Cookies and Milk?

3190 Words
It was the first day of their honeymoon. Nasa South Korea na sila. Jessie woke up with a smile habang hinawi niya ang kurtina sa bintana. Mahimbing pa ang tulog ni Stephen at kanya itong tinabihan. Isiniksik niya ang kanyang sarili kay Stephen at matutulog sana ulit.   “Ba’t ang aga nang gising nang mahal ko? Di ka ba napagod kagabi? Halos pinagod kita ah.”   Natawa lamang si Jessie sa kanya, hinalikan niya sa pisngi ang asawa saka niyakap siya nang mahigpit.   “Excited na akong lumabas mister ko.” Ngumisi si Stephen nang marinig na Mister ko ang tawag ni Jessie sa kanya.   Tumagilid lang ito para ang kanyang mukha ay nasa leeg ng asawa niya.   “Mamaya na misis ko, Mrs. Montecillo.”   Natawa si Jessie sa kanyang tawag sa kanya. Masarap pakinggan na dala dala na niya ang pangalan ng asawa niya.   “Bilis na baby, please? One week lang kaya tayo dito. Gusto ko mapasyalan mga lugar na historical nila. Hmm?”   Sumimangot lang ang asawa at bumangon.   “Gusto mo lang ata makita mga tinatawag mong oppa eh.”   Ngumisi siya at inudyok udyok ang asawa.   “Nagseselos ba asawa ko?” malambing nitong akusa sa kanya.   “Di hamak na mas gwapo ako dun no, ba’t ako magseselos?”   Napahalakhak si Jessie sa pagiging defensive ng kanyang asawa.   “Sige na ha, maliligo na ako kahit ang lamig lamig. Haha.”   Natapos na itong maligo at ang kanyang asawa ang sumunod. Nang handa na sila, gumayak na sila pababa para mag almusal.   Naparami ang kain ng babae, nagutom siya kagabi ngunit ito’y natulugan nalang niya. Napagod siya sa kanilang pinaggagawa na mag asawa.   “Baby, careful sa rice. Tandaan mo sabi ng doctor.” Sinaway siya ng kanyang asawa nang halos maka ubos na siya ang isang cup ngunit marami pa itong ulam.   “Hmm. Alam kong ikaw naman uubos ng natira kong ulam eh.” Masiglang saad nito.   Nagkape lang at tinapay si Stephen dahil alam niyang mangyayari to. Madalas mangyari ito sa kanya magmula nang iba’t ibang hotel ang kanilang napuntahan sa kanilang honeymoon.   Puro mga regalo ang kanilang pag honey moon sa iba’t ibang lugar ang nakuha niya sa ilang kamag anak at kaibigan.   Ngayon lang nila napuntahan ang lugar na nais talaga nilang puntahan. Napa iling lang ito at ngumisi.   Pagkatapos ng almusal ay pinuntahan na nila ang iba’t ibang lugar na nakalista ng babae. Napuntahan muna nila ang sikat na Namsan Tower, nakapag iwan nang kanilang lock at nagselfie doon.   Pagkatapos ay napuntahan nila ang Han River, at iba’t ibang historical na mga lungsod.   Nakatikim din sila nang iba’t ibang putahe sa iba’t ibang lugar.   Sobrang saya ni Jessie na kasama niyang naglilibang ang asawa kahit kunyari ay umaayaw sa ginagawa niya.   Nagkaroon din ng eksena kung saan napapose niya si Stephen kagaya nung Kpop Idol standee na nasa isang tindahan.   Sobrang tuwa ni Jessie habang sila’y namamasyal. Pero ang mas natutuwa ay si Stephen na pinagmamasdan lang ang kanyang asawa na masayahin sa mga lugar na kanilang napupuntahan.   Mag 10 na nang gabi ng sila’y makauwi. Masigla pa ang mga lugar ngunit pagod na si buntis.   Pagkadating nila sa kanilang hotel ay naligo lang ito at natulog na. Sadyang napagod kakalakad nila maghapon.   Natawa si Stephen nang makitang nakabukas ang TV ngunit tulog na ang dapat ay nanonood.   Kanyang inoff yung tv at tumabi na sa kanyang asawa. Kanya itong niyakap at hinayaang matulog sa kanyang bisig.   Natapos ang isang linggo nilang honeymoon sa South Korea. Nakita din ni Jessie ang ini idolong aktres. Sadyang lubos ang tuwa nito nang sila’y makauwi na. Di din maikakaila na nasasayahan siyang makita na laging nakangiti ang kanyang asawa.     Bumalik sa dati ang kanilang routine matapos ang honeymoon. Lumalaki na din ang kanyang tiyan, nasa ikaapat na na buwan at ito’y halatang halata na. Ginagawang ehersisyo ng babae ang paglalakad sa bawat floor ng Hotel. Ayaw ni Stephen na lalabas siya nang di siya ang kasama ng kanyang asawa. Sa gabi minsan naglalakad si Jessie ng mga alas siyete o alas otso ng gabi. Pero hanggang palibot lang sa labas ng hotel kasama ang asawa.   Masaya silang nagkakakwentuhan na dalawa habang ini-ensayo niya ang kanyang mga paa sa paglalakad. Minsan naman ay umaattend sila ng parenting session na ginaganap sa isang mall.   Hindi pinapalampas ni Jessie at Stephen na malaman ang mga gagawin habang siya’y buntis. Mayroon pang pagkakataon na nagshoshopping na sila para sa baby.   Nung ang tiyan niya ay nasa ika anim na na buwan, nagpakita ang di inaasahang bisita. Si Bernadette na siyang unang sumira sa kanila. Nasabi na ni Stephen na inayos na niya ang problemang ito, bakit nanggugulo nanaman.   “Anong kailangan mo?”   “Mukhang masaya kang ipinagbubuntis ang anak ni Stephen.”   “Ano namang paki mo kung masaya kami ng asawa ko?”   “Dapat ang anak ko ang nakakatamasa ng karangyaan na inagaw mo sa kanya.”   Tinignan lang niya ng seryoso si Bernadette. Napalingon ito sa ibang direksyon at naglabas lang ng malalim na hininga at tumingin ulit sa kanya.   “Di mo na dapat kami ginagambala. Maayos kna man atang kinausap ng asawa ko.”   “Maayos? Anong mapapala ko sa pag uusap na yun? Anak niya ang iniluwal ko kaya’t may karapatan din siyang matamasa ang tinatamasa niyo. Pwedeng kang tawaging kabit kung akala mo.”   Inirapan lang ni Jessie si Bernadette at ito’y mas naging seryoso. “Paano magiging kabit ang pinakasalan. Unang una, ikakasal na kami nang dumating ka. Hindi ba? Nasira mo na kami noon, di ko hahayaang mangyaro yan ngayon.”   Nalaman ni Stephen na nag uusap ang dalawa sa Hotel nito.   Agad siyang sumugod. Bakit nanaman nag gugulo ang babaeng to.   Nakita niyang mahinahong nag uusap ang dalawa, ngunit nag aalala siya kay Jessie lalo’t ika anim na buwan na niya.   Paglapit niya sa kanila ay nanlaki ang mata ni Bernadette. Akma nang sisigaw ito at gagawa ng gulo ng sinabi niya sa guard na damputin siya at ilabas.   Hinawakan ni Jessie si Stephen sa kanyang tiyan at bisig para ito ay kumalma. Niyakap ni Stephen ang asawa at ito ang nagpasabog ng selos kay Bernadette.   “Hoy mang aagaw, ano masarap ba si Stephen sa kama? Na inagaw niyo karapatan ng anak ko?” Sigaw nito habang kinakaladkad siya ng security.   Hindi na makapag pigil si Stephen at kahit anong awat ni Jessie ay di na ito napigilan. Pinahinto niya ang security para mapahiya din niya si Bernadette na namahiya sa asawa niya. Minsan na niya siyang ginulo at nasira, hindi na niya papayagang maulit.   “Teka lang, baka nakakalimutan mong girlfriend ka nang barkada ko. You f****d him and claimed na akin ang bata, I never once touched you. Pinag away away mo pa kaming barkada. Ngayon andito kna naman para guluhin kami ng asawa ko.” Nang gagalaiti sa galit si Stephen.   “Ang lakas mong makapag salita na ako ang ama ng bata. Hell with you. Ni minsan hindi kita binigyan ng pansin kaya dun ka dumikit sa barkada ko. Siya ang nakabuntis sayo. And I don’t f*****g care kung may kinausap kang doctor para lang manipulahin ang resulta ng DNA Test. Baliw ka nga. Wag kang umasa na katulad mo ang mamahalin ko. Masyadong sakim sa kayamanan.”   Napahiya ang babae sa ginawa ni Stephen na agad pinaniwalaan ng mga tao na nakarinig. Kilala nila bilang seryoso at mapag mata sa babaeng malalandi o gold digger si Stephen Akala nga nila ito ay bakla ito dahil wala pang napapangasawa hanggang dumating si Jessie sa buhay niya.   Tinalikuran na ni Stephen si Bernadette at hinayaan itong kaladkarin ng mga security. Hinaplos ni Stephen sa pisngi ang kanyang asawa at ipantong ang noo sa kanyang noo din na nagpakalma sa kanya. Hinatid nito si Jessie sa kanilang penthouse.   “Mabuti pa atang lumipat na tayo sa bahay. Ayoko na iniistorbo ka ng mga taong basta basta nalang nagpapakita.” Sambit nito sa asawa.   Lumapit si Jessie sa kanya at kanyang niyakap sa kanyang likuran.   “I’m sorry. I’m sorry na di kita pinakinggan noon. Kung sana nakinig ako, di nasayang ang ilang buwang pinagdusahan natin.”   Humarap ito sa kanya at ngumiti. Niyakap niya nang mahigpit ang asawa.   “Kung di nangyari yun, walang leksyon na matututunan. And hindi natin malalaman kung gano natin kamahal ang isa’t isa.”   Tumango ito at umiiyak sa dibdib ng kanyang asawa.   “Shh don’t cry. It’s all over. Masaya na tayo ngayon.”   Tumigil ito sa pag iyak at marahang tinulak ang asawa. Hinalikan niya ng marahan sa kanyang labi at niyakap ulit.   “I love you, Mr. Stephen Montecillo.”   “I love you more, Mrs. Jessie Montecillo.”   Nagtawanan ang dalawa, hinagkan ni Stephen sa noo ang asawa bago ito magpa alam na babalik sa kanyang meeting.           Hapon at walang magawa si Jessie sapagkat pinagbawalan na siya ng masyadong Gawain lalo’t nasa ika ika anim na buwan na niya. Tatlong buwan nalang at due na siya.   Nagpatulong siya kay manang gumawa ng cookies na siya ang nagmamando habang si manang ang gumagawa.   Natapos nilang mabake ang cookies na saktong alas sais. Stay in muna si manang hanggang siya ay manganak.   Bawal na sa buntis ang magluto luto o magtrabaho sa kusina, masyadong mahigpit si Stephen don.   Ang tanging nagagawa niya ay kumain at maglakad lakad. Minsan naman ay manood ng mga drama kasama si manang.   Si manang ang nag aalaga sa kanilang dalawa kasama si Grace. Minsan lang naman nasa labas si Grace dahil mostly ang trabaho niya ay nasa bahay sa laptop lang niya.   Ang mas ginagawa niya sa bahay is may makatulong si manang sa pagbantay kay Jessie sa tuwing lumalabas si Stephen. Madalas na kasi itong lumalabas sa kanyang opisina para sa kanyang mga kliyente.   Sa kasalukuyan, balak pumasok ni Stephen sa pagtatayo ng Shopping Mall kaya kadalasan ay wala siya sa bahay. Ngunit di niya pinahihintulutang wala siya sa bahay pag gabi.   Maghahapunan na sana sila nang saktong nakarating na nang bahay si Stephen. Ang laki ng tuwa ni Jessie at sinalubong niya ang kanyang mister sa pintuan.   “Welcome home, mahal ko!” Sinalubong niya ng mahigpit na yakap ang asawa niya.   “Ito talaga ang pinakamasarap pag nakakauwi ako.” Niyakap niya ito nang mahigpit sabay halik sa noo.   “Kumusta araw mo?” Inakbayan na ni Stephen ang kanyang asawa habang naglalakad pakwarto nila.   “Hey guys! Food’s ready” Tawag ni Grace sa kanila.   Tumango lang si Stephen at isinama sa kwarto si Jessie. Nang nasa kwarto na sila ay napa higa na si Stephen.   “Kakapagod ang araw na to. Parang gusto ko nalang mahiga.”   “Aww, gusto mo dalhan kita ng pagkain dito?”   “Bakit napaka sweet ng asawa ko? Mas naiinlove ako araw araw eh.”   Pinalo ni Jessie ang asawa na tumatawa lang.   “Sige na, magbihis ka na. Magpapadala ako ng pagkain kay manang dito. Tsaka gumawa din kasi kami ni manang ng cookies.”   “Nagbake ka?”   “Si manang lang, nag instruct ako. Alam ko namang ayaw mo magbubuhat ako nang kahit ano.”   “Buti naman at masunurin ka.” Pabiro itong ngumisi.   “Loko! Sige na, ihahanda ko na makakain mo.”   Ilang saglit, natapos nang magbihis ng kanyang asawa ay dumating ang kanyang pagkain. Kumain ito at tinikman ang cookies na binake nila kanina.   “Masarap ba?” tanong nito sa asawa.   Tinignan nito ang asawa at maraang hinagkan.   “You know I always answer the same, mas marap ka.”   “Bwiset! Ang ibig kong sabihin ay yung cookies. Puro kalaswaan nasa isip mo eh.” Tinawanan lang yun ni Stephen,   “Masarap siya. Para ngang maraming chocolate nito ah?”   “Hmm, kasi alam kong mahilig ka sa chocolate tsaka kapatid mo.”   Natawa lang siya ngunit naubos niya ang cookies and milk na pinartner niya.   “Kumain ka na ba?” tanong nito sa buntis.   “Oo, kanina pa ako pinakain ni manang. Sabi kasi ng nutritionist dapat naka fix na ang time ng aking pagkain.”   “Oh, ganun ba. Okay, saglit magtoothbrush lang ako.”   Nilabas ni Jessie ang kanyang kinainan na tinaggap naman ni manang. Saktong kakalabas lang din ng kanyang asawa sa kanilang paliguan.   Nahiga ito at buksan ang kanyang mga bisig para sa kanya. Natawa si Jessie at umakyat na ng higaan. Tumabi na ito sa kanyang asawa.   Biglang hinimas himas ni Stephen ang kanyang lumulubong tiyan at ito’y binulungan.   “Baby ko, malapit ka nang lumabas.”   Natawa si Jessie nang ito’y kausapin ni Stephen. Kanya ding nilagyan ng headphones ang tiyan ni Jessie at patunugin ang baby song   “Sabi ng doctor, maganda daw ito sa baby.” Banggit ng lalake   “At talagang tinanong mo to?” di makapaniwala sa Jessie   “Syempre, para maganda ang naririnig niya sa sinapupunan pa lang.”   Niyakap niya ang kanyang asawa. “Maraming salamat mister ko. Salamat at nariyan ka lang sa tabi ko sa pagbubuntis ko.”   Ngumiti ito at tinugon ang kanyang yakap.   “Ganyan ko kayo kamahal.”   Sa mga oras na yun ay napag usapan na din nila ang maipapangalan sa anak nila. Lumipas din ang isang buwan, nasa ika pitong buwan na ang kanyang tiyan. Mas lalo na silang nagging maingat sapagkat dalawang buwan nalang ay mailuluwal na ang bata.   Binisita ng ama ni Jessie ang kanyang anak sa kanilang pent house kasama ang asawa nito at ang kanyang mga step sisters and brother.   “Achi! Kumusta ka na? Musta na ang pagbubuntis?” maligayang pangumusta ni Ranya.   “Ate, Malaki na ang tiyan mo, konting tiis nalang.” Pagpapansin ni Kisses.   “Ate may dala akong mga laruan tsaka damit. Babae ba o lalake? Neutral kasi ang kinuha ko. Di ko alam kung tama na ba ito.” Ani ni Chloe.   Napangiti lang si Jessie na maingat na umupo sa may balkonahe, naka alalay si manang sa kanya at ang kanyang ama.   “Okay naman ang pagbubuntis, nababagot lang minsan kasi ayaw ni Stephen na maglalabas ako. Lalo pa ngayon na malapit ko nang ipanganak ang panganay namin. At tsaka may pa gender reveal si Grace kaya di ko pa alam kasarian ng baby namin. Konti pa nga lang mga gamit niya eh.” Saad nito habang hinimas himas niya ang kanyang tiyan.   “Tama nga naman. Dalawang buwan nalang at isisilang mo na ang inyong anak.” Ani ng ama.   “Alam niyo ba mas nakakatawa, mas marami pang alam yon sa pagbubuntis ko kesa sakin. Sobrang tutuk siya sa pagbubuntis ko.” Napatawa ito habang siya’y nagkekwento.   “Mabuti naman at ina alagaan ka ng asawa mo.” Pagkomenda ng ama.   “Sobra. Di niya ko pinapabayaan kahit minsan ay nagsusungit na ako. Naaawa nga ako dun eh kasi kahit pagod sa opisina, pinagbibigyan ako sa gusto ko.”   “Huwag mo naman abusuhin kabaitan ng asawa mo sayo ate. Tsaka sana lalake ang ipanganak mo, naku, dami akong ituturo sa kanya.” Natatawang sabi ni George   “Ituturo? Ano? Mga kalokohan nanaman? Hay naku.” Komento ni Chloe.   “Hala ate! Ang bait ko, bakit ko tuturuan ng masama pamangkin ko?” depensa naman ni George.   “O siya tama na, at baka mastress niyo pa ang ate niyo. Nagdala pala kami ng manggang hilaw galling sa puno ng lola mo. Alam kong paborito mo yun.” Saad ng ama.   Naningkad ang mga mata ni Jessie at napakagat labing tinignan si manang.   “Please po?”   “Sige po mam.” Nangiting sagot ng katulong sa kanya.   Bago naka alis ang pamilya ni Jessie ay saktong dumating si Stephen. Nagulat siya sa kanyang nakita.   “Oh, magandang gabi po tito, tita.. Hindi ko po alam na bibisita po kayo. Di sana po naka uwi ako ng maaga.”   Tumingin ito sa kanyang asawa na kumakain pa din ng manga.   “Mangga nanaman love? Tsk sana nagtext ka sakin na andito pala papa mo.”   “Sorry love, nakalimutan ko na and dala nila papa yung mangga galing sa punong mangga ni lola.” Masayang ibinalita ito ni Jessie sa kanyang asawa.   “Tito, kumain na po ba kayo? Maghapunan po muna kayo.” Imbita ni Stephen.   “Naku, wag na iho, may pupuntahan kaming party kaya din kami napadaan. Maraming salamat.” Ani ng ama.   “O sige po, aalis na po ba kayo?”   “Oo, nang di kami abutan ng traffic.”   “Hatid ko na po kayo. At gamitin niyo nalang po yung kotse ng kompanya. Ipapahatid ko po kayo.”   “Naku iho wag na, sapat nang ihatid mo kami. Salamat sa pag aalaga sa iyong asawa.”   “Ah, haha, obligasyon ko po yun lalo asawa ko siya. At mahal ko din po ang anak niyo.” Napakamot ng ulo si Stephen.   “Alam ko kaya salamat.”   “Ano ba, paiiyakin niyo ba ako dito? Sige na love, baka matraffic sila. Salamat sa pagbisita ang thanks din sa mangga at mga gamit.” Pasasalamat nito sa kanila.   Hinatid ni Stephen ang kanyang pamilya palabas ng entrance ng hotel. Kahit anumang pagtanggi ay di na nagawa ng ama ni Jessie nang ito’y ipahatid ni Stephen sa kanilang van.   Pagkabalik ni Stephen ay tapos nang kumain ng mangga ang asawa at ito’y tinitignan ang mga gamit na binigay ni Chloe sa kanya.   “Ano yan love?”   “Mga baby clothes tsaka laruan na binili ni Chloe para sa baby natin. Ang cute nga nito eh, lahat pwede sa babae o lalaki. Kalian ba mag gegender reveal si Grace?”   “Ang sabi sa ika 8th month mo na.” niyakap niya sa likod ang asawa habang hinihimas himas ang kanyang tiyan. Inilagay niya ang ulo sa balikat ni Jessie habang hinahalikan ang kanyang leeg.   Hinaplos ni Jessie ang pisngi ng asawa at ito’y sumandal sa mga balikat niya.   “Bakit love?”   Umiling lang ito at hinalikan ang kanyang pisngi.   “Napaka swerte ko na atang tao sa balat ng lupa. Andito ka’t akin at magkakaroon pa tayo ng supling.”   Natawa si Jessie at mahinang tinapik tapik ang pisngi ng asawa.   “Ako ang maswerte na nagustuhan ng isang tulad mo. Sino lang ba naman ako na nagustuhan ng isang nag ngangalang Stephen Motecillo.”   Ngumiti ang lalake at iniharap siya. Hinawakan ang kanyang mga braso at hinagkan ang noo.   “Kahit pa may Stephen Montecillo kung wala namang Jessie Dela Cruz na magkokompleto sa kanya, wala din naman ako.”   Mahigpit na niyakap ni Jessie ang asawa kahit may tiyang napaghihiwalay sila. Sadyang swerte sila sa isa’t isa sapagkat nabuo ang kanilang mga sarili dahil sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD