Episode 7

2426 Words
Sumabay nga sa akin si Joy ng uwian. Namili muna siya ng mga prutas at bilang pasalubong kay tatay. Panay saway ko na sa kanya na huwag na niyang masyadong damihan pero mapilit talaga siya. Inaalala ko lang na mauuuwi na naman siya sa itlog at noodles kapag naubos ang budget niya. “Kailan ba kasi tayo yayaman, Joy? Kailan ba tayo makakasakay ng sarili nating mga sasakyan para hindi tayo nakikipagsiksikan sa sasakyan para makasakay.” Sabi ko habang binabagtas na namin ang maliit na eskinita papasok na sa aming bahay. “Hindi ko na pinangarap, Erica. Ang mahalaga ay ligtas lang tayo at walang naka-ambang panganib. Malaya tayo sa buhay at walang kinatatakutan.” Ang malalim na sagot ni Joy. “Ay ang seryoso naman ng sagot mo?” usisa ko dahil hindi ko alam na ayaw nya na pa lang maging mayaman Pero may punto. Kaya nga wala sa loob ng bansa si Alexis at ang buo niyang pamilya ay dahil nga may banta sa buhay nilang buong mag-anak. Iyon siguro ang naisip ni Joy kaya ganito ang naging sagot niya sa akin. Kilala na rin si Joy dito sa lugar namin at kahit mag-isa lang siya na maglakad dito at walang mambabastos sa kanya dahil alam nilang hindi ko sila palalampasin. At saka halos mga kamag-anak na namin ni tatay ang nakatira sa lugar na ito kaya ligtas talaga. Madalas kasi kapag may mga dayo ay pinagtri-tripan ng mga walang mga magawa sa buhay. Kaya madalas din na may gulo dahil sa walang sawang gantihan ng mga nagkaka-away. Naabutan namin si tatay na nakaupo sa kanyang bangko sa labas ng bahay. May nakakatutok pang bentilador sa kanya na siguro ay mga kamag-anak namin ang naglagay. Malamang na nainip siya sa loob kaya lumabas na. “Tay!” tawag ko sa kanya sabay kaway pa. Kumaway na rin si Joy sa tatay ko na nakasimangot at hindi man lang ngumiti. “Ano ba naman, Erica? Sumisigaw ka pa ay pwede naman na hindi muna ako tawagin. Dinig sa buong planeta ang malakas mong boses, ha?” sermon agad ni tatay ng makalapit na kami ni Joy sa kanya. Agad na akong nagmano at sumunod naman si Joy. “Mabuti at pinagtiyagaan mong maging kaibigan itong anak ko, Joy? Hindi ka ba naiingayan sa kanya? Kung ako sayo ay baka binusalan ko na ang bibig niyan para hindi maingay.” Sabay na lang kaming natawa ni Joy sa sinabi ni tatay tungkol sa akin. “Si Tatay naman! Kanino ba ako magmamana na maingay kung hindi sayo rin naman.” Sagot ko at saka binigyan ng bangko si Joy at naupo na rin kami. Nagkamustahan na rin si Joy at tatay bago ako nagluto ng ulam namin ngayong hapunan. Sinamahan na rin ako ni Joy na niyakag ko ng dito na lang din maghapunan. “Okay na okay naman pala si Tatay Enrico, ha? Parang hindi naman nanggaling ng ospital. Nakakatawa talaga kayong mag tatay, ano? Para lang kayong barkada kung mag-usap, ” ani ni Joy na hinihiwa ng ang mga sayote. Tinolang manok ang ulam namin para may sabaw. Nakakasawa rin ang masyadong masarsa. Samantalang ang ulam ni na para kay tatay ay dalagang bukid. “Sabi ko naman sayo. Parang nagdahilan lang at natulog lang ng dalawang gabi sa ospital para mag-aircon,” biro ko pa. “May kausap na yata si Tatay Enrico?” tanong ni Joy dahil parang nakakarinig na nga kami ng ibang boses. “Ganyan naman si tatay. Kulang na ang ay humabol na yan ng kapitan dito sa barangay sa dami ng mga kakilala.” Kung hindi lang stroke at hindi na maayos makalakad ay baka nga humabol na ng kahit kagawad ng barangay ang tatay ko. “Erica, bigyan ko kaya ng malamig si tatay Enrico?” Bago pa ako makatango ay kumuha na ng baso at malamig na tubig si Joy para kay tatay. Alam ko kasing malapit din sa tatay niya si Joy noong nabubuhay pa ito kaya ganun na lang din siguro kung mahalin ni Joy ang tatay ko. Gaya ko ay wala na rin namang ibang kapatid si Joy. Nag-iisa lang din siyang anak at nalayo pa siya sa kanyang mga kamag-anak ng mapunta siya sa bahay-ampunan. Si Alexis naman ay may mga magulang pa ang kaso lang ay sabay din na namatay sa aksidente ng hindi niya man naipakilala ang anak niyang si Light. Buhay nga naman parang life. Kanya-kanya lang talagang pagsubok at pinagdaraanan sa buhay ang bawat isa. Pareho kaming mahirap ni Joy, siya ay probinsiyana habang ako ay laking squatter pero naggtagpo ang landas namin kasama ni Alexis na isang anak mayaman talaga. Kaya malamang na kung titingnan nga naman ay hindi patas ang buhay kasi may sobrang hirap, mahirap, may mayaman na mayaman. Pero pareho lang din na may mga problemang pinagdaraanan. Pwedeng pinansyal o kaya naman ay usapin na personal gaya ng sa relasyon sa pamilya. “Mga sir? Mabuti at narito rin po kayo?” ang narinig kong tanong ni Joy sa kung sinong mga kausap niya sa labas. “Sino yan, Joy?” tanong ko sa kaibigan ko at saka na ako naghugas ng kamay para lumabas na rin. “Sinong kausap mo, Joy?” ulit kong tanong na may hawak akong malinis na basahan para tuyuin ang mga kamay ko. Ngunit natigilan ako ng makita kung sino ang mga kausap ni tatay at kung sinong mga sir ang tinawag ni Joy. Si Sir Agaton lang naman at si Baron na masaya pang nakikipagtawanan sa tatay ko. “Erica, bakit hindi mo naman hinintay itong mga boss niyo na nagsabi na dadalaw pala rito sa akin? Nakakahiya sa kanila at naligaw-ligaw pala sila sa labas,” ani tatay sa akin. Wala akong mahanap na salita. Hindi ko alam kung paano ba ako magkokomento. Nagkatinginan na lang kami ng alanganin tingin ni Joy dahil pareho naming hindi alam na talaga pa lang magpupunta dito sa bahay si Baron kasama pa si Sir Agaton. “Natameme ka yata, nak? Kumuha ka na lang ng maiinom at alam mo namann na mainit dito sa atin,” utos pa ni tatay kaya naman nag-uunahan pa kaming magpunta sa loob ng bahay ni Joy. “Erica, hindi nga talaga nagbibiro si sir Baron. Nagpunta nga siya at karay-karay pa ang boss natin,” hindi rin makapaniwalang sabi ni Joy. Kahit sino naman ay mabibigla na bigla na lang abutan ang mga boss sa labas ng bahay. “Talagang hanggang dito ay sinundan ako ng bwisit na, Baron.” Gigil ko habang naglalagay ng ice cubes sa dalawang baso ng mga bisita. “Hayaan na natin, Erica. Naririnig mo ba ang tunog ng tawa ni Tatay Enrico?” Napahinto ako napatingin sa labas. Naririnig ko nga ang masiglang boses ni tatay at ng kanyang tawa. Ngayon lang sila nagkita-kita ay kung bakit feeling closed naman ang tatay ko sa mga big boss namin ni Joy. “Mga sir, malamig na tubig,” alok ko at saka na inilapag ang pitsel ng malamig na tubig sa maliit na lamesita. Maging ang ibang mga pinsan ko ay nakikipagkwentuhan na kina sir Baron at sir Agaton. Napansin ko pa na marami pa lang mga dalang prutas ang dalawang bigatin na mga bisita ni tatay. “Salamat naman at nakapunta kayo dito, sir Agaton, sir Baron. Pasensiya na sa lugar namin at masikip,” saad ko pa. “No need to apologized, Miss Erica. Mababait ang mga tao rito sa inyo dahil hinatid pa kami ng taong napagtanungan namin hanggang dito sa bahay mo para hindi na kami maligaw pa.” Sagot ni sir Agaton. “Oonga naman, Erica. Ikaw kasi ang may kasalanan. Agsani na ako na sasama ako rito ay hindi mo ako hinintay,” sabat ni Sir Baron na hindi ko magawang sikmatan at nakaharap ang tatay ko. “I told you, Miss Erica. Akala mo lang nagbibiro si Baron.” Kinabahan ako sa sinabi ni Sir Agaton. Paano kong sabihin nga ni Baron kay Tatay iyong tungkol sa pagpapakasal? O baka ang tungkol sa baka mabuntis ako? “Erica, iyong niluluto mo? Sarapan niyo ang luto at dito na maghahapunan itong sina sir Baron at Sir Agaton.” Masaya pang pahayag ni tatay. Wala naman akong narinig na pagtutol sa mga bisita namin. Nagkatinginan na lang ulit kami ni Joy at sabay na nga kaming pumasok ulit sa bahay para harapin ang niluluto namin. “Mukhang dito nga sila maghahapunan, Erica. Hindi ko akalain na napaka down to earth pala ng mga big boss natin na walang kaarte-arte na nakikisalamuha sa iba niyong mga kapitbahay. Nagluto na lang kami ni Joy at inilabas pa ang ibang pwedeng lutuin sa maliit kong refrigerator at baka magkulang ang aming ulam. Hindi na lang kami lumabas ng kaibigan ko at hinayaan sa kung saan umabot ang kwentuhan ng mga bisita namin kasama ng tatay ko sa labas. Ngunit laking gulat namin ni Joy ng paglabas muli namin para magtanong sana kung maghahain na ba kami ay ganun na lang ang haba ng mga pinagdugtong-dugtong na mga lamesa ng mga kapitbahay ko at saka na sila masayang nag-iinuman ng alak. “Tay? Umiinom ka ng alak?” buong pag-aalala ko. “Sila lang, nak. Alam ko naman na hindi na ako pwede sa alak,” sagot ng tatay ko. “At saka, hindi ko naman papayagan si tatay Enrico na tumagay, Erica.” Tatay Enrico? Nakikitawag na ng tatay si Baron sa tatay ko. “Sir, bakit kayo umiinom? Paano kayo makakapag-drive pauwi kong nakainom kayo?” tanong ko at tumingin din kay Sir Agaton na tumatagay din. “Problema ba yon? Dito sila matulog sa atin. Minsan lang may bumisitang mga gwapo sa lugar natin at dito pa sa bahay natin kaya magsaya tayo.” Sigawan pa ang iba sabay taas ng mga baso nila ng alak. Wala na lang kaming nagawa ni Joy kung hindi ang maglabas ng mga pulutan pati na rin ng yelo. Si Joy na ang umaasikaso kay Sir Agaton habang ako kay tatay at kay Baron na napakaingay. Bangka ang lalaking maraming tattoo sa masiglang kwentuhan. Akala naman ng mga tagarito sa amin ay basta na lang gwapo at mukhang mayaman itong mga bisita namin. Hindi nila alam kong anong kayang gawin nina sir Agaton at Baron. “Sir Baron, mabuti at naging closed mo ang pinsan kong si Erica? Hindi naman sa pag-aano ay allergic yan sa taong maraming tattoo sa katawan,” usisa ng pinsan kong si Keng-keng na nakaupo na pala sa harap ng lamesa at nakikitagay na kasama ang asawa. “Ang totoo ay hindi naman talaga kami close nitong si Miss Erica. Lagi nga akong sinusungitan. Ngayon ay alam ko na kung bakit.” Sagot naman ni Baron. “Sir Baron, personal na natanong, ikaw ba ay single pa?” tanong mula sa kung saan kaya napuno ng mga kantiyawan lalo pa at may mga beki na rin na kilig na kilig habang nakikita ang mga hindi namin inaasahang mga bisita. “Single na single!” bulalas pa ni Baron kaya lalong nag-ingay. “Alam mo, sir. May kilala rin kaming single. Dalagang-dalaga pa. Kaso sa sobrang kasungitan na hindi malapitan ng mga nais manligaw sa kanya ay malapit na siyang mag-expired,” birada ng pinsan kong si Keng-keng na sinundan ng malakas na tawanan. Isang nakamamatay na tingin ang ibinigay ko sa pinsan kong binelatan pa ako. “Pasmado talaga ang bibig ng pinsan kong yan,” padabog akong umupo sa tabi ni Joy na abala na lang na naglalaro sa kanyang cellphone. “Huwag ka ng mapikon sa sinabi niya at pa expired na rin naman ako,” saad ni Joy kaya natawa na lang kami pareho. Hindi na nga lang ako tumutol sa biglaang kasiyahan sa lugar namin. Napagmasdan ko na lang si tatay na nakikipagkwentuhan pa rin sa mga bisita namin lalo na kay Baron. Gusto ko ngang lumapit at baka kung ano na ang sinasabi ni Baron sa kanya. Ngunit mukha naman silang komportble sa isa't-isa. Nakatitig lang ako ng biglang tumingin sa akin si Sir Baron at saka ako kinindatan. “Ang walanghiya! Kumindat pa talaga!” protesta ko sa aking isip pero dapat akong maging kalmado. Bawal magungit dahil bisita siya. Nang mag-aalas-otso na ng gabi ay napagpasiyahan na ni Joy na umuwi na dahil nga lumalalim na ang gabi. “Tay Enrico, uwi na muna po ako,” paalam na ni Joy kay Tatay at siyempre pinipigilan siya nito. Ang kaso ay mga papeles sa bahay ni Joy na dapat niyang dalhin bukas sa kumpanya. “Sabay ka na sa akin, Miss Joy,” alok ni Sir Agaton na inubos na ang laman ng baso niya. Pero mukha namang hindi lasing si Sir Agaton kaya naman kaya niya pa rin na magmaneho. Gusto ko nga sanang tanungin si Sir Baron kung hindi pa rin ba siya sasabay sa pag-uwi ngunit mukhang wala pa rin siyang balak na umalis. Pero tumayo rin siya at sinamahan akong ihatid sina sir Agaton at Joy sa labasan. “Ingat Joy, ingat din sa pagmamaneho, sir.” Bilin ko sa aming boss at saka na bumusina bilang pamamaalam ulit. “Masaya pala dito sainyo, Miss Erica,” wika ni Baron at sabay na nga kaming naglalakad pabalik sa amin. “Erica, siya na ba ang namamanhikan sa inyo ngayon?” tanong ni Aling Ata na siyang nagmamay-ari ng pinakamalaking tindahan sa lugar namin. Namamanhikan? Tama ba iyong narinig ko? “Ay hindi ho. Dinalaw lang po nila ang tatay ko na nabalitaan nilang umuwi na galing ospital.” Ang sagot ko. “Ay bakit sabi ni Keng-keng ay may namamanhikan na sa inyo kaya nga kay haba ng pila ng inuman?” Masasabunutan talaga ang pinsan ko mamaya kapag natapat ako sa lamesa niya. Si Baron naman ay panay ngiti sa mga taong nakakasalubong sa namin. Akala mo naman ay closed talaga niya. “Paano ba niyan, miss Erica. Namanhikan na pala ako sa pamilya mo lalo na kay Tatay Enrico, tuloy na pala ang kasal natin, “ tudyo tuloy sa akin ni Baron dahil sa narinig. Dalahira talaga ang pinsan ko. Hindi na ako magtataka na bukas makalawa ay kalat na sa buong lugar namin ang pamamanhika na kwento niya. “Sir Baron, pasalamat ka at bisita ka ng tatay ko. Dahil baka kung ako ang siyang sadya mo ay baka pinalayas na kita kanina pa,” ani ko naman sa kanya na natawa na lamang sa sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD