang mag ina.
Naawa siyang makita itong nakahiga sa ospital. Akala niya mawawala ang isa sa kanila. Hindi na niya kakayanin ang pangalawang beses siyang iwanan ng mahal niya.
Kinuha niya ang kamay ng kanyang fiancé, kanya itong hinawakan. Nagsusumamo sa kanya na sana na siya ay gumising na.
“Mahal ko, gising na. Pakiusap.”
Nagising si Jessie kinabukasan na masakit ang kanyang likod. Nakita nyang nakatulog si Stephen sa kanyang tabi. Siya’y napangiti nang ito ay makita. Ngumiti ito nang nakita niya ang kanyang mahal na nagising.
“Babe, okay ka lang ba. May masakit ba sayo?” pag aalala nitong tanong sa kanya.
“I’m fine baby, mejo masakit lang ang likod pero I feel fine.” Pag aassure nito.
“I got worried. I thought may nangyari na sayo at sa anak natin.”
“I’m sorry pinag alala pa kita.”
Umiling iling ito at hinalikan ang kanyang kamay.
“Hindi mo kasalanan. And hindi mo din kasalanan na nagbleeding ka. Kasalanan to ng babaeng umatake sayo. Mabuti nalang at nakalabas din si manang at nakatawag ng security. Ayokong isipin ang mangyayari sayo kung nadatnan ka pa ng matagal.”
“Hmm, pangako di na ako mag papaiwan mag isa.”
“At di ko na din papayagang mag isa ka lang, kaylangan may security kang dala.”
Tumango lang ito. Niyakap ni Stephen ang kanyang fiancé. Tumugon naman ang babae sa kanyang yakap.
Nakalabas na ng ospital si Jessie matapos ang dalawang araw. Nasabi din ni Stephen sa ama ni Jessie ang nangyari na lubha namang inalala ng kanyang ama.
Pagdating ni Jessie sa kanilang penthouse ay nagulat ito na may dalawang security na nakabantay sa labas and dalawa sa loob maliban sa katulong.
At ang nakakagulat pa ay sa pent house na nila matutulog ang kapatid nitong babae na madalas nasa mansyon lang nila.
“Hi Ate! Welcome home! Ako lang muna makakasama mo. Haha, Nagbilin si daddy na bantayan ka hanggang sa ika’y manganak. So dalawa kami ni manang.”
Nagkulay kamatis naman siya sa hiya nang sinabi ito nang kapatid ni Stephen. Marami na siyang na aabala sa kanyang sitwasyon.
“Babe, nahihiya na ako na madami akong na aabala sa pagbubuntis ko.” Sambit niya nang sila’y nasa kama at magkayakap nung gabi.
“Wag ka mag alala, yung security at si manang ay required ko. Pinapasweldo ko yan sila kaya kaylangan gampanan nila ang trabaho nila. Sa case naman sa sister ko, si Daddy na bahala dun. Di yun abala kasi siya ang nagbibigay ng allowance dun.”
“Kahit pa. Nakakahiya. Feeling ko pabigat akong buntis.”
Napahalakhak si Stephen sa nasabi ng kanyang fiancé. Kinulong ito ang kanyang mukha at hinalikan ang labi.
“Wala akong pakialam kahit maubusan ako ng pera basta’t alam kong ligtas ka. Ayoko nang maulit ang nangyari sayo. Diba’t nangako akong poprotektahan kita?”
Napatingin si Jessie sa kanyang mapapangasawa at tumango. Kanya iton yinakap ng mahigpit.
“You’re so warm.”
“Pwede pa sabi ng doctor, alam mo ba yun?” pilyong ngumisi ito sa kanyang nobya.
“Hoy, magtigil ka sir.” Natatawa nitong tugon.
“Sige na, 2 months palang naman ang tiyan mo. Kaya pa.”
Akmang lalayo siya sa lalake ngunit huli na nang ito’y halikan na ang kanyang leeg. Umungol na siya sa sarap ng kanyang pagkakahalik sa kanyang leeg. At ang simpleng halikan ay nauwi sa ilang rounds na p********k.
Tanghali na nang siya’y magising at wala na siyang katabi. Mukhang iniwan na ako ng mokong na yun matapos akong pagurin.
Paglabas niya sa kwarto ay nakita niyang nagkakape na si Grace at inaantay na siya ng kanilang katulong. Ngumiti ang katulong sabay handa nang kanyang makakain.
“Good morning Sis! Tanghali na ah? Napagod ka ba kagabi?” kantyaw ni Grace.
Parehong magkapatid. Isip isip nya.
“Good morning din. At oo, pinagod ako ng kapatid mo kagabi.”
Tumawa ito nang malakas.
“Mukhang isang team ng basketball ang bubuuin niyo ah.”
Natawa nalang ito kay Grace. At nagsimulang kumain.
“Dadating pala yung mananahi after an hour. Papasukat na tayo para sa wedding dress mo. May idea ka na ba kung anong itsura?”
“Hmm oo, nasa ibabaw nung printer. Manang, pwede po pakikuha?”
“Yes mam.”
Nang makuha na ito ay ibinigay na ito kay Grace.
“This looks nice. Simple but sophisticated. Sige ipapatahi ko nalang ng ganito.”
“Mga magkano kaya yung ganyan?”
“Sis ano ka ba, it’s my wedding gift sa inyo. No need to pay.” Nakangiting saad nito.
“Hala, wag naman. Negosyo mo ito eh, nakakahiya namang lahat nalang ay libre.”
“Sis, masanay ka na. You’re gonna be the wife of my brother and sooner or later marami ka pang matatanggap na mga regalo. Hindi mo naman pwede tanggihan kasi masasaktan yung mga nagbigay nun.”
Napa simangot siya. Ayaw niya nang binibigyan siya. Sa isip niya kasi mamaya isumbat sa kanya ang mga naibigay sa kanya. Tumango nalang siya at kumain.
Dumating si Stephen eksaktong kinukuhanan na ng measurement si Jessie, natuwa ang buntis nang ito’y makita.
“Babe!” sigaw nito na may malaking ngiti nang ito’y nasa loob na ng tahanan.
Lumaki ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita ang mapapangasawa.
“I guess they started it already huh.”
“O kuya, sakto lang. Ikaw na susunod kay ate.”
Nang matapos si Jessie sukatan ay tumakbo ito sa kanyang fiancé at kanyang hinagkan.
“Woaaaah, babe, hinay hinay lang. Buntis ka, baka mapano ka.”
Napatawa si Grace at si manang nang makita nila ang ginawa ng buntis. Napangiti lang ito at yinakap si Stephen.
“Kuya ikaw na, mamaya na yang loving loving na yan.”
Hinalikan lang ni Stephen sa noo si Jessie bago ito pumunta sa kanyang pwesto upang masukatan.
“Sir, tangkad niyo po.” Sambit nung mananahi.
“Ate, nakikita naman po. Stop flirting. Ikakasal na po kapatid ko.” Masungit na pagpupuna ng kapatid.
Nagpigili ng tawa sina Jessie at Stephen, pati na din si manang na nakarinig. Alam ni Grace ang ginagawa ng kanyang mananahi kaya siya na mismo ang sumaway.
Natapos ang pagsusukat at parehong umalis sina Grace at ang mananahi. Ang katulong naman ay dinismiss na ni Stephen dahil andun na siya.
Madaming nagbago sa schedule ni Stephen. Kailangan wala na siyang schedule after 5. Para lahat nang kaya pa niyang ayusin ay maayos niya bago mag alas sais. Gusto niyang andun siya sa bahay at nakikita si Jessie bago ito matulog.
“Baby, gusto mo bang magpa Maldives sa honeymoon? O di kaya sa Rome?” Tanong nito kay Jessie nang sila’y nasa kama at handa nang matulog.
“Hmm. Pwede South Korea nalang? Matagal ko nang gusto makapunta dun eh.”
“South Korea? Para makita mo yung sinasabi mong Oppa?” ngumiti lang si buntis.
“Baby may gusto akong kainin.”
“Hmm, ako ba?”
“Salbahe ka!” sabay palo sa kanyang dibdib.
Natawa lang ito sa kanya. “Ano nanaman kini crave mo? Baka nanaman lalabas ako?”
“Ehhh gusto ko yung barbecue na nabili ko nun sa merkato eh.”
“What?! Talagang palalabasin mo ako ngayon?”
Naka nguso nanaman ito sa kanya. “Sige wag na!”
“Joke lang, eto na, babangon na. Wag kanang magtampo.”
“Ice cream din na vanilla ha?”
Tinignan niya ito na parang di makapaniwala.
“Baby after nito, matulog kana ha.”
Ngumisi lang ito at tumango. “Bilis, Bilis”
Nakalabas na ito ng hotel at nakasakay na ng kotse. Panatag siyang safe si Jessie dahil may bantay sa loob at labas ng penthouse.
Nabili na niya yung barbecue at ice cream. Pagpasok niya ng bahay ay nilagay lang muna niya sa mesa yung nabili.
Pagpasok niya ng kwarto ay nakita niyang tulog na ang buntis. Mukhang napagod ata kakahintay. Naisip niya. Kung kaya’t Inilagay niya sa ref yung barbecue at yung ice cream sa freezer.
Bumalik na siya sa kwarto at tinabihan ang kanyang fiancé. Nang ito ay kanya nang yayakapin, akala niya ito’y nagising. Nagsalita ito ng barbeciue at ice cream. Nananaginip lang pala ito at tuluyang yumakap sa kanya.
Natawa siya sa kanyang mahal. Napaka clingy nito ngayon. At sa sobrang pag ccrave ay pati sa panaginip nadadala.
Lumipas ang mga araw at dumating na ang pinakahihintay. Ang araw nang kanilang kasal.
Nandoon na ang kanyang ama at asawa nito at ang kaniyang mga step sister and brothers. Andun din ang kanyang ate sa ina at ang lalakeng kapatid.
Nakahanda na din ang pamilya nang kanyang magiging asawa.
“Oh my Gosh achi ang ganda mo!” sambit ni Ranya.
“Wow, I like the dress.” Pagpuri ni Chloe, ang ate nina Ranya, Kisses at George.
“Thanks. Salamat sa pagpunta.” Pasalamat nito sa kanila.
Nandoon din ang kanyang ama na siyang maghahatid sa kanya sa altar kay Stephen.
“You look beautiful, anak.” Sambit nito.
“Halina’t ihahatid na kita sa altar.”
Tumango lang ito pero nangingiyak na siya
“Don’t cry, it’s your wedding. Inaantay ka na ni Stephen sa altar.”
Tumango lang siya at kanyang pinunasan ang kanyang mga luha.
Pinulupot niya ang kanyang mga bisig sa kanyang ama at naglakad sila papuntang altar. Nakita niyang umiiyak ang kanyang mapapangasawa sa altar, pinunasan niya ito at humarap ulit sa kanila. Ibinigay ng kanyang ama ang kanyang kamay kay Stephen. Parehong ngumiti at nakatawa ang mag asawa.
Natapos ang kasal nang sila ay naghalikan na. Marami ang humiyaw at pinalakpakan ang dalawa.
Gusto nang ilabas ni Stephen si Jessie sa kasal ngunit pinagbawalan ni Grace ang kanyang kapatid.
“Now, I know you want to just take her out of here. Pero bro, may reception pa. mag antay ka.” Bulong nito sa kanyang kuya.
“I want to get out naaaa…” Sumbong nito sa tenga ng kanyang asawa.
Natawa lang ito saka hinaplos ang pisngi.
“Mamaya baby, Di nalang ito matagal. Saka sayang naman kung iiwan natin sila diba?”
“I don’t care, ikaw lang gusto ko ngayon.”
“Shh, Mister Stephen Montecillo, behave.”
“Yes po, Mrs. Montecillo. Wow, I like the sound of that.” Pilyo nitong saad at sila’y nagtatawanan.