“Kuya Sadam, nasaan si tatay? Wala siya sa loob ng bahay namin kaya. May pinuntahan ba? ” tanong ko sa pinsan ko dahil kahit saang sulok ng bahay namin ay wala kahit anino ni Tatay. Kauuwi ko lang galing sa trabaho at talagang una kong hahanapin ay ang tatay ko. “Kasama ni Baron, ha. Nagpunta siya kaninang tanghali rito at kay rami pa ngang pasalubong. Tapos nagpaalam pa sa amin na isasama muna si Tsong.” Ang sagot sa akin ng pinsan ko. Si Baron na naman? Bakit na nagpunta na naman siya rito at bakit kasama na naman niya ang tatay ko. “Ha? Saan daw sila nagpunta?” nagtataka kong tanong dahil hindi naman gawin ng tatay ko ang umalis ng bahay ng hindi ko alam. At saka, hindi sasama ang tatay na wala ako dahil nga nakalimita na ang mga kaya niyang gawin at mahihiya iyon na mag-utos. “Ba