Bigla akong nabahala nang maalala si Orson. Damn! Tiyak kong hinahanap na ako ng damuhong iyon. Argh! Nakalimutan kong magpaalam dito. Lagot na. "Hey, may problema ba?" takang tanong sa'kin ni Aziel. "H-ha? A—e, ano. W-wala naman," sagot ko dito. Bigla ko ring naisip. Bakit ba ako kinakabahan? At ano namang problema kung hindi ako nakapag-paalam dito? Sino ba si Orson Acosta para katakutan ko? Damn! "May nakalimutan ka ba?" muli ay tanong sa'kin ni Aziel. Ngumiti ako dito para payapain din ang biglang pag-alala sa anyo nito. "Hey, don't worry. I'm fine! Ano ka ba, may naalala lang ako," sagot ko rito. "I can't help it. Ayoko lang makita kang tila balisa. Cheers?" Nailing ako sabay ngiti sa narinig mula kay Aziel. "Cheers!" "So, kumusta nga pala sa tuwing kasama mo si Mr. Acosta?