"Hey, are you, okay?" tanong ni Shirley sa'kin. Isa sa mga employees ng Del Fuego Industries Corp. (DFIC).
"Sumasakit lang ang ulo ko sa mga problemang dapat kong malutas," sagot ko kay Shirley. Narinig kong nagpakawala ito nang marahas na hininga. Napasulyap ako rito. "May problema ka ba?"
"Wala naman, nagtataka lang kasi ako kung bakit ang bilis mo naman yatang magtiwala sa ibang tao. Iyong Orson Acosta ba, kilala mo talaga iyon?"
"Classmate ko siya dati. Kilalang businessman si Orson Acosta, kaya walang dahilan para tanggihan ko ang offer niya, since magkakaroon ng benepisyo ang DFIC kung sakaling tatanggapin ko ang alok ni Mr. Acosta," sagot ko kay Shirley na ngayo'y halatang nag-iisip.
"Sabagay, kilala naman sila sa larangan ng negosyo. But, may concern dito is, dapat mo ba talaga siyang pagkatiwalaan?"
Awtomatikong tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Shirley. Muli, napasulyap ako rito. "Wala akong choice, Shirley. I need to raise this company for the sake of our employees. Kawawa naman sila kung wala akong gagawin. Nakasalalay sa kompanyang ito ang kanilang pangangailangan sa araw-araw," tugon ko. Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga.
"You have a point. But, siguraduhin mo lang na hindi ka magsisisi sa huli. Kailangan mo rin kasing kilatisin ang mga taong dapat mong pagkatiwalaan. No offense, tho."
"I know, pero si Orson lang ang nakita kong mas makakatulong sa'tin. Kailangan ko lang pag-aralang mabuti kung paano niya i-handle ang kompanya para may idea ako kung sakaling may mangyayaring hindi na maganda, hindi ba?" saad ko at pagdaka'y isinandal ang aking likod sa aking swivel chair.
"Narito nga pala ang ilang mga papeles na need ng pirma mo, I have to go."
"Salamat," sagot ko. Nasundan ko na lamang nang tingin ang papalabas na si Shirley. Muli, bumukas ang aking pintuan at iniluwa doon si Irish. My secretary.
"Ma'am, nariyan po si Mr. Acosta. Papasukin ko ba?"
"Sige," sagot ko. Wala sa sariling inayos ko bigla ang aking hitsura. Damn! Bakit nga ba ganito ang kinikilos ko? Minsan, gusto kong mainis sa sarili. Damn! I am conscious, now? What the heck!
"Good afternoon, Ms. Del Fuego."
"Good afternoon, have a seat." Iminuwestra ko ang couch na nasa gilid ng aking opisina.
"Shall we continue to our discussion?" tanong sa'kin ni Orson. Mapapansin ang seryoso nitong awra. Tila ba importante dito ang bawat segundo. Gusto ko sanang tumanggi pero wala akong choice. Gusto ko pa sanang magpahinga saglit. My mind is tired. Damn!
"Alright, para naman walang masayang na oras," sagot ko. Tumayo ako at naupo sa katapat nitong couch.
"Do you agreed?" tanong sa'kin ni Orson. Nakatitig lang ako sa maitim nitong mga mata, tinatantiya kung tama bang pagkatiwalaan ko ang lalaking ito?
"What if I'd change my mind?" saad ko rito.
"Then, you don't have a word of honor. Hindi ka pwedeng maging negosyante sa ugali mong 'yan. Urong-sulong. That's not the mindset of a wise businesswoman."
Pansin ko ang panunudyo sa boses na iyon ni Orson. Damn! Gusto ko tuloy siyang hampasin ng vase na nasa center table. Nakakainis din kasi ang tono ng boses nito. Feeling magaling. Bullsh*t! Pero aaminin kong, he really is.
"The mindset of a business owner, otherwise known as the entrepreneurial mindset, as the financial times so eloquently suggests refers to a specific state of mind which orientates human conduct towards entrepreneurial activities and outcomes."
Lihim na naman akong namangha sa mga sinasabi nito. Nakikinig lang ako sa mga binitawan nitong salita at pilit na itinatak sa aking isipan. Minsan nga lang, distracted ako dahil sa taglay nitong ka-gwapuhan na talaga namang makalaglag panga at panty. Mabuti na lang matibay ang garter ng red lace kong panty.
"I want you to tour me sa ilang mga productions company niyo. Hindi ba't ang ilang manpower niyo ay nahinto dahil sa isang main cause na system hacking, right?"
"Yes, and we're trying to secure the system. Gusto ko sanang tanggapin ang tulong ni kuya David, but I failed. Nirespeto ko ang pride na meron ang ama ko. Hindi ko rin siya masisisi," saad ko kay Orson.
"Of course, he won't accept David's offer. Lalo na't kilalang kakompitensya ng ama mo dati ang mga Montenegro. Kaya nga siguro ikaw ang inilagay niya sa posisyong ito para na rin pagtakpan ang kanyang pride. Malaking tulong ang ginawa mo para sa pamilya mo, Ms. Del Fuego."
Hindi ko magawang makatagal sa mga titig na iyon ni Orson. Tila ba natutunaw ako sa mga matang iyon. Malalim kung tumitig. Tila ginagalugad ang buo kong kaluluwa at pagkatao. Sh*t! Pasimpleng ibinaling ko ang tingin sa aking mga kamay, pucha! Hayan na naman ang kakaibang t***k ng aking puso. I need to hide this strange feeling. Damn!
"And I'll understand my, dad. As her daughter, kailangan ko rin siyang sundin. Mahal na mahal ko ang aking ina at ama. Kaya, willing akong magsakripisyo para sa kanila," matapang kong tugon kay Orson. Napansin ko ang kakaibang ningning sa mga mata nito. Hindi ko nga lang mawari kung ano'ng ibig sabihin niyon. Pero hindi ko rin maitatangging napaka-hot ng lalaking ito. Damn! Pero hindi ako tanga para ipahalata dito ang aking pagkailang dito.
"Hanga ako sa tapang mo. Kailangan kong makita ang ilang productions niyo na gumagalaw ngayon."
"Sasamahan kita, come on." Nauna na akong tumayo, inayos ko ang aking poise. Ngunit, agad ko ring naramdaman ang labis na kalungkutan. Nagbawas kasi ako nang ilang tauhan, dahil hindi ko na kakayanin ang ilan na mapa-sweldo pa. Kailangan kong gamitin ang pera sa tamang paraan.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Orson sa'kin. Pansin ko ang mga mata nitong tila nanantiya. As always, seryoso pa rin ang awra nito. Naalala ko sa kanya si dad.
"Malamang sa hotel para rape-in ka?" pamimilosopo ko rito, gawa ng sobrang inis ko.
"Aba'y kung kasingganda mo rin lang naman ang rapist ko. Hindi kita pwedeng hindi-an," sagot ni Orson sa'kin. Hindi nito nilulubayan ang aking mukha. Nailing na lamang ako.
"Baliw!" ani ko dito. Nagpakawala ito nang malutong na halakhak. Pero in fairness, kinikilig ako. Damn it! Ikaw ba naman ang mapansin ng kinikilalang bachelor in town. Hindi ko man alam kung anong tunay na pakay nito, naniniwala akong maibabangon nito ang kompanya naming papalubog na. I could sense it.
"Dadalhin kita sa production. Medyo mainit roon, pinapaalala ko lang sa'yo. Baka kasi hindi ka sanay sa mainit," saad ko rito.
"Don't jugde me, sanay ako sa ganyan. Akala mo," tugon nito sa'kin. Napasulyap ako rito. Kasalukuyan nitong hawak ang sariling cellphone. Kanina ko pa ito napapansing busy ito sa cellphone nito. Ayoko namang sitahin dahil baka importanteng tao ang ka text nito.
Mula sa DFIC building lumabas kami sa exit at dumiretso sa garage. Akmang tutunguhin ko na sana ang kinaroroonan ng aking kotse, nang pigilan ako nito.
"Sumabay ka nalang sa'kin," turan nito. Nagulat pa ako nang pigilan nito ang isa kong braso. Nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon, para bang may tila kuryenteng nanalaytay sa aking balat. A kind of strange feeling? Parang 'yong mga nabasa ko sa ilang novels nang Dreame at Yugto. Palibhasa'y adik akong magbasa sa online platform na 'yon. Dahil sa mga magaganda nitong kwento at marami ka pang aral na mapupulot.
Sumunod na lamang ako kay Orson. Pinaunlakan ko na ang nais nito. Total, gusto ko rin naman siyang makasama. Damn! Ang harot lang talaga ng aking isipan. This is not good! Mukhang kailangan ko yatang dumistansiya sa lalaking 'to. Mahirap na. Argh! Lihim akong na-impressed nang pagbuksan ako nito ng pinto. Gentle dog, huh?
"Ang tahimik mo naman yata, don't worry hindi naman ako nangangain ng maganda at sexy," nakangising tudyo ni Orson sa'kin. Hindi ako ngumiti rito. Nananatiling seryoso ang aking awra.
"Ano naman ngayon kung tahimik? I'm just thinking about something," saad ko, saka ako pumasok sa loob ng kanyang kotse. In fairness, ang bango ng kotse nito. A manly scent to be exact. Pati kotse ang hot ng amoy. Char!
"What are you thinking, then?"
"Any possibilities," sagot ko habang inaayos ang aking seatbelt.
"What kind of possibilities?" Narinig kong tanong ulit sa'kin ni Orson. Napalingon ako rito, sinalubong ko ang itim nitong mga mata na palaging nagbibigay kaba sa aking puso. Damn! Simula pa lang, halatang tagilid na ako. Malakas talaga ang dating ng lalaking ito sa'kin.
"Staring is rude, so, tell me what are you thinking," pukaw sa'kin ni Orson. Mabuti na lang at nakabawi agad ako, sabay irap dito. Inayos ko ang sarili. What the heck!
"Never mind," sagot ko nalang dito. Pagdakay, inayos ko ang aking pagkakaupo.
"You can't say that. Paano natin maibabangon ang kompanya niyo kung ganyan ka sa taong katulad ko na willing kang tulungan. You sould learn to trust me, be open up. Ayokong may inilihim ka sa'kin. Just be firm when it comes to decision making, Ms. Del Fuego. I just want to remind you, takeover can be done by purchasing a majority stake in the target firm. And also commonly done through the merger and acquisition process. In a takeover, the company making the bid is the acquire and the company it wishes to take control of his called the target."
"Alright, I—I was just thinking about an acquisition if when should we start," saad ko dito. Pagdaka'y nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Saka ko naramdaman ang pag-andar nang naturang kotse ni Orson. Pumikit ako saglit. Sumasakit na naman ang ulo ko. I masssge my temple.
"The first thing we need is a specific strategic rationale. There should be a clear reason for making the acquisition of that particular company at that particular time. And my reason is vague, like to grow the business, it's worth giving it more thought."
"Thanks for that, tulad ng sinabi ko sa'yo. I grab your offer para lang matulungan ako. Kahit pa nga sabihing, wala naman talaga akong alam dito. I'm just trying my best here, anyways. At sigurado naman akong hindi ako mabibigo sa pagtanggap ko sa iyo," matapang kong tugon sa kaharap kong si Orson.
"Thank you, then," simpleng sagot ni Orson sa'kin. Habang ang tingin ay naka-focus sa pagmamaneho. Hindi naman nagtagal ay dumating na kami sa production area. Inihinto nito ang sasakyan sa isang parking space.
"I could say, napakalawak ng productions area niyo."
"Of course, hand lotions are an example of a product that we created through process manufacturing for the personal care and cosmetics industry. Much like beer brewing, hand lotion production involves mixing specific amounts of process inputs to create a complete compound that cannot be broken apart at the end," tugon ko dito. Saka kami pumasok sa production building kung saan naroon ang ilang produkto namin.
Bago pa man ako tuluyang nakalayo kay Orson. Napaigtad ako nang awtomatikong pumulupot ang isang braso nito sa aking maliit na bewang. Damn it! My breath hitched. Pucha! Iba din ang galawan ng lalaking 'to. "Excuse me, Mr. Acosta. And what's the meaning of—" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin nang barahin ako nito.
"Just go with the flow, Ms. Del Fuego. Wala naman sigurong masama sa ginawa ko. A kind of sweet gesture for a beautiful woman like you."
Hayan na naman ang mapang-akit na ngiti nang lalaking ito. Bullsh*t! Ano ba, 'yong tuhod ko kinikilig dahil tila nanginginig. Kulang na lang ay himatayin ako. Kung iisipin, bumaliktad ang gulong sa sitwasyon namin ni Orson. Kung dati ay patay ito sa sa'kin, ngayon naman, mukhang ako lang yata ang tila kinikilig ng palihim sa simpleng pagdaiti ng braso nito sa aking bewang.
This is not good, anymore! Damn, Hera girl. Maghunos-dili kang babae ka. You should learn your limit! Sita ko sa sarili. I inhale, I need to stay on focus. What the heck! Pansin kong ilang araw nang nagwawala ang sistema ko sa tuwing magkasama kami ni Orson. Which is not healthy for me. I need to focus my goal. Damn! Hindi ito tungkol sa karupukan ko. Kundi, para sa kompanyang inaasahan ng aking ama na maibangon ko.
"Hey, tulala ka na naman?" pukaw ni Orson sa'kin.
Napakurap ako. "Ha?!" gulat kong bulalas dito, at maagap na nagbawi nang tingin mula dito. My fist clenched in disbelief. Damn!