Episode 6

2766 Words
“Paanong nangyaring zero balance na ako? Hindi ba at sabi mo kaninang madaling araw ay nadagdagan pa ng ilang libo ang bill ng tatag ko?” buong pagtataka kong tanong sa billing section. Kagagaling ko nga lang kaninang madaling araw para magtanong kong magkano na ang dapat kong bayaran at problemado pa nga ako dahil kulang na kulang pa ang dala kong pera pagkatapos ngayon ay wala na raw akong utang. As in zero balance na at wala na kahit isang sentimo. “Binayaran na po ng boyfriend niyo, Miss Creencia. Nagpunta rin siya rito kaninang madaling araw noong oras na umalis ka matapos mong magtanong. May pasobra pa nga siyang bayad kung sakaling magtatagal pa kayo. Nag-iwan na rin siya ng calling card kung sakaling magkulang pa ang pera at tawagan na lang daw siya.” “Boyfriend?” kunot-noo kong tanong sa kabila ng may ideya na ako kung sino ang kanyang tinutukoy na boyfriend ko. Ang lakas talagang magpakilalang boyfriend ko. Hiningi ko ang calling card para tingnan kung anong pangalan ng boyfriend kong hindi ko kilala. Tama nga ako. Si Baron nga ang nagbayad ng hospital bill ni tatay dahil pangalan niya lang naman ang mababasa sa calling card na iniwan niya. Marahil ay sinundan niya ako hanggang dito sa ospital ng iwan ko siya sa parking area kung saan ako tumakbo at nagtago. Nakahinga naman ako ng maayos dahil hindi ko na kailangan na maghagilap pa ng pera para pambayad sa ospital na ito pero may utang na loob na ako sa manyak na iyon. Dapat ay makaisip ako agad ng paraan para mabalik ko kay Baron ang mga pera niya kahit wala naman siyang sinabi na utang namin ito sa kanyan. “Kailangan ko siyang hanapin para ibigay ang pera na hawak ko at ang kulang na halaga ay hulug-hulugan ko na lang hanggang sa walang matira kahit piso. Mahirap na at baka gamitin niya pa laban sa akin ang binayaran niya sa ospital na ito,” bulong ko sa akin sarili at saka na nga hinanda si tatay para makauwi na kami ng bahay. “Saan ka naman kumuha ng pera na pambayad sa ospital, Erica?” tanong ni tatay na hawak pala ang resibo ng binayaran ni Baron. Narito na kami sa bahay at nailapag ko lang pala sa ibabaw ng lamesa ang nakakalulang presyo ng resibo ng kanyang inilagi sa private hospital. Magkaganunpaman ay dapat pa rin akong magpasalamat dahil nga naging okay naman agad ang pakiramdam ng tatay ko. “Umutang muna po ako kay Alexis, tay,” pagsisinungaling ko hindi ko yata maaamin na galing sa isang lalaki ang pera kaya nakalabas na siya ng ospital “May utang ka na naman tuloy. Kung bakit naman kasi kailangan mo pa akong ipagamot? Dapat ay binuhusan na lang akonng malamig na tubig ng Sadam para magising ako ng mawalan ako ng malay. Kahit dito na lang sa bahay ay okay na ako. Basta bilhan mo lang ako ng pineapple juice para inumin ko. Iyong malamig na malamig. At magtambak ka ng maraming bawang sa lalagyan.” Huminto ako sa pag-aayos ng mga maruruming damit at saka lumapit kay Tatay na mukhang nalungkot ng makita ang laki ng binayaran ko sa ospital. “Tay, hindi ba at sabi ko naman sa inyo ay kahit mabaon ako sa utang ay ayos lang basta dito lang kayo sa tabi ko? At saka bakit nama kayo bubuhusan ng malamig ni kuya Sadam gayong mahal din kayo ng pamangkim niyo kahit palagi na lang kayong galit sa kanya,” sabay yakap ko kay tatay na ang tinawag niyang Sadam ay pinsan kong lalaki na nagdala sa kanya sa ospital. “Paano mo na naman mababayaran ang pera na yan kay Alexis? Ano, magtitinda ka na naman ng sigarilyo at mga candy doon sa harap ng mga night club? Tumigil ka, Erica. Huwag na huwag kong mababalitaan na magtitinda kang muli. Halos mga bastos ang mga taong nagpupunta roon lalo na ang mga kalalakihan na akala mo ay sila na ang may-ari ng mundo dahil lamang may pera sila. Ayokong bastusin ka ng kung sino lalo ang hawakan ang katawan mo ng mga taong yon.” Alam kasi talaga ni tatay ang kalakaran sa lugar na yon. Mababastos ka talaga kahit nakabalot ka pa ng makapal na tela ang buong katawan mo. Ang iba kasing mga kababaihan na nagtitinda ay pumapayag na hawakan sila ng mga customer para makabenta ng marami. Wala kasi silang choice dahil kaya naman sila nagtitinda ay may pamilya sila na binubuhay kaya dapat lang na huwag silang husgahan lalo at alam kong walang tao o babae ang gusto na gamitin ang kanilang katawan para kumita. “Tay, huwag kang mag-alala at kay Alexis naman ako nangutang. Alam niyo naman na mabait ang kaibigan kong iyon. Ayoko nga po na magsabi pero wala na akong pagpillpilian at si Joy din naman po ay walang pera dahil nga sa ampunan. Ayaw na nga pong pabayaran ni Alexis pero pinagpilitan ko pa rin dahil nga nakakahiya naman.” Patuloy ko pa rin na pagsisinungaling. Baka atakihin na naman si tatay kapag nalaman niya ang totoo na galing na naman ako sa lugar na iyon. “Kamusta naman si tatay Enrico, Erica?” tanong ni Joy ng makita na akong pumasok sa kumpanya. “Okay na okay na. Parang hindi mo naman kilala si Tatay. Malakas pa sa kalabaw,” sagot ko. “Mabuti naman. Mamaya ay sabay ako sayo para madalaw ko si Tatay Enrico,” ani Joy na sinang-ayunan ko para naman may ibang mukha na makausap si tatay. Nakakaburyong din naman kung iyon at iyon ang mga mukha na nakikita niya at mga nakakausap niya. Maghihiwalay na sana kami ni Joy ng makasalubong namin sina sir Agaton at si Baron. Mabuti at nakita ko siya para mabigay ko ang pera kahit kulang sa kabuuan ng binayaran niya. Sabay pa kaming bumati ng good morning ni Joy sa dalawa naming boss. Kahit hindi nagta-trabaho si Baron sa kumpanya ay malamang na may ambag siya rito bilang isa sa mga share holder. “Miss Erica, kamusta ang tatay mo? Nakauwi na ba siya?” tanong ni Baron kaya napatingin tuloy sa akin si Joy at sir Agaton. Kung bakit kailangan niyang magtanong kung kamusta na si tatay gayong hindi naman kami close na dalawa. “Yes, sir Baron. Kahapon pa siya nakauwi.” Kalmadong pasasalamat ko sa kanya. Ngunit pigil ko ang sariling hininga dahil baka bigla siyang may mabanggit na hindi ko magustuhan. “Good, mabuti at nakalabas na siya. Pwede ko naman siguro siyang dalawin para kamustahin, ano?” Siyempre agad akong na alarma sa sinabi niya. Bakit kailangan niyang pang dalawin si tatay? Closed ba sila para kamustahin at kausapin niya pa? “Mabuti naman at mukhang magkasundo na kayo ni Miss Erica, Baron?” untag tuloy ni Sir Agaton. “Oo nga, Erica, Sir Baron. Mabuti at nagkasundo na kayo para naman hindi na kayo nag-aaway na dalawa.” Segunda naman ng kaibigan kong si Joy. “Magkasundong-magkasundo na talaga kami nitong si Miss Erica. Katunayan kaya nais ko na rin na makilala ang tatay niya ay para nga hingin na ang kamay ng kanyang magandang anak para pakasalan ko na.” Nahigit ko ang hininga ko at saka nanlaki pa ang dalawa kong mga mata sa narinig. “Anong pinagsasabi mo?!” asik ko pero hininaan ko lang ang boses ko. “Totoo ba, Erica?” usisa tuloy ng kaibigan ko. Umiling ako. Kulang na lang ay mabali ang leeg ko sa tindi ng pag-iling ko. “Sir Agaton, hindi ko po alam na masyado po pala na palabiro itong si Sir Baron? Kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig. May iniinom ba siyang gamot? Baka hindi po siya nakainom ngayon?” tanong ko sa boss ko habang may pekeng ngiti sa labi ko. “Palabiro talaga si Baron, Miss Erica. Pero wala akong maalala na nagbiro siya na hindi niya tinotoo. Akala mo lang ay biro pero hindi. Kapag sinabi niyang papatayin niya sa ganitong araw at oras ay talagang ginagawa niya.” Tugon no Sir Agaton. “Babe, bakit mo naman nasabi na nagbibiro lang ako? Pakakasalan na talaga kita. Pananagutan na kita at baka mabuntis ka ng hindi pa tayo kasal.” Pagpapatuloy na pang-aasar sa akin ni Baron. Babe? Kailan pa naging babe ang pangalan ko? Hindi na bale sana kung kami lang dalawa ang nakakarinig pero hindi. Narito ang kaibigan kong si Joy at bestfriend niyang si Sir Agaton na siyang boss ng buong building na ito tapos ay kung anong mga lumalabas sa bibig nya. “Mabuntis? Anong ibig sabihin?” sabay takip pa ni Joy sa kanyang bibig. “Sir Baron, sobra ka naman magbiro. Dahan-dahan ka naman sa pagbitaw ng biro mo dahil baka isipin ng mga nakakarinig ay may nangyari nga sa ating dalawa para sabihin mong mabuntis ako,” hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko na hindi siya suplahin dahil sobra na talaga siya. Pwede ko na siyang ireklamo ng paninirang puri sa mga lumalabas sa bibig niya. “Miss Erica, hindi ako nagbibiro. Kaya nga kailangan ko na makilala ang tatay mo kasi nga ay seryoso ako. Ano naman ang dahilan ko para magbiro ako? Akala mo lang ay nagbibiro ako kasi nga ay hindi ka makapaniwala na ang gaya kong ubod, saksakan at nuknukan ng gwapo ay pakakasalan ka na.” Nalukot na lang ang mukha ko sa kahanginan ng lalaking kaharap ko. Gumana na naman at sobra ang todo ng pagkakaikot sa aircon ng kanyang utak. “Sir Agaton, mukhang hindi pa rin kumakain ng almusal ang kaibigan niyo?” ani ko sa boss namin ni Joy. “Ganyan ang natural ni Baron, Miss Erica. Kapag hindi siya nagsalita ng kayabangan ay malamang na maysakit siya. Iyong sakit na nag-aagaw buhay na siya. By the way, congratulations and best wishes,” sabi pa ni Sir Agaton at saka na nagpaalam sa amin ni Joy. “Sir, huwag kang maniwala kay Sir Baron. Nagbibiro lang talaga siya. Kung siya ay totoo na nais niya akong pakasalan, puwes ako ay hindi. Hinding-hindi ako magpapakasal sa kanya!” patuloy ko rin giit habang papalayo na si Sir Agaton. “Erica, maiwan na rin kita at need ko na rin bumalik sa deparment ko.” Paalam na rin ni Joy at kay Baron na rin kaya naman ako at ang hambog na lalaki na naman na ito ang magkasama. Pinanlisikan ko siya ng mata dahil sobra na siya sa mga pinagsasabi niya. “Sir Baron, ibabalik ko ang pera na binayad mo sa ospital pero hulugan ko na lang ang mga kulang kapag sahod ko. Kaya maaari bang tigilan mo ako sa pagbibiro mo tungkol sa kasal at kung mabuntis ako na naririnig pa ng ibang mga tao. Inalagaan ko ang imahe ko bilang isang marangal na babae kaya talagang nakakagalit sa parte ko na basta mo na lang dudungisan!” inis na inis kong pahayag. “Sorry na, babe,” aniya pa sa akin na tangka pa akong hahawakan pero mabilis akong pumiksi. “At huwag mo nga akong matawag-tawag na babe dahil Erica ang pangalan ko!” asik ko na talaga at saka pa ako nagpapadyak sa sobrang inis ngunit tinatawanan lang ako ng manyak na si Baron kaya walang paalam na akong nilayasan na siya. “Babe, sabay tayong mag-lunch mamaya, ha!” Umirap ako sa hangin at saka hindi na siya nilingon pa. Ang kapal talaga ng mukha niya para mag-anunsyo ng kasal naming dalawa sa harap ng mga matatalik naming kaibigan. Ano bang klaseng hangin hinihingahan at kinalakihan ng lalaking iyon para ganito na lamang talaga kalala ang kayabangan niya? “Erica, ano ba iyong pinagsasabi ni Sir Baron tungkol sa inyong dalawa? Anong pakakasalan ka niya dahil baka mabuntis ka? Huwag mong sabihin na may nangyari talaga sa inyo? Ano, pinilit ka ba ni sir Baron? Pinagtangkaan ka ba niya?” nag-aalalang mga tanong ni Joy. “Huwag mo na ngang pinag-iintindi pa ang isang iyon, Joy. Baka hindi pa siya siguro nag-almusal kaya ganun na lang siya mag-ilusyon. Ako pa talaga? As in ako pa talaga ang magpapakasal sa kanya gayong ayaw na ayaw ko nga sa kanya, hindi ba? Magpapakasal pa kaya ako lalo na ang magpabuntis!” halos maghestirikal pa ako sa pagpapaliwanag na hindi totoo ang mga sinasabi ni Baron. “Hindi naman nga ako naniniwala pero nagbigay rin ng opinyon si Sir Agaton na hindi rin ugali ng kaibigan niya na hindi totohanin ang biro niya.” Medyo nag-isip rin ako sa parteng iyon dahil si Sir Agaton ang mismong nagsalita. Pero hinding-hindi ako magpapakasal kay Baron kahit tutukan niya pa ako ng kutsilyo o baril. “Huwag na nga natin pag-usapan ang lalaking iyon, Joy. Lakas maka imbyerna ng taong yon.” Pag-iiba ko na lang sa usap namin. “Okay pero magaling na magaling na ba talaga si Tatay Enrico? Mainit ang panahon kaya bigla na lang siya sigurong nahilo. “Oo maayos na siyang muli. Pero iyon na nga. Alam naman natin na traydor ang sakit niya kaya hindi ko maiwasan din ang mag-alala. Gusto ko nga sanang ipa-aircon ang kwarto niya pero baka naman wala na akong ipambili ng mga gamot niya.” Matagal ko na talagang binabalak gawin ang magpakabit ng aircon na sakto sa kwarto ni tatay pero iniisip ko ang bill ng kuryente at baka ako naman ang atakihin kung magkano. “Pasensya ka na, Erica. Naibigay ko na kasi kay mother superior ang ipon ko. Sana pala ay nagtira ako kahit konti.” Malungkot na pahayag ni Joy. “Ano ba naman, Joy. Huwag kang mag-alala at alam ko naman na mas malaki ang bilang ng pamilya mo kaysa sa akin. Kailangan ng ampunan ng tulong mo kaya huwag kang malungkot na hindi mo ako matulungan. At kahit may itutulong ka ay tatanggihan ko rin naman dahil mas kailangan ng mga bata ang tulong,” saad ko. “Basta mamaya ay sasama ako sayo sa pag-uwi mo. Siguro naman ay kahit pagdalaw lang kay Tatay Enrico ay masiyahan siya.” Tumango ako. “Matutuwa talaga si Tatay kapag nakita ka niya. Pero alam mo naman kung anong itatanong niya sayo. Bakit hindi pa kayo nag-aasawa ng kaibigan mong si Erica? Anong hinihintay niyo? Mga ganung tanong.” At sabay na lang kaming natawa ni Joy. Sanay na rin naman siya sa mga ganung tanong-tanong ni tatay na paulit-ulit na lang sa tuwing dadalaw siya sa bahay. “Ano kaya kong sabihin sa tatay mo may taong gustong-gusto ka ng pakasalan, Erica? Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya si Sir Baron?” sabay mahinang hagikgik ni Joy. Sinamaan siya ng tingin sa akin. “Joy, diba sabi ko change the topic na? Bakit binanggit mo na naman ang pangalan ng hambog na lalaking manyak na yon? At saka, subukan mo lang talaga na may banggitin tungkol sa kanya kay tatay at sasabihin ko kay sir Agaton.” Pagbabanta ko sa sarili kong kaibigan. “At paano mo naman nasabi na manyak si Sir Baron? Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa at bigla na lang nauwi sa kasalan at buntisan ang usapan kanina?” pang-uusisa ng kaibigan ko. Bigla ko tuloy naalala ang naging eksena namin ni Baron. Nang bigla na lang niyang sakupin ang mga labi ko at ipinasok pa ang pangahas niyang dila sa loob ng bibig ko. Nakakadiri talaga. Hindi ko maalala kung ilang beses na akong nagtooth-brush para lang mawala na ang kahit isang gatuldok ng laway niya sa loob ng bibig ko. Halos maubos ko ang ang isang tube ng toothpaste at halos malagas ang tootbrush ko kakasepilyo. “Bakit nakahawak ka sa mga labi mo? Huwag mong sabihin na hinalikan ka ni sir Baron?” inosenteng tanong ni Joy at saka ko nga napansin na nakahawak pala ako sa mga labi ko habang inaalala ang tampalasan na lalaking iyon. “Kung ganun hinalikan ka talaga ni Sir Baron?!” gilalas na tanong ulit ng kaibigan ko. Maagap kong tinakpan ang bibig niya para hindi na siya magsalita pa. Nakakahiya kapag nalaman ng buong mundo na ang unang nakahalik sa akin ay ang pinaka ayaw kong tao sa buong galaxy. “Pero, totoo ba ang hula ko? Nahalikan ka ba talaga ni Sir Baron?” ulit na naman ni Joy pero sa ngayon ay bulong lang ang boses niya. Hindi ko tuloy alam kong sasagutin ko ba siya dahil kaibigan ko naman siya. Nakakabuwisit talaga si Baron!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD