"Pagod ka na ba, akin na muna si Elijah." Nagulat ako nang marinig ko iyon mula kay Orson. "May alam ka ba sa pagkarga nang bata?" "Yes, and what do you think of me? For your information, Ms. Del Fuego. May ilang pamangkin na ako at naranasan ko ring ako ang naging babysitter nila." Lihim akong nagulat sa narinig mula kay Orson. "Then, good!" Kinuha nito si baby Elijah mula sa'kin. Maingat. Lihim akong nagpasalamat, nangangalay na rin kasi ang dalawa kong braso. Nasaan na ba kasi si ate Yana? "Mahilig ako sa mga bata kaya sanay na ako." Naupo akong muli sa aking upuan habang nakangiting nilaro-laro ni Orson ang palangiting si baby Elijah. Makalipas ang ilang minuto, lumapit sa amin ang seryosong mukha ni kuya David. "Mr. Acosta! Maraming salamat sa pagbabantay sa makulit kong bub