“Ang galing mo talagang manamantala ano?! Kaya wala talaga akong katiwa-tiwala sa mga sinasabi mo na magpapanggap lang tayo sa harap ni Lola Bebe. Ang gusto mo talaga ay manamantala!” gigil kong sambit kay Baron. Nang matapos ang tanghalian ay nagpaalam mo muna si Lola Bebe na magsisiesta muna raw sa kanyang silid. Kaya naman wala akong magawa kung hindi ang magpunta sa kwarto na gamit ni Baron para na rin magpahinga. Hindi naman ako makakapagreklamo lalo pa at alam ng mga tao sa bahay na ito ay mag-asawa kaming dalawa. “Galit ka na naman. Hindi ka pa nga buntis ay grabe ka na mang-away. Paano kung buntis ka na talaga? Baka talagang kada araw ay may iba't-ibang pasa ako sa katawan,” saad ni Baron na pahitamad na nahiga na sa isang malaki at malapad na kama. “Uy! Bakit nariyan ka? Huma