"Ano ba ang tawag do'n sa nakikita ko na halos maghalikan na kayo nang madatnan ko?" "What?! Are you blind?" palatak ko dito. "What do you think? Namalikmata lang ako sa nakikita ko, Ms. Del Fuego?" "What if I say, yes you are!" saad ko dito. Naningkit ang aking mga mata sa sobrang inis. Nakipagtagisan ng titig sa maiitim nitong mga mata. Damn! "Oh, really? Bakit ayaw mong aminin, samantalang huling-huli ko kayo?" may panunudyong tugon pa sa'kin ni Orson, I saw how his lips twitched in annoying manner. What the heck! Tila umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo. Gigil na naikuyom ko ang dalawang-kamao. Gusto kong suntukin ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Sobrang nagpipigil lang ako dahil nasa public place kami. At nasa mansion kami ng kuya David. Kahit pa nga sabihing walang katao