Nauna ng natulog si tatay dahil hindi siya pwedeng mapuyat dahil nga kalalabas lang ng ospital.
Ako naman ay nakaupo lang sa malit naming sala at hinihintay kung anong oras matatapos ang inuman sa labas lang ng bahay na pasimuno ni Baron.
Mga tao pa talaga na tagarito sa amin ang yayain niya ng inuman gayong mga sanay ang mga tao rito sa magdamagan na inuman dahil nga mga sunog baga
Walang lalaki o babae sa lugar na ito dahil lahat sila ay mga manginginom.
“Ano kayang oras matatapos ang inuman na ito?” inip na inip ko ng tanong dahil pasado alas-dose na ng hatinggabi ay buhay na buhay pa rin ang mga ilang oras ng nag-iinuman.
Hindi sila nauuubusan ng mga alak dahil sponsored lahat ni Baron pati na mga pulutan.
Mabuti pa si Joy kanina pa nakauwi at natutulog na sa kanyang apartment.
Tumayo ako at saka lumabas ulit at baka sakaling makaramdam ng hiya si Baron na kanina ko pa rin naririnig na hindi nauubusan ng energy sa kakatawa.
Kahit walang kwenta ang kwento ay nakikitawa siya na akala mo naman ay matagal niya ng mga kakilala ang mga ka lugar ko.
Tiningnan ako ni Baron at saka ako nginitian.
“Erica, tulog na ba si tatay?” malakas niyang tanong kaya napako ang tingin sa akin ng ibang mga nakarinig na halos mga kamag-anak ko naman.
“Naks! Tatay na agad ang tawag mo, pre! Kung ganun ay tatawagin ka na ba naming bayaw?!” tanong naman ng isa sa mga pinsan kong lalaki rin.
“Ay! Kung si Kuya Baron ang magiging bayaw natin ay walang kahit isang magiging tutol!” kantiyaw pa ng iba ko pang mga pinsan at saka pa nila masayang itinaas ang kanilang mga baso ng alak at sabay-sabay na tumungga.
“Talaga ba? Walang tutol sa inyo?” tanong naman ng namumungay ng mga ng hindi ko inaasahang bisita sa araw na ito.
“Oo naman! At saka, bayaw, ikaw talaga ang pinipili namin dahil wala naman talaga kaming pagpipilian!” kantiyaw pa nga.
Nakakagigil din itong mga kamag-anak ko.
Talaga namang ibinebenta ako ng harapan sa taong ngayon lang naman nila nakilala.
“Mabuti pa kayo ay tanggap ako. Ito kasing si Miss Erica ayaw maniwala sa mga sinasabi kong pakakasalan ko siya!”
Nanlaki na naman ang mata ko dahil sa sinabi ni Baron.
Binanggit na naman niya ang tungkol sa kasal na sinasabi niya.
“Naku! Mukhang lasing na itong si sir Baron at anu-ano na ang mga pinagsasabi,” sabi ko na lang at saka umupo ako sa bakanteng bangko kung saan nakaupo si tatay kanina.
“Sinong lasing? Ako, malalasing? Kahit magdamag pa kaming mag-inuman ay hindi ako malalasing!” malakas na naman niyang sagot sa akin.
Mabuti na lang at sanay ang mga tao rito sa ingay kahit dis-oras na ng gabi kaya hindi uso ang nagrereklamo.
Paano rin naman kasi na may magrereklamo kung mga kamag-anak ko silang lahat?
At paano rin kami pupuntahan ng mga barangay officials kung mga kamag-anak ko rin ang kapitan hanggang sa kanyang tanod.
“Oonga naman, Erika! Paano mo nasabi na lasing na si Sir Baron kung hanggang ngayon ay tuwid pa rin magsalita!” ano ng pinsan kong si Kengkeng na hanggang ngayon pala ay nakaupo pa rin sa inuman.
“Sandali nga lang, sir Baron? Ikaw ba ay hindi nagbibiro patungkol sa sinasabi mong pakakasalan mo itong pamangkin kong si Erica?” tanong ng isa sa mga tiyuhin ko na nakakabatang kapatid ni Tatay.
“Alam ko kasi Sir Baron, ang pamilya namin ay hindi mahilig sa biruan. Ayaw namin ng hindi lalaki at hindi tao kausap. Kapags sinabi dapat at sinabi!” tila pagbabanta naman ng isa ko pang tiyuhin na mas matanda naman sa tatay ko.
Paanong hindi ko magiging kamag-anak ang halos lahat ng mga tao rito sa lugar namin kung sina tatay ay labing-limang magkakapatid. Sa labing-lima na iyon ay si tatay lang ang may nag-iisang anak at ang mga kapatid niya ay hindi na bababa sa lima ang mga naging anak.
Kaya talagang maraming kaming lahat dito kaya masaya lalo na kung may okasyon at mga araw na ganito.
Tumayo si Baron at humarap sa mga tiyuhin ko at saka nagmano.
“Ano po ba ang itatawag ko sa inyo? Tito, tiyo, tsong, uncle?” magalang niyang tanong.
“Tsong na lang, pamangkin.” Sagot ng isa sa kanila.
“Tsong, kung papayag nga lang si Erica ay pakakasalan ko na siya sa lalong madaling panahon.”
Napasimangot na lang ako sa sinabi ni Baron.
Tama ang mga tiyuhin ko tungkol sa kanilang tinuran.
Masayahin ang buong pamilya ko at mapagiro. Ngunit pagdating sa seryosong usapan gaya nga ng kasal.
Kaya nakakabuwisit talaga itong si Baron sa kung anong mga sinasabi niya.
“Kung kami lang ay buong puso kaming papayag na magpakasal kayo dahil kahit ngayon ka pa lang namin nakita at nakasama ay ramdam na naming mabuti kang tao. At saka, iyong kapatid ko. Iyong tatay ni Erica, ay hindi basta nag e-entertaing ng manliligaw ng anak niya yon. Pero ikaw ay abot pa hanggang tainga ang kanyang ngiti. Kaya nga napaupo na rin kami rito ay para makaliskisan ka na.” Pahayag ng tiyuhin ko.
Si tatay talaga ay hindi magiliw sa mga lalaking nagpupunta rito para umakyat ng ligaw sa akin. Hinaharap niya at kinakausap pero hindi siya ganun kasaya na makipagkwentuhan.
“Tsong, lasing lang ho iyang si Sir Baron kaya ganyan. Maniwala kayo na bukas hindi niya na alam mga pinagsasabi niya ngayon,” singit ko na naman sa kwentuhan.
“Huwag ka na munang magsalita, Erica. Hayaan mong kausapin na muna namin itong mapapangasawa mo,” ang pagpigil sa pagsasalita ko ng aking tiyuhin.
“Manahimik ka na muna, Erica. Kami na muna ang bahala rito kay Sir Baron,” sabi rin ng isa sa mga pinsan ko.
At saka na nga parang nagkaroon ng isang pagpupulong habang kinakausap na nga nila si Sir Baron.
Isa-isang nagtatanong ang mga kamag-anak ko sa personal na buhay ni Baron na walang patumangga naman nitong sinasagot.
Buong pangalan, ilang taon, kung nakapag-aral ba at ano ang natapos.
“Sir Baron, itong tanong ko ay baka pag-isapan mo na mukha kaming pera pero gusto lang namin malaman kung anong trabaho o pinagkakakitaan mo at kaya mong magpa-inom ng ganito karaming tao?” tanong naman ng pinsan kong lalaki.
“Well may mga shares ako sa iba't-ibang mga negosyo ng mga mapagkakatiwalaan kong mga kaibigan gaya nga ni Agaton. Iyong kasama ko na dumating kanina. May mga sarili rin naman akong negosyo na pinagkakakitaan pero maliban pa sa mga nabanggit ko ay ang malakas na magpasok sa akin ng pera ay kapag napatay ko ang mga taong may malaking patong ng pera sa kanilang ulo. Pero, hindi naman ako basta-basta pumapatay. Pinipili ko rin ang mga dapat kong burahin sa mundo kapalit ng malaking halaga.”
Hindi ako makapaniwala na talagang pati ang isang pribadong buhay ni Baron ay sinasabi niya sa mga kamag-anak ko.
Wari namang tumahimik ang lahat sa kanilang mga narinig.
Hindi ko alam kung iniisip na nilang lasing na nga si Baron o kung naniniwala sia sa mga sinabi nito.
“Kung ganun ay isa ka pa lang mamamatay tao?” tanong ng tiyuhin kong siyang kausap ni Baron.
Tumango naman siya.
“Opo, mamamatay tao ako hindi lang dito sa bansa natin. Mas malaki kasi ang pera sa ibang bansa kaya mas gusto kong nagtatrabaho sa labas. Pero medyo lie low na rin ako ngayon. Nakakapagod na rin kasi.”
Gusto kong matawa dahil halos lahat talaga ng mga naririto ay nakatingin kay Baron at mataman na nakikinig.
Alam kong totoo ang mga sinasabi ni Baron dahil kaibihan niya si Sir Dark Lee at Sir Agaton.
“Wow! Ibig sabihin nakalibot ka na ng ibang bansa, sir?” tila pa manghang-mangha na tanong ng isa naman sa mga lalaki kong pamangkin sa pinsan.
Tumango si Baron.
“Sir Baron, mabuti ay sinasabi mo sa amin ang isang maselan na bahagi ng pagtao mo?” tanong ni Kuya Sadam.
“Kailangan kong sabihin para alam niyo na at saka ikakasal na kami ni Erica kaya makakasama na ako sa pamilyo niyo.”
Pumalakpak ang pamangking kong lalaki na nagtanong kanina.
“Grabe, sir. Kabilan ka ba sa mga mafia? Iyong may mga grupo na naglalaban sa mga korean movie?”
“Ganun na nga, boy. Pero huwag mo akong tutularan.” Payo pa ni Baron.
“Kung ganyan na nagtapat ka na lahat sa amin ay makakaasa ka na boto kaming lahat para mapangasawa ng pinakamasungit kong pamangkin.” At saka pa nakipag shakehands ang tiyuhin ko kay Baron.
At talagang ang lahat ay nakipag shakehands pa. Kanya-kanyang pagyakap at pag-welcome pa kay Baron.
Anong akala naman nila?
Magpapakasal ako sa Baron burdadong yan.
Bahala siya kung sinabi niya sa mga kamag-anak ko ang pagiging miyembro niya ng mafia.
Akala ko ay matatakot na ang mga kamag-anak ko pero heto at balik inuman na naman sila.
“Paano ba yan pasado ako sa mga kamag-anak mo lalo na kay tatay Enrico, kaya pakasal na tayo, Erica.”
Nginisian ko si Baron sa kanyang sinabi.
“Kung makaaya ka ng kasal ay parang bibili ka sa tindahan, ano? Pasalamat ka at nakaharap ang buong pamiya ko dahil kung hindi ay kanina pa kita kinaladkad palabas ng lugar na ito,” mahina ngunit madiin kong pananalita.
“Napakalambing mo talaga, babe kaya naman love kita.” Pambobola pa ni Baron.
Halos alas-tres na ng madaling-araw natapos ang inuman.
Halos manlupaypay na ang iba sa sobrang kalasingan ngunit si Baron ay napakatibay pa rin.
“Sir, sa loob ka na para makahiga ka na. Kung kaya mo pang maghilamos at magpalit ng damit ay may nakahanda ng damit,” wika ko sa kanya.
Naglatag ako sa sala at doon ko na lang siya patutulugin. Hindi siya kasya sa kama ko dahil napakalaki niyang tao.
“Okay, babe. Kung pinapatulog mo na ako ay matutulog na ako.” Susuray-suray pa siyang naglakad na kaya naman inalayayan ko.
“Ang sweet naman ng babe ko at binabantayan ako,” aniya sa akin at saka ako inakbayan.
“Sir, hindi mo ako babe.” Kontra ko pero natawa lang si Baron.
“Hindi mo ko babe kasi asawa mo ako?” tanong niya pa pero hindi ko na lang inintindi pa.
Kahit hirap akong alalayan ay nakarating naman kami sa sala at doon ko na nga siya diniretso sa nakalatag na kutson.
“Sir, hayun ang cr kung sakaling na iihi ka, ha? Heto ang pamalit mo kung maisipan mong magpalit,” turo ko pa sa direksyon ng maliit naming cr na ewan ko kung magkakasya siya.
Tangka na sana akong tatayo ng kabigin ako ni Baron.
Nasubsob tuloy ako sa malapad at matigas niyang dibdib.
Lagi namang mabango si Baron kahit nakakairita ang mukha niya sa tuwing magkikita kami.
“Sir, hindi ako unan para yakapin niyo, ano? Matulog na kayo at matutulog na rin ako,” saad ko pa.
“Saan ka pupunta?” tanong niya ngunit nakapikit naman ang mga mata.
“Diba mag-asawa tayo? Dapat mag-asawahan tayo,” dagdag niya ang sabi kaya nagulat ako.
Eskadaloso talaga ang bunganga niya kaya naman kumuha ako ng unan at gigil na itinakip sa mukha niya. Handa talaga akong maging kriminal kung si Baron ang papatayin ko kahit wala pa akonv pabuya na matanggap.
“Asawahin mo mukha mo!” gigil na gigil talaga ako.