"Hey, what's up, Hera?" Napalingon ako sa pinsan kong si Meriam. "What are you doing here, ate? Wala ka bang sinasalihang paligsahan?" takang tanong ko sa pinsan. Pansin ko ang kalungkutan sa anyo nito. "Gusto sana kitang yayain na magbar-hopping. Dahil kung sa iba ako sasama, I'm sure na pagagalitan na naman ako ng kakambal kong ubod at super protective," maktol nito sa aking harapan. Napangisi ako. "Responsibilidad ka rin ni Moises, ate Meriam. Kaya naintindihan ko siya, alam mo bang ganyan din ka protective sa'kin si kuya Lance dati. Binabakuran ako no'n lagi. And I'm so thankful for that even though how annoying he is," saad ko sa nakanguso kong pinsan. Naupo ito sa couch habang kumakain ng pizza. "Oh, yeah! Moises are so annoying, too." Nailing na lamang ako sa hitsura ng maga