Lalabas na sana ako ng kumpanya para bumili ng pagkain namin Joy sa malapit na karinderya ng mamataan ko si Baron na papasok naman sa entrace.
Para akong nakakita ng multo na hindi ko malaman kung anong gagawin ko para lang maiwasan na makita akong lalaking tadtad ng nga tattoo.
Hindi ko alam kong anong trip niya sa buhay na sa tuwing nakikita ako ay tinatanong kung magkano ako.
Para ba siyang bumili lang ng candy sa tindahan at tinanong kong magkano para bilhin niya.
Kaya dapat lang na iwasan ko ng magkatagpo ang landas naming dalawa para hindi masira ang araw ko.
Hirap talaga sa mga lalaking may pera ay gwapong-gwapo sa sarili na akala mo ay kung sino na silang nuknukan ng gandang lalaki.
Lalo na itong Baron na to, sorbang hambog at bilib sa sarili.
Nang magsabog yata ng kayanbangan ang langit ay siya lang ang nasa labas ng bahay kaya sinapo niya ang lahat ng yabang sa mundo.
Kaya never ever in my whole life na magkakagusto ako sa mga lalaking may visible na tattoo sa katawan dahil nuknukan ng yabang.
At saka alam ko kung anong klase rin talaga ng pagkatao meron si Baron.
Matalik niyang mga kaibigan sina sir Agaton at sir Dark Lee kaya malamang na tulad ng mga ito ay ganun din siya kung pumatay ng mga kaaway.
Nakakatakot na ang uri ng trabaho niya ay nadagdag ang kanyang pagkatao.
Mabuti na lang at kinausap niya ang mga guwardiya kaya naman nakapagtago ako.
Naupo muna ako sa lobby at saka pa ako kumuha ng magazine. Nagkunwari akong nagbabasa kung saan tagong-tago ang buong mukha ko para nga hindi niya na ako mapansin pa.
Hindi ko naman siya masisisi kung talagang nabigani siya sa taglay kong kagandahan pero hindi ko siya type.
At hindi ko kailanman magugustuhan ang taong tulad ni Baron.
Makalipas din siguro ang ilang minuto at natantiya kong baka nakadaan na siya ay unti-unti ko ng ibinababa ang magazine na kunwari ay binabasa ko at saka para akong may tinataguan na pinagkakautangan na bahagyang lumingon sa entrada ng kumpanya.
“Salamat naman at nawala ang halimaw-”
Ngunit ganun na lamang ang gulat ko kung saan napahawak pa ako sa dibdib ko ng paglingon ko sa mismong harap ko ay may nakaupong malaking tao at kuntodo ang ngiti na nakatingin sa akin.
Kung may sakit lang talaga ako sa puso ay baka tumirik na ang mga mata ako nangisay na ako sa gulat na naramdaman ko.
Si Baron.
“May pinagtataguan ka ba, Miss? tanong niya at saka pa tumingin sa kung saan ako tumingin kanina.
Anong ginagawa niya rito sa harap ko?
Huwag niyang sabihin na kilala niya na ako kahit likod ko lang ang nakikita niya?
“Bakit oras ng trabaho ay narito ka sa lobby at nagbabasa ng magazine?” untag niya pa na parang dapat niya talagang pakialaman ang mga dapat kong gawin.
“Lunch break, sir. Pupunta sana ako sa labas at maghahanap ng pagkain na pwedeng bilhin pero nahinto ako ng makita ko sa frontpage nitong magazine ang favorite kong artista kaya naupo muna ako at binasa ang article tungkol sa kanya,” pagdadahilan ko at saka ko na ibinalik sa lalagyan ang magazine.
Tumayo na rin ako at baka nahihilo na sa gutom si Joy sa itaas kakahintay sa akin. At saka ayoko ng magtagal pa na kausap itong si Baron.
“Sige, sir,” tumango ako para na magpaalam.
“Sabay na tayong mag-lunch? Treat ko,” pagyaya niya sa akin.
Umiling ako agad
“Thank you na lang sir Baron pero naghihintay kasi ang kaibigan ko sa bibilhin kong lunch namin at siya ang kasabay kong kumain.” Pagdadahilan ko na lang at saka ko na siya tinalikuran.
“Ayaw mo sa akin, ano?” narinig kong tanong niya na nakasunod pala sa paglalakad ko.
Hindi ko naman alam kung paano siya sasagutin sa kanyang tanong.
Baka mamaya ay masagot ko nga siya ng hindi niya magugustuhan ay bigla niya na lang akong isumbong kay Sir Agaton at ipatanggal ako.
“See, hindi ka makasagot. Ibig sabihin lang talaga ay ayaw mo sa akin. Bakit naman, Miss? May nagawa ba ako sayo na hindi mo nagustuhan? Nakikiagkaibigan lang naman ako sayo dahil sa pagkakaalam ko ay isa ka sa mga bestfriend ni Alexis na asawa ni Dark Lee,” aniya pa sa akin.
“Marami na akong mga kaibigan, sir.” Mahina kong bulong.
“Kapag naging kaibigan mo ako, ako na ang pinakagwapo at pinakamayaman sa listahan ng mga kaibigan mo,” sabi niya na narinig pala ang sinabi ko.
Oonga pala.
Kasama siya sa organisasyon na kinabibilangan ni Sir Dark at Sir Agaton kaya na train si Baron na maging matalas ang pandinig.
Hanggang sa karinderya ay sinundan na naman ako ni Baron. Nakikitingin din siya sa mga ulam na pinagpipilian ko kaya naman naiilang ako na pumili na ng ulam dahil napagkasunduan namin ni Joy na maghati na lang sa isang order para makatipid na kami sa budget. Balak ko na rin sanang humingi ng konting sabaw pandagdag sa ulam.
“Manang, isang order po nitong chicken teriyaki, dalawang kanin at pahingi naman ng konting sabaw,” sa wakas ay nasabi ko na sa tindera. Binalewala ko na lang si Baron na nagmamasid-masid pa.
“Manang, tig-iisang order ng mga ulam na nakapila rito at limang kanin,” sabi niya sa tindera.
E di siya na ang may mayaman at maraming pambili!
Nang ibigay sa akin ni Manang tindera ang mga order ko at abala si Baron sa kakaturo ng mga pagkain na order niya ay mabilis na akong tumalilis at nagtatakbo talaga ako para hindi niya na ako abutan pa.
“Napano ka? Bakit itsura kang galing sa pakikipagbuno?” tanong ni Joy ng makapasok na ako sa department niya.
“Ang init kasi sa labas kaya nagtatakbo ako. Wala pa akong payong,” dahilan ko at nagsimula na akong maghain.
Magana na kaming kumain ni Joy dahil nakakagutom pala talaga ang magtatakbo para takasan ang isang taong matalas ang pakiramdam.
Kanina nga ng makapasok ako sa kumpanya at nakita sa likod ko na wala siya ay halos magtatalon ako dahil naisahan ko nga siya.
Biruin mo nga naman ay natakasan ko ang isang nakakatakot na mamamatay tao!
“Miss Erica, bakit mo naman ako biglang iniwan sa karinderya?”
Muntik akong nabilaukan sa narinig kong tanong at kung kanino boses.
Nagtatanong tuloy ang mga mata ni Joy sa akin maging ng mga kasamahan niya sa departamento na kasabay naming nanananghalian.
“Talaga naman!” mahina kong asik at saka na hinarap ang lalaking pilit kong tinatakbuhan.
“Ay! Sorry, sir! Akala ko naman kasi ay doon kakain kayo sa karinderya kaya nauna na ako at baka kasi masabunutan ako ni Joy. Iba kasi magalit yan kapag nagugutom na e,” sabay tingin ko na lang sa kaibigan kong nagtataka pa rin.
“Sir Baron, kain na! Dito ka na lang umupo at sumabay sa amin!” pagyakag ng iba naming mga kasamahan kay Baron.
Sana lang ay sa kanila na sumabay itong makulit na lalaking ito dahil baka mawalan ako ng ganang kumain kung kasabay ko siya.
“Thank you, guys! But may tao na akong nais makasabay mananghalian ngayon. Ang kaso lang ay para bang tinatakasan niya ako? Mukha ba akong aso para takbuhan niya?” tanong pa ng hambog.
“Sir, napaka-gwapo mo nga! Sigurado kami na maraming babae na naghahabol madilaan mo lang este mapansin mo lang “
Ang nakakadiring komento ng isang binabaeng ka-trabaho ni Joy.
Kaya umugong ang tawanan sa loob ng department.
“Oo naman. Maraming babae talaga ang handang maghubad sa harap ko para mapansin ko lang pero wala akong panahon sa kanila. Gusto ko kasi ay tipo ng babaeng tinatakbuhan at pinagtataguan talaga ako,” tugon ni Baron na lalong nagpa-ingay ng kantiyawan.
Kulang na lang ay lumubog na ako sa kinauupuan ko sa kung anong mga naririnig na lumalabas sa bibig niya.
At kami lang yata ni Joy ang hindi natutuwa sa nangyayari ngayon.
Magpunta sana si Sir Agaton dito at makita ang ginagawa ng kaibigan niya para naman huwag niya ng patapakin pa kahit kailan dito sa kumpanya.
“Sir, dito na po kayo maupo,” pagyaya na ni Joy sa lalaking umaapaw ang bilib sa sarili.
At hindi ko alam kung sinasadya ba talaga ni Baron na iusog pa ang upuan na ibinigay sa kanya ni Joy palapit sa pwesto ko.
Pwede naman siyang gumitna pero talagang umusog pa sa tabi ko.
Nakakapikon!
Konti na lang talaga at baka mapatawag na ako sa admin dahil may nasampal na akong lalaki!.
Kung pwede lang talagang magreklamo ay magrereklamo na ako.
“Bakit ang tahimik naman ni Erica? Si sir Baron lang pala ang magpapatahimik sa maingay na bibig niya,” tukso pa ng bakla sa akin kasabay ng kanilang hagikgikan.
“Talaga ba?” ani naman ni Baron.
“Nasa harap tayo ng pagkain kaya dapat lang na maging tahimik tayo na tulad sa isang nagdarasal.” Masungit kong paliwanag sa lahat.
“Tama ka naman Miss Erica.Dahil ang grasya ay dapat lang na iginagalang. Nanghahalik kasi ako ng babaeng maingay lalo na kapag kumakain ako,” sabay kindat pa sa akin ni Baron at saka na siya magana na kumain.
“Sir, maingay akong kumakain kaya halikan mo na ako,” hamon na naman ng bakla.
“Ang sabi ko ay babae. Isang mailap na babae,” tugon na naman ni Baron na sa akin nakatigin.
At saka pa niya dinilaan ang kanyang mga labi.