Episode 3

1565 Words
“Tay, bakit po ang lungkot na naman ng mukha niyo? Hindi na naman ba nanalo ang ginebra sa naging laro nila sa pba kagabi?” untag ko kay tatay ng makitang nakaupo sa harap ng bintana ng bahay ay nakatanaw ng parang wala naman pakialam sa kung sinong dumadaan. Paborito niya ang team ng ginebra san miguel sa pba. Kapag nga kasama niya akong nanunuod ay panay ang sigaw niya na may kasama pang bad words lalo na kapag lamang ang kalaban ng paborito niyang kuponan. Katwiran niya na talagang ganun daw ang mga taong na stroke na pero hindi. Talagang palamura si tatay basta kapag nanunuod ng basketball at naglalaro na ang team ng ginebra. Ewan ko kung anong meron sa kuponan ng ginebra at gustong-gusto niya. “Wala lang,” sagot niya at saka humihop ng mainit na gatas na tinimpla ko para sa kanya. Naghahanda na ako para pumasok sa trabaho at hinahanda ko na muna sa lamesa ang mga gamot at vitamins niya. Ang pagkain niya nailuto ko na rin “Wala lang? Bakit parang nalugi kayo? Huwag niyong sabihin na natalo kayo sa ending? Sabi ko naman sa inyo na sa halip na tumataya-taya kayo sa ending na yan ay ipunin niyo na lang ang mga ibinibigay ko para magkaroon kaya ng maraming pera. Malay niyo kapag nalaman ng magagandang chika babe na marami pala kayong pera ay sila pa ang magpunta rito para magpapansin sa inyo,” biro ko pa. Malapit ng mag senior ang edad ni tatay pero hindi naman halata sa kanyang mukha. Kung hindi nga lang siya na stroke ay baka nasa costruction area pa rin siya at nagbubuhat ng mga hallow blocks. “Dyaske kang bata ka! Kung anu-anong mga pinagsasabi mo. Kahit maging mayaman ako at pumila sa harap nating ang lahat ng magaganda at sexy na mga babae ay hinding-hindi ako matutukso na tingnan sila lalo na ang hawakan. Nanay mo lang ang talaga ang nasw puso ko at hindi siya mapapalitan ng kahit na sino!” mataas na ang boses ni tatay ng magsalita. Alam na alam ko talagang inisin si tatay at kuhang-kuha ko naman talaga ang inis niya lalo pa at ako mismong anak niya ang nagsasabi na pwede naman siyang tumingin sa ibang mga babae at pwede pa siyang mag-asawa kung gugustuhin niya. Siyempre biro lang din yon. Alam ko naman na abot langit ang pagmamahal ng tatay ko sa yumao kong nanay. Kaya siguro malungkot si tatay ngayon ay dahil malapit na ang anniversary ng kasal nila ni nanay. “Kung bakit naman kasi nabuhay pa ako ng atakihin ako? Sana nastuluyan na lang akong mamatay noong araw na iyon ay matagal na kaming magkasama ng nanay mo sa kabilang buhay.” Himutok ng tatay ko. Ganito talaga ang sinasabi niya kapag tinatamaan ng kalungkutan sa pagkawala ng nanay ko. Nagtulong naman kami ni tatay para maisalba ang buhay ni nanay nguniy ganun na talaga ang kapalaran ni nanay. Kapalaran niya ng agawin sa amin ng kamatayan kahit ang lahat ng makakaya namung gawin ay ginawa na namin ni tatay. Kaya nga kami nabaon sa utang ay para gumaling si nanay ngunit sadyang wala na talaga. Pagkatapos mailibing si nanay ay bumalik sa trabaho si tatay bilang mason sa isang company na matagal na siyang nagta-trabaho ngunit biglang nagsara ang kumpanyang iyon na naging sanhi kung bakit inatake si tatay at nagresulta ng kanyang pagkaka-stroke. Buong buhay niya kasi ay naroon na siya ngunit bigla na lang itong nagsara at kahit piso ay wala silang natanggap. Hanggang ngayon ay wala na silang naging balita sa kung anong nangyari sa kumpanyang iyon. Napakasakit kay tatay na mawalan ng asawa tapos ay dumagdag pa ang mahal niyang trabaho kaya hindi nakayanan ng katawan niya. Hanggang ngayon nga ay nakikibalita ako sa kumpanyang iyon pero wala akong makuhang impormasyon kung nasaan na ang nagmamay-ari at anong nangyari. May mga bulungan noon na nalulong daw sa sugal ang may-ari at nabaon sa utang. At kaya nagtago na lang ay dahil sa pagbabanta sa kanyang buhay ng kanyang mga pinagkakautangan. Ang sabi naman ng iba ay dinukot at pinatay na ang nagmamay-ari ng kumpanya kaya nga bigla na lang itong nawala na kahit ang kanyang sariling pamilya ay hindi alam kung saan itinapon o binaon ang katawan ng kanilang kaanak. Nakakatakot talaga ang panahon. Kapag nagkaroon ka ng atraso ay bigla ka na lang ipapatay lalo pa at kapag hindi mo kayang bayaran. Para bang wala ng takot ang iba sa pagpatay ng kanilang kapwa. “Tay, isipin niyo kung namatay din kayo noong araw na iyon ay paano na lang ako? Wala na rin akong tatay na pagagalitan kapag matigas ang ulo na ayaw uminom ng mga gamot? Sino na lang ang pagsisilbihan ko? Para kanino pa ako babangon kung maging kayo ay iniwan na ako?” kunwari ay sumbat ko. “At saka, kung nawala kayo noon, hindi na kayo makakapanood ng ginebra. Wala na silang number one fan kung na tege na kayo noomg atakihin kayo.” Buska ko pa kay tatay. “Iyon nga! Kung bakit iniwan ako ng nanay mo. Ako na lang tuloy ang nangungunsumi sa mga kalokohan mo. Kita mo nga, nirereto mo ako sa mga kung sinong babae na kilala mong walang asawa. Sinong matinong anak ang Irereto ang sariling tatay sa ibang babae. Hindi na bale sana kung kay gaganda ng mga nirereto mo. Kung hindi iginuhit ang mga kilay ay kay puputi ng mukha na parang isinubson sa espasol samantalang leeg ay kay iitim!” Napahagalpak na lang ako ng tawa sa mga sinabi ng tatay ko. “Tumatawa ka pa talagang bata ka! Tinatawanan mo na lang ako! Sa halip na ako ang hanapan mo ng asawa ay bakit hindi ikaw ang maghanap ng asawa para tantanan mo na ako!” sermon pa ng tatay ko. “Sino naman po ang magiging asawa ko? Lahat ng mga kalalakihan diyan sa labasan ay walang peramanenteng trabaho, asa sa mga magulang kahit katatanda na. May mga bisyo. May mga tattoo na akala mo naman talaga ay mga bagay sa kanila. Kaya okay na po ako, tay. Nahanda ko na ang sarili ko na maging matandang dalaga kaysa naman mangunsumi pa ako kapag nag-asawa pa ako. Tama na kayong sakit sa ulo ko,” saad ko pa kay tatay na matagal na talaga akong pinagtutulakan na mag-asawa. Kaya nga siguro wala akong magustuhan na lalaki ay dahil kay tatay na isang mabuting asawa kay nanay. Iba na kasi ang panahon ngayon sa panahon noon. Ngayon ay konting away lang ay sa hiwalayan na agad nauuwi kaya pareho na lang siguro kami ni Joy na tatandang dalaga na lang. “Ako ang maghahanap ng mapapangasawa mo,” ani ni tatay. “Makaalis na nga, tay. Kung diyan lang kayo sa bintana natin maghihintay ng dumaan na lalaki na irereto niyo sa akin ay magmamadre na lang po ako. Ipagdadasal ko na lang ang kaluluwa niyo,” biro ko at saka na inabot ang kanyang kanang palad para magmano at makaalis na ng bahay. Dumaan muna ako sa bahay ng isa sa mga pinsan ko para ibilin na ang makulit kong tatay. Maaga pa naman kaya hindi ko kailangan na magmadali papasok ng trabaho ngunit kailangan ko na rin naman talagang umalis para hindi ako gahulin sa oras. “Erica, date naman tayo,” pagyakag sa akin ng isang lalaking nadaanan ko na nasa harap ng kanilang bahay. “Naku! Maghanap ka na muna ng trabaho bago mo ako yakagin na mag-date,” tuwiran kong pagtanggi. Lakas makapagyaya ng date gayong malabnaw na kape lang yata ang almusal. Halos mga kababata ko naman ang mga narito sa lugar namin kaya kilala na nila ang ugali kong prangka. “Umaga pa lang pero kumpleto na buong araw ko at dumaan na ang isang magandang babae na inaabangan ko talaga,” wika ng isa sl mga kababata ko na kaya hiniwalayan ng asawa ay napakabatugan. “Ako naman kay agang nasira ng buong araw dahil malayo ka naman pero naamoy ko ang mabahong hininga mo. Sepi-sepilyo rin kapag may time. At saka maghilamos ka na rin at may mga muta ka pa,” nakasimangot kong tugon. Ganito lagi ang eksena sa araw-araw kong paglalakad sa maliit na eskinita nitong lugar namin. Masikip na nga ang makipot na daanan ay kung anu-ano pang mga nakakalay sa daan. Mga lamesa na may mga kung anong tinda. Mga bakal na punong-puno na mga damit na nakasampay. At idagdag pa ang mga tambay at tsismosa na kay aga-agang mga nakatambay sa daan. Mga batang pakalat-kalat na at nag-iiyakan pa. Kaya mag-aasawa pa ba ako? “Napakasungit naman talaga nitong si Erica. Akala mo naman ay kung sinong maganda,” sabay irap sa akin ng pinsan kong babae habang kalong ang kanyang maliit na anak na hindi man lang sinuklayan bago sila lumabas ng bahay “Ay! Talagang mas maganda ka sa akin Keng-keng. Biruin mong buwan lang yata ang pagitan ay nanganganak ka!” Sabay naman kaming lahat sa mga ganitong pag-uusap namin. Walang pikunan dahil kilala nila ako na mapag-realtalk talaga. Kaya ayoko na talagang mag-asawa kung magiging kapalaran ko rin ang kapalaran nila. Bahala ng magka-agiw at mabulok ang p********e ko kaysa makadagdag pa sa listahan ng nais makasali sa 4ps at makipag-away dahil hindi nailista ang pangalan sa Tupad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD