“Sir, nasaan na ang tatay ko? Ilabas mo na siya dahil kailangan na naming umuwi.” Ma-awtoridad kong utos kay Baron ng makarating na ako sa lugar kung saan sinabi niyang puntahan ko siya. Ngunit ngumisi lang siya ng makita niya ako. Kung ako ay sobra ng nag-aalala, si sir Baron ay parang wala namang inaalala kahit isang malaking kasalanans sa batas ng tao ang ginawa niya. “Babe, hindi ba dapat yakapin at halikan mo muna?” aniya sa akin na animo talaga ay nakikipagbiruan ako sa kanya. “Sir, ano bang trip mo at bakit na sa lahat ng pwede mong isa ay ako ang naisip mo? Seryoso ako, sir. Isauli mo ang tatay ko at kalilimutan ko ang pagkainis ko sayo,” saad ko pa. Ngunit may kinuha siyang papel at ballpen sa ibabaw ng lamesa na malapit sa kanya. “Here, read it and sign it.” Kunot-noo nama