“Kailangan na maging sweet na sweet tayo sa harap ng Lola ko. Kaya dapat ngayon pa lang ay may mag-practice na tayong dalawa.” Sabay tangkang paghawak sa kamay ko ni Baron pero mabilis ko siyang siniko. “Aray! Ang lakas nun, ha! Paano maniniwala si Lola na mag-asawa tayo kung ganyan mo naman ako saktan!” reklamo ni Baron pero alam kong masyado lang siyang oa sa sinasabi niya. “Alam mo ikaw, kahit gusto kitang galangin ay hindi ko talaga magawa dahil masyadong balahura ang lumalabas sa bibig mo lalo na ang kilos mo!” gigil kong sabi sa kanya. Hindi ko na talaga matiis ang magpanggap pa na mabait at magalang sa harap kay Baron. “Wow! Mas gusto ko yan! Iyong hindi walang magalang! Mas nakaka-excite kaya ang mga ganyang tipo, babe!” masigla niyang sabi na para bang mas nasabik pa sa mga su