Episode 5

2640 Words
“Kamusta na si tatay?” tanong ko sa pinsan ko na siyang tumitingin kay tatay sa araw-araw na wala ako sa bahay dahil nga maghapon ako sa trabaho. Tumawag siya sa akin at pinaalam nga na sinugod daw nila si tatay sa ospital dahil bigla na raw itong nahilo at natumba. Masyado na naman kasing mainit ang panahon kaya siguro inatake na naman si tatay ng pagtaas ng dugo. Usong-uso ang heat stroke kaya lalo na sa may mga edad na. “Okay na siya, Erica. Nagpapahinga na lang. Ang kaso ay sa sobrang taranta ko ay dito ko na siya sa private hospital nadala dahil masyadong madaming tao sa public hospital na malapit sa atin,” paliwanag ng pinsan kong lalaki na pamangkin ni tatay sa isa sa mga kapatid nia. “Okay lang, kuya. Salamat at madali niyong naisugod si tatay.” Pasasalamat ko. Private ang ospital kaya asahan ko na talaga ang malaking bayarin pero ayos lang basta ligtas na si tatay. Nag-iisa ko na lang na magulang ang tatay ko kaya lahat gagawin ko para sa kanya kahit mabaon pa ako sa ulit sa utang. Okay rin naman ang resulta ng mga test na ginawa kay tatay. Ang x-ray niya kung may nabali sa kanyang mga buto at kung may naapektuhan ba na ugat sa kanyang ulo. Pero dahil hindi sapat ang pera na ipon ko pambayad ay kailangan ko ng extrang kita. Ayoko ng manghingi ng tulong kay Joy at Alexis. Hiyang-hiya na rin ako sa kanila. Magtitinda na lang ako ulit ng sigarilyo sa tapat ng mga night club gaya ng ginawa ko dati. Ayoko na sanang bumalik sa pagtitinda roon kahit malaki ang kita ay dahil maraming bastos na mga lalaki. Naranasan ko ang mahipuan ng pang-upo pero binalewala ko na lang dahil nga kailangan ko ng extrang kita sa laki ng utang namin dati. “Tay, si kuya na ulit ang bantay mo, ha. Uuwi muna ako ng bahay pero babalik din naman ako agad,” sabi ko sa tatay ko ngunit ang totoo ay magtitinda ako ngayong gabi. Kulang ng thirty thousand ang pera ko kaya sana ay marami akong maging benta para makalabas na agad si tatay sa ospital kung hindi ay lalakad na naman ang bill niya at madaragdagan pa. Hinalikan ko si tatay sa kanyang noo at nagmano na ako sa kanya. Ayokong malaman ng tatay ko na nagtitinda ako sa harap ng mga night club dahil nga karamihan na mga lalaki na naroon ay mga mayayaman nga ngunit mga bastos at walang modo. Halos kakilala ko naman ang mga nagsisilbing mga bouncer sa mga night club dahil karamihan ay mga kakilala ko rin naman kaya alam kong kahit paano naman ay hindi nila ako pababayaan lalo na kung may customer ng sumusobra. Pumwesto na ako sa harap ng isa sa pinakasikat na night club at sinasalubong na ang mga lumalabas at pumapasok sa entrance. Marami na rin ang mga nagtitinda na gaya ko ngunit ibang-iba sila kumpara sa akin. Nakasuot sila ng sexy dress at mga plakdang-plakda ang make-up samantalang ako ay naka long sleeve at nakapantalon na kulay itim. Tagong-tago ang balat ko dahil nga ayokong mabastos. Dadaanin ko na lang sila sa mahalina kong boses para sa akin sila mamili. “Sir, bili ka na ng yosi,” alok ko sa isang lalaki na kababa lang sa kanyang mamahaling sasakyan. Kutis pa lang, mayaman na. “Isa nga, aniya sa akin at inabutan ko na ng mabilis. Pag-ipit niya pa sa kanyang mga labi ng sigarilyo ay siya namang pagsindi ko ng lighter para sindihan ang sigarilyo. Kinuha niya ang wallet sa kanyang bulsa at inabutan ako agad ng five hundred. “Wait lang, sir, magpapapalit ako. Ikaw kasi buena mano ko,” saad ko. “It's okay. Keep the change,” tugon niya at saka na ako tinalikuran. Abot tainga ang ngiti ko dahil instanta five hundred agad ang benta ko. Kunwari lang na wala akong palit dahil isa iyon sa mga taktika para huwag niya na ngang kunin ang sukli niya. Isang daan ang isang pirasong sigarilyo kaya dapat may four hundred pa siyang sukli. Ang candy na piso isa ay lima isang-daan naman kapag dito ibinenta. Oo, ganito kamahal ang presyo dahil nga mayayaman naman ang mga nagpupunta rito. Ang kaso lang ay mga parak ang kalaban sa trabahong ito. Bawal kasi ang pagtitinda dahil may mga store sa paligid na nagbabayad ng mahal na buwis pero naagawan ng mga katulad kong sa harap na mismo nag-aabot ng tinda at hindi na sila tatawid pa ng daan. Ilang oras pa ang lumipas at nakarami na rin naman ako ng benta ngunit sa palagay ko ay wala pang thirty thousand kaya hindi pa ako dapat na umalis. Inaaway na nga ako ng ibang mga nagtitinda dahil daw masyado akong pabida at wala silang makuhang customer. Wala naman akong pakialam kahit pagtulungan pa nila ako. Kailangan ko ng pera para sa tatay ko kaya sorry na lang sila. “Erica, tirahan mo naman kami ng customer at huwag kang gahaman,” sita sa akin ng isang babae na halos nakaluwa na ang malalaking dibdib. Magkilala kami matagal na at dito talaga siya nagtitinda matagal na. May asawa at mga anak na siya pero narito pa rin siya dahil malaki nga ang kita. “Rosana, anong magagawa kong mas alisto ako sa inyo? Kailangan ko ng pera para sa hospital bill ni tatay kaya kung makukuha ko ngayong gabi ay hindi niyo na ako makikita pa bukas,” saad ko na lang para manahimik sila. “Baka naman naka kota ka na niyan? Sa dami na ng mga bumili sayo ay baka sobra na kinita mo,” aniya niya sa akin. “Rosana, gaya ng totoong laki ng mga dibdib mo ay totoo rin ang sinasabi ko. Wala pa ako sa kota kaya pagbigyan niyo na ako. Iliyad mo pa kasi ng masyado ang dibdib mo para sayo sila bumili,” payo ko pa sa nagrereklamo sa akin. May sasabihin pa sana si Rosana ng magsipulasan ang mga kasamahan namin. “Parak!” malakas na sigaw ng kung sino kaya naman hindi na rin namin malaman ni Rosana ang gagawin. Agad na akong nagtatakbo at bahala na kung saan ako magtago basta huwag akong abutan ng pulis dahil baka kulang pa ang kinita ko pampiyansa. Habang tumatakbo ako ay inilulugay ko ang mahaba kong buhok habang inaalis sa butones ang long sleeve ko. “Tigil!” sigaw sa likod ko kaya naman lalo ko pa na mas binilisan na tumakbo. Ramdam ko na hinahabol pa nila ako kaya naman itinodo ko na ang pagtakbo ng biglang may sumulpot sa harap ko. “Miss Erica?” aniya sa akin kaya naman sa halip na dumiretso ako ay lumiko ako kung nasaan siya at saka siya itinulak sa kung saan naka-park ang sasakyan niya. “Huwag kang maingay, sir Baron,” sabi ko sa kanya at inilagay ko pa ang hintuturo ko sa tapat ng mga labi ko para senyasan pa siya. Ngunit hindi pa ako nasiyahan at tinakpan ko pa ang bibig niya gamit ang kaliwa kong kamay. “Asan na ang babaeng iyon?” Lalo pa akong dumikit sa katawan ni Baron ng marinig na huminto sa likod ko ang mga pulis na humabol sa akin. Ayaw talaga nila akong tantanan. Ngunit laking gulat ko na lang ng hawiin ni Baron ang palad ko na nakatakip sa kanyang bibig at saka hinawakan ang magkabilang panig ng mukha ko at kinabig patungo sa kanyang mukha. Literal na lumaki ang dalawa kong mga mata ng buong pangahas niya akong halikan! Hindi sa pisngi! Hindi sa ilong! Hindi sa noon. Kung hindi sa mismong mga labi ko. Itinutulak ko siya pero dahil sa mga pulis na alam kong nasa likod ko lamang at patuloy pa rin akong hinahanap ay wala akong nagawa kung hindi ipikit na lang ang mga mata ko para hindi makita si Baron na siyang kahalikan ko. “Ano ba?!” at isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa kanyang kaliwang pisngi ng matagumpay ko siyang maitulak ng sa palagay ko ay umalis na ang mga pulis na naghahanap sa akin. “Aray ko naman! Ito pa talaga ang igaganti mo sa akin matapos kitang tulungan sa mga pulis na hinahabol ka yata!” asik niya sa akin habang haplos ang nasaktan niyang pisngi. “Pero sinamantala mo namang manyakis ka! Sinamantala mo para mahalikan ako! Kadiri!” sabay punas ko pa sa bibig ko gamit ang likod ng palad ko at ng hindi pa ako masiyahan ay ang pinampunas ko na ang longsleeved na hinubad ko. “Grabe ka naman makapag-react. Nagsepilyo ako noong isang araw kay mabango ang hininga at laway ko.” Lalong nalukot ang mukha ko at tinodo ko pa ang pagpunas sa bibig ko. “Manyak! Manyak! Manyak!” himutok ko habang hinahampas si Baron ng hawak kong longsleeved. “Sa lahat naman ng pinaparatangan mong manyak ay ako ang pinaka-gwapo at tiyak kong pinaka masarap!” Hindi ko matanggap na ang naka unang halik sa akin ay itong hambog na puro tattoo ang katawan. Ang sakit talaga magbiro ng tadhana. Kung sino pa talaga ang pinaka ayaw kong tao ay siya pa talaga ang narito. “Bakit ka ba hinahabol ng mga pulis? At saka anong ginagawa mo sa lugar na ito ng ganitong oras? Alam kong may trabaho ka naman pero huwag mong sabihin na kaya ka nagpupunta rito ay para makakuha ng lalaking mayaman?” hinala pa ni Baron na akala mo ay kung sinong makapagtanong. Kinuha ko ang bitbit kong sisidlan ng sigarilyo at mga candies. Agad kong binuksan ang candy na may menthol flavor para maalis na ang lasa ng dila ni Baron na kanina lang ay pangahas na pumasok sa loob ng bibig ko. Kadiri! Dapat talaga ay kinagat ko ang dila niya hanggang sa maputol! “At bakit may mga dala kang sigarilyo?” aniya pa. “Hindi ko obligasyon na magpaliwanag sayong manyak ka. Hindi ako magpapasalamat sa pagtulong mo dahil sobra naman ang pagsingil mo ng kabayaran dahil hinalikan mo lang naman ako!” asik ko pa at saka ko na inayos ang sarili ko. Sinigurado kong narito sa belt bag ako ang mga kinita ko at saka binalutan ng long sleeved na hinubad ko ang lalagyan ng mga tinda ko. “Wait, Miss Erica, kaya ka ba hinahabol ng mga pulis kanina ay dahil ilegal ka na nagtitinda ng yosi sa harap ng mga night club?” sapantaha pa ng manyak. “Wala kang paki! At utang na loob, huwag na huwag mong ipagsasabi sa iba na hinalikan mo ako dahil baka mamamatay ako o kaya ikaw ang patayin kong manyak ka!” gigil ko pang pagbabanta at saka ko na tinalikuran si Baron. “Kung hindi ko lang inaalala na baka makikilala ako ng mga pulis ay ipahuhuli ko talaga ang super duper na manyak na Baron na yon! Kadiri talaga siya! Ang tapang ng hiya niya para halikan ako ng ganun na lamang gayong naka-reserved nga ang una kong halik sa knight in shining armour ko. Pagkataos ay nakuha lang ng isang manyak at hari ng kahambugan?!” inis na inis ko pang bulong sa aking isip. Hindo kasi ako makapaniwala na basta na lang ako nahalikan ng lalaking yon! Iyong lalakig ayaw na ayaw ko nga dahil sa mga tattoo sa katawan. Gusto ko siyang patayin at tadtarin ng pino at ipakain sa lahat ng mga askal at pusakal na makikita ko dito s daan. Panay pa rin talaga ang pagpahid ko sa aking mga labi. Kulang na lang ay magdugo na dahil sa sobrang gasgas na talaga. Hindi na ako pwedeng bumalik para magtinda at baka naka-abang at nagtatago lamang ang mga pulis at bigla na lang akong hulihin kapag sinubukan ko pang magtinda. Pagdating ko sa ospital ay hindi agad ako dumiretso sa private room ni tatay bagkus ay sa tinanong ko kung magkano na inaabot ang bill niya sa ospital na ito. Laglag ang balikat ko ng kulang na kulang pa rin ang pera na meron ako para mailabas na ang tatay ko bukas. “Sure ka po ba, Miss? Baka naman nagtatae ang ballpen mo kaya ganyan na kalaki ang bill ng tatay ko?” biro ko pa. “Miss Creencia, hindi po ballpen ang gamit ko dahil naka computer ang computation.” Ang sagot naman sa akin. “Ay! Baka computer ang may problema? Baka sira na kaya ganyan ang lumalabas,” sabi ko pa pero natawa na lang ang babae sa billing station. Lulugu-lugo man ay nagtuloy na ako sa private room ni tatay. Dahan-dahan akong pumasok para huwag na siyang ma istorbo sa pagtulog. Ang pinsan ko ay nakadukdok lang sa gilid niya at tulog na rin. Nauunawaan ko naman dahil pagod din si Kuya sa maghapon na pamamasada kaya siguro hindi na napagilan ang antok. Hahanap na lang ako ng mahihiraman bukas. Lumabas ulit ako ng kwarto para bumili ng kahit na anong mainit na pagkain sa labas dahil para ng hinahalukay ang sikmiura ko sa gutom. Alas dos na ng madaling-araw at kanina pa akong tanghali kumain kaya talagang magwawala na ang mga alaga ko sa tiyan. “Ano na naman ang ginagawa mo rito?” gulat ko ng mabungaran si Baron sa labas ng pinto ng kwarto ni tatay. “Sinundan talaga kita para hingin na ang kamay mo sa tatay,” ang sagot niya. “Anong pinagsasabi mo? Bakit hihingin mo ang kamay ko sa tatay ko? At ano ba talagang ginagawa mo rito?” mga naiinis kong tanong. “Para nga hingin na ang kamay mo sa tatay mo. Pakakasalan na kita kasi nga hinalikan kita. Mahirap na at baka magbuntis ka.” Pinanlisikan ko ng mga mata si Baron sa mga pinagsasabi niya. Talaga yatang nakilala ko siya para inisin ako ng sagaran. “Wala akong panahon na makipag-asaran sayo. May sakit ang tatay ko kaya umalis ka na rito bago pa magdilim ang paningin ko at i-confine ka na ring manyak ka.” Pagtaboy ko sa kanya. “Ang tapang mong babae ka, ano? Alam mo bang ikaw pa lang ang babaeng ganyang klase ng tono at ganyang mga salita ang sinabi sa akin?” Lumapit pa sa akin si Baron at saka pa inipit sa likod ng tainga ko ang ibang hibla ng buhok ko na tumatakip sa aking mukha. “Dahil hindi ako natatakot sayo. At ayoko sayong lalaki ka lalo pa ngayon na para mo na akong nilapastangan sa paghalik mo sa akin.” Ngumisi si Baron. “Kaya nga narito ako para kausapin ang tatay mo. Pakakasalan na kita.” Giit na naman ng hambog. “Ayoko ngang magpakasal sayo. Kahit bayaran mo ako at bilhin mo ang buong pagkatao ay hindi talaga ako papayag,” sabi ko pa. “Magkano ka ba?” maangas na tanong sa akin ng pinaka-hambog na lalaking nakilala ko sa whole universe. “Isang bilyon, kaya mo?” mataray at matapang ko rin naman na sagot sa tanong niya. Tingnan natin kung hanggang saan siya dadalhin ng kahambugan niya para itanong kung magkano ako para bilhin niya. “Cash ba? Tseke kaya?” tanong pa ng lalaking akala mo naman talaga ay totoong babayaran ako ng isang bilyon. “As if naman talaga na babayaran mo ako ng ganun kalaking halaga?” nakataas pa ang isang kilay ko. “Paano kung bayaran talaga kita ng ganung halaga? Kaya mo ba ng buong magdamag at ihi lang ang pahinga?” Bunganga talaga ng lalaking ito. Walang preno at puro kalibugan na nga lang yata ang nasa isip. Kawawa nga talaga ang mga babaeng nakakarelasyon niya dahil ihi lang ang pahinga. Nangilabot na naman ako ng maalala na hinalikan niya ako. Kakasuka talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD