Nakahinga talaga ako ng maayos ng makausap ko na si Lola Del. Masayahin at palabiro siya sa kabila ng kanyang edad. “Noong una ay hindi ako makapaniwala na nag-asawa na talaga itong apo kong si Baron, Erica. Akala ko ay nakikigaya sa mga nagpa-pranka na nauuso ngayon sa social media. Panay pa ang send niya sa akin ng mga stolen shot mo sa kumpanya ni Agaton. Pero ngayon na nakaharap na kita ay hindi ko talaga masasabing prank lang.” Stolen shots? Nakakagigil talaga si Baron! Kinukuhanan na na pala niya ako na pala ako ng mga larawan ay hindi ko pa alam. “Sisingilin ko siya sa ginawa niya!” asik ko sa aking isip. “Matagal na ba kayong magkakilala nitong apo ko, iha? Sabi niya ay hindi mo raw siya tinantanan simula noong una kayong magkita. Totoo ba iyon? Lagi ka raw nagpapansin sa k