"Tara na, I'll tour you inside," sagot ko na lamang kay Orson. Pagpasok pa lang namin sa entrance, binati agad kami ng ilang mga tauhan na naroon. Tango lang ang naging tugon ko sa mga ito. I walked gracefully. But still, pasimple ko pa ring inalis ang braso ni Orson sa aking maliit na bewang. Kahit na nga ang totoo'y nag-enjoy naman talaga ang lintik kong puso. What the!
Alam kong napansin nito iyon, pero the heck this man. Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak roon. Na tila ba binabakuran ako nito. Totoong kinikilig ang lintik ko na namang puso. Sh*t lang, nakakatakot malunod sa mga gestures nitong ang hirap tanggihan.
"Kailangan mo ba talagang ipulupot sa bewang ko iyang mga braso mo?" tanong ko dito sa mahina lamang na boses. Kasalukuyan naming pinagmamasdan ang ilang mga automatic machine para sa packaging station ng ilang sabon.
"Ano namang masama doon? Hindi ba pwede? Ngayon ka pa ba aangal since kanina ko pa ito ginagawa, hindi ba?" sagot nito sa'kin, bakas sa boses ang sarkasmo.
"I just want to remind you, Mr. Acosta na hindi mo ako pagmamay-ari. At pwede ba, huwag kang umasta nang ganyan, nakakairita lang kasi," mataray kong sagot dito, pagdaka'y, nagpatiuna nang naglakad. Itinuro ko rito ang ilang mga sirang machines at ang ilang linya na kasalukuyang stop operations.
"Bakit walang tao rito?" tanong ni Orson.
"Kailangan kong magbawas ng tao, inilipat ko sila sa Del Fuego farm. Para naman kahit paano may trabaho pa rin sila. Kaya lang, tila kakapusin na ang budget ko kung ganitong wala pa ring pagbabago. Humihina na talaga ang ilang sales namin, at bagsak ang ilang branches. Nagsialisan na rin ang ilang mga stockholders. Wala akong choice kundi ang hayaan silang umalis," matatag kong tugon sa lalaking kaharap.
"Do the three steps, you must need to invest in advanced detection and remediation tools, form an incident response team and use strong encrypton for assets," suhestiyon sa'kin ni Orson.
"We already secured the system, the main problem lang naman is, kung paano ko ibabangon itong muli. Kaya nga, I grab your offer, gusto kong ikaw na ang bahala sa lahat. At ang gagawin ko lang ay ang pag-aralan kung paano mo in-handle ang kompanya. I need to study hard para kung sakaling kung ano man ang kahinanatnan ng lahat, ay kaya ko nang tumayo sa sarili kong sikap," saad ko sa lalaking seryosong nakamasid sa ilang mga production workers.
Nilibot namin ang kabuuan ng production area. May ilang sugggestions si Orson. Siyempre, sinang-ayunan ko ang bawat nais nito. Kung ikabubuti naman ng produksyon. Ilang oras din ang tinagal namin sa loob ng production area.
"No matter how large or small your manufacturing plant is, efficiency and productivity relative to your capital investment are the keys to maintaining your competitive edge. However, before adopting any method for boosting production efficiency, first it's important to measure your plant's current level of productivity." His baritone voice echoing in my ears. And it sends me an intensifying tense. Damn!
"Any proven methods that will help?" I sarcastically asked. I was annoyed by his gaze. Damn, this man! My knees were shaking. Argh!
"You need to examine your workflow by altering specific parameters and measuring the effects. Develop a hypothesis before experimenting with changes, then compare the results to your assumptions and previous conditions. This will give you a clear perspective on what changes should be made."
Napatango ako sa sinabi ni Orson. Iba na talaga ang maraming alam. While me, mukhang ang dami ko pang kakaining bigas. Napasulyap ako sa sariling wrist watch. It's already eleven thirty in the morning. Nagugutom na rin ako.
"I guess, we have to go. Lunch time na at kailangan na nating kumain," paanyaya ni Orson. Medyo napaigtad pa nga ako nang awtomatikong hawakan nito ang isa kong braso. Pasimpleng napatingin ako sa ginawa nito. Hindi na lamang ako umangal pa. Damn! Ba't ba ganito ang nararamdaman ko sa lalaking ito?
"I notice that you are uneasy with my presence." Nagulat ako sa tanong na iyon ni Orson, obvious ba talaga ang mga kinikilos ko? Damn!
"May problema ba do'n?" sarkastiko kong sagot dito.
"Hindi ka parin nagbabago. Ikaw pa rin si Hera Del Fuego, ang supladang schoolmates ko noon," nakangising saad ni Orson sa'kin. I raise my brow.
"Akala ko ba forget the past? Bakit inuungkat mo ngayon?" mataray kong tanong rito.
"We're not talking about business here, ano'ng nakakahadlang para hindi natin mapag-usapan? And correction, I'm not talking about the past, I'm talking about the young lady who captured my heart before."
"Stop being so annoying, Mr. Acosta. You're not funny!" tugon ko rito. Ngumisi lang ito sa'kin. Pinagbuksan ako nito ng pinto, agad na pumasok ako sa kulay itim nitong Bugatti. Nanatiling seryoso ang aking mukha.
"They said, that an irritable person gain more wrinkles, gusto mo ba 'yon?" pilyong tugon ni Orson sa'kin. My forehead crease in an annoying manner.
"Like I care!" asik ko rito.
Pinagtawanan lang ako nito. Umirap ako. Mas pinili ko na lamang na tumahimik. Hindi ko alam pero naiirita ako. Kinuha ko ang aking earphone at inilagay sa dalawa kong tenga. I was annoyed by his laugh. Damn it!
Mabuti nalang at may malapit na restaurant. He parked the car. Sabay na kaming umibis mula sa loob niyon. And again, hayan na naman ang nakakakilig nitong gesture. Pansin kong paano ito nagmamadali para lang alalayan ako. Konti na lang mahuhulog na talaga ako sa lalaking ito. But, I think. Hindi ito ang dapat kong isipin. Saka nalang siguro.
Kailangan kong unahin ang main responsibilities ko. Tulad ng dati, I give up for being a brat, para lang maging masaya at proud sa'kin sina Mama at Dad. Naging maganda ang resulta niyon, I reach my goal as a Psychiatrist. Ngayon naman, how funny, right? I give up my career to manage our company in order to save it. How I wish I could.
"Hey, let's go inside?" pukaw sa'kin ni Orson. Tila naman medyo nagulat ako roon, pero agad din akong nakabawi. Tango lang ang naging tugon ko rito. Kumusta na kaya si Papa Hercules ko? Sana okay lang siya. I'm worried about him. I let out a heavy sigh.
"Ano bang iniisip mo, pwede mo namang sabihin sa'kin," saad ni Orson. Again, I can feel his arms automatically encircled on my sexy waist. I hold my breath simply. Damn! Saka kami tuluyang pumasok sa isang class na restaurant. Ang Sala Restaurant, Home of Modern, Classic European Cuisine.
"I like the place, it was modern and deluxe interior decor characterized by clean simplicity that speaks of fine elegance," puri ko sa naturang lugar. Inilibot ang tingin sa kabuuan niyo. Love it!
"You can try to taste their fluffy Twice Baked Prawn and Dill Soufle that entices with its aroma and flavors. Its dessert called Rhubarb and Strawberry Crème Brulee is not on its menu but available for those who know enough to ask," nakangiting tugon ni Orson sa'kin.
Mas pinili ko ang isang round glass table na malapit sa may entrance. Lihim na naman akong kinilig na parang iwan nang ipaghila ako ni Orson ng silya. Fine, siya na ang gentledog na nakilala ko. Hindi nakaligtas sa mapang-obserba kong mga mata ang ilang mga kababaihang nagtangkang magpapansin kay Orson. Tila biglang nag-iba ang aking timpla. But I'll manage to act as cool as I could. Duh! Pakialam ko ba?
"Waiter!" Narinig kong tinawag ni Orson ang isang waiter. Agad namang lumapit ito sa kinaroroonan namin.
"Yes, sir, ma'am, good afternoon!" nakangiting bati nang waiter sa amin. Sabay abot nang menu. Tinanggap iyon ni Orson pagdaka'y napasulyap sa'kin.
"Ladies first." Ibinigay nito sa'kin ang naturang menu. Ngumiti ako nang tipid rito. Ayoko ring maging bastos sa harapan ng ibang tao at ipahiya ang katulad ni Orson Acosta. Ako pa rin ang magiging masama sa ilang mga Marites.
"Hindi ba't si Hera Del Fuego 'yan? Ba't kasama niya si fafa Orson ko?"
"Well, malamang para gamitin niya para maibangon ang walang-kwenta nilang kompanya."
"Oh, manggagamit. I see."
My jaw clenched. Naikuyom ko ang dalawang kamao. Napansin naman ni Orson ang kakaiba kong awra. Gusto yata ng mga babaeng iyon na ilabas ang pagka-b*tch ko. Damn!
"Hey, relax! I know what you think. Hayaan mo nalang sila. Hindi sila ang dapat mong pagtuunan nang pansin. Kung papatulan mo sila ngayon, wala kang mapapala sa kanila. Okay sana kung may ambag sila sa'yo. Pero wala, hindi ba?"
Nagpakawala ako nang marahas na hininga. Muli, napatingin ako sa menu. At dahil sa bad mood ako. Ibinigay ko ito kay Orson. "Ikaw na ang mag-order. Wala ako sa mood. I'm sorry. Salamat sa paalala," saad ko.
Kinuha ko mula sa aking bag ang phone at nag-scroll sa social media accounts to ease the tension that I'm feeling right now! Argh! Kung hindi lang talaga dahil sa sinabi ni Orson kanina ko pa sinugod ang mga babaeng 'yon. Kalbo ang aabutin nila sa'kin. War freak pa naman ako dati.
"Alright," sagot na lamang ni Orson sa'kin. Kinuha nito ang menu sa'kin pagdaka'y napasulyap sa waiter na kasalukuyang naghihintay.
"Slow-braised Kurobuta pork cheek with seared scallop. Tiger prawn and swimmer crab timbale with cucumber and citrus. Pan roast Lapu-lapu fillet, vegetable cassoulet, beurre blanc, and rouille."
"Ang dami mo namang in-order, sa tingin mo kaya maubos natin 'yan?" takang tanong ko kay Orson.
"Of course! And I'm sure na mag-eenjoy ka dahil sa masarap ang ilang mga dishes nila dito," sagot nito sa'kin. At talagang ipinagmamayabang nito ang ilang putahe.
"Well, let's see," saad ko na lamang at muling ibinaling ang tingin sa kaharap kong cellphone. Habang busy ako sa pag-scroll hindi ko inaasahan ang biglang pag-pop out ng ilang mensahe galing kay Ate Yana. Binasa ko ang mga iyon. Hindi ko napigilan ang sarili. Wala sa sariling napangiti ako.
"Just wow, narito ako sa harapan mo. And here you are busy with your phone." Narinig ko ang himig na pagtatampo sa boses na iyon ni Orson. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko sa narinig mula dito.
"Bawal din ba?" mataray kong tanong rito.
"Hindi naman, nakakainsulto lang naman. You should learn to act like a professional. Lalo na at businessman ang kasama mo," pansin ko ang sarkasmo sa boses nito. Nagsalubong agad ang dalawa kong kilay.
"Paano naging insulto iyon sa parte mo? Wala naman tayong pinag-uusapan. At isa pa, kasalukuyan lang naman nating hinihintay ang pagkain. So, what's with that drama? O talaga lang na nagpapansin ka lang?" naiirita kong turan sa lalaking kaharap.
"How can I teach you, kung sobrang hardheaded mo? Itago mo muna ang cellphone mo. Look at the people around us. We are the center of attraction here, Hera. Don't you see? Baka sabihin nila, wala kang manners while having lunch sa isang kilalang bachelor in town. Gusto mo na naman ba nang panibagong issue?"
"Teka muna, nanenermon ka ba sa'kin, Mr. Acosta?" Hindi ko napigilan ang inis na nadarama nang marinig ang sinabi nito.
"I'm just stating the fact. Ipakita mo sa mga tao na masaya kang kasama ako."
"Oh, really? Are you commanding me?" sarkastikong tanong ko rito. Aba't inuubos ng lalaking 'to ang pasensiya ko. Sino 'to para pagsabihan ako ng gano'n? Hindi ako makakapayag!
"Learn to stay calm. Once and for all, like now, that attitude of yours ay hindi uubra sa'kin. You need to observe your manner, Ms. Del Fuego. Alalahanin mong your under my supervision. Is that clear? You grab my offer, then, you should learn to follow my rules, not yours! Is that clear?"
Tila naman nahimasmasan ako sa narinig mula rito. Sinalubong ko ang mga mata nito. Damn, that deep set of black misty eyes. It makes my world go crazy. But I need to hide this damn, feeling. Alam kong infatuation lang ito o 'di kaya'y I'm attracted? I don't know the exact words, though. It was just, weird?
"That's unfair. Only your rules? How about, my rules?" kontra ko sa sinasabi nito. Aba't hindi naman siguro tama iyon.
"No rules for you, Ms. Del Fuego. Ni hindi mo nga alam kung paano kontrolin ang manner na ipinakita mo ngayon sa'kin. How can you manage your own rules?"
"Kung gayo'n, ang unfair mo. Mr. Acosta. Sana lang hindi ako mainis sa mga rules mong iyan, dahil hindi ako mangingiming baliin ang rules mo," naiinis ko pa ring tugon dito.
Makalipas ang ilang minuto. Ni-reserved na ng waiter ang in-order naming pagkain. Still, naririnig ko pa rin ang ilang mga pasaring ng ilang babae na nakaupo sa may likuran namin. I'm controlling myself not to burst out at sampulan ang isa sa mga ito. Talagang hinahamon ako ng mga babaeng 'to. Gusto yatang makita ang b*tch side ko. Pasalamat sila at pinapaalahanan ako ng lalaking kasama ko ngayon.
"Again, don't mind them. They we're just trying to provoke you. Para ano? Para ipahiya kang lalo. You need to control your temper, Ms. Del Fuego. I'm telling you this for your own good, do you understand?"
"Look, I've done my part. Nakita mo naman hindi ba? Behave lang ako. Huwag lang nilang gawin ang hawakan ako ni ang dulo ng aking mga daliri at makikita nila ang hinahanap nila. Pasalamat sila at nariyan ka. Baka kanina ko pa iniuntog ang mga ulo ng mga papansing iyan. Halatang kulang sa sipa at sampal ang mga mukha!" asik na saad ko kay Orson.
"Just eat."
Umirap lang ako sa tinuran ni Orson. I rolled my eyeballs in annoyance. Argh! Damn!